Share

Kabanata 17

"Yur mi brader?"

"Pisti, bigla akong napaingles." Hindi mapigilan ni Angelo na murahin ang sarili dahil sa kanyang sinabi.

Samantalang ang kuya naman ni Aimie ay napaigting dahil sa kanyang narinig. Di niya akalaing naglayas lang ito sa pamamahay ay pumangit na ang pag-englis nito. 

"What's your problem, why are you speaking like that?" napataas ng kilay ang kuya ni Aimie habang tinatanong si Angelo. Sa tingin niya kasi ay parang lumuwag ang turnilyo ng nakababatang kapatid niya.

"Anong what's your problem diyan, pede bang magtagalog ka nga, nakakarindi kang palaka ka." Hindi mapigilan ni Angelo ang magalit dahil kanina pa niya sinabing magtagalog nalang ang mukhang palakang kaharap niya, pero englis pa rin ng englis. "Kapag ako hindi nakapagpigil masasapak talaga kita, isa pang englis diyan babatuhin kita ng sapatos."

Nakita naman ng kapatid ni Aimie na seryoso ang kausap niya kaya napaubo muna siya bago magsalitang muli.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status