Share

Chapter 1

MASAMA ang tingin ko habang kaharal si Kuya West na walang tigil ang kakapilit sakin na hindi sabihin ang nakita. Nalaman ko lang ngayon na uuwi na ang mga magulang niya bukas.

"Nakikinig kaba sa'kin? Alam mo namang papatayin ako ni daddy pag malaman niya yun," hablot nito sa headset ko.

"What's your problem? I'm watching, can't you see? Wala akong pakialam sa mga nangyari at hindi ko problema kung malaman man ni Tito o ni Tita ang mga pinag gagagawa mo. And when Tito beat you up, it's none of my fucking business! Not even my concern."

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko, isang pahiwatig na hindi siya welcome sa kwarto ko.

Napansin kong para siyang may tinatagu sa likod niya na hindi ko na pinakialaman pa. Dahil wala naman akong pakialam sa kanya at mga ginagawa niya.

"This is my house!"

"But this is my room," madiin kong sagot.

"Whatever, nerd."

I showed him my middle finger and kick his ass.

Hindi ko kinakatakutan ang titulo niya bilang anak ng may-ari nitong bahay, hindi siya ang nag patira sakin dito kundi ang mga magulang niya.

'He has no right to kick me dahil anak lang siya, pero favorite ako.'

Pumasok na 'ko ng banyo para maligo, may lakad kami ni Ella ngayon, sasamahan ko siyang bumili ng libro siguro bibili narin ako dahil may contest ng quiz bee next month. Kailangan may laman naman itong maliit kong utak bago lumaban.

Mabilisang ligo lang ang ginawa ko then skin care bago mag lagay ng sunblock and light make up. Binuksan ko ang unang palapag ng aparador para kumuha ng bra at panty.

"Bakit parang kulang itong gamit ko?"

I remembered na hindi lang limang bra at limang panty ang dala ko, may nawawala akong pares non, parang snake skin yung design at mukhang alam ko na kung saan napunta.

Pinulot ko kung ano ang pwede isuot at lumabas sa kwarto. Galit ang mukha at handa ng pumatay ang itsura ko habang kinakatok ng malakas ang kwarto ni Kuya West.

Isang babaeng nakatapis ng twalya ang tumambad sakin, sa braso niya palang kita ko nang bra ko ang suot niya. Mabilis kong binaklas ang twalya niya at nangigigil na tinuro ito.

"How dare you!" sigaw ko sa mukha niya.

"O My God! West! OMG!" matinis na tili nito.

Agad kong hinablot ang buhok niya at hinila siya palabas ng kwarto, lalandi at papakantot siya tapos hindi mag dadala ng bra at panty?! Gago ba siya? Malay ko kung may virus ang p****k nito tapos gagamit ng mga panloob ko?!

"What the fuck are you doing?! Let go of her, you brat!"

Binitawan ko naman ang babae kagaya ng sabi nito.

"Gago kaba?! She's wearing my fucking bra at siya pa ang galit?! My God?! She's also wearing my panty!" duro ko.

"Hoy babae! Pulubi kaba para hindi ka makabili ng sarili mong panty?! Kingina! Gamit ko yan at may pangalan ko pa diyan, di kaba nahihiya?!"

Narinig ko ang bulongan ng mga kasambahay habang nakatingin samin.

"Shut up!"

"No! You shut up! Palalampasin ko ang nakita ko kagabi pero ito?! Ang pakialaman ang gamit ko?!" pinilit kong kumalma bago naiinis silang nginisihan." Makakarating kay tita at tito itong ginagawa mo."

Nanlaki at gulat na tumingin ang babae kay Kuya West na galit naman na nakatingin sakin. Wag mo kong samaan ng tingin kung ayaw mong dukutin ko 'yang mga mata mo!

"Wala kang karapatang gawin yan!"

"Kanina wala pero ngayon meron na, your whore is wearing my things. Pwede mong kunin ang lahat ng bagay sa kwarto ko maliban nalang sa damit, libro, phone, at lalo na ang panty at bra ko!"

"I can buy you those fucking things!"

"No need! May pera ako! Ang dapat na bilhan mo yang mga babaeng k********t mo! Palibhasa makakati ang puke kaya papakalmot kahit kanino!"

Call me rude, bad mouthed, or no filter person pero nasasabi ko talaga lahat lalo na pag galit at wala sa tama ang higpit ng turnilyo sa utak ko.

Nanlilisik ang matang lumapit sakin si Kuya West bago mahigpit na hinila ang braso ko.

"Do you think i'll let you do that?" mas lalo lang humigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko.

"Do you think i'll let you stop me? Ulol!"

Shit! Ang sakit ng braso ko, feeling ko anytime babakat ang kuku niya or matatanggal ang braso ko tapos lilipad sa ere kapag nag agawan kami.

"Don't try me, hindi mo alam ang kaya kong gawin lalo na sa'yo, Doll. Hindi mo pa nakikita ang totoong ugali ko kahit halos sabay tayong lumaki, bukod sa nakikitira ka dito sa pamamahay namin wala ka ng ibang papel kundi ang makitira sakin."

"Sa'yo na 'tong bahay mo. Itong bahay ba ang pinag mamalaki mo? Pwede ba! Bitawan mo ang braso!" piglas ko. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang hinahawakan ako ng maduming tao."

Tinulak ko si Kuya West at lumapit sa babae niya. Malakas kong hinila ang bra ko na kahit mapunit iyon wala na kong pakialam basta matanggal lang sa katawan niya.

"Sa'yo na 'yang panty ko tutal mukha ka namang belat ng ahas," malamig kong wika.

Mabilis niyang tinabunan ang kanyang mga dib-diba bago nanghihingi ng tulong na tumingin kay kuya West.

"Ito na ang pinakahuling aapak ako sa bahay na 'to ng mag-isa. Nakakasuka ka at nakakahiya, pag itong bahay hindi mo nilunok, sasabihin ko sa mga magulang mo ang lahat ng ginagawa mo pag-umaalis sila."

Bumaling ako sa mga katulong at matamis na nginitian ang mga ito.

"Ate pakisuyo naman po, yung mga gamit ko pakiayos tatawagan ko lang si Ella para sunduin ako."

"Yes ma'am."

Nauna akong nag lakad at nasalikod ko naman si Ateng kasambahay, ako na ang nag labas ng mga maletang lalagyan bago pumuntang bintana para tawagan si Ella.

[Call]

["Hello? Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo, otw kana ba?"]

"Hi madam. Pwede mo ba kong sunduin ngayon? Please? Uuwi na kasi ako at wala akong masakyan."

["Don't tell me nag-away na naman kayo ni West?"]

"Then i won't tell you,"

["Sunduin kita ng makwento mo sakin lahat ng ginawa ng pinsan ko sayo."]

[Call Ended]

Hindi pa ko nakakasagot ng ibaba nito ang tawag ko. Si Ella ang pinsan ni kuya West sa mother side, anak siya ni Tita Jhellian na kapatid ni Tita Eden.

Para sa'kin mas maganda ang ugali ni Ella kahit masama ang ugali ng mommy niya, siguro namana ni Ella ang ugali sa ama nitong lagi lang mahinahon at magaling makipag usap sa ibang tao.

*BEEEPP!! BEEEPP!!*

'Ang bilis naman ng babaeng 'to, flash yarn?'

Mabilis kong dinungaw ang salamin at nakita kong bumaba si Ella doon na purong itim ang suot at naka-high ponytail ang tali ng buhok.

'She's freaking hot and fucking cool!'

"Where is West?!"

Lumabas ako ng kwarto na hila-hila ang dalawang maleta ko habang hawak ng kasambahay ang dalawa ko pang maleta. Kahit hindi madami ang damit na dala ko subrang dami naman ng libro kaya iyon ang laman ng ibang maleta.

"How's my girl?" she ask.

"Living hell," i pouted.

Natawa naman kami pareho bago marinig ang ingay at sagutan sa kwarto ni Kuya West.

"It's not my fault! Kung hindi mo sana pinahiram sakin ang gamit ng babaeng yun hindi siya mag susumbong!" matinis na sigaw ng babae sa kwarto ni Kuya West.

"Sino yun?" malditang tanong ni Ella.

"Whore," tipid kong sagot.

"Get out of my room! Now!" boses ni Kuya West yun.

'Real quick, after ng sarap ito iyakan agad. 'Yan kasi binukaka ba naman ang hita nang hindi nag iisip! '

Bumaba ang babae na umiiyak habang masama ang tingin sa'kin. Ang kapal naman ng make up niya para tarayan ako ng ganyan, siya na nga ang may kasalanan siya pa ngayon ang galit.

"Wag mo kong tarayan kung ayaw mong kaladkarin kitang babae ka," pinanlakihan ko pa ito ng mata.

"Ganon na pala ang taste ni West ngayon?" takang bulong ni Ella sa tabi ko.

"Matagal ng ganon ang gusto ng lalaking yun."

"Akala ko before parang mga Maria Clara ang bet niya."

"Maria Clara a****a," ngisi ko.

Nag kibit balikat nalang siya bago tulongan akong ilabas ang mga maleta ko at isakay sa car niya. Ang cool talaga ng babaeng to, maganda na nga ang sense of fasion, maganda din ang sasakyan. Gago nalang ang mag che-cheat sa kan'ya para sa ibang babae.

"Saan tayo ngayon?" tanong nito. "Sa bahay niyo para naman may peace of mind ka?"

"Piece of shits lang ang meron sa bahay."

Sabay pa kaming natawa dahil kahit siya, nararamdaman niya rin yun sa sariling bahay nila.

Walang tao sa bahay ngayon dahil lagi namang ganon, kung hindi pa 'ko uuwi hindi mag kakaro'n ng buhay ang bahay na 'yun. Laging busy sa modeling si Mommy habang busy naman sa painting si Daddy, minsan lang kung umuwi at hindi nga nakakapunta sa mga contest ko e, through video call lang nila ako binabati.

Minsan naririnig ko pa kay Mommy na pagud na daw siya sa modeling pero iyon ang pangarap niya kaya kahit pagud, push parin.

Tuwing tumatawag sila puro rants nila ang naririnig ko, hindi man lang tinatanong kung kumusta ako o may mali ba sakin, kung nag kasakit ba 'ko sa buong year or month na hindi sila umuwi.

Nakakasawa narin mag expect na dadating sila sa mga oras na kailangan ko sila, mabuti nalang talaga na nandiyan ang bestfriend ni Daddy na si Tito Wayne at si Tita Eden na laging sumusuporta sakin, sayang nga lang dahil may sinabi akong naging dahilan kung bakit hindi ko na sila mapupuntahan pa ng ganon lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status