Share

Chapter 6

Author: Miss fuxxie
last update Last Updated: 2023-08-11 20:23:36

"Anong nangyari sa'yo bess?" Takang tanong sakin ni Kelly ng makita ako nitong tumatakbo papalapit sa kanya. 

"May humahabol ba sa'yo?" dagdag na tanong nito.

Agad akong umupo sa katabing silya na inuupuan niya.

Sunod sunod na pag iling pa ang ginawa ko at mabilis na kinuha ang baso ng pinneapple juice at ininom ko iyon.

"Wa-wala."

"Wala? Eh parang hinabol ka ng aso sa sobrang bilis ng takbo mo. Anong nangyari? Nakakita ka ba ng multo sa banyo?"  kunot noo pa ring tanong nito sa'kin.

Jusko... Hindi multo ang nakita ko sa banyo kung alam mo lang Kelly. 

Gusto kong sabihin sa kanya 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil panigurado matatalakan ako nito.

"Huminga ka nga muna." aniya.

Agad din naman akong nag palinga linga sa paligid at nag aalala na baka nasundan ako ng lalaki kanina sa banyo. Panigurado lagot ako non sa kanya.

"Okay ka lang ba talaga bess?" 

Dinig kong tanong sa'kin ni Kelly habang gumagala pa rin ang paningin ko sa loob ng foodcourt.

Pag baling ko ng tingin sa bandang kaliwa ko ay saka ko naman nakita ang lalaki.

Palinga linga rin ito at hinahanap ako.

Dahil sa kaba at takot ko na makikita ako nito ay agad akong napayuko sa upuan at nag sumiksik sa ilalim ng lamesa.

"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo? Anong ginagawa mo diyan bess?" Naguguluhang tanong sa'kin ni Kelly.

"Shhhh. Wag kang maingay diyan. Wag kang makulit." saway ko dito at bahagya pang sumilip sa gilid ng lamesa upang tignan kung naroon pa ang lalaki.

"Dev---"

"Teka lang... Wag ka munang maingay." saad ko dito at muling tinignan ang kinaroroonan ng lalaki pero wala na ito roon.

Dahan dahan akong umangat at muling iginala ang paningin sa paligid.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng hindi ko na makita ang lalaki.

Kunot ang noo at halos mapag isang linya na ang kilay ni Kelly ng balingan ko ito.

"Hehe." Ngumiti ako sa kanya.

"Tss. Para kang ewan bess. Siguro napuno na ng hangin ang utak mo dahil sa kakangiti mo kanina. At isama pa na nalipasan ka na ng gutom mo. Lika na nga at kumain na tayo." aniya at nag simula ng kumain.

Habang kumakain ay hindi pa rin matahimik ang utak ko.

Kahit anong saway ko sa sarili ko ay paulit ulit pa ring lumilitaw sa utak ko ang nakita ko kanina sa banyo.

Kahit pilit kong ibinabaling sa iba ang isip ko... bumabalik pa rin siya doon.

Alam kong namumula ngayon ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag iinit nito.

"Ang laki..."

"Ha? Anong malaki bess?" Agad akong napatingin kay Kelly ng madinig ko ang tanong nito.

"Ha? May sinabi ba ako?" Naguguluhang tanong ko din sa kanya.

"Sabi mo 'ang laki' malaki ang alin ba?" 

Hala!

Mababaliw na ata ako nito.

Ano bang nangyayari sa'kin at hindi na maalis alis sa utak ko 'yon?

"Yong hot dog malaki..." lumulutang na saad ko habang nakatulalang nakatingin sa batang kumakain ng footlong. 

Agad na napatingin din si Kelly sa direksyon ng bata pag kuwa'y kunot noong binalingan ako.

"Haist. Devee Oliveros." saad nito at nag patuloy na sa pag kain at binaliwala na lamang ako.

Hanggang sa matapos na kaming kumain at mag pasyang bumalik na sa school namin.

Pakiramdam ko lutang na lutang ako. Sa buong mag hapon na klase kasi namin ay wala ako sa sarili. Ramdam ko talaga na ang lakas ng epekto sa'kin ng Jumbo Hot dog na 'yon.

Hindi ako maka concentrate sa liksyon namin.

Hanggang sa mag uwian na kami hindi pa rin matahimik ang utak at imahinasyon ko.

"Oy! Mare. Kanina pa kita tinatawag 'di mo naman ata ako nadidinig." Ang maarteng boses ni Awra ang nagpabalik sa sarili ko ng lapitan ako nito.

"Tatanga ka na lang ba diyan sa labas ng bahay mo? Umaabon na oh." anang bakla at pinasukob ako sa payong niya.

"Ha? Ah... Eh..."

"Pinabibigay pala ni baby Keiedrian ko... Nakakaasar ka. Ikaw talaga ang binigyan ng pasalubong at hindi manlang ako." reklamo ng bakla at iniabot sa'kin ang isang plastik na may lamang Durian. Malamang at galing iyon sa Davao dahil sa pag kakaalam ko ay umalis ito kahapon papuntang Davao kasama ang mama niya.

"Ha? Bakit nag bigay pa?"

"Chossey pa mars? Ayaw mo? Akin na lang..."

"Sa'yo na. Hindi naman ako mahilig diyan eh.," saad ko dito t'saka binuksan ang gate ng apartment ko. Sumunod pa ito sa'kin ng mag lakad ako palapit sa pinto.

"Sure mare?"

"Oo. Hindi naman ako nakain niyan eh. Sa'yo na."

Saad ko dito habang ipinapasok ko ang susi sa keyhole.

"Salamat..." nakangiting malandi pa ang bakla. "Makakain ko na rin ang durian ni baby Keiedrian ko. Siya sige at mauuna na ako. Salamat uli."

"Welcome."

Saad ko dito bago tuluyan ng pumasok sa loob ng apartment ko.

Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa t'saka pabagsak na umupo sa mahabang sofa. Pakiramdam ko talaga ay napakahaba ng mag hapon ko ngayon.

Napakahina ng usad ng oras...

Nakakatamad.

Pumikit ako para sana umidlip muna tutal at maaga pa naman. Mamaya na lang ako mag bibihis at kakain, medyo busog pa din naman ako dahil sa kinain namin ni Kelly sa mall.

'You want my hot dog baby?'

Agad akong napamulat ng mga mata ng makita ko sa utak ko ang imahe ng lalaking iyon habang nakahubadbaro.

Wala ni isang saplot sa katawan at nag sasayaw sa harapan ko habang tuwang tuwa naman akong nakaupo sa isang silya.

'You can touch me where ever you want... Even my hot---'

"Ahhhhhh... Inay. Itay. Patawad po. Hindi ko naman po sinasadya eh." Pag susumigaw ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

Hindi ko alam kung paano ang gagawin upang mawala iyon sa isip ko.

Kahit anong gawin ko.

Nag soundtrip na ako. Nanuod ng palabas. Nag basa ng mga kumiks. Wala pa ring nangyayari. Yon talaga ang nakikita ko.

Kahit antok na antok na ako at inabot na ako ng hating gabi ay hindi ko magawang pumikit ng mga mata. 

Hanggang sa mag pasado alas tres na ng madaling araw.

Hindi ko alam kung paano akong nakatulog.

Basta kinabukasan ay napabalikwas na lamang ako ng bangon ng madinig ko ang tunog ng alarm clock ko.

"Devee... Bess buksan mo ang pinto." agad akong napalingon sa pinto ng madinig ko ang boses ni Kelly. Sa sala na din pala ako nakatulog kagabi.

"Bess..."

"Oo na. Nandiyan na." inaantok pa akong nag lakad papalapit sa pinto para pag buksan ito.

"Ang ingay mo. Kay aga aga nangbubulabog ka na." 

"Anong kay aga aga? Alas dyes na. Kaya nga pinuntahan kita rito dahil nag aalala ako sa'yo. Baka kako may sakit ka kaya 'di ka naka pasok." 

Kunot noo naman akong napatitig sa kanya.

Alas dyes na? 10am na?

"Ha? Alas dyes na?"

"Opo mahal na señorita. Absent ka sa morning subjects na'tin." 

Nanglulumo at naiinis na napaupo na lamang ako sa sofa ng maisip ko ang mga nangyari sa'kin kagabi.

Kasalanan kasi 'yon ng 'Hot Dog' eh. Kung bakit kasi ayaw mag patulog. Hiast.

Ang sarap isumpa ng lalaking iyon.

"Ano bang nangyayari sa'yo bess? Kahapon ka pa ganyan." nag tatakang tanong sa'kin ni Kelly.

"Tss. Wala. Teka at maliligo lang ako. Sabay na tayong pumasok sa school." saad ko na lang rito at tumayo na sa sofa upang mag tungo sa banyo at maligo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Substitute Bride   Chapter 40

    PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D

  • His Substitute Bride   Chapter 39

    "E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni

  • His Substitute Bride   Chapter 38

    NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n

  • His Substitute Bride   Chapter 37

    "BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you

  • His Substitute Bride   Chapter 36

    KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins

  • His Substitute Bride   Chapter 35

    BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status