Share

Kabanata LXII

“Nainip na 'ko sa loob ng kuwarto kaya lumabas muna ako para maglibang. Saktong nakita ko si Manang Lourdes na may dalang panlinis, maglilinis daw siya ng playroom, gusto ko ngang ako nalang ang maglihis dahil hindi naman mabigat na gawain 'yon.”Paliwanag ko at lumapit sa kaniya.

“Sa susunod ay sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta para hindi ako nag-aalala.”

“Tulog ka kanina,” Umismid ito. “Kahit na, sa susunod ay mag iwan ka ng note o gisingin mo 'ko kahit sandali. Ayoko ng magigising ulit na wala ka sa kama ko.”Ngumiti ako at nilingon si Manang Lourdes na pinapanood kaming dalawa.

“Kumain na ba kayo ng miryenda?” Tanong ni Tyler. Nakatuon ang atensyon kay Manang.

Miryenda para sa iba pero tanghalian para sa aming dalawa.

“Hindi pa ho. Tapusin ko lang po muna 'to.”

“Iwan mo na 'yan Manang. Sumabay ka na sa amin ni Calixta kumain.” tinignan ko ang reakyson ni Manang kung magugulat siya sa paanyaya nito pero normal lang siyang nakikipag usap. Ibig sabihin ba ay sanay na siya sa gan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status