Dahlia Pov
Dumating ang araw ng pag-alis ng aking asawa. Gustuhin ko mang sumama ay hindi puwede. Wala naman kasi akong gagawin doon talagang mababagot lang ako. Isa pa, hindi naman niya ako maasikaso dahil nasa trabaho siya lagi. Subalit nangangamba ako, dahil kasama niya si Emery. Natatakot ako na sa oras na umuwi ang aking asawa baka makalimutan niyang ako ang asawa niya. Pero may tiwala ako kay Travis, panghahawakan ko iyong pangako niya sa akin na hindi na niya ako pagtataksilan at lolokohin.
Kasalukuyan siyang nagiimpake ng kaniyang mga gamit ako naman ay tinutulungan siya.
"Huwag na lang kaya akong umalis?"
Basag niya sa katahimikan. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
"Hindi puwede ikaw ang CEO bawal kang mawala roon," sabi ko sa kaniya.
"Mamimiss kita, Dahlia. 2 weeks is like a year for me." Umupo naman ito na parang nahihir
Labis akong nababahala at natatakot dahil sa nakita ko sa loob ng box. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi mapakali.Agad kong binuksan ang aking laptop at skype app upang matawagan ang aking asawa. Kailangan kong makausap ito.Nakita ko namang offline ito pero tinawagan ko pa rin siya ng ilang beses. Nang ako'y magsawa ay nagtype nalang ako ng message sa kaniya habang pasulyap-sulyap sa profile niya baka mag appear doon ang green light na nangangahulugang online na siya.Naisend ko na ang aking sasabihin at naghintay pa sa kaniya, nagbabakasaling tumawag siya. Pero ilang oras na rin ako naghintay ay wala pa rin ito. Napabuntong hininga naman ako. Hindi na ako kumain dahil ayokong lumabas ng kwarto, natatakot ako baka may taong sumulpot sa likod ko at bigla nalang akong saktan.Napapikit naman ako ng mariin para pigilan ang mga masasamang eksenang naiimagine ko sa aking isipan.&n
"Mommy," sambit ko nang makita siya sa aking likuran."Anong ginagawa mo rito iha? At bakit may dala-dala kang bagahe? Nag-away ba kayo ng aking anak?" sunod-sunod na tanong ni Mrs. Monte Cristo, ina ni Travis."Hindi po mommy, nasa New York kasi si Travis. Hindi niyo po ba alam iyon?""Hindi iha, wala namang sinabi ang aking asawa." Napakunot naman ang kaniyang noo."Ah baka hindi lang nasabi ng aking asawa't anak sa akin. Alam mo naman hindi ko naman kasi pinapakialaman ang kanilang negosyo." Tawa nitong sabi sa akin."O-opo," sagot ko naman."Halika na iha sa mansion, ba't hindi ka nagtawag sa akin nakapaghanda sana ako ng merienda saiyo at ang kwarto mo gamitin mo muna iyong kwarto ni Travis," sabi sa akin ni Mommy.Aangal na sa ako nang hinila niya ako papunta sa loob at pumasok sa kwarto ni Travis. 
Alas kwatro na ng hapon nang makauwi kami ni Mommy Carmela sa mansion, natagalan kami ng uwi dahil nag grocery pa kasi kami at nagshopping. Binilhan niya rin ako ng mga damit at sandals. Sobrang hiyang-hiya ako dahil ang dami niyang pinamili. Tambak iyong shopping bag sa likod ng kotse, pati na rin sa front seat, parang bibilhin na nga ni Mommy Carmela iyong mall sa rami ng pinamili namin.Hindi naman ako makatanggi sa kaniya baka magtampo naman iyon sa akin. Minsan kasing binigyan niya ako ng mga damit ngunit tumanggi ako sa alok niya kaya naman ay sobra ang pagtatampo niya sa akin noon at nadamay pa si Travis na aking asawa.Hirap kong binitbit ang mga shopping bags buti nga’t nilapitan ako ni Nanay Lilet para tulungan. Si Mang Julian naman ay kinuha ang mga shopping bags na dala ni Mommy Carmela/Mrs. Monte Cristo.“Ang rami naman nito, anak. Kaya pala ang tagal niyong dumating. Parang binili niyo na iyong mall sa rami ah,” bulong na sa
Nagising ako sa malakas na katok na nangangaling sa labas ng kwarto. Napakusot naman ako ng aking mga mata at nakita ang aking laptop na naka-off na. Dali-dali kong binuksan ang pintuan para malaman kung sino ang tao sa labas.“Magandang gabi, Ms. Dahlia. Pinapababa na ho kayo ni Mrs. Monte Cristo para kumain.” Nagulat naman ako nang marining ang bati niya. Gabi na pala, ang dali naman ng oras. Bumaba kaagad ako at pumuntang dining area.“Dahia, anak. Kain na,” sambit ni Mommy Carmela nang makita ako. Umupo naman ako sa upuan na katabi ng aking Nanay Lilet.Lahat ng malalapit na katulong sa kanila ay kasabay naming kumain. Ganito talaga ang mag-asawang Monte Cristo, mababait at hindi mata-pobre. Tingin nila sa aming mga mahihirap at kasambahay ay kapamilya na. Tuwing gabi lang kami nagkakasabay-sabay kumain dati, kapag kasi almusal at pananghalian ay busy ang mga tao sa mansion. Kapag gabi naman ay hindi, dahil wala nama
Alas nuebe na ng umaga na ng ako'y magising. Kasalukuyan akong naghahanda ng aking almusal sa mesa, hindi ko nakita si Mommy Carmela at 'nay Lilet at kanina ko pa sila hinahanap, baka nag grocery na naman iyon."Magandang umaga Ms. Dahlia," bati sa akin ng isang dalaga. Hindi pamilyar ang mukha baka ay baguhan palang ito. Kulot ang mahaba niyang mga buhok at kulay kayumanggi ang kaniyang balat. Sa palagay ko ay nasa bente na ang edad nito."Magandang umaga rin. Maari ba akong magtanong?" Napangiti naman ito at agarang tumango sa akin."Nakita mo ba aking ina at si Mommy Carmela?" patuloy na tanong ko sa kaniya."Nakita ko po silang umalis kaninang mga alas otso namalengke po siguro. Bilin ni Mrs. Monte Cristo na asikasuhin ko po kayo kapag kagising niyo. Pasensiya na po at hindi ko kayo agad naasikaso lalo na't ang almusal niyo. Katatapos ko lang po kasing magdilig ng pananim." Mahabang paliwanag nito sa akin. Napangiti naman ako sa kani
Travis POVNang marinig ko na Negative pa rin ang aking asawa ay bigla akong nawalan ng gana makipag-usap sa kaniya pati na rin sa aking trabaho. Kasalukuyan akong nasa office ko, marami pa akong tatrabahuin pero wala ako sa mood para gawin ito.Sobrang nadisappoint ako, umasa kasi ako na after ng outing namin ay magkaka-anak na kami. Hindi ko alam kung kailan pa kami maghihintay. Ilang taon pa ba para magkaroon na kami ng anak ni Dahlia? Ano pa bang paraan? Lahat naman ay nagawa na namin."Sir, naandito po si Mr. Cruz hinahanap kayo."Napalingon naman ako sa aking sekretarya. Tumango naman ako sa kaniya para ipahiwatig na papasukin na ang bisita. Umalis naman ito at maya-maya ay pumasok na rin si Mr. Cruz."Goodafternoon Mr. Monte Cristo," bati nito sa akin."Goodafternoon too. Please have a seat, Mr. Cruz." Iginaya ko naman ang aking k
Kinabukasan ay pumasok ulit ako sa aking office para trabahuin ang lahat ng papers na nakatambak sa aking mesa. Natambakan kasi ako ng mga gawain ngayon, that's why I'm cramming right now. I shoud finished it all kasi maya-maya ay may photoshoot pa kami. Mga ilang oras din ako nakatambay sa aking office at nagtrabaho. Hinatiran din naman ako ng aking sekretarya ng snacks pero hindi ko naman ito nagalaw.Nang maglu-lunch na ay doon lang ako natapos. Mamayang 1pm pa kasi ang photoshoot namin. Hinatiran ulit ako ng aking sekretarya ng pagkain para sa pananghalian. Nagulat naman ito nang nakitang hindi ko pa ginagalaw ang aking meryenda at napapailing nalang. Nagpasalamat naman ako sa kaniya bago siya umalis ng aking office.Binuksan ko ang aking pagkain at nilantakan na ito. Natuwa naman ako dahil adobo ang ulam. Mayroon kasing Filipino cuisine dito malapit sa aming building. Napangiti naman ako nang malasahan ito, nakakamiss din ang lutong bahay. Simula kasi
Alam kong napakahalaga ng pagsasabi ng totoo kay Dahlia lalo na't malayo kami sa isa't-isa. Sigurado akong mag-ooverthink lang iyon at magseselos, wala pa naman ako sa tabi niya para suyuin siya. Ayoko naman masira uli ang relasyon namin lalo na't kakabati lang namin no'ng nakaraan. Kailangan ko rinmag-ingat sa mga sasabihin ko sa kaniya. Oo, medyo nadisappoint ako dahil hindi pa kami nagkaka-anak. Pero it doesn't mean na uulitin ko pa ang mali ko dati. I was so stubborn and cold to her. Siguro ay sasabihin ko nalang ito kapag nasa Pilipinas na ako, after all, kumain lang naman kami ni Emery as a friend. Hindi naman na siguro kami magkikita ni Emery dahil tapos naman na ito sa kaniyang trabaho. As I've said, last night pwede naman na siyang magliwaliw dito sa New York if gusto niya. Kasalukuyan akong nagta-type ng mga paper works ko. Super daming nakatambak lalo na ngayon at tapos na ang photoshoot. Reports and presentation nalang ang kulang. Bukas kasi ay magpi-