Share

CHAPTER 4

Matapos ang kasal sa simbahan ay agad kaming nagtungo sa reception hall. Isang kilalang hotel dito sa Manila na pagmamay-ari nila Kurt.

Halos mapuno ang reception hall sa dami ng bisita. Bukod sa mga kaklase namin noon ay may mga kilalang tao pa mula sa business industry. Gusto ko sanang gawing pribado lang ang kasal ay tinutulan ako ng aking mga magulang, ganun din ang mga magulang ni Kurt.

Nag-iisang anak kasi ako, si Kurt naman ay may isang kapatid pa na kasalukuyang kakatapos lang ng elementarya. Malaki ang agwat nilang dalawa kaya ito ang unang kasal mula sa pamilya niya.

"Let's give an applause for the newly wed!" narinig kong sambit ng emcee bago kami tuluyang makapasok sa reception hall.

Umalingawngaw ang palakpakan at hiyawan sa loob ng hall. Samut-saring pagbati ang natanggap namin mula sa iba't-ibang tao. Halos karamihan sa narito ay hindi ko kilala.

May mga hindang pakulo ang emcee. Minsan ay napupuno ng tawanan ang loob ng hall dahil sa mga biro nito.

Nang matapos kumain ay sinimulan na ang pagbibigay ng mga mensahe. Naunang magbigay ng mensahe ang magulang ko.

"Kurt, thank you for loving my daughter. Please treat her right and love her at all your might. I want you to fulfil your promises. I want the best for her," panimula ng aking ina, maya-maya pa ay tumulo na ang luha nito sa galak. Agad naman niyang pinunasan ito. "Nicole, I want you to be happy, treat him right and love him at all your might. Gawin ninyong pundasyon ang pagmamahalan ninyo. Dahil kapag ginawa ninyo iyon ay walang problema ang hindi ninyo malalagpasan. Always remember that mommy is always here. You're always be my baby." nang matapos siya ay ibinigay niya agad ang mikropono sa aking ama.

"Kurt, we already talked about this right? Just treat her as your queen. Don't hurt her intentionally, if you do I'll take her away from you. Understood?" seryosong sambit nito kay Kurt. Marahang tumango si Kurt at ngumiti sa ama ko. He even mouther 'I will' to him.

Nang matapos ang magulang ko ay ang magulang naman ni Kurt ang sumunod.

"Colline my dear, I'm happy for the both of you. Just keep loving my son. Intindihin mo siya dahil may saltik yan minsan." panimula ng ina ni Kurt na siyang ikinatawa ng mga bisita. "Just keep lpving each other, iyon lang ang hiling ko. Best wishes to the both of you."

"Son, I know your smart enough to know what's wrong and right. Hindi na kita pangangaralan dahil alam ko hindi mo sasaktan si Colline. Dahil saksi ako sa mga luhang pumatak mula sa mga mata mo noong panahong hindi siya naniniwalang mahal mo siya. Noong panahong akala niya niloloko mo siya," napalingon ako kay Kurt dahil sa narinig kong sambit ng ama nito.

Napayuko lang siya dahil sa hiya. "Dad! You're embarrassing me!" sita nito sa kanyang ama na ikinatawa nito.

"I'm just telling the truth son. Alam kong mahal mo si Colline kaya hindi mo siya kayang saktan. Basta magmahalan lang kayo, lahat mairaraos ninyo." tinapos na nito ang kaniyang sinasabi.

Matapos ng mga magulang namin ay ang mga kaibigan naman namin ang nagsalita sa unahan.

"Dude, you know how much I love Colline right? Just keep loving her, don't ever hurt her dahil kapag ginawa mo iyon ako ang makakalaban ko. Kita mo ito?" tinaas niya ang braso niya para ipakita ang biceps niya. "Uuntog kita rito kapag nalaman kong sinaktan mo si Colline." sambit pa ni Aaron na siyang kinatawa namin. "I'm serious dude, kapag sinaktan mo talaga si Colline, itatakas ko siya sayo. Papatulong ako kay Daddy Clifford." lumingon siya kay Dad bago tuluyan nagsalita. "Diba Dad, tatakas natin si Colline?" sambit pa nito sa ama ko. Tumango naman si Daddy sa kanya, ganun din ang ama ni Kurt. "Kita mo, pati si Daddy Adrian sang-ayon sa akin. Subukan mo lang talagang saktan si Colline kami makakalaban mo."

Matapos ang pagsasalita ng mga bisita ay may ibang pakulo pang ginawa ang emcee. Hindi rin mawawala ang sayawan.

Natapos ang gabi ng masaya. Halos pasado alas-dose na ng gabi nakauwi ang karamihan. Habang kami ay sa hotel na natulog. Bukas ay lilipan kami papunta Greece para sa honeymoon.

Matapos maligo ay agad akong humiga sa kama. Sobrang pagod ko ngayong araw kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Na alimpungatan ako ng maramdaman kong mabigat ang tiyan ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakayakap sa akin ang braso ni Kurt. Napangiti ako ng makita kong masarap ang tulog niya.

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa. Nakakatuwa dahil sa tagal ng panahon ay dito rin ang kinahantungan naming dalawa.

I'm his wife and he's my husband. Hinaplos ko ang pisngi niya at marahang pinasada ang mga daliri ko sa itim niyang buhok. Ang guwapo niya pa rin kahit natutulog siya.

Nang maalimpungatan ito ay mas lalo niyang siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Nalalanghap ko ang bango ng buhok niya. Bagay na gustong-gusto kong maamoy.

We stayed in that position for almost a hour. Isang oras na ganoon posisyon ay saka lang siya nagising. Nakangiti siya nang magtama ang mga mata namin.

"Good morning wife," malambing na bati nito bago ako gawaran ng halik sa aking mga labi.

"Someone woke up in a good side of bed hmmm?" I teased him.

"Of coarse, I'm slept beside my wife. Not girl friend, but wife." Sambit pa nito bago muli akong hinalikan.

Lumalim ang halik namin hanggang maubusan na kami ng hininga. Nang magbitaw kami sa halik ay saka kami naghabol hininga.

"I really want you, but I can manage. I know you're not yet ready. I'll wait for it." ngumiti pa ito bago tuluyang bumangon sa higaan para pumasok sa banyo.

This is our first day but yet he still manage to stop himself for making love with me. It makes my heart race, he still respect me even though I'm his wife now. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status