Share

Chapter 3

“Nandito na tayo,” saad niya. Kaagad naman akong lumabas ng kotse para sana alalayan ko siya dahil baldado nga ito. Papa’no siya makakalabas ng kotse hindi ba? Hindi siya makapaglakad.

Kaagad kong binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse at dahan-dahang kinuha ang wheelchair sa backseat. Sabay naming kinuha iyon kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ako na lamang ang nag-iwas ng tingin.

“Ako na,” malamig na saad niya sa akin.

“Ako na! Hindi mo kaya!” singhal ko sa kaniya.

“Fuck, Kate! Huwag nang matigas ang ulo, kaya ko na! Stop acting like you care about me dahil hindi iyan totoo,” sigaw niya sa akin.

“Bakit ka sumisigaw? Gago ka ba?” singhal ko rin sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang matang tumingin sa akin.

“D-did you just fucking shouted in front of my face?” tanong niya sa akin ng madiin. I acted tough in front of him. Aba! Hindi ako magpapatalo sa kaniya!

“At bakit? Sinigawan mo ako in front of my gorgeous face, gaganti rin ako!”

“You bi­–”

Naputol ang kaniyang sasabihin nang may babaeng sumulpot sa amin. Inagaw niya sa akin ang wheelchair na hawak-hawak ko. At sino naman itong bruhildang walang respeto na ‘to? Can’t she see? I’m the wife here?

“Maligayang pagbabalik, Sir Calyx,” malanding bati nito sa lalaki. Ang lalaki naman ay ngumiti ng matamis sa kaniya at tumango.

Aba! Nagawa pang lumandi sa harap ko! Ganito ba siya kay ate? Kaya siguro ayaw magpakasal ni ate sa kaniya dahil ito nga ang ugali niya. Baldado na nga nagawa pang lumandi! Aba, suwerte na siya kay ate dahil tanggap siya nito kahit hindi siya makalakad pa.

“Salamat, Nurse Kyla, sabi ko naman sa’yong kaya ko na, hindi mo na kailangan pang bantayan ako dahil magaling na ako,” saad ni Calyx sa babae.

“Ikaw naman, Sir! Hindi puwede iyon, hindi mo pa naman kaya, kapag okay ka na talaga puwede na rin naman akong umalis na,” wika ng babae sa kaniya at humaplos pa ito sa braso ng asawa ko este ni ate pala.

Tumawa lang si Calyx sa kaniya. Hinila naman ng babae ang wheelchair niya at papasok na sana sila nang pinigilan ko sila. I saw her dark blue eyes staring at me. Napalunok ako.

“May problema ba?” tanong niya sa akin.

“Are you cheating in front me?” tanong ko sa kaniya. Bakit nagagawa niyang makipaglandian na kakakasal lang naming dalawa.

“Parang baliktad ata, sa ating dalawa ikaw ang manloloko rito kaya wala kang karapatang tanungin ako ng ganiyan,” malamig na saad niya sa akin.

“H-hindi ko alam–” Agad na naputol ang aking sasabihin nang nagsalita siya.

“SHUT THE FUCK UP! Sawang-sawa na ako sa mga painosente mo! Kanina ka pa, as if you don’t really know what you did to me,” galit niyang sigaw sa akin. 

“I’m sorry.” Nakayuko ako at parang naiiyak na. Hindi ko naman talaga ang alam.

“You’re saying sorry? Matagal na iyon, hindi ko na kailangan ng sorry mo. I know you won’t change at tanggap ko na ‘yon! I trusted you, Kate. Pero sinira mo lang iyon!”

“Ano ba ang nagawa ko sa’yo? Bakit galit na galit ka sa akin? Akala ko ba mahal mo ako?” tanong ko sa kaniya para bang kinakabahan ako na ewan dahil sa sinabi niya.

Natawa siya sa sinabi ko at ngumisi. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Napailing siya at makahulugang tiningnan ako. Para bang nandidiri siya sa akin na ewan.

“You want to know?  You never change, Kate. Ilang beses mo na akong niloko pero hindi ka pa rin nagbabago,” malamig niyang sabi sa akin. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon sa kaniya. So, ilang beses na siyang niloko ng kapatid ko? How? 

“I can change, I promised you that.” Mariin akong napapikit sa harap niya. Kita ko ang pag-iling niya ng marahas.

“No, the last time that you told to me that you will change was when you stole money from my bank account para lang ipambayad sa utang ng mga magulang mo at luho mo kasama ang lalaki mo.”

Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kaniya. What the fuck? Hindi ko ito alam! Mariin akong napapikit habang dina-digest ko ang mga sinabi niya sa akin. So, my twin stole money from him? Marami pa palang hindi sinasabi ang aking kakambal. Akala ko ba ay planado na niya lahat ng ito? 

“Ang when Sir Calyx found out that you were cheating behind his back. He got into an accident that’s why he become like this, he become crippled because of you! Hindi mo pa rin alam o nagda-drama-dramahan ka na naman?” ngising saad sa akin ng nurse ni Calyx.

“Tumahimik ka! Usapang mag-asawa ito!” galit kong saad sa nurse ni Calyx. Sabat ng sabat hindi naman siya kasali rito.

“Ikaw ang tumahimik, Kate. Stop acting like you don’t know everything,” galit na saad niya sa akin.

Napayuko ako tila ba nahiya ako sa ginawa ng aking kapatid, hindi siya ganito. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kambal ko. Napapikit ako, lahat ng galit ko kay Calyx ay napalitan ng awa. Wala pala akong karapatang mag-drama rito kasi in the first place ang kambal ko ang nakagawa ng mali sa kaniya.

“I’m sorry.” Nakayuko ako at parang naiiyak na. I suddenly felt guilty kahit hindi naman ako ang Nakagawa ng kasalanan sa kaniya. Bakit nagawa ito ng kambal ko? 

“You’re saying sorry? Matagal na iyon, hindi ko na kailangan ng sorry mo. I know you won’t change at tanggap ko na ‘yon! I trusted you, Kate. Pero sinira mo lang!”

Napatawa siya sa akin at napailing. “Pero it doesn’t matter, ang mahalaga ay nandito ka sa puder ko at gagawin kong miserable ang buhay mo,” nakangisi niyang saad sa akin na nagpakabog sa aking dibdib. 

“Pumasok na tayo, Nurse Kyla,” saad niya sa babae at mabilis hinila ang wheelchair. Iniwan nila ako na nakatunganga lang.

Nanghihina at nanginginig naman aking tuhod. My God! Kate, anong ginawa mo sa kan’ya? Akala ko ba ay madali lang itong pinapagawa mo sa akin, hindi pala. Napahilamos ako ng mukha at hindi ko alam kung ano ang aking magiging emosyon. 

Galit ba dahil sa aking kapatid o awa kay Calix. 

I don’t really know, naguguluhan pa ako. Kailangan ko talagang makausap ang aking kapatid tungkol dito.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa harap ng mansion sa harapan ko.  Namangha ako dahil napakalaki nito. Tangina, dito ba ako titira? Para namang palasyo ito,sobrang laki at lawak. Nang makapasok ako sa loob ay namamangha kong tiningnan ang loob. Napakafamiliar ng design nito. Nanlalaki naman ang aking mga mata nang maalala ko ang doll house ni ate sa kaniyang kwarto. 

Napangiti ako nang maalala iyon, it was our birthday at regalo nila mommy iyong doll house sa kaniya. Ako naman ay nakakulong lang sa aking kwarto habang nagkakasiyahan sila sa baba. Hindi ako nakaramdam ng inggit sa aking kapatid dahil pagkatapos naman ng aming birthday ay binibigyan niya ako ng handa at sabay kaming kakain at magblo-blow ng candle. Gustuhin ko mang magcelebrate kasama ang aking kambal sa labas ay hindi maari. Baka pagalitan at paluin naman ako nila mommy at daddy. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nila ginagawa ito sa akin ngunit ang tumatatak lang sa aking isipan mula noon ay hindi talaga nila ako mahal. They hate me to death. 

Kaya naman ay noong disi-otso anyos na ako ay lumayas na ako sa bahay at pumuntang Cebu kasama si Lola. 

Napangiti ako ng matamis, matupad na ang dream naming bahay ni ate, ito kasi ang gusto naming bahay katulad ng doll house niya. Doon ko lang napagtanto na sweet din pala si Calyx kahit papaano at mahal na mahal niya talaga si ate. 

Agad napaakyat sa taas at nakasalubong ko ang isang matanda. 

“Hello po,” bati ko sa kaniya. 

“Naku! Ikaw pala iyan Ma’am Kate. Congratulations po sa kasal ninyo ni Sir Calyx,” kinakabahan niyang bati sa akin at nanginginig pa ito. 

“Ba’t po kayo nanginginig, manang?” tanong ko sa kaniya. Ngunit napapailing lamang ito. 

“Wala po ito ma’am. Ganto po talaga ako dahil siguro sa katandaan, sige Ma’am bababa na po ako.” Aalis na sana siya ngunit hinawakan ko ang kaniyang braso. 

“Manang, Louise nalang po, saan ho pala ang kwarto ko rito?” ngiti kong tanong sa kaniya. Itinuro naman nito ang kwarto sa dulo at umalis na. 

Napabuntong hininga ako. I feel so weird dahil hindi naman ako si Kate, hindi rin naman ako sanay na tawagin sa first name ko at may Lyn pa iyon. 

Gusto kong makausap si ate tungkol sa sinabi nila mom sa akin kanina, kaya naman ay pumasok na ako sa kwarto ko sa dulo. Nang makapasok ako ay sobrang namangha ako, ang ganda ng design sobrang linis din at mabango sa loob. May dalawang pinto sa magkabilaang gilid. Ang isa siguro ay walk-in closet at ang isa ay banyo. 

Hinubad ko naman ang aking gown dahil kanina pa ako nabibigatan doon. Pati ang aking sandal ay hinubad ko na rin, hinilot-hilot ko naman ang aking paa dahil nananakit na ito. 

Nang nasastify na ako ay kinuha ko ang roba nakasabit sa hanging rack at isinuot iyon. Kinuha ko naman ang aking cellphone sa aking bag at tinawagan ang aking kakambal. 

Ilang ring lang ay sumagot na ito. 

“Hello?” sagot nito sa linya. 

“Gusto ka nang mag-backout ate, hindi ko kayang manirahan dito. Bakit hindi mo sinabing baldado pala ang mapapangasawa mo? I wasn’t expecting that! Why did you lie?” tanong ko sa kaniya, naiiyak na ako rito dahil sa frustrations.

“Wait, Louise. I’m sorry, I forgot to tell you. Kung sasabihin ko kasi baka hindi ka pumayag, isa pa he’s not bad at all. Pogi naman siya kahit baldado, hindi ba?” tanong niya sa akin. Napapikit ako ng mariin. Nasisiraan na ba siya ng ulo?

“Ate, hindi mo ako na-ge-gets. Marami akong nalaman tungkol sa iyo at hindi ako makapaniwala na ginawa mo iyon!” singhal ko sa kaniya.

“What? A-ano ang nalaman mo?” kinakabahan niyang tanong sa akin.

“I want you to be honest ate, ano iyong planong sinasabi nila mom at dad kay Calyx?” pikit-matang tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

“Gu-gusto nilang nakawan ko si Calyx ng malaking pera. Palugi na kasi ang kompaniya natin Louise, ayoko namang pagkaperahan lang si Calyx ulit kaya nga ako nandito sa Paris para magtrabaho at makaipon ng pera.” 

“WHAT? You’re in Paris, already?” gulat na tanong ko sa kaniya.

“Yes, why?” Ba’t ang aga naman ata?” 

“Isa pang tanong, is it true na you cheated on him? Ikaw rin ang dahilan kung bakit nabaldado ang lalaki? How can you do this ate? Hindi ganiyang ang pagkakakilala ko sa’yo,” saad ko sa kaniya.

“You really don’t know everything, Louise kaya huwag mo akong husgahan. May rason kung bakit nagawa ko iyon sa kaniya!” mariing saad niya sa akin. Napatawa ako.

“So, you’re saying that you cheated on him? Bakit ate? Anong nagawa niya sa iyo?” tanong ko sa kaniya.

“May mga bagay na hindi na dapat iungkat pa, don’t worry kapag tapos na ang kontrata ko rito ay babalik ako riyan. Aakuin ko lahat but this time, I am begging you kambal, ikaw na muna ang bahala riyan. Ayaw ko namang dungisan ulit ang pangalan ng pamilya natin,” saad niya sa akin.

Wala akong nagawa kung ‘di napabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung i-react sa kaniya. Marami pa talaga akong hindi alam sa lahat.

“Sige na muna kambal, may gagawin pa kasi ako. I will call you nalang if I have a time na. Bye. I love you!” Narinig ko nalang ang putol na linya sa aking telepono senyales na binaba na niya ang tawag. 

“Sino ang kausap mo?” Nagitla ako nang may marinig akong boses mula sa banyo. 

Oh my God! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tinago ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag-act normal. 

“Wala,” saad ko sa kaniya. 

“Katawagan mo ba ang kabit mo? Ganiyan ka na ba kakati, mismong kasal natin ay may iba kang lalaking kausap?” galit nitong saad sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. 

“Wala akong kabit. Si mom ang tumawag sa akin, kinakamusta lang ako. Kung ano man ‘yan na nasa isip mo ay alisin mo na sa utak mo dahil hindi ‘yan totoo.” Naglakad ako papuntang banyo para maghalf bath. Hindi pa ako nakakapasok nang magsalita ulit siya.

“Huwag mo akong tatalikuran wala kang karapatan. I bought you from your mother and father. Pagmamay-ari na kita kaya matuto kang irespeto ako,” madiin niyang saad sa akin. Inirapan ko naman siya. I act tough in front of him pero sa totoo lang ay nanghihina ako dahil sa matalim na titig niya sa akin.

“I don’t care!” sigaw ko sa kaniya at sinarahan siya ng pintuan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sayo sabihin mo ang totoo kay calix siguro naman mauunawaan ka nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status