"Bess.. Saglit, antayin mo ako."
Dinig kong sigaw ni Kelly habang tumatakbo ito sa hallway papalapit sa'kin.Pinag tinginan agad ito ng mga ka school mate namin na naka tambay din sa gilid ng hallway.Paano naman kasi.. itong beshy ko, may nakalagay na nga na SILENT kung makasigaw pa eh, daig pa ang nasa tuktok ng bundok."Oh makatingin kayo sa'kin? Kayo ba ang bespren ko?" Pabalang na tanong nya sa mga babaeng masama ang tingin sa kanya.
Napa ngiti na lamang ako. M*****a eh."Ang ingay mo." Kunwari ay naiiritang saway ko sa kanya.
Agad naman itong yumakap sa braso ko ng makalapit na ito sa'kin.Hinihingal pa."Ang binge mo kasi. Kanina pa kita tinatawag sa gate palang."
"Bakit ba kasi?" Tanong ko.
"May assignment ka?" Pabulong pang tanong nito sa'kin.
"Ayon! Sabi ko na nga ba eh. Alam ko na 'yang mga galawan mo. Bakit hindi ka gumawa?" Pag tataray na tanong ko pa dito at nag patiuna nang nag lakad.
"Ano kasi--may despededa sa bahay kagabi kaya hindi ako nakagawa. Alam mo naman na paalis si ate papuntang Japan. Pa kopya ako ha hehe." Pag lalambing pang saad nito sa'kin.
Hayy nako!
Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan. Never akong mag papakopya sa mga assignments ko.Hindi ko kasi ugali ang ganon.Ikaw ang nag pakahirap para mag sagot doon tapos makikikopya lang sila."Oh ito na. Bilisan mo habang wala pa si sir. Mamaya nyan mahuli ka pa." Kunwari ay na iinis na ibinigay ko sa kanya ang yellow shit ko.
"I love you bess hehe. Maaasahan ka talaga." Aniya at mabilis na kinuha ang papel sa kamay ko.
Agad naman akong umupo sa pwesto ko ng makapasok na kami sa class room.
Maya maya kasi alam ko nandyan na si Mr. Diano ang English professor namin.Medyo istrikto pa naman 'yon."Bess ito oh! salamat." Bulong sa'kin ni Kelly ng iabot nya na sa'kin ang papel ko. Sakto naman syang pasok ng prof namin.
"Good morning every one."
"Good morning prof." Matamlay na bati nong iba.
Lunes kasi ngayon kaya ayan tamlay pa ang iba. Mga mukhang kinulang parin sa long weekend nila. Samantalang ako, puro trabaho sa buong bakasyon namin."So, how's the long weekend?" Tanong ng medyo silahis na professor namin.
"Bitin po."
"Boring."
"Sulit po."
Kanya kanyang sagot ang mga kaklase namin.
Buti pa sila."Good to hear that. So, before we start our discussion for today, let me tell you an important announcement. Since this is your last semestral year here in your Alma Mater, may napili na sa wakas kung sino ang running for Cum Laude. And she deserves it tho- masipag naman syang mag aral alam na'tin lahat 'yon." Agad namang umugong ang bulong bulungan ng mga kaklase ko. Kanya kanyang hula kung sino ang running for Cum Laude.
"Congratulations to Ms. Devee Oliveros." Masayang saad ni Mr. Diano at binalingan pa ako.
Halos hindi pa ako makagalaw sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalan ko na binanggit nya.Ako?
Running for Cum Laude?God, is this for real?Nag bunga ang buong apat na taong pag susunog ko ng kilay.Kahit kulang ng tulog at puro pagod dahil sa pag aaral at trabaho ko.Worth it naman pala sa dulo."Wow bess.. Cum Laude ka. Congrats." Bati sa'kin ni Kelly na nasa tabi ko.
"Oy, congrats Devee. Deserved mo talaga 'yon." Bati sa'kin ng mga kaklase ko.
Halos mapunit na din ang mga labi ko kakangiti.
Hindi ko lang kasi lubos na inaasahan ang pangyayaring ito.Para kasi sa'kin.. okay lang makapag tapos ng college without any awards, basta ang importante ay okay ang mga grades ko, okay lahat ng subjects ko at wala na akong babalikan na subjects in case na hindi ako pumasa.Ang bait talaga ni Papa God!
Akalain mo 'yon, nakuha ko pa ang award na 'yon samantalang isa akong nahihirapan na scholar/working student since first year college pa ako.Naniniwala na talaga ako sa kasabihang.. Pag may tiyaga, may nilaga.
Sa buong apat na taon ko ba namang nag titiis at nag titiyaga. Kahit walang maayos na tulog. Pagod galing sa trabaho. Gutom. At walang pamasahe kung minsan pag papasok ako sa school. Pero, tignan mo ano ang naging resulta sa'kin?
"Ang galing galing mo talaga bess.. Congrats uli." Anang Kelly na kagaya ko hindi parin makapaniwala.
Saksi din kasi ang isang 'to sa lahat ng mga pinag daanan ko dito sa school.Tho-- isa ako sa mga scholar sa eskwelahan namin, mahirap parin para sa'kin lalo pa at hindi naman buong tuition ay libre. Bali may one forth sa tuition fee na ako ang mag babayad. Isama pa ang allowance ko every day.Ang pag kain ko sa araw araw at ang renta ko sa bahay na tinitirhan ko ngayon.Independent kasi ako since wala na ang parents ko 5 years ago."You deserved it Ms. Oliveros. Congrats again." Anang Mr. Diano.
"Salamat po prof." Naka ngiting sagot ko dito.
Hayy!
Ang sarap lang sa pakiramdam.Halos buong araw namin sa klase ay nakapaskil na sa mukha ko ang ngiti ko.Mantakin mo 'yon, nakaya kong ngumiti sa buong araw haha."At dahil running for Cum Laude ang bespren ko.. Tara at libre kita." Saad sa'kin ni Kelly ng palabas na kami sa class room namin.
Nag heart-heart agad ang mga mata ko at nag palakpakan ang mga tainga ko pagkadinig ko sa sinabi nya.
Paano-- blessings in disguise kasi ngayon sa'kin si Kelly.
Wala na kasi akong pag kain sa bahay haha. Tapos ang pera ko sa wallet pang allowance ko nalang bukas."Eyyy salamat bess hehe. Lika na dali at gutom na ako." Saad ko dito at hinila na ito sa hallway.
"Alam ko na yang itsura mo bess haha. Jollibee tayo dali." Anya ng mahalata na naman nito ang kilos ko. Kaibigan ko nga talaga 'to at kilala na ako sa mga kilos ko.
"Teka bess-- bakit ako hindi kasama sa running for Cum Laude?" Maya maya ay tanong nito sa'kin."Eh?" Kunot noong napabaling ako sa kanya.
"Kasi isipin mo.. Dapat parehu tayo ng grades don kasi lagi naman akong nangungupya sa'yo. Sa assignments at quizzes." Seryoso pang saad nito.
"Aray naman.. Makabatok ka dyan!" Reklamo nito ng dumapo sa tuktok ng ulo nya ang kamao ko."Sira-- haha. Ba't di'mo tanungin si Dean?" Natatawa nalang na saad ko dito.
"Haha wag na. Baka kwestyunin pa ako non at ipaulit ang quizzes, assignments at exams ko." Napapakamot na ani nito.
Napailing nalang ako sa kakulitan ng isang 'to.
••••
PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D
"E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni
NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n
"BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you
KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins
BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric