Share

Chapter 5

HINDI ko alam kung bakit nagbago ang ugali sa akin ni Calyx. Akala ko magiging mahirap ang buhay ko sa kamay niya at magiging battered wife dahil sabi nga niya he will get revenge from what my sister did to him pero kabaliktaran ang ginagawa niya ngayon.

He spoiled me to rotten.

Need a new car?

He bought me a Lamborghini.

Need a fancy dresses?

He bought branded bags, shoes and clothes.

Wanna got to mall to shop?

No need, he owns an entire Supermarket!

He even bought me a resort!

Heavenly gracious!

Kaya pala nagawang magnakaw ng kapatid ko dahil ang yaman naman pala ng kaniyang asawa. Mapapa-sign of the cross ka na lang dahil sa sobrang gara ng kaniyang lifestyle.

Sana all na lang talaga, Kate Collen. Naiinggit tuloy ako sa kaniya. She didn't need to go to Paris para lang magtrabaho narito na ang solusiyon oh. Si poging pilay na ang solusiyon, bakit pumunta pa siya ng Paris para makaipon ng pera to save our family business?

Nakakapagtataka talaga itong kapatid ko pero siguro sulitin ko na lang muna ang mag-asal mayaman dahil minsan lamang ito dumating sa aking buhay. Hindi ko naranasan tumira sa ganitong kaganda at kalaking kwarto sa tanan ng buhay ko. Palagi lamang akong nasa basement dahil doon ako pinapatulog ng magulang namin.

I am a black sheep of the family.

My parents hate me to death.

Ni hindi man lang nila ako tinuring na anak sa di malamang dahilan.

Wala na nga silang pakialam noong naglayas ako sa bahay dahil hindi ko na kaya ang pang-aabuso nila sa akin.

Bakit naman ako mag-i-stay sa mga taong walang pagmamahal sa akin? Sinasaktan ko lamang ang sarili ko.

Tanging si Kate lamang ang nag-aalaga sa akin pero hindi pa rin iyon sapat kaya umalis na lamang ako roon at pumunta sa Cebu where my lola live.

Doon ay namuhay ako ng matiwasay, marami akong natutunan sa buhay. Kung paano maka-survive sa kahirapan. Mahirap lamang ang aming lola dahil pinabayaan na rin siya ng mga anak niya na magulang ko kaya todo kayod kami para lamang may makain kami araw-araw at matustusan ang aking pag-aaral.

Kaya mahal na mahal ko 'yon si lola, siya lang ang kakampi at karamay ko sa lahat ngunit maaga siyang kinuha ng Diyos. Masakit, sobrang sakit ngunit kinailangan kong tanggapin dahil wala naman akong magagawa. Wala na siya at hindi na siya babalik kailanman.

Araw-araw ay palagi akong nasa bar para lang makalimot. Para akong na-broken hearted dahil doon. Hindi pala, mas masakit ang mamatayan kaysa sa broken-hearted.

Nahinto lang ako dahil sa tanginang lalaking iyon na kumuha ng virginity ko! Simula noon hindi na ako muling tumungtong sa Bar. Sinusumpa ko na ang bar na iyon! Hindi ko man lang nakita ang mukha ng lalaki dahil nga sa pagkabigla ko at mabilis akong umalis dahil sa takot.

Ang gaga ko naman kasi pumatol ba naman sa hindi kakilala. Para kasing na-mesmerize ako noon sa taglay niyang kapogian at mala-adonis niyang pangangatawan. We're broke that time, alam ko iyon dahil may pa-advice pa nga siya sa akin at hindi ko iyon malilimutan. Iyon ang nagsilbing stepping stones ko to move forward.

"One of the happiest moments in life is when you find the courage to let go of what you can't change."

Totoo naman ang sinabi niya. ano naman ang mapapala ko kung panay punta akong bar at inom? Wala naman hindi ba? Baka nga magkasakit pa ako no'n. Kahit anong gawin ko hindi ko naman mababalik si lola. Hindi na siya babalik kailanman at kailangan ko iyong tanggapin.

"Louise, narito na ang iyong asawa." Marahang ang pagkatok ni manang sa aking pintuan. Habilin ko kasi sa kaniya na sabihan ako kapag dumating na ang aking asawa. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

"Sige manang, tara na po!" na-e-excite kong saad sa kaniya na ikinatawa niya.

"Hindi ka naman excited diyan, iha."

"Gusto ko lamang pong magpasalamat sa lahat ng binigay niya sa akin, isipin mo? Isang lamborghini, mga branded clothes bags and shoes, tapos may resort pang binili at bahay for me. Grabe manang, ganito ba talaga siya noon? Ang galante!" tanong ko sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo.

"Oo naman, iha. Nakalimutan mo na ba? Ganiyan talaga 'yan sa iyo si Calyx. Lahat ay binibigay niya para sa taong mahal niya kaya nga hindi niya matanggap kung bakit nagnakaw ka pa ng malaking halaga sa bangko niya. Eh lahat naman binibigay niya sa iyo, 'di mo na kailangang magnakaw," saad niya sa akin. Napahalakhak ako ng pilit at hindi pinahalatang nininerbyos ako. Ang tanga-tanga bakit ko pa ba tinanong iyon. Tsk.

Nang makababa kami sa hagdan ay siyang pagpasok naman ni Calyx sa loob. Nawala ang aking ngiti sa labi nang makita ang higad na si Kyla sa likod niya. Oo nga pala, siya palagi ang kasama niya. Agad ko naman silang nilapitan at binati.

"Magandang gabi, mahal ko! How's your day?" tanong ko sa kaniya. Medyo na-cringe ako sa sinabi ko ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

Tumango lamang ito sa akin, hihilahin na sana ni Nurse Kyla ang wheelchair niya nang magsalita ako.

"Ako na dahil AKO NAMAN ANG ASAWA." Diinan ko talaga ang mga salita para magising siya sa katotohanang ako ang asawa ng Sir niya. Kailangan ko itong gawin para pagbalik ni Kate ay maganda ang relasyong bubungad sa kaniya. Ayaw ko siyang masaktan dahil lang sa kinabit ng asawa niya itong higad na 'to. Baka sabihin niya wala akong ginawa para pigilan sila at isa pa baka mahalata rin ni Calyx na wala akong pakialam sa kaniya. Nag-promise pa naman ako na I will change and from now on I will take care of him.

Baka sabihing talkshit ako.

"Mahal, may niluto kami ni manang, niluto namin lahat ng favorite mo! Tara kain muna tayo!" masiglang saad ko sa kaniya. Wala man lang itong imik kanina pa. Aba. Pilay na nga pipi pa?

Napairap ako sa kawalan, kung hindi mo lang ako ini-spoil eh kanina pa kita sinermonan. Letse. Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang nga pagkaing nasa harapan niya. Napangisi ako roon.

"Para sa iyo lahat 'yan, mahal," sambit ko pa.

Kinuha ko ang plato, kutsara at tinidor. Sinandukan ko siya ng pagkain at napaupo.

"Manang kain ka na rin," anyaya ko sa kaniya.

"Sige, iha kukuha rin ako ng plato para kay Nurse Kyla," ngiting saad niya sa akin.

"Huh? Huwag na!" bulong kong saad sa kaniya.

"Ano po?" tanong ni manang sa akin ngunit ngumiti lamang ako ng pilit.

"Ah! Wala po."

"You really don't like, Nurse Kyla."

Napatingin ako kay Calyx, narinig niya pala ang bulong ko.

"Isn't it obvious? Bakit kasi narito pa 'yan? Narito naman ako, ako ang mag-aalalaga sa iyo."

Sumeryoso ang kaniyang tingin sa akin at umiling.

"I don't trust you, Kate."

Napatikom ang aking bibig ng sabihin niya iyon. Tila ba may tumarak sa aking puso dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Umiling na lamang ako at ngumiti ng pilit. Nasasaktan ako sa kapatid ko. Ipapangako kong hindi niya ito mararanasan pag balik niya. Aalisin ko ang galit diyan sa puso ng asawa niya. Okay na sa akin ang makaranas ng ganito iyong hindi gusto ng mga tao dahil sanay naman ako.

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Salamat po sa pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Bacomo Omillo Mira II
ang cute ng Story kilig to the max to ahh ..
goodnovel comment avatar
Bacomo Omillo Mira II
Wow i like this love story I hope i can finish it!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status