Share

Chapter 6:Plan

"Bes, sige naman na oh, pagamit ng jowa mo." Pagmamakaawa ni Dreams sa kanyang kaibigan na si April na ipahiram ang boyfriend nito upang ipalabas na ama ng kanyang anak. Hindi niya kayang itago ng matagal sa kanyang pamilya ang totoo niyang kalagayan lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung tutulungan siya ni Kaiden.

Halos lumuhod na siya sa harapan ni April, pinuntahan niya ito sa dorm kung saan kasalukuyang nakatira si April. Saktuhan rin na naroon ang nobyo nito na si Pablo. Close naman silang dalawa ni Pablo, minsan na rin siyang humingi ng tulong dito kaya akala niya pagbibigyan siya ulit nito. Noong malaman iyon ni April, kaagad siyang umangal dahil hindi siya sang-ayon sa gusto ni Dreams.

"Kung pera ang hihiramin mo kaya kong ibigay pero kung usapang jowa naman, bes, magtigil ka naman." Segunda ni April, halos yakapin na niya si Pablo palayo kay Dreams. "Hindi biro 'yang gusto mong mangyari na gagamitin mo 'tong jowa ko para ipakilala kina Tita na ama siya ng anak mo. Paano ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status