“Buntis? Anong buntis? Nasisiraan ka na ba?! I was infertile when we did that, Fox! Imposible ‘yang pinagsasabi mo!” Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mabuntis ulit. Hind pwede! I can’t just bear his child for the second time! Tama na si Finn. Wala na akong planong magdagdag pa ng isa. “So, you’re telling me that the doctor was lying?” tanong nito. Nagulat ako nang may inabot siya sa ‘king kulay brown na envelope. “Read it and confirm to yourself.” My tummy almost flipped while staring at the envelop in front of me. Ngunit kahit na ganoon, dala ang nanginginig kong kamay ay binuksan ko ang envelope at kulang ang salitang gulat at takot sa nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa mga papel na nakapaloob doon. Dahan-dahan akong umiling. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at panlalamig ng buo kong katawan. Binitiwan ko ang mga papel na ‘yon at bumalik sa kanya. Kasabay noon ang pagbuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. “I can’t… I can’t bear your child. Hindi. Hindi ko
“You should really stop. Stop working now, Ivy. Baka ma-stress ka pa at maapektuhan si baby,” saway sa ‘kin ni April nang makalabas ito ng kusina.Nagpatuloy ako sa pagtatahi para sa magiging décor. Jessica wants a silver and red theme kaya heto ako, nangangalay na ang kamay sa pagtatahi para hindi masira ang designs.I need to work hard. Sa tulong ni April ay nakumbinsi akong h’wag na lang magpalaglag ng bata. Kasi kahit papano ay isa itong blessing na pinagkaloob sa ‘kin. And who am I to discard a blessing from above, right? Wala akong karapatang magpalaglag dahil pinagkaloob ito sa ‘kin.It’s been a week after that incident in the hospital. Hindi na kami masyadong nagkakausap ni Fox ngunit pansin ko naman ang mga pasulyap- sulyap niya sa ‘kin sa tuwing na sa paligid siya. I don’t mind him anyway. Kasi matapos ng naging sagutan naming dalawa sa loob ng silid na ‘yon ay tinarak ko na sa ‘king isipan na hindi na ako aasa sa kanya. Hindi ko na bibigyan pa ng kung anong false hopes ang
Pinilig ko ang aking ulo at mariing pinikit ang aking mga mata. Hindi pa rin mawala-wala sa ‘king ang nakita ko kanina. Hindi ako makapaniwala sa ‘king mga reyalisasyon. Ngayon ay parang napagtugma-tugma ko na ang mga nangyayari. “Ma’am Ivy, ayos lang po ba kayo?” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita at saka ko lang napagtantong lahat sila ay nakatingin sa ‘kin. Agad akong kumurap kurap saka ko bahagyang tinapik ang aking pisngi para gisingin ang sarili sa reyalidad. “Dismiss na tayo. Thank you everyone for the cooperation. Make sure to do your tasks tomorrow, okay?” bilin ko sa mga ito. Naghiyawan naman sila na siyang ikinailing ko. Masyado kaming napagod sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit tila naging mas demanding si Jessica ngayon. Ang mga nakaayos na mga designs ay pinapapalitan niya. Hindi pa kami nagkakausap dahil masyado akong naging busy sa mga pinapapabago niya sa ‘min. Umupo ako sa malapit na bench at hinubad ang aking suot na doll shoes. Kanina pa kasi n
“Ivy. Kanina ka pa walang kibo riyan. Magsalita ka naman kahit na konti. Kahit ha lang o ho,” saad ni April para pagaanin ang aking nararamdamaan.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. “I am fine, April. Don’t mind me.”“Napakakapal naman talaga ng mukha ng Fox na ‘yan. Matapos ng nangyari, matapos niyang mawalan ng anak ay magagawa niya pang magpakasal bukas? Mabuti na lang talaga ang nanatiling tikom ang bibig ng Jessica na ‘yon. Kapag nakaharap ko ‘yung babaeng ‘yun, masasabunutan ko ang chaka na ‘yon.”I tried to smile but I failed. Bukas na ang kasal nila Jessica at Fox. Tuloy na tuloy ang kasal nila. Talagang siniguro ni Jessica na walang maging ibang rason pa para pigilan ko ang pag-iisang dibdib nila bukas.My employees did everything on behalf of me. Nalaman kasi nilang na ospital ako ngunit hindi nila alam ang rason ng aking pagka-ospital at sapat na ‘yon. As long as they did their job well done, I am good.“Ha
FOX MADRID’s POV I took a very deep breath. Ganoon lang ang ginawa ko habang patungo kami sa simbahan. I don’t understand myself why I keep trying my luck. Why would she even call me when I was the reason behind her suffering. My phone suddenly vibrated. Agad ko itong tinignan sa pag-aakalang si Ivy na ito ngunit nabigo ako nang hindi siya ang nag-text. It was from Jessica. ‘A promise is a promise, Fox. Do your part and I will do mine as well,’ saad nito. Umismid ako at tinapon ang phone ko sa labas ng bintana. I felt the stares coming from my friends but I just ignored it. Hindi rin naman ako interesadong magpaliwanag sa kanila. They’re not stupid nor blind not to know what’s happening in my life. “We’re here,” anunsyo ni Lucy. Alam ko namang hindi sila bababa dahil hindi sila interesado sa kasal ko. They know the reason why I agree to marry Jessica in the first place. Love was none of the options to choose from. “Good luck, dude. Just always remember that we’re just here and w
“Sigurado ka ba sa gagawin mo? Paano kung magkita kayo roon? Alam mo namang sobrang liit lang ng mundo para sa inyong dalawa,” saad ni April.I looked at her and smiled. “Hindi maliit ang mundo namin, April. It just happened that we live in the same country. Maliit lamang ang Pilipinas kaya nagkikita kami kahit anong pag-iiwas ko. But then now what? It’s been a year. Hindi kami nagkikita.”“Hello?” Tinaasan ako nito ng kilay. “Nahihilo ka na ba? Of course, it’s just been a year! Pitong taon bago kayo nagkita. Nauntog ba ‘yang utak mo sa semento o ako?”Hindi ako nagsalita. Napaisip ako sa sinabi nito. She’s right, though. Pero hindi ko na masyadong iniisip ‘yan ngayon. Fox is already married. Kinasal na siya at isang taon na ang nakalipas. At sa tingin ko ay naka-move on na rin naman ako kaya pwede na akong umuwi.May isang malaking kliyente kasi akong na sa Manila at katulad ni Floryn noon, buntis din ang bride. Sinubukan kong padalhan sila ng ibang wedding planner ngunit hindi nila
The plane landed at exact eight in the evening. Dumiretso kami ni Finn sa dating bahay ko. Hindi naman na nagtanong si Finn kung kaninong bahay ito o ano dahil pagod ito kaya nang igiya ko siya sa kanyang magiging silid dito sa bahay ay agad itong umidlip. Ganoon pa rin naman ang bahay. Ngunit pansin na talagang nalilipasan na ito ng panahon kung kaya’t kailangan na ng renovation at repaint. Mabuti na lang at may pinadalang tao rito si April para malinisan araw-araw ang bahay at hindi gaanong maalikabok ang paligid, pati na rin ang aking silid ay hindi masyadong maalikabok. Nandito ako ngayon sa aming hardin at nakatingala sa langit. Maraming bituin ang nagkalat sa kalangitan at sobrang ganda nito sa paningin. Kahit na may jet lag ako ay hindi ko pa rin magawang matulog kaya na naisipan kong dito na lamang ako magpapalipas ng oras hanggang sa makaramdam ako ng tulog. Hindi mawala-wala sa ‘king isipan ang naging usapan namin ni April bago kami lumipad patungo rito. Ang tungkol sa kun
“May Mommy ka po, Love?” tanong ni Finn habang nilalagyan ko siya ng pulbo sa likod.I hummed and turned his shoulders to face me. Pinatingala ko ito at pinulbuhan din ang kanyang leeg. Matapos ay hinalikan ko ito sa noo at saka ko pinisil ang kanyang pisngi.“Yes, Love. May mommy rin ako and today, we’ll go and visit them. Ipapakilala kita sa kanila,” I said and smiled.Tumango lamang si Finn at muling tumitig sa kanyang phone. Matapos akong maglagay sa kanya ang kanyang perfume ay saka pa lamang ako tumayo para makapagbihis dahil tanging bra at panty pa lang ang suot ko sa ilalim ng bathrobe na nakapalibot sa ‘king katawan.Nagtungo ako sa ‘king silid at naghanap ng pwedeng suotin na damit. Nahagip ng aking paningin ang dress kong nakasabit sa loob ng aking drawer. Agad ko namang itong tinignan at hindi ko maiwasang bumuntong hininga.It’s an old dress. Suot ko ito noong anniversary nila Mommy at Daddy. Nung mga panahong sinupresa pa namin si Mommy dahil nagtatampo ito kay Daddy dah