Travis POV
I was ready to go out of my office when suddenly Carmina, my secretary, told me that I have a visitor named Emery. I was shocked hearing her name. Kailan pa siya umuwi? Hindi ba ay nasa Korea siya? Maya-maya ay bigla namang bumukas ang pintuan ng aking offfice.
“Hello Travis!” masiglang bati niya sa akin.
“A-anong ginagawa mo rito? Hindi ba ay nasa Korea ka?” tanong ko at umirap naman siya.
“Boring sa Korea eh. Isa pa may napakahalagang offer sa akin dito kaya naman umuwi agad ako.” Umupo siya sa aking sofa.
“Pauwi ka na ba? Labas muna tayo!” patuloy niya pa.
“Binisita mo na ba si Dahlia? Nagkita na ba kayo?” tanong ko sa kaniya.
“Actually, h-hindi pa—hindi ko kasi alam ang exact address ng bahay niyo eh. Kaya nga pumunta ako rito para tanungin saiyo,”
Ibibigay ko na sana ang address namin nang pinahinto niya ako.
“Labas muna tayo, nagugutom na ako eh. Saka mo nalang ibigay sa akin iyong address ng bahay kapag nakakain na tayo.” Tumayo siya at nilingkis niya ang kaniyang kamay sa aking braso. Naiilang tuloy ako dahil nararamdaman kong nakadikit na ang kaniyang dibdib sa akin. Wala akong nagawa kaya pinagbigyan ko na siya. After all, magkaibigan naman kami.
Pumunta kami sa isang Italian restaurant malapit sa kompanya. Nagorder na rin kami ng pagkain. Habang kumakain ay panay kwento ni Emery ng mga naranasan niya sa Korea. Mukhang ayos naman at masaya siya roon.
“Kayo? Kumusta kayo ni Dahlia? May anak na ba kayo?” tanong naman niya. Nalungkot naman ako bigla sa tanong niya.
“Wala pa.” maikli kong sagot sa kaniya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking kamay.
“Huwag ka ng malungkot Travis. I am here naman. Kung mayroon kayong hindi pagkakaunawan ni Dahlia ay tawagan mo ako. I’m willing to help you ease your pain.”
Bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya. Tumango nalang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang aking pagkain. Hindi ko namalayang magaalas otso na ng gabi. Kanina pa siguro naghihintay ang aking asawa sa bahay. Bigla namang kumirot ang aking dibdib nang maalala ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa relasyon namin. Sawang sawa na akong maghintay, gusto ko na talagang magka-anak pero hindi niya iyon maibigay.
“Travis? Nakikinig ka ba?”
“Ha? Ano nga ulit iyon?” tanong ko sa kaniya.
“Sabi ko baka gusto mong sumama sa akin pumuntang bar. Let’s enjoy kalimutan mo muna iyong problema mo.” Ngumiti naman siya ng napakatamis at bigla naman akong napalunok.
“S-sige ba.” Minsan lang naman eh. Bigla kong inilabas ang aking cellphone para itext ang aking asawa na gagabihin akong uuwi. Nagulat naman ako nang nakita ko ang 20 missed call niya sa aking cellphone. Tinext ko nalang siya at sinabing huwag na akong hintayin at matulog na saka ko tinurn off ang aking cp.
Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming dumiretso sa bar. Umupo kami at umorder ng maiinom. Kita ko ang naguusokang sigarilyo at nagsasayawang tao sa dance floor.
“Okay ka lang ba!!?” pasigaw na tanong sa akin ni Emery. Hindi ko naman ito naintindihan kaya ay lumapit siya sa akin at bumulong. Napakalapit niya at bigla akong nailang.
“Okay ka lang ba? Sabi ko,” bulong niya sa aking tainga at para bang dumampi ang kaniyang labi roon.
“Y-yes,” sabi ko naman sa kaniya at biglang ininom ang alak na nasa harapan ko.
“Easy.” Nilingkis niya ang kaniyang kamay sa aking braso at sumandal sa akin. Gawain na talaga ito ni Emery, noong kami ay nasa kolehiyo ay ganito na siya. Hindi naman ako naiilang pero ngayon ay iba na. Siguro hindi na rin ako sanay.Matagal-tagal naman na kasi iyon.
“Travis.” Tawag niya sa akin.
“Masaya ka ba na si Dahlia ang iyong napangasawa?” tanong niya sa akin.
“Ha? O-oo naman,” sagot ko sa kaniya.
“Hindi ka ba nagsisisi? Kasi ‘di ba hindi ka niya mabigyan ng anak.”
“Hmm. Minsan iniisip ko what if iba ang pinakasalan ko. Baka nga lima na ang anak naming ngayon.” Tumawa naman siya sa sinabi ko.
“Hindi pa naman huli ang lahat Travis,” makahulugang sabi niya sa akin.
Napayuko naman ako.
“Tara sayaw tayo?” Hinila niya ako sa dance floor. Wala naman akong gumawa. Gumiling giling siya sa harap ako at nilingkis ang braso niya sa leeg. May tama na ata itong si Emery.
“Sayaw ka naman diyan,” malandi niyang sabi sa akin. I am starting to like her company. Napakawild. Kung si Dahlia hindi ito magawa sa akin. Sinabayan ko naman ang sayaw niya. Dikit na dikit kami sa isa’t isa. Nararamdaman ko na rin ang kaniyang dibdib sa akin. Bigla namang may nabuhay sa harap ako. Bigla iyon tumama sa puwet niya nang siya ay tumalikod.
“You’re hard!” sigaw niya sa akin para marinig ko siya. Bigla naman akong napahiya roon, na siya namang kinatawa niya.
“Tara uwi na tayo, lasing ka na,” sabi ko sa kaniya at inakay siya palabas ng dance floor. Sumunod naman na siya sa akin at lumabas na sa bar. Binuksan ko ang passenger seat at inalaayan siyang umupo. Naamoy ko ang kaniyang pabango. Siya naman ay bigla akong niyakap sa leeg.
“Travis, I really love you,” sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya at napatitig naman kami sa isa’t-isa. Naakit ako sa kaniyang mapupulang labi para bang gusto ko siyang halikan o kaya ay dala lang ito ng kalasingan ko.
Unti-unti naman niyang inilapit ang kaniyang labi sa akin hanggang sa dumampi ito sa aking labi. Ginalaw niya ang kaniyang labi hanggang sa lumalim ang aming halik sa isa’t-isa. Natauhan naman ako at biglang pinutol ito.
“S-sorry,” paumanhin ko sa kaniya. Tumango naman siya at inayos ang sarili. Isinara ko naman ang pintuan ng aking kotse at sumakay na saka nag drive.
“Saan ka pala tumutuloy? Doon ba sa tatay mo ulit?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot.
Wala kaming imik buong byahe. Nang makarating kami sa bahay niya ay dire-diretso itong lumabas at isinarado ang gate nila. Napakamot naman ako ng ulo at biglang pinaandar ang aking kotse. Sa totoo lang ay nakokonsensya ako, lalo na sa asawa ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon.
“You’re such a fool Travis!” bulong ko sa aking sarili.
Nang nakauwi na ako sa aming bahay ay nakita ko ang aking asawa na mahimbing na natutulog sa sala. Bigla naman akong naawa sa kaniya. Im sorry Dahlia. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at pinagmasdan ito. Tiningnan ko kung anong oras na, mag aala una na pala ng madaling araw.
Napabuntong-hininga naman ako at binuhat ko ang aking asawa papuntang kwarto niya. Sumila ng gabing nag away kami ay hindi ko na siya pinatulog sa aming kwarto. Sa kadahilanang galit ako sa kaniya pati na rin sa aking sarili. Hindi ko kasi maintindihan na ang aking sarili at bigla nalang kasing nawalan ako ng gana at pasensiya. Sawa na akong maghintay sa pag-asang magkaka anak pa kami. Limang taon akong naghintay at umasa hanggang ngayon ay wala pa rin. Iniisip ko, siguro ay hindi kami para isa’t -isa.Hanggang sa isang araw nakita ko nalang ang sarili ko na wala ng pakialam sa kaniya at sa nararamdaman niya. Naiisip ko na rin na paano kung iba ang napangasawa ko at hindi siya? Ilan na kaya ang anak ko ngayon baka marami na. Hindi na sana ako binibiro ng mga kaibigan ko tuwing nag-iinuman kami. Noong una ay okay lang sa akin pero ngayon ay napipikon na ako sa kanila. Hanggang sa nakita ko nalang ang aking sarili na sinisisi at sinisigawan si Dahlia. Iyon ang kauna-unahang away naming mag-asawa.
Pinasok ko na siya sa kaniyang kwarto. Bago ako umalis ay hinalikan ko ang kaniyang noo.
“T-travis huwag mo akong iiwan.”
Bigla naman akong napahinto sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita kong umiiyak ito habang natutulog. Bigla akong nakonsensiya.
“I’m so sorry, Dahlia,” bulong ko sa aking isipan saka isinara ang pintuan.
Pumasok na ako sa aking kwarto saka nagpalit ng damit. Maya-maya ay biglang nag ring aking cellphone.
“Hello?” sagot ko sa tawag.
“Hello Travis?” It was Emery.
“Bakit napatawag ka?” tanong ko sa kaniya.
“I just want to say I’m sorry sa biglaang pagiwan ko saiyo kanina. Hindi ko lang kasi alam ang aking sasabihin, matapos noong—” Bigla ko naman siyang pinutol. Hangga’t maari ay ayoko ng matopic iyong nangyari kanina.
“It’s okay. Kalimutan nalang natin iyon. Sabi ko sa kaniya.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa linya.
“O-okay. Salamat pala at sorry kanina. Goodnight,” paalam niya sa akin.
“Goodnight din,” paalam ko rin sa kaniya at inend na ang tawag.
Bakit ko naman kasi tinugunan ang halik ni Emery kanina. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. May part na gusto ko ang nangyari at may part din namang hindi, dahil may asawa na ako at nagtaksil ako sa asawa ko. Pinangako ko sa altar na siya lang ang babae at mamahalin ko pero ano tong pinagagawa ko. Bigla naman akong napahilamos ng mukha. Kung sana ay may anak kami ngayon ay hindi sana iyon nangyari.
****
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.