Share

Kabanata 3

Author: Grace Ayana
last update Huling Na-update: 2021-11-12 11:49:47

Ang ganda ng mood niya kanina ngunit may demonyong dumating at bumulahaw sa kanyang pananahimik at pamamahinga. Napaismid siya at kaagad na inilipat ang paningin sa unahan. Mas maiging ang malawak na sakahan ang tititigan kesa sa gwapo nga ngunit nakakasuya namang pagmumukha ng kanyang intuder.

Sa akin ba nakatingin si Lorenzo? Himala yata iyon sa lahat ng himala. Dapat yata magpa-fiesta siya.

"What are you doing here?"

Sa loob ng maraming taon ay hindi si Lorenzo ang tipo ng taong unang nagbubukas ng usapan sa kanya. He hates her. Sa di malamang dahilan ay mabigat ang kalooban nito sa kanya. Tingin nito sa kanya ay bacteria magmula noong mga bata pa lamang sila. At kapansin-pansin na mababa ang tonong ginamit nito sa kanya.

"Kumakain," sa mababa ring tono ay sagot niya. Saka niya sininop ang walang laman ng baunan at inilagay sa duffel bag niya.

"And of all places, dito pa talaga sa paborito kong spot."

Nasorpresa siya sa nalaman. All this time ay ito ba ang taong nagpupupunta sa lugar na ito? Saka siya napalingons a nakaukit na letra sa puno. LS. Lorenzo Santibañez. Matagal ding naging palaisipan sa kanya kung sino si LS at ngayong nalaman niya, disappointed siya. Big time.

"Huwag ho kayong mag-aalala. Sinisigurado ko ho na sa mga Samonte ako nakatungtong." Hindi niya sinasadyang langkapan ng sarkasmo ang boses.

Naupo si Lorenzo sa damuhan ilang pulgada mula sa kinauupuan niya.

"Don't you worry, when Margaux and I get married, magiging iisa ang dalawang lupain."

Lihim siyang napaismid sa sinabi nito. Bukambibig din iyon ng among si Sir Deo. Ibig sabihin, isang araw ay magiging amo niya rin ito at kung ito man lang ang paglilingkuran niya, salamat na lang. Nakakarating naman sa kanila ang mga balita kung gaano kalupit sa mga tauhan. Di kataka-taka, salbahe na ito noong bata pa man sila. May sademonyo yata ito.

"So, magiging amo kita?" di niya maiwasang tahasang itanong.

"That depends." May nakakalokong ngiti ito sa mga labi. Ngiting nagpapahiwatig na hindi gagawa ng kabutihan.

"Depende saan?"

"Depende sa kung sino ang iri-retain ko."

Indirectly, sinasabi nito na isa siya sa palalayasin. Ano pa nga ba ang ini-expect niya?

"Inaasahan ko na na isa ako sa mapapaalis." Isinukbit niya ang bag sa balikat.

"How sure are you?"

Siya naman ang ngumiti ng mapakla.

"Anino ko pa lang kasi nai-HB na kayo. Noong araw lagi mong sinasabi na may araw ka rin sa akin. Siguro ang araw na tinutukoy mo ay kapag nagpakasal na kayong dalawa ni Margaux."

May kalangkap na pait sa kanyang boses. Tama iyon. May naipon talagang sama ng loob sa kaibuturan ng puso niya para sa binata. He never treated her right.

"I'll throw you away from tha hacienda.' Ang eksaktong sinabi mo sa akin noon. Di ko iyon nakakalimutan."

Habangbuhay na nga yatang nakabaon sa puso niya.

Birthday noon ni Margaux at tanging ang mag-anak na Santibañez lang ang panauhin. Naalala pa niyang todo paghahanda noon ang nanay niya at si Nanay Belya sa kusina. Espesyal kasi ang okasyon at mas lalong espesyal ang mga panauhin. ilang linggo pa lang simula nang pumisan sila noon sa hacienda.

"Who is she Margaux?"

May bahid ng yamot ang mukha ng batang si Lorenzo. Tahimik lang naman siyang nakaupo noon sa isang sulok sa kusina nang puntahan siya at hilahin ni Margaux.

"She's a friend."

"You played with her? She is so madungis."

Naalala pa niya kung paano sinuri ng batang Lorenzo ang kabuuan niya at tila nandidiri sa mga sugat sa kanyang binti at bisig. At noong titigan niya ito dahil namangha siya sa ganda ng mga mata nito ay nagalit ito. Nang pinilit ni Margaux na isali siya sa kung anuman ang ginawa ng mga ito ay nagalit ang batang si Lorenzo. Bigla siyang hinila nito papasok sa library at ini-lock. Iyak siya ng iyak noon. Takot na takot siya lalo pa at napapalibutan siya ng matatayog at lumang mga cabinets na nasasalansanan ng samu't-saring aklat. Pakiwari niya, nasa isang setting siya ng isang horror movie Mabuti na lang at pinagbuksan siya ng kapatid nitong si Audrey. Napagalitan si Lorenzo ng ina at napalo pa ng tatlong beses sa puwit sa harap ng lahat habang siya ay di mapugto ang pagjikbi habang nakayakap sa beywang ng ina.

"You'll pay for this."

Yon ang banta ni Lorenzo sa kanya.

Simula nga sa araw na iyon, naging mantra na nito sa buhay na alipustahin siya. Iniinis siya sa bawat pagkakataong nagkakatagpo ang mga landas nila. Habang lumalaki siya ay naiintindihan niyang dulo pa lang ng buhok ay kinaiinisan na nito kaya sinisikap niyang huwag magkrus ang mga landas nila ni Lorenzo.

Kung alam lang nito kung gaano nabawasan ang self-worth niya.

Napabuntunghininga siya kapagkuwa'y tumayo.

"Kung ikaw man lang ang magiging amo ko, uunahan na kitang layasan. Hindi ko maaatim ang magtrabaho sa isang kagaya mo."

Binirahan niya ito ng talikod at mabibilis ang mga hakbang na nagtungo sa kinapapardahan ng kanyang bisekleta.

Habang papaalis, ramdam niya ang mga titig nito na nakasunod sa kanyang ikuran. Marahil ay di nito inaasahang susuklian niya ang kagaspangan ng pag-uugali nito.

Lihim siyang nagbunyi.

Nakailang metro pa lang siya nang nilampasan siya ni Lorenzo at hindi lang siya basta nilampasan. Sinadya pa nitong magrebolusyon sa tapat niya daan upang kainin siya ng alikabok na nilikha ng friction ng gulong ng sasakyan nito sa di sementadong daan.

"Aba'y!"

Naihilamos niya ang alikabok na iniwan ng sasakyan nito at napaubo pa siya. Pakiramdam niya ay direktang nalunok niya ang dumi.

"Walanghiya talaga," himutok niya. Kahit kailan talaga walang modo ang taong iyon porke't mayaman. "Di na talaga nagbago."

***

"Bastos talaga!"

Naiiyak niyang himutok sa sarili. Papasok na siya sa tarangkahan ng mansion ay di pa rin matapos-tapos ang paghihimutok niya. Gusto niyang maiyak ngunit maagap niyang pinigil ang mga luha. Kailanman, hindi na siya iiyak nang dahil lang sa lalaking iyon.

Ilang beses na ba siyang pinaiyak nito noong bata siya?

Pinakamatinding pag-iyak niya ay noong seventeen siya.

Paano ba niya kakalimutan ang gabing yon?

"Margaux, huwag mo naman akong iiwanan dito."

Takot na takot siya na basta na lang siya pinaupo ni Margaux sa venue ng party na kinaroroonan nila sa bayan, sa isa pang anak ng may-ari ng lupain.

"Sandali lang ako. May ipapakita lang si Gie sa akin." Kaibigan nito ang tinutukoy, ang host ng party.

"Sa kotse mo na lang ako."

"Whatever."

Nagmamadali na ngang tinungo ni Margaux ang hagdanan habang hila-hila ito ni Gie. Keysa naman matutunaw siya sa hiya sa gitna ng pagtitipon kung saan mga hindi niya kauri ang naroroon ay sa sasakyan na lang siya nito naghintay.

Kahit na maganda naman ang damit na pinasusuot ni Margaux sa kanya ay hindi niya makuhang umakto ng tama. Kahit ilang beses pang sabihin nito na magrelax at umaktong normal. Alam naman niyang sinisikap ni Margaux na bigyan siya ng pagkakataong magblend sa circle nito pero talagang hindi siya nababagay roon.

Laking pasalamat niya nang makaupo sa sasakyan. Binuksan niya lang ang pintuan ng kotse at pumikit. Mas gusto pa rin kasi niya ang preskong hangin kesa sa aircon na tumatama sa kanyang balat.

Nasa ganoon siyang ayos nang maramdamang may tila kaluskos sa kanyang tagiliran. Di niya iyon pinansin. Nang bigla na lang ay may narinig siyang nangusap.

"Margaux, you are wearing my gift."

Matapos marinig ang pangungusap na iyon ay basta na lang may  humawak sa pisngi niya at may lumapat na labi sa kanya daan upang mapadilat siya sa gulat.

Sino ba ang mapangahas na ito na bigla na lang nagnanakaw ng halik? Dapat ay itinulak niya ang lalaking iyon ngunit heto at tila ninanamnam ng kanyang bibig ang malambot na labing iyon at ang hininga na pinaghalong alak at tila mint.

Hanggang sa tila may narealize ang pangahas na lalaki. Dahan-dahan itong bumitaw at lumayo sa kanya.

"It's you?"

Nawala marahil ang kalasingan nito. Kitang-kita niya iyon sa disgust na pumipinta sa mukha nito habang pinapahid ang bibig na para bang may hatid siyang bacteria. Napipingasan ang damdamin niya.

"Why did you let me kiss you?"

Kasalanan pa niya? Naiiyak na siya sa inis sa lalaki at mas lalo sa sarili niya na hinayaan niyang mangyari iyon. Ang nakakainis pa ay ang kakaibang damdaming naghahari sa kanyang dibdib. Naroroong tila umulagwa na sa rib cage niya ang puso sa matinding pagkabog.

"No one has to know this."

Talaga bang nakakadiri siya? Napipingasan man ang damdamin na di mawari ay nakahanap siya ng pagkakataong iblackmail ito.

"Walang makakaalam, sa isang kundisyon."

"Ano?"

Nakipagsukatan sya ng titig kay Lorenzo.

"Tantanan mo na ako."

Yon ang simula nang muling pagtiwasay ng buhay niya. Sa mga pagkakataong nagpapang-abot sila ni Lorenzo ay iniignora siya nito. Naging normal uli ang buhay niya. 

"Hey, what happened to you?"

Si Margaux na 'di malaman kung matatawa o maaawa sa kanya. Tyempong kapapasok lang nito sa kusina habang naghuhugas siya ng kamay at braso.

Ang dungis niyang tingnan. Matapos siyang kainin ng alikabok ay siya namang pagpatak ng ulan nang papalapit na siya ng bahay.

"Nalaglag ako sa bisekleta."

Humagalpak ng tawa ang kaibigan.

''Kung alam mo lang ang kawalanghiyaan ng mapapangasawa mo.'

Hindi niya ugali ang nagsusumbong. Isa pa, pag sinabi niya ay baka ora mismong susugurin ni Margaux ang lalaki at bubungangaan. Mas magiging kumplikado pa ang lahat. Hahayaan niya na lang. Hiling niya na lang na sana kapag nagpakasal na sina Margaux at Lorenzo, mahahawa ito sa kabaitan ng una.

Hanggang ngayon, hindi niya talaga lubos na maunawaan kung bakit ang init-init ng dugo nito sa kanya.

"Marge," pansamantala niyang inihinto ang ginagawang paghuhugas ng braso sa sink, "posible bang may merger ang dalawang hacienda pag naikasal na kayo ni Santibañez?"

Tinitigan siya ng tuwid ng kaibigan.

"That will only happen kung magpapakasal nga ako kay Santibañez."

As if naman may magagawa ito. Dapat na nga siyang umalis sa bahay na ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
ang bad mo Lorenzo...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Sweet Surrender   Teaser

    Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk

  • His Sweet Surrender   Epilogue

    Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap

  • His Sweet Surrender   Kabanata 33

    Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal

  • His Sweet Surrender   Kabanata 32

    "Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni

  • His Sweet Surrender   Kabanata 31

    "Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba

  • His Sweet Surrender   Kabanata 30

    Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status