Share

KABANATA 2

Lumakad na palayo ang waitress/Dancer na bago niyang customer na kakilala. Inaayos niya ang mga paninda dahil alam niyang dadayuhin ang kanyang mga paninda dahil gabi na. It's already 8pm in the evening. Ang kanyang munting negosyo ang kayang magpaaral sa mga kapatid niya sa probinsya at siya ang naghahanap buhay dito sa maynila. Daniella's love towards to her family that she is willing to give up. Para lang maging tulay sa pangarap ng kanyang mga kapatid.

Lumapit ang isa sa mga customer at si mang temor ito. Isang security guard nang elite bar ni Mr. Perkins.

"Magandang gabi sa'yo hija." Masiglang bati nang may edad na si mang temor.

"Good evening din po." Magalang na ani niya.

"Pagbilhan nga ako nang isang stick na Marlboro cigarettes red. Wag na pala isang kaha na!" Natuwa naman siya dahil mukang magandang pangitain ito na marami siyang mabebenta ngayong gabi.

Agad niya naman inabot ki mang temor ang isang kahang sigarilyo.

"Napaka sipag mong bata, napaka swerte ng magulang mo sa'yo hija. Lalong lalo na ang magiging nobyo mo." Napakamot ulo naman siya sa tinuran ni mang temor.

"Ginagawa ko lang po ang tama."

"May nobyo ka na ba hija? Irereto ko sana sayo ang anak ko." Di agad makapag react si Daniella.

"Wala po, mang temor wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay."

"Talaga?" Di makapaniwalang bulaslas ng matandang security sa kanya.

"O-opo?" Naguguluhang tugon niya.

"Pero sobrang halata mo makatingin sa t'wing nakikita mo si Boss Perkins." Pang-aasar sa kanya.

"Tinatangngi mo ba siya hija?" Pahabol na tanong niya.

"Hindi po." Depensang tanggi niya.

"Humahanga lang po ko sa kanya. Dahil sa edad niya na iyo'n ih. Malayo at mataas na ang naabot niya."

Tumango-tango naman ang matanda dahil oo nga naman. Successful business tycoon ng asya si Mr. Perkins.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap biglang tinawag si mang temor.

"Huy! Temor...... Di ka sinasahuran para makipag chismisan ah!" Masungit na sigaw ng manager. Kumaripas naman ng lakad pabalik sa kanyang pwesto si mang temor. Natawa na lamang si ella dahil bakas ang takot sa muka ni mang temor. Lumapit sa kanya ang manager ng bar at ningitian siya nito. Akala niya ay pagagalitan siya.

"Hija, mukang makakauwi tayo ng medyo maaga-aga ngayon ah." Ngumiti siya sa tinuran nang manager.

"Opo, sana nga po miss feliz ih makauwi ako ng kahit medyo maaga. Para mas makapag pahinga po." Masiglang wika niya. Feliz patted her shoulder sign of amazement to her.

"You look pale. Are you okay?" Tanong ng manager sa kanya.

"Okay lang po ko miss feliz, pagod lang po ko. Kaya ata gan'to ang itsura ko pasensya na mukang ampanget tingnan na yung pwesto ko ih malapit sa elite bar na to' ako ito na mukang basahan." Halong panliliit sa sarili ang Wikang binitawan niya mismo sa kanyang sarili.

"Lahat tayo hija di tayo okay all the time. Piliin mo maging mas matatag sa bawat araw."

"Opo. Sisikapin ko sa bawat araw na maging mas matatag pa, salamat po at hinayaan niyo ko na makapwesto malapit sa sikat na elite bar tulad nito."

"Maiwan na muna kita ah. Gabi na at busy na itong bar."

"Okay po miss feliz." Masiglang wika niya.

Nagpatuloy naman siya sa pagtitinda hanggang mag dis-oras na ng gabi. Sobrang dilim na kaya't binuksan niya ang chargeable flashlight niya sa kanyang pwesto. Di sobrang liwanag ngunit kita parin ang mga paninda niya. Natutuwa siya dahil ang mga paninda niya ay paubos na. iilan na lamang ang balot at penoy at chicharon at sigarilyo.

Sa kalayuan may taong papunta sa kanyang pwesto. Di niya maaninag dahil madilim at tanging ang kanyang paninda lamang kahit papaano ang may ilaw. Di niya mapaliwanag sa sarili merong kaba kahit na Gabi-gabi siyang naka pwesto rito. Tila'y ang presensya ay mabigat sa taong papalapit sa kanya. At marami pa ito mga naglalakihang akala niya ay bouncer sa club ngunit hindi. Kundi ang mga body guard ni Mr. Perkins. Lalo siyang kinabahan dahil baka ito na ang huling gabi na makakapag hanap buhay siya sa pwesto na ito.

"Miss? Alam niyo po ba na hindi pwede nakapwesto ang paninda mo rito?" Pang bungad na wika nang lalaki. Nakatingin lamang siya na parang pinoproseso pa ang sinasabi nang bodyguard ni Mr. Perkins.

Nagtawanan sila dahil naisip nila na kaya di nagsasalita si Daniella. Marahil ay natakot o nabigla nila ito. Ngunit wala naman silang magagawa sa kautusan nang nakatataas sa kanila.

Ang kaba ay mas lalong dumoble dahil nasa likod ng mga bodyguard ay si mr.perkins. kitang-kita niya ito na nakatingin sa kanya at biglang siyang tumango dahil nahihiya siya. Lalong lumapit si Draymond papalapit sa kanya.

"Look at me." Maowtoridad na wika ng binata sa kanya. Ngunit di niya magawang iangat ang kanyang ulo kaya hinawakan na siya sa pesnge ng binata at parang siya'y walang awa na sinakal nito.

"You see me now, I don't want any garbage in my property miss." Binitawan siya nito at muntikan na siyang sumalubsob kasama nang kanyang mga paninda. Pinipigil niya ang sarili na maiyak sa tagpong ngayon na nararanasan niya.

"Wala ka bang ibang gagawin? kundi ang tumango?" iritableng wika ni Draymond.

Nagbigay nang simpatyang tingin ang mga bodyguard sa kanya ng tingnan niya ang mga ito. tila'y kung tingnan siya ay habag na habag sila sa kalagayan na meron siya.

ang mga bodyguard ay walang magawa dahil kung pinigil nila si Draymond ay mapagbabalingan lamang sila. nanatili silang tahimik. Ang kaawa-awang ella ay tumingin sa mga mata ni Draymond. Di nagbigay nang awa si Draymond ki ella. naiiyak siyang nakatingin sa binata.

"Woman always cry, diyan kayo magaling ih sa mag inarte. gusto pa ulit-ulitin ang tanong! gusto pa yung nasasaktan bago umayos." wika ng binata sa kanya.

"Nakikiusap po ako." matipid na wika ni ella. nanghihina na siya sa tagpong ito pagod at dala narin nang kaba.

"Paano kung ayuko?" tanong ni Draymond.

"Ano po ba ang kinakailangan ko para pumayag kayo na dito ako? nakikiusap ako. ito po ang tumutostos sa pamilya na meron ako. ito ang inaasahan namin."

" Aren't you get tired with this cheap. Nevermind what it's called again?"

"kariton po sir." pagtatama niya.

"Di po ko mapapagod para sa pamilya." tuwid na salaysay niya. Napahanga naman sa kanya ang mga bodyguard ni Perkins dahil muka namang masipag at mabait na dalaga ito.

"You don't even pay rent in this area. are you aware of that?" Lalong kumakalabog ang puso niya sa tinuran ni mr. Perkins.

"Magbabayad po ko sir please po. wag niyo lang ako paalisin sa pwesto na ito."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status