(Joaquin's POV)Tagaktak ang pawis sa mukha ni Joaquin habang nainom ng tubig. Linggo ngayon pero maaga siyang gumising para tumakbo. Nakailang ikot din siya sa park bago huminto at magpahinga. Maliwanag na ang paligid. Pinili niyang umikot pa ng isang beses bago umuwe. Paguwe niya sa kanyang condo, agad siyang dumiretso sa cr upang maligo. Hinayaan niyang umagos ang maligamgam na tubig ng shower sa kanyang katawan. Bigla niyang naalala ang mukha ni Erena kahapon ng hindi sinasadyang makita ito sa Mall. He went to check on the mall yesterday and got a glimpse of Erena from the crowd. Masaya itong natawa kasama ang pinsan niya at ang lalaki. Hindi niya maalis ang tingin sa pagkakahawak ng lalaking iyon sa braso ni Erena. Napakunot ang noo niya. Sa pagkakaalam niya ay walang nobyo ang dalaga. "Who is that guy?" Tanung ni Joaquin sa kanyang assistant. Agad namang tumalima ang kanyang assistant at sinundan ng tingin ang kanina pa pinagmamasdan ng amo. Naglabas ng tablet ang kanyang
Tanghali na ng makabalik sa Opisina si Erena mula sa Kingson Group. Kahit tirik na ang araw still mukha pa din siyang fresh. Salamat sa kanyang makeup na long lasting.Masaya siya na naging productive ang meeting kanina. At kahit may tension sila ni Mikaela, naniniwala siyang magiging matagumpay ang proyekto nila. Dapat lang dahil hindi siya papayag na hindi maging maayos ito.Pag-upo niya sa desk, binuksan agad niya ang laptop. Isa-isang binasa ang mga email, nagpadala ng update sa legal team, at sinimulang ayusin ang mga dokumento para sa Eco Mall project.Pagkatapos ng halos dalawang oras, tinawagan niya si Mark, ang head ng site operations."Mark, pupunta ako ngayon sa warehouse at location. Gusto kong i-check lahat bago matapos ang araw.""Noted po, ma'am. I'll meet you there."Makalipas ang trenta minutos, nasa construction site na siya. Binati siya ng amoy ng lupa, simoy ng hangin, at tunog ng mga truck na umaandar. Tinungo niya ang bodega kung saan nakalagay ang ilang kagamita
Maagang dumating sa opisina si Erena. Para daanan ang mga mahahalagang papeles na kakailanganin sa meeting nila sa Kingson Group. Naisip niya nga kahapon na huwag na ipasabi sa kanyang pinsan ang meeting ngayong araw sa Kingson group dahil alam niyang masisira lang ang araw niya dito. Pero dahil maaaring magsumbong ito sa ama kaya naman kahit labag sa loob niya ay ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng kanyang sekretarya. Nang masiguro niyang wala na siyang nalimutan, agad din siyang lumabas sa opisina. At sinabihan ang kanyang sekretarya na tawagan si Mikaela na doon na lamang sila magkita sa Kingson Group.Mahigit isang oras din ang inabot ng byahe niya bago makarating sa Kingson Group. Pagbaba niya ng sasakyan agad siyang sinalubong ng valet sa harap ng lobby. Kinuha ang susi ng sasakyan at binigyan siya ng ticket, habang ang kotse niya’y mabilis na inikot papuntang basement parking. Wala pang limang minuto, nasa loob na siya ng building.Sa loob, sinalubong siya ng tauhan roon ng
Pagbalik ni Erena sa opisina, dala-dala niya ang bigat ng pakiramdam pagkagaling niya sa opisina ng kanyang ama. Ano na naman kayang naisip ng pinsan niya na yun at kailangang bumalik pa siya dito sa Pinas. Last time na nasa US siya parang wala naman itong plano na umuwe. Alam kong magiging mahirap ang pagtatrabaho ko para sa project na pinaghirapan ko kung andito si Mikaela. For sure madami kaming bagay na hindi pagkakasunduan. And knowing dad.. hays.Umupo siya sa swivel chair at napa-exhale nang malalim. Inikot niya ang upuan paharap sa bintana, tinititigan ang view ng city habang nilalabanan ang paglalambot ng loob niya.Bukod sa laging nasa spotlight ang pinsan ko na yun. Grabe din ang pagprotekta ng ama dito. Tinuturing niya itong anak at gusto niya din na magturingan na kaming magkapatid. Napairap siya. Noong bata pa kami lagi itong nakabuntot sa kanya. Siguro dahil only child din ito at wala na ang mga magulang nito sa edad na walong taon. Naalala niya ang sinabi ng kanyang
Napapangiti si Erena habang papasok sa kanyang opisina. Kahit kita niya ang pagtataka sa mga taong nakakasalubong niya mula sa baba hanggang pagakyat niya sa floor kung nasaan ang opisina niya, tuloy tuloy lang siya at walang pakialam sa paligid.Kahit ang sekretarya niya ay gulat na gulat na parang nakakita ng multo. Pero lahat yun ay iwinaksi niya at patuloy lang siya sa paglalakad. Para na siya nababaliw dahil nakangiti siya sa buong paglalakad. Hindi niya maintindihan bakit ngiting ngiti siya. Well, masaya naman talagang sa wakas ay she got the deal with the Kingson group. Pero bukod dun ang sarap ng almusal niya kanina. Para siyang nasa alapaap. Bigla siyang napahinto ng maisip kung in love na ba siya sa lalaki. Halos gusto niya ng batukan ang sarili dahil ilang araw pa lang sila nagkatagpo in love agad?Ganun na ba ako karupok? Makakita lang ng gwapo, in love na? Hindi nga naging maganda ang tagpo nila. Inihilig niya ang ulo sa sandalan ng kanyang upuan. Sino ba namang mag-aak
Napadilat si Erena.Dahan dahang nag angat ng tingin at saglit na tumitig sa kisame. Sinilip ang oras sa maliit at bilog na alarm clock sa bedside table. Maaga pa, pero gising na ako. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Of course. Sino ba naman ang makakatulog nang mahimbing pagkatapos ng nangyare kagabi?Putangina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Isipin pa lang na makikita ko na naman siya ngayong araw, nagwawala na ang dibdib ko sa kaba at hiya. Nakatitig pa din ako sa kisame habang pilit nilalabanan ang mga flashbacks na nagsisiksikan sa isip. ‘Yung ngisi nung Aki na yun. Yung boses niya. At higit sa lahat, ‘yung moment na tinawanan siya ni Cam habang nanginginig na siya sa hiya.She groaned and pulled the blanket over her head. “Ahhhhhh! Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na.”Pero kahit magtago pa ako sa ilalim ng kumot, hindi ako makakatakas sa lalaki dahil contract signing today. At he confirmed last night that I'll see him there today, sa Kingson Group HQ. Siya na sinukahan ko. At inaad