[The Sequel Chapter 2] “Hala,” sambit ni Candy. “So hindi niyo po itutuloy ang kasal?” I smiled. “Itutuloy naman, Candy. Ipapa-move na lang namin.” “Uuwi po kayo ng Pinas?” she asked. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. “I guess so. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Fox.” Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako na magtungog Pinas. Ang isipin pa lang na magkakaroon kami ng araw-araw na interaction ng mga magulang ni Fox, lalo na ng Mommy niya ay hindi ko alam kung kaya ko bang i-deal. But then again, kung hindi ko susubukan, walang mangyayari. Naiintindihan ko naman na hindi lahat ng panahon, ay magugustan ako ng mga taong nakapaligid sa ‘kin. Just like Jessica and Amanda. They don’t like my existence at all. Hinimasko ang aking tiyan at tumingin kay Candy. I saw her looking at my belly too. “Ang swerte niyo po, Ma’am Ivy.” Tumingin siya sa ‘kin. “May lalaking handang gawin lahat para sa inyo. Ako kaya? Kailan kaya ako makakahanap ng taong para
[The Sequel: Chapter 3]As soon as the plane landed at the airport, Fox hurriedly stepped out. Ni hindi man lang kami nito hinintay. And I completely understand that. Alam kong alalang-alala siya sa kanyang ina. But then I was surprised when he suddenly… left.Paglabas namin ng anak ko sa eroplano ay sinalubong kami ng kanyang butler na nakangiti sa ‘kin. Nangunot ang aking noo.“Nasaan si Fox?” nagtataka kong tanong.“Ah, dumiretso na po siya ng hospital. He told me to take you and young master Finn home, safe and sound.”“Umuwi siya na hindi nagpapaalam sa ‘kin?” wala sa sarili kong tanong.Napatingin ako sa butler niya na tikom ang bibig. Wala akong ibang choice kundi ang humugot ng malalim na hininga at kagatin ang aking ibabang labi. Binigay ko sa kanya ang hawak kong purse. Tinanggap niya naman ito at giniya kami palabas ng airport.Kasunod ko sa ‘king likuran ang yaya ni Finn na nagbubuhat sa ‘king anak. Kung kaya ko lang buhatin si Finn pero hindi na kaya ng tiyan ko. Medyo ma
[The Sequel: Chapter 4]Sumaglit lamang dito si Fox. May kinuha lamang siya at agad din siyang umalis. Ni hindi ito nagpaalam sa ‘kin kahit na nasa kusina lamang ako at kumakain. Kahit si Finn ay nakakapansin sa pinaggagawa sa ‘min ni Fox.Anong nangyayari? Ako lang ba o sadyang bigla siyang nanlalamig? Or maybe I’m just overthinking? Hindi ko alam. Baka dala lang ito ng pagbubuntis ko kaya kung ano-ano na ang iniisip ko.“Mommy, you’re not touching your food.”Napakurap-kurap ako nang marinig kong nagsalita si Finn. I looked at him and then to my food. Saka ko lang napansing nakakalawang subo pa lang ako. I looked back at my son and forced a smile.“May iniisip lang ako, Love.” Ngumiti ako rito. “Kainin mo na ‘yan so you can continue playing.”“Can I ask you a question?” he asked.I nodded my head. “Sure. Go on.”“Dito na po ba ako mag-aaral?” he asked. “Am I gonna study here in the Philippines again?”Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. “I’m still not sure, love. But your fa
[The Sequel: Chapter 5]“What is really your problem, Shane? Bakit hindi mo ako sagutin nang matino?”Hindi ko ito pinansin. Kumuha ako ng isang scarf at binalot ito sa ‘king leeg dahil nakakaramdam ako ng lamig. Maingat akong humiga sa kama at pinikit ang aking mga mata, totally ignoring him.I want him to know I am mad at him. Na galit ako sa kanya at mayroon akong pagtatampong nararamdaman. At nakakainis lang dahil puro lang siya tanong nang tanong. Why can’t he figure it out, right? Bakit hindi niya mahinuha kung ano ang kasalanan niya. At ‘yon ang nakakainis sa lahat.“Shane, talk to me. Stop giving me silent treatments,” he said.“Stop talking, Fox. Gusto ko munang matulog,” I replied.Hindi na ito muling nagsalita. Hindi na rin ako kumibo dahil bahala na siya riyan sa buhay niya. If he cant figure it out then I’m not in the mood to explain to him why hell I am acting like this.Naramdaman ko ang braso nitong yumakap sa ‘king beywang. Hindi ko ito nilingon. Muli kong naramdaman
The Sequel: Chapter 6Hindi mawala sa isip ko ang naging usapan namin ni Mrs. Felicity kagabi. At buong gabi ding hindi umuwi si Fox. And now… ngayon dapat ang kasal namin ni Fox ngunit parang hindi ko ramdam. I feel like this is just another normal day to me. Dapat nga ay ito ang pinaka-special day ko sa tanang buhay ko.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at tinitigan ang aking phone kung saan ang lockscreen ko ang larawan namin ni Fox. Kahit naman hindi ko iboses ay ramdam na ramdam ko na ang pagbabago ni Fox magmula nang tumapak kami rito sa Pinas. Hindi ko alam kung overthinking lang ba ito o ano.Minsan naiisip kong… ako na lang ba? Nagbago na ba talaga siya?My phone suddenly vibrated. Tinignan ko muna ang tumatawag at nang mabasa ko ang pangalan ni Candy ay mapait akong napangiti. Kahit na wala akong ganang makipag-usap ay sinagot ko ang tawag ni Candy.“Hello, Candy.”“Hello, Ma’am Ivy. Congratulations for your big day po! Nandito na po silang lahat. Susunduin po ba na
[The Sequel: Chapter 7]My knees trembled as I keep scrolling through my phone. Mabigat ang aking pakiramdam at ganoon din ang aking dibdib. I bit my lower lip hard as I took a very very deep breath. I need to calm down. Nandito sa loob ng silid ang anak ko ay ayokong makita niya akong mag-breakdown.I took screenshots of what I’ve read in the article and turned off my phone. Pinunasan ko ang luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata at nagpakawala ng marahas ng hininga. Bumaling ako sa ‘king anak na busy ngayon sa pagtutupi ng kanyang damit. I’m glad his nanny taught him how to do that.Umupo rin ako sa kama at nagligpit din ng aking mga damit. It’s glad to know that my son suggested this. Hindi na ako mag-aabala pang magpaliwanag sa ama ni Fox na aalis kami dahil kagustuhan ito ng Finn. I don’t have to lie about it.“Mommy, are you still happy?”Natigil ako sa aking pagtutupi nang biglang magtanong ang aking anak. Wala sa sarili ko itong tinignan at nakita ko ang inosente nito mga m
[The Sequel: Chapter 8]“Ivy, bakit hindi ka niya hinabol?”Tumingin ako sa side mirror and mapait na ngumiti. I refuse to answer her question. Kasi kahit ako ay hindi alam kung bakit hindi man lang siya nagkaroon ng effort para habulin ako para magpalinawag o habulin ako para manghingi ng tawad. He’s just standing there and looking at April’s car to vanish from his eyesight.Mahina akong napailing. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Ang pagtatampo ko sa kanya ay laging nadadagdagan kaya naman mas lalo akong nagkakaroon ng lakas na umalis ng bahay na ito. Isa na rin sa rason ay ang nanay niyang sobrang init ng dugo sa ‘kin.“Ayos ka lang?”Wala sa sarili akong napatingin kay April nang tanungin niya ‘yon. Tipid lamang akong ngumiti at bumuntong hininga. I don’t know why but I want to freaking rest. I want to temporarily forget everything. I want to temporarily leave him and if only I could leave my sadness and disappointment behind me. I’m more than willing to do that.“
[The Sequel: Chapter 9] Hindi na ako makatulog ulit matapos ng narinig ko. Kaya naman nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa bumabalik si Fox ay idinilat ko na ang aking mga mata at bumangon. I caressed my tummy and bit my lower lip. Yve? Who the fuck is Yve? Sa gitna ng pangungunot ng aking noo ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Fox. Mukhang kakatapos lang niya makipag-usap sa babaeng nagngangalang Yve. I saw surprise in his eyes when he looked at me. “You’re now awake,” he said. “Anong ginagawa mo rito?” bungad kong tanong. “Paano ka nakapasok? Who let you in?” Umupo ito sa kama at pinanood ko lang siya. I see him very careful with his words and his behavior. Mukhang natatakot siyang magkamali ng sasasabihin kaya naman mas lalong nangunot ang aking noo. He held my hand and I just watched him. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Basta ang alam ko ay frustrated ako. Nangangati akong itanong kung bakit hindi niya ako hinabol kanina at kung sino