Dahlia POV
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock, napabalikwas naman ako at agad na lumabas sa aking kwarto. Wait--- bakit naandito na ako sa kwarto ko? Hindi ba ay nasa sala ako kagabi? Nagsleep walking ba ako o baka naman…
Nilingon ko ang kwarto ng aking asawa, naglakad ako palapit doon at sinilip ang loob. Napahinga naman ako ng malalim ng makita ko siyang natutulog sa kaniyang kama. Siya ba ang naglipat sa akin sa kwarto ko? Napangiti naman ako, may care pa naman pala ang aking asawa sa akin, meaning mahal pa niya ako. Ngunit, napawi naman ang aking ngiti, sa pagaalala kung saan nga ba siya pumunta kagabi at anong oras naman siya umuwi.
Bumaba na ako para ipaghanda siya ng almusal dahil maya-maya ay gigising na rin iyon.
Matapos akong maghanda ay napatingin ako sa orasan na nakasabit sa aming pader, bigla naman akong nagulat dahil mag aalas syete na. Malilate na si Travis sa kaniyang trabaho. Patay!
Tinakbo ko ang kwarto ni Travis at hingal-hingal na pumasok sa pintuan niya.
“Love gising na! Malilate ka na sa trabaho mo!” sigaw ko sa kaniya.
“Ano ba Dahlia! Ang ingay mo!” Tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ang unan.
“Eh kasi love malilate ka na sa trabaho mo. Bumangon ka na riyan!” Hinila ko ang kaniyang kamay pero parang wala lang iyon dahil ang bigat niya.
“WHAT!?? Pucha naman Dahlia, Ba’t hindi mo ako ginising??” Bigla siyang bumangon at dali-daling pumasok sa banyo para siguro maligo. Ako naman ay pumunta sa kaniyang closet para ihanda ang kaniyang damit pang-opisina.
Lumabas naman ako ng kwarto niya at inihanda na ang mga pagkain at nagtimpla ng kape para sa kaniya, nakita ko naman siyang dali-daling bumaba sa hagdan.
“Love! Kain ka muna—”
“Ayaw ko ng kumain, malilate na ako Dahlia kaya huwag mo na akong pilitin!” galit na sabi niya sa akin.
“P-pero baka magutom ka sa tra—”
“Will you please shut up!? Nakakairita ka na! Isa pa at makakatikim ka na sa akin,” putol niya sa aking sasabihin at umalis ng walang paalam. Nangingilid ang aking luha, wala akong magawa kung ‘di ay tingnan ang kaniyang likod na papaalis sa aming bahay. Napaupo nalang ako sa sofa at napabuntong-hininga ng napakalalim.
“Hindi dapat ako magpaapekto sa sinabi niya. Malakas ka Dahlia, kaya mo ito at malalampasan mo rin ito. Babalik din sa dati ang lahat, huwag kang mag-alala,” pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Pumikit ako at ngumiti. Kung ayaw niyang kumain dito pwes ako ang magdadala ng pagkain sa kaniya, kaya napagpasiyahan kong pumunta sa kompaniya para dalhan siya ng lunch. Kumain muna ako ng almusal at pagkatapos ay nag-grocery. Binili ko lahat ng kakailanganin kong sangkap para sa lulutuing kong Adobo at Caldereta.
Hindi ko pinaalam sa kaniya na pupunta ako dahil susurpresahin ko siya. Siguro naman ay matutuwa ito kasi nageffort pa akong ipagluto siya and I’m hoping for a positive outcome.
Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na ang lunchbox namin ni Travis. Nilagay ko rito ang pagkain namin saka isinilid ito sa paperbag. Ngayon ay ready na ang lunch namin kaya ako naman ay magaayos na rin. Naligo ako at nagayos ng sarili. I wore a floral pink dress na iniregalo sa akin ni Travis noong anniversary namin. Nagmake up din ako pero light lang naman.
Bitbit ko ang paperbag at sumakay ng taxi para dumiretso sa opisina ng aking asawa. Nang ako’y makarating sa kompaniya ay masiglang binati ko ang guard sa labas. Kilala naman niya ako kaya pinapasok na ako. Madali akong nakarating sa opisina niya.
Ngayon ay nasa harapan na ako ng opisina ni Travis. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan.
“Hi Love! May dala akong pagkain natin sabay na tayong maglunch.” Ngiti kong sabi sa kaniya at napatingin naman sa table niya pero bigla namang nawala ang aking ngiti ng makita ko sila ni Emery na kumakain. Nagtatawanan ito, kaya hindi nila ako narinig. Nangiginig ang aking kamay pero kinalma ko ang aking sarili.
Wala lang iyon Dahlia. Huwag mong gawan ng malisya.
Lumapit ako at tinawag ang atensiyon nila. Bigla namang napalingon ang dalawa at nagulat.
“W-why are you here, Dahlia?” tanong ng aking asawa.
“Hindi ba, hindi ka nagalmusal kanina? Kaya dinalhan kita ng lunch natin.” Nginitian ko siya at tiningnan ko naman si Emery.
“Andito ka rin pala Bes,” patuloy ko pa.
“Oo Bes, binisita ko lang si Travis. Halika opo ka rito sa tabi ko. Sabay na tayong kumaing tatlo.” Lumapit na rin naman ako sa kanila.
Parang ako pa ang nahiyang umupo sa tabi nila. Wala rin namang imik si Travis. Maraming katanungan ang nasa isip ko pero pinili ko nalang iwaksi ang mga iyon.
“L-love may dala akong paborito mong adobo at calderata.” Bubuksan ko na sana ang lunch box kong dala nang mapatingin ako sa kinakain nila. It was adobo and caldereta too. Bigla naman akong napatigil.
“Hala! Adobo at Caldereta rin ang aking dala,” gulat namang sabi ni Emery.
Napangiti naman ako at sinilid ko nalang uli iyong niluto ko. Mukhang hindi naman kasi kailangan iyon. Napatawa nalang ako sa kanila.
“Oo nga eh, siguro ibibigay ko nalang ito kay Carmina sa labas.” Itinabi ko ang paperbag sa gilid ko.
“Ah, Bes kasi matatapos na rin naman kaming kumain. Kita mo naman paubos na baka hindi ka na namin masabayan ni Travis,” sabi ni Emery sa akin.
“Ha? O-okay lang. Sa bahay nalang siguro ako kakain.” Nahihiya akong tumawa sa kaniya.
“S-sige na mauna na ako. Wala pa namang tao sa bahay. L-love uwi na ako. I love you.” Hahalikan ko sana siya sa labi pero umiwas ito kaya dumiretso ang aking labi sa kaniyang pisngi. Sa totoo lang ay kanina pa ako nasasaktan. Dati naman ay excited pa niyang buksan ang dala kong pagkain kapag pumupunta ako rito para hatiran siya pero ngayon hindi na. Iba na rin ang kinakain niya.
Nakita ni Emery ang pag-iwas ni Travis sa halik ko kaya nakadama ako ng hiya sa kaniya.
“Bes, mauna na ako,” paalam ko rin sa kaniya at nagbeso.
Lumabas na ako sa opisina niya at agad na pinikit ang aking mga mata. Huwag kang iiyang Dahlia. Malakas ka hindi ba. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko si Carmina na puno ng pa-aalala.
“Okay lang ho ba kayo Ma’am? May masakit ba sainyo?” tanong niya.
Oo puso ko.
“W-wala ito Carmina. Kumain ka na ba? May ibibigay sana ako saiyo. Heto pasasalamat ko pag aasikaso kay Travis tuwing trabaho.” Inabot ko sa kaniya ang dala kong paper bag. Tiningnan naman niya ito at nagtaka.
“P-pero ma’am bakit dalawa po itong lunchbox?”
“Nakalimutan ko, para kay Manong Guard iyan. Pwede ba pakibigay nalang sa kaniya?” suyo ko sa kaniya.
“Oh, sige ma’am wala pong problema. Thank you po! Ang bait niyo po talaga napakaswerte ni Sir Travis sainyo.”
Sana nga. Nginitian ko nalang ito at umalis na. Napakatanga mo talaga Dahlia. Ikaw ang asawa pero bakit parang ikaw ang naitsapwera.
Mabigat ang dibdib kong umuwi sa bahay at mag-isang kumain. Aaminin ko, nakaramdam ako ng selos nang makita kong tumatawa si Travis kay Emery kanina. Ngayon ko lang din nakita ang ngiti niya simula ng maging cold siya sa akin. Natatakot ako na baka hindi na ako ang taong magpapasaya sa kaniya. Natatakot din akong malipat ang atensiyon at pagmamahal niya kay Emery. Napatingala ako sa taas, pinipigilang tumulo ang aking luha pero nabigo ako, tuluyan itong tumulo pababa sa aking pisngi. Ang tahimik na pagluha na kalaunay naging hagulhol.
***
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.