Share

Chapter 4

MAAGA akong nagising dahil hindi ako mapakali na nasa tabi ko si Calix. May unan sa gitna naming dalawa para hindi kami magkadikit o kung ano man. Ako ang naglagay ng unan sa gitna naiinis pa nga siya kagabi dahil sa hindi ko malamang dahilan. Naniniguro lang baka may gawin siyang kababahalaghan sa akin. Napainat-inat naman ako at tiningnan ang aking katabi.

Napangiti ako nang makita siyang nakaharap sa akin. Sobrang amo ng mukha niya habang natutulog. Ang cute niyang titigan, para siyang bata kung tingnan. Napapikit ako ng mariin at napaiwas ng tingin.

“Stop it, Louise, asawa ‘yan ng kakambal mo,” piping saad ko sa aking isip.

Kaagad akong bumangon sa kama at bumaba para maghanda ng makakain. Kahit papaano ay gusto kong paghandaan at pagsilbihan din siya. Kahit naman nagpapanggap ako ay responsibilidad ko paring pagsilbihan siya dahil nga asawa niya ako.

Marunong ako sa lahat, ako na kasi ang nag-aalaga kay lola. Ako ang tiga laba, tiga luto at tiga linis sa bahay. Sa madaling salita ako ay tigasing babae. Natawa nalang ako sa kakornihan ko.

“Magandang umaga, manang!” masiglang bati ko sa kaniya at niyakap siya. Gan’to talaga ako kasweet sa umaga nasanay na rin kasi ako dahil kay Lola.

Napagitla naman siya at napalingon sa akin.

“Susmaryusep, Louise! Nakakagulat ka naman iha.” Natatawa nalang ako sa reaksiyon niya.

“I’m sorry manang,” hagikhik kong saad sa kaniya.

“A-anong gusto mo iha? Paglulutuan kita, pasensiya na at hindi pa ako tapos dito. Hindi kasi ako sanay na maaga kang nagigising.”

Ba’t kaya nauutal sa akin si Manang? Para bang natatakot ito sa akin. May ginawa bang masama ang aking kakambal?

“May itatanong ako, manang. Ba’t po sa tuwing lalapit o kaya kakakausapin ko kayo ay parang natatakot ka,” tanong ko sa kaniya. Napaiwas naman ito ng tingin sa akin.

“Wala iyon iha, hindi lang ako sanay na gan’to ka. Mabait sa akin, palagi mo kasi akong nasisinghalan dati.” Nakayukong saad niya sa akin. Naawa naman ako kay manang kahit kailan ay hindi ko magagawang singhalan ang isang matandang katulad niya.

“I’m sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo, manang. Huwag kang mag-alala nagbago na ako simula nang maikasal ako sa Sir niyo. Baka saktong PMS ko iyon kaya nasisinghalan kita.” Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

“Ako na manang, gusto kong paghainan ng pagkain ang asawa ko,” ngiti kong saad sa kaniya. Muli ay nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Sure po kayo?” tanong niya sa akin.

“Yes manang, maglinis na lang po kayo ng bahay para maaga kayong makapagpahinga.”

Umalis naman kaagad ito at hinayaan na lang akong maghanda sa kusina. Napapakanta ako habang ako’y nagluluto. I miss cooking!

Nang matapos ako magluto ay tinawag ko si manang para sana tulungan akong maghanda sa mesa ngunit hindi ko ito natuloy dahil nakita ko agad ang pares na matang nakatitig sa akin sa pintuan ng kusina. Mabuti naman at wala ang kaniyang nurse na kung makadikit ay parang higad.

“Good morning, kamahalan!” ngisi kong saad sa kaniya. Napakunot naman agad ang kaniyang noo.  

“What are you doing?” tanong niya.

“Obviously, I’m cooking!” irap kong sagot sa kaniya.

Umasim naman ang kaniyang mukha. Hindi ba ito naniniwala?

“Kate, hindi ka marunong magluto. One-time na nagtry kang magluto ay nasunog mo iyon and by the way it’s only a hotdog.” Napangiwi naman ako sa pagkakasabi niya. I forgot, hindi pala marunong si Kate magluto.

“Bago pa man tayo kinasal ay nag-attend na ako ng cooking lesson para naman ay hindi moa ko insultuhin, baka sabihin mong wala akong silbi kaya I tried my best to be the best wife to you,” pagsisinungaling ko sa kaniya. Nanunuya ako nitong tiningnan at napailing.

“Then you’re doing an effort? Para ano, Kate? Para huthutan na naman ako?” nakaka-insultong tanong niya sa akin.

“I am not going to steal your money again, like what I said last night, I’ll promise you, I will change,” saad ko sa kaniya ngunit pinaandar lamang niya ang kaniyang wheelchair papalapit sa mesa.

“I will never eat your food, baka mamaya ay may lason pa iyan. MANANG!” sigaw niya kaya agad naman akong napasimangot.

“Wala si manang kaya kainin mo iyan! Wala iyang lason, baka nga ay ako pa ang lasunin mo dahil sa galit na nananalaytay riyan sa kalooban mo,” seryoso kong saad sa kaniya. Magsasalita pa sana siya nang agad ko siyang sinubuan sakto iyon sa pagnganga niya. Kinipot niya ang kaniyang bunganga, binawi ko ang kutsara at agad na nginuya niya ang pagkain. Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo, para bang ninanamnam nito ang pagkaing nasa bibig niya.

“Masarap, hindi ba?” tanong ko sa kaniya at nginisian siya. Hindi niya alam sobrang galing kong magluto, hindi niya alam na expert ako rito.

“Hindi masarap!” seryoso niyang saad sa akin.

“Whatever! Kumain ka na lang dahil alam kong papasok ka pa sa opisina, kailangang malagyan ng laman ang iyong tiyan,” saad ko sa kaniya. Kinuha ko ang kaniyang pinggan at nagsandok ng kanin ngunit tinabig niya lamang iyon kung kaya’t nabasag ang platong hawak-hawak ko.

“Why are you so annoying? Hindi ka ba napapagod sa pagdra-drama-dramahan mo? Kasia ko sawang-sawa na sa mga shits mo Kate. Please lang, lumayo-layo ka sa akin, kapag nakikita ko ang pagmumukha mo hindi ko maiwasang sisihin ka kung bakit naging baldado ako, gusto kitang sakalin hanggang sa malagutan ka ng hininga para naman ay patas na tayo,” malamig niyang saad sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tila ba nawalan ako ng ulirat at hindi  maka-react.  

“Gano’n na ba ang kagalit mo sa akin na gusto mo akong patayin? The fuck Calyx? Alam ko napaka-jerk mo,” saad ko sa kaniya ngunit napangisi lamang ito sa akin.

“I don’t fucking care!”

Bigla itong nagwalk-out sa kusina. Nanghihina naman akong naupo sa upuan. My God! Kate, anong ginawa mo sa kan’ya? Akala ko ba ay madali lang itong pinapagawa mo sa akin, hindi pala. Napahilamos ako ng mukha at hindi ko alam kung ano ang aking magiging emosyon.

Galit ba dahil sa aking kapatid o awa kay Calix.

I don’t really know, naguguluhan pa ako.

“Iha,” tawag sa akin ni manang. Napalingon ako sa kaniya pansin ko ang malungkot na mukha niya.

“Bakit po manang?” tanong ko sa kaniya.

“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa gilid.

“Sa totoo lang iha, kahit ako ay nagulat sa biglang pagbabago ng ugali mo. Noon kasi ay m*****a ka at palaging nakasinghal sa akin. Pasensya na iha kung nasasabi ko ito sa’yo.” Napatingin ako sa kaniya ngunit nakinig lamang ako.

“Go on manang, hindi po ako magagalit,” saad ko sa kaniya.

“Palagi kitang nakikitang may kausap sa telepono kahit magkasintahan palang kayo ni Sir Calyx, hindi ko kayo sinusumbong dahil alam ko namang hindi ako puwedeng makialam sa relasyon niyo dahil isa lang naman akong hamak na katulong. Ngunit hindi ko kinaya ang pinaggagawa niyo dahil nagawa niyo pang ibahay iyong kabit mo rito habang nasa meeting si Sir Calix sa Cebu,nawawa ako sa kaniya kaya naman ay tinext ko siya at sinendan ng picture niyong dalawa.” Nakayukong saad niya sa akin.

“Pasensiya na iha, ako iyong nagsumbong kay Sir Calix na may kalaguyo ka. Hindi ko na kasi kayang maatim ang mga pinaggagawa mo sa kaniya, para ko na rin kasing anak si Sir,” naiiyak niyang saad sa akin.

Niyakap ko naman si manang at pinatahan. Bigla itong nanigas at mayamaya ay kumalma naman.

“Naniniwala ako iha, naniniwala akong nagbago ka na. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa na paamuhin si Sir Calix. Alam kong pinagdadaanan niya, kitang-kita ko ang lungkot niya gabi-gabi.” Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon.

“Huwag mo na sana siyang sasaktan, iha.”

“Opo, manang. I will never hurt him at iintindihin ko po siya palagi.”

Wala akong ginawa sa bahay kung ‘di ay manuod ng Tv, matulog at kumain. Tapos na kami sa mga gawaing bahay ni manang kaya nakapagpahinga siya ng maaga. Tuwang-tuwa naman ito dahil hindi niya akalaing marunong pala akong maglinis akala niya kasi ay pagpapaganda lang ang alam ko.

Natawa nalang ako sa kaniya. Totoo naman kasing pagpapaganda lang ang alam ng kambal ko.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana aminin mo na lang na hindi ikaw si kate baka sakaling mabawasan or mawala ang galit sayo ni calyx
goodnovel comment avatar
Mulan
thank you author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status