"Salamat nga pala ulit sa pag libre mo sa'kin bess ha." Saad ko kay Kelly habang nag lalakad na kami sa loob ng mall.
Pag tapos kasi naming kumain sa fast food ay nag aya ito sa'kin na mag libot-libot muna kami bago umuwi.
"Wala 'yon. T'saka dapat lang talaga na mag celebrate kasi may award ka." Naka ngiting tugon nito sa'kin habang nakayakap parin ito sa braso ko.
"Kamusta pala 'yong pag hahanap mo ng bagong trabaho?" Mayamaya ay dagdag na tanong nito sa'kin.Napa buntong hininga naman ako ng wala sa oras.
"Ayon! Wala parin. Kahapon nag apply din ako kung saan saan. Tatawagan na lang daw. Pero hindi naman ako umaasa don. 50/50 na 'yon." Malungkot na sagot ko dito.
Kung bakit kasi ang mga HR ay hindi tumatanggap sa mga aplekanting wala pang experienced sa trabahong iniooffer nila.
Tss! Paano naman mag kakaroon ng experienced ang mga gustong mag trabaho na katulad ko kung hindi naman nila bibigyan ng pag kakataon di'ba?Kaya nga mag aapply, para magkaroon ng experienced eh."Hayaan mo na, I know makakahanap ka din ng trabaho." Aniya. "Eh! 'Yong sa apartment mo?" Tanong nitong muli sa'kin.
Mas lalo tuloy akong na momblema ng muli kong maalala si Aling Barbara, ang land lady ko.
Paniguradong sasalubungin na naman ako non mamaya pag uwi para singilin sa renta ko."Eh, kung tanggapin mo na muna kasi 'yong pinapahiram ni mama sa'yo... para may pang bayad ka na don at hindi mo na kailangan na mag hanap ng alibi kay Aling Barbara."
"Bess, nakakahi---"
"Lagi ka nalang nakakahiya Devee. Kaibigan kita, at kilala ka na nila mama at papa since first year college pa ta'yo. And besides, sila naman ang nag aalok ng tulong sa'yo. Paano kung pag uwi mo mamaya palayasin ka na talaga ng land lady mo? Saan ka naman pupunta, eh ayaw mo din naman sa bahay." May panenermon pang saad nito sa'kin at inirapan pa ako.
Nakakahiya lang kasi na muli akong tatanggap ng tulong mula sa pamilya nila.
Oo mayaman sila.Hindi sila nag hihirap sa pag kain at pera. Oo sila na ang nag aalok sa'kin ng tulong. Pero nakakahiya parin.Mula pa nong maging magkaibigan kami ni Kelly, ang pamilya nya na ang laging tumutulong sa'kin.Madami na din silang naibigay sa'kin... pag kain. Gamit. Maging financial man. Pero hindi naman ako 'yong tipo ng tao na abusado.Nakakasurvive naman ako sa isang araw dahil sa kinikita ko sa part time job ko ngayon.. 'yon nga lang ay nagigipit ako pag dating sa bahay na tinitirhan ko, kaya kailangan ko talaga kumita at kumayod ng mas malaki.
"Oh!" Anang Kelly na nag palingon sa'kin sa kanya. Huminto din ako sa pag lalakad nang huminto ito.
Kunot noo naman akong napatitig sa kamay nyang nakalahad sa'kin.
"Alam kong kailangan mo 'yan. Tanggapin mo na." Saad nito at kinuha ang kamay ko para ibigay ang pera.
"Wag na Kelly. May pera pa---"
"Wag ka ng mag sinungaling sa'kin bess. Kilala na kita. Hindi ka sasama sa'kin dito at mag papalibre kung may pera ka pa talaga." Putol nito sa iba ko pa sanang sasabihin.
Bigla tuloy akong natahimik sa sinabi nitong huli.
"Okay sige. Ganito nalang! Tanggapin mo ang pera na 'yan tapos bayaran mo nalang ako pag may trabaho ka na." Aniya. "Wag mo nalang isipin na bigay ko 'yan sa'yo. Utang na lang."
"Si-sigurado ka bess?" Nauutal pang tanong ko dito. Alam ko kasing sarili nyang pera 'yon. 'Yong mga tira-tira nyang allowances every day.
Kung sabagay ay malaki naman kung mag bigay ng allowance ang parents nito sa kanya, kaya nakakapag ipon din ito.
"Sure ako." Sagot nito. "Para din may magamit ka sa pag aapply bukas. Wag kang mag alala at makakahanap ka din ng trabaho. T'saka malapit naman na din ta'yong mag graduate eh. Matatapos din 'tong pag hihirap mo. Trust me."
"Salamat talaga bess ha. Hulog ka talaga ng langit sa'kin." Pag dadrama ko pa dito at wala na ngang nagawa kundi ang tanggapin ang pera na inaabot nito sa'kin kahit nakakahiya talaga.
Pipilitin ko talaga na makahanap na ng bagong part time job bukas para naman hindi na ako ganon mamoblema.
"Aray! Ang sakit naman nong hulog ng langit." Natatawa pang saad nito t'saka ito muling yumakap sa braso ko.
"Salamat talaga bess. Wag kang mag alala, pag nakahanap ako ng trabaho babayaran agad kita." Nakangiting saad ko dito.
"Wag kang mag pasalamat, utang naman kasi 'yon eh haha. T'saka ililista ko 'yon mamaya." Tumatawang pag bibiro pa nito sa'kin.
"Oo. Lista mo lang, at pag nakahanap ako ng 1M t'saka kita babayaran haha." Sagot ko dito na natatawa na din.
Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep.
"Sige na bess. Ingat ka ha. Sure ka ayaw mo ng sumabay sa'kin? Ihahatid na lang kita pauwi." Anang Kelly habang nakapila ako sa sakayan ng jeep.
"Okay lang ako. Sige na mauna ka na."
Nakakahiya kung mag papahatid pa ako pauwi, eh hindi naman ako on the way sa bahay nila eh. Lalayo pa sya.
"Sige. Ingat ka ha. Bye. Kita nalang tayo bukas." Aniya at muli akong niyakap bago tuluyang umalis.
Mayamaya pa ay nakasakay na din ako ng jeep pauwi.
Pagkababa ko palang sa kanto ay agad kong inilibot ang paningin.. baka nandyan na naman ang pandak na 'yon. Magugulat na lamang ako na nasa harap ko na pala at maniningil na naman."Psssttt." Sutsot ko kay Awra, ang bading na kapitbahay ko.
Nakatambay kasi ito sa tindahan ni Aling Tasing habang nakikipag landian sa dalawang lalaki."Ay mare! Andyan ka na pala." Ani nito at mabilis namang lumapit sa'kin.
"Si Aling Barbara? Nakita mo?" Tanong ko dito.
"Hindi eh. Parang umalis ata. Pero kanina hinanap ka." Aniya.
"Ganon ba? Basta pag nag hanap sa'kin sabihin mo----"
"Devee.. buti naman at nandyan ka na."
Agad akong natigilan at pakiramdam ko natuod ako sa kinatatayuan ko na madinig ko ang matinis na boses ng matandang pandak na 'yon.
Napapikit nalang ako ng mariin kasabay ng pag kagat sa labi ko.
Sinasabi ko na nga ba eh."Ano na? Kamusta ang renta ng bahay ko?" Tanong nito habang parang penguin na nag lalakad palapit sa'kin, ang pandak kasi na mataba din. Hek hek.
"Aling Barbs ito na pala si Devee oh." Anang Awra na itinuro pa ako.. akala mo naman hindi ako nakikita ni pandak. Eh! Pag dating sa'kin malinaw na malinaw ang pandinig at paningin nyan eh.
"Eh! Magandang gabi po aling Barbara." Naka ngiting bati ko dito.
"Ano ngingiti ka na naman sa'kin?" Napapahiyang tumungo na lamang ako dahil sa sinabi nito.
"Aling Barbara pasensya na po muna. Nag hahanap pa po talaga ako ng pera sa ngayon." Saad ko dito.
"Pasensya. Pasensya. Puro nalang pasensya. Aba---"
"Ma! Gabing gabi na boses mo na naman ang nadidinig ng mga kapitbahay na'tin." Aniya ni Keiedrian, binatang anak ni Aling Barbara.
Gusto ka daw makausap ni ate. Nasa Skype." Dagdag pa nito ng makalapit na sa'min. "Hi Devee." Malapad ang ngiti na bati nito sa'kin."Mag bayad ka sa'kin ha." Huling saad nito bago nag mamadaling nag lakad ulit pabalik sa bahay nila.
"Salamat." Nahihiyang saad ko kay Keiedrian.
"Wala 'yon. Pasensya ka na sa mama ko. Parang armalayt ang bibig pag dating sa'yo hihi." Napapakamot pa ito sa ulo nya.
"Si-sige. Mauuna na ako ha. Salamat ulit." Saad ko dito at nag patiuna ng nag lakad.
"Ingat Devee." Dinig ko pang saad nito sa'kin.
"Hoy! Mare... ikaw ha!" Anang Awra na nakabuntot din pala sa'kin habang nag lalakad ako papunta sa apartment ko.Kunot noo ko naman itong nilingon."Ha? Anong ako?" Nag tatakang tanong ko dito."Sos! Kunwari ka pa. Kayo ba ni baby Keiedrian ko?" Napamaang akong bigla dahil sa naging tanong nito sa'kin."Don't deny it girl! Kitang kita ko kanina kung paano tumitig at ngumiti sa'yo ang baby ko." Dagdag pa ng malanding bakla na ito."Yang bibig mo bakla bawasbawasan mo ang pagiging chismosa ha. Baka mamaya nyan may makarinig sa'yo, isipin non totoo." Naiiritang saad ko dito t'saka nag tuloy na sa pag lalakad."Nako Devee.. dalaga din ako, kung kaya't alam ko 'yang deny feelings mo haha. Kaya pala kung makatanggol sa'yo ang baby Keiedrian ko sa mama nya, wagas." Anang bakla na humalukipkip pa sa gilid ng maliit na gate sa apartment ko."Ewan ko sa'yo bakla. T'saka FYI lang, binata ka, hindi ka dalaga. Mahiya ka naman." Natatawang saad ko dito.Bigla naman nasira ang itsura nito dahil sa p
"Bess! Musta apply na'tin kanina?" Tanong sa'kin ni Kelly ng mag kita kami sa class room.Pag tapos ko kasing kumain sa karenderya ay nag tuloy na din ako sa eskwelahan at may pasok pa ako ng alas dose y medya."Medyo okay na hindi." Tipid na sagot ko dito ng makaupo na ako sa puwesto ko.Kunot noo naman itong tumitig sa'kin."Ha? Bakit anong ganap?""May nakaingkwentro lang ako na nag pa banas sa araw ko." Saad ko dito."Ano? NPA? Isis? Maute? Saan?" Sunod sunod na tanong nito sa'kin.Agad namang nag salubong ang mga kilay ko at tinapunan sya ng masamang tingin."OA sa mga tanong bess? Edi, sana wala ako dito ngayon kung 'yon man ang nakaingkwentro ko kanina." Kunwari ay naiinis na saad ko dito. "Where is your common sense Ms. Maria Kelly De Asis?" Tanong ko pa dito."Hehe.. naiwan kasi sa bahay bess, kaya sorry agad." Aniya na pag sakay pa sa tanong ko. "Pero, seryoso nga bess, anong nangyari sa lakad mo?" Tanong nito."Hay na'ko. May dalawang pulis lang naman na hambog... na naka s
"Oh! Naka simangot ka na naman bess.." bungad sa'kin ni Kelly ng makapasok na ako sa classroom namin.Tamad akong napaupo sa puwesto ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong daigdig dahil sa dami ng problema ko ngayon.Well, kilan pa ba ako 'di naubusan ng problema. Lagi naman."May problema ba bess?" tanong nito at humalukipkip sa arm chair ko."Wala naman." tipid na sagot ko dito.Kunot noo naman ako nitong tinitigan na animo'y binabasa ang nasa utak ko."I don't think so." Aniya. "I know you bess.""Wala nga." saad ko dito t'saka kinuha ang bag ko at nagkunwaring may gagawin ako.Ayuko na munang mag open up sa kanya tungkol sa problema ko. Besides, di naman na kailangan... I mean. Ayuko lang na pati ang problema ko ay proproblemahin din ni Kelly. Kilala ko din ito eh. Makulit ito at paniguradong hindi ako nito tatantanan."Come on bess. Speak.""Dadating na ang prof. na'tin kaya---""Actually mamayang hapon pa ang klase natin. Wala tayong klase sa morning subjects. Don't worry. Or m
"Anong nangyari sa'yo bess?" Takang tanong sakin ni Kelly ng makita ako nitong tumatakbo papalapit sa kanya. "May humahabol ba sa'yo?" dagdag na tanong nito.Agad akong umupo sa katabing silya na inuupuan niya.Sunod sunod na pag iling pa ang ginawa ko at mabilis na kinuha ang baso ng pinneapple juice at ininom ko iyon."Wa-wala.""Wala? Eh parang hinabol ka ng aso sa sobrang bilis ng takbo mo. Anong nangyari? Nakakita ka ba ng multo sa banyo?" kunot noo pa ring tanong nito sa'kin.Jusko... Hindi multo ang nakita ko sa banyo kung alam mo lang Kelly. Gusto kong sabihin sa kanya 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil panigurado matatalakan ako nito."Huminga ka nga muna." aniya.Agad din naman akong nag palinga linga sa paligid at nag aalala na baka nasundan ako ng lalaki kanina sa banyo. Panigurado lagot ako non sa kanya."Okay ka lang ba talaga bess?" Dinig kong tanong sa'kin ni Kelly habang gumagala pa rin ang paningin ko sa loob ng foodcourt.Pag baling ko ng tingin sa banda
"Are you sure na gagawin mo talaga 'to bro?" Tanong ng isang lalaki sa kaibigan niya."I don't have any choice. Unless gusto kong mapahiya ang parents ko sa mga amigos amigas nila. Alam mo naman na sa sobrang excitement ng mommy, hindi ko pa man naipapakilala sa kanila si Ingrid ay ipinag malaki agad ng mommy na ikakasal na ako. I didn't expected this to happen..." Aniya sa kaibigan. Tumayo ito sa kinauupuan niya at nag lakad palapit sa mini bar niya at kumuha ng alak.Nag salin ito sa dalawang baso."You sure about it?" tanong nitong muli.Isang masamang tingin naman ang ipinukol nong una sa kausap pag kuwa'y lumagok sa kopitang hawak nito."Okay. Okay. You're a hundred percent sure." anito. "So sino naman ang kukunin mong papalit sa puwesto ni Ingrid, para ipakilala sa parents mo?" Muli itong nag lakad palapit sa center table at may dinampot itong brown envelope 'tsaka ito muling lumapit sa kaibigan at iniabot iyon dito.Kunot noo naman itong napatitig doon."Wait. I thought tinap
"Mare... Mare..." Ang boses ni Awra ang nadinig ko mula sa labas ng apartment na tinitirhan ko.Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa sofa bago tinungo ang pintuan at lumabas."Bakit ba bakla? Umagang umaga makahiyaw ka diyan." Kunwari ay inis na saad ko dito ng makalabas na ako."Sorry. Hoy! Kaloka ang ganda ganda mo talaga. May mamang pogi na nag aantay sa'yo kanina pa." Anang Awra na hinampas pa ako sa balikat ng makalapit na ako sa kanya."Ha? Ano bang pinag sasasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya."Lokaret ka. May Keiedrian ka na lumalandi ka pa haha. Ayon oh. Sundo mo." aniya na ngumuso pa kaya napasunod ang tingin ko roon.Halos mapamulagat pa ako ng makita ko ang mayabang na pulis na 'yon habang naka sandal sa gilid ng mamahaling sasakyan niya. Nakapaloob sa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay nito habang may suot ding shades. Oo na. Dahil sa suot nitong white long slevee na nakatupi pa ang dulo nito hanggang sa siko niya... naka bukas ang dalawang butones sa
"Psst! Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo kung paano kayo nagkakilala ni Kevin?" tanong sa'kin ni Kelly habang papalabas na kami ng mall."Hindi nga kami magkakilala bess. Nataon lang na siya 'yong buwesit na nakakuha ng envelope ko at sa kabaitan niya, ayon... itinapon niya lang naman ang envelope ko." naiinis na sagot ko sa kanya. Pero lumaki lang ang ngiti nito sa labi na parang nanunudyo pa."Oy! Baka ito na 'yong sinasabi nilang 'Destiny' haha." "Kelly! Nadidinig mo ba 'yang sinasabi mo? My god. Hindi siya ang tipo ko. 'Tsaka ang mga pulis na 'yan ay hindi loyal, kaya ayukong magkaroon ng karelasyon na pulis kung maaari lang. Puro mga babaero ang mga 'yan." naiinis na saad ko sa kanya, sinabayan ko pa ng irap.Pero mas lalo lang ako nitong pinag tawanan."Haha grabe ka naman bess. And FYI, may kakilala akong pulis. Pero loyal 'yon. And besides, hindi naman lahat ng pulis ay parepareho. May iba lang na babaero talaga, pero may iba din naman na hindi." aniya na ipinag t
"Kuya--kuya ano pong ginagawa niyo sa mga gamit ko? Teka lang. Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko?" Nag tatakang tanong ko sa dalawang lalake na nag bubuhat ng mga gamit ko para ilabas ito sa bahay na tinitirhan ko."Buti naman at nandito kana Devee." Agad akong napalingon sa pintuan ng aking apartment ng marinig ko ang boses ng aking landlady.Kinakabahan pa akong nag lakad palapit sa pandak at matabang babae na ito."Aling Barbara! Ehh ano po---""Nasaan na ang bayad mo sa bahay ko? kanina pa kita inaantay. Tinatakasan mo na naman ba ako Devee?" Masungit na tanong nito sa'kin."Eh aling Barbara wala pa po akong pera ngayon. Puwede po bang bukas--""Bukas uli ulit Devee? Aba! Anim na buwan ka ng hindi nag babayad sa'kin. Paano naman ako kikita dito sa negosyo ko? Kung tutuusin nga sana kinakaladkad na kita palabas ng apartment ko. Aba! Mahiya ka naman sa'kin Devee, marami ang nag hahanap nga'yon ng mauupahan. Mamumulubi na ako dahil sa'yo." Anang pandak at matabang babae. Talent nya