Hindi natatalo si Joaquin Hernandez — hindi sa negosyo, at lalong hindi sa isang babaeng sumulpot sa boardroom na naka-heels at punung-puno ng attitude. Si Erena Maden, sa kabilang banda, ay hindi basta-basta babae. Siya ang tagapagmana ng Maden Industries, isang legacy empire na itinatag ng pamilya niya bago pa man matuto si Damian magbasa ng stock reports. Palaban, matalino, at may bibig na parang lason kung makipag-debate. Nagsimula ang lahat sa corporate war — may merger na nakataya, media scandals, at boardroom betrayal — mas lalo rin silang hinihila sa isa’t isa. Ang problema? Hindi nila alam kung alin ang una: ang halik o ang suntok. Sa larong ito ng pag-ibig at kapangyarihan, sino ang unang magpapatalo? Dahil minsan, ang pinaka-hostile na takeover… ay 'yung hindi mo kayang pigilan — lalo na kung puso mo ang pinapasok.
view more“Let’s go out, mag-unwind tayo.”, ani ni Cam sa telepono.
“I don’t unwind.", sagot ko habang abalang sinusuri ang papeles sa mesa niya. "Tara na Erenaa! Samahan mo na ako.", nagmamakaawang usal ni Cam sa telepono. "Busy ako Cam, iba na lang ang ayain mo.", saad ko habang abala pa din sa trabaho. "C'mon Erena. Lagi ka namang busy. Kelan pa kita makakasama? Lagi kang hindi pwede. Just this once. Promise hindi ka magsisisi. At isa pa, I know you have a lot going on today. You needed this.", tuloy tuloy na usad ni Cam. Napabuntong hininga akong nakikinig sa kanya sa kabilang linya at napahinto sa ginagawa. Pero ayun na nga. Somehow, napilitan akong sumama sa isang bar with sticky floors, flashing lights, at crowd na amoy regrets at cheap perfume. Hindi ko alam kung anong mas malala — ‘yung DJ na paulit-ulit nagpi-play ng 2015 hits o 'yung problema ko sa bahay na sinusubukan kong lunurin sa tequila. "Is this really how it is here?", sabi ko habang palinga linga sa paligid. "Wag mo na pansinin yan, mamaya hindi mo na din yan iintindihin," nakangising saad ni Cam. Waring excited na napapayag akong sumama dito sa bar. Hinila niya ako paikot na upuan at doon na nagsimula si Cam na umorder ng inumin naming dalawa. Hindi ko na namalayan kung paano kami nakaabot ni Cam na ilang empty bottles na ang nasa mesa. “Shot pa!” sigaw ni Cam. “Cam, I’m rich, heartbroken, and potentially disowned. Kung hindi tequila, baka tao na ang malunod ko,” I said, tossing another shot back. By shot #4, I was warm. By shot #6, I was reckless. By shot #7, I was a public hazard. I stood up — for whatever reason, no one knows — and tried to strut to the bar like a queen. Pero ang lumabas? Drunken giraffe in heels. Then bam. Chest-to-chest collision. Biglang nag slow-mo ang paligid. I bumped into a tall, smug, and parang sinumpa ng cologne sa bango. I am so dizzy, but still sassy, and full of bad decisions. Biglang nagsalita ang mabangong lalaki. “Watch where you’re going,” he said in his condescending arrogant voice. I looked up. He had cheekbones sharp enouglh to slice through you. I hated him immediately. “Sorry, didn’t see the oversized ego in front of me,” I said with a smile so fake kamukha ko na si chuckie. Then karma — sweet, spicy karma — hit me like a truck. The tequila revolted. I blinked, swayed, and before I could even curse… I projectile-vomited all over his crisp, white, designer shirt. Time stopped. He looked down, frozen. I wiped my mouth and said, “Oops.” “You—What the hell?! This is Armani!” he choked, staring at the mess like it personally betrayed him. “Then congrats,” I said, deadpan. Habang umiikot ang paningin, “Now it’s vintage, distressed, and emotionally scarred. Trendy.” Si Cam na nakita ang mga pangyayare, screaming internally. Ako habang hindi makatayo ng diretso at nahihilo ay already fixing my lipstick in my phone camera. While he is going through all five stages of grief while looking at his shirt and the drunk girl in front of her. “I should sue,” he hissed. I shrugged. “Go ahead. I’d love to meet your lawyer. Maybe I can vomit on him next.” He opened his mouth to fire back — but I was already walking away, wobbling like a queen escaping a crime scene. Cam grabbed my arm. “Erena. What. The. Actual. Hell?!” I just grinned. “He blocked my path. I cleared it.” I didn’t get his name. Didn’t care."We need to find her as soon as possible. Hanggat hindi tayo nakakasigurong wala na siya, we can't proceed with our next plan." patuloy ng lalaki. Tinitigan ng mariin ni Erena ang dalawang tao na naguusap. Pilit inaaninag kung sino ang mga ito. Abala si Erena sa pagtanaw ng biglang may lalaking tumakbo papunta sa dalawang naguusap. Hingal at mabilis itong tumakbo sa kanila. "Nakita na raw po siya pero nakatakas. Nahirapan silang habulin dahil po sa sukal ng kagubatan at dilim ng gabi." paliwanag ng lalaki. "Huwag niyo akong bigyan ng ganyang dahilan! Hindi maaring mahinto ang paghahanap. Halughugin ang buong kagubatan!" galit na saad ng lalaki. Muling napaisip si Erena kung saan niya narinig ang boses na iyon ng mahinuha niyang pamilyar din ang tinig nito gaya ng kausap nitong babae. Kumikirot man ang sugat sa kanyang braso, maingat ang bawat paggalaw at paghinga ni Erena upang hindi siya mapansin ng mga taong naroroon. Nang akmang haharap siya sa kanyang likuran, is
Matagal bago muling nagsalita si Julian. Nanatiling nakatanaw ito kung saan nagtungo si Mikhaela. Makalipas ang ilang minuto, nilingon nito si Joaquin sa ginagawa nito. "We've got some progress. After hours of questioning, we got something from him. And I also need to discuss something with you." seryosong saad nito kay Joaquin. Nagbalik ng tingin si Joaquin dito. Saglit niyang tinitigan ito bago tumango. "Sabay na tayong pumunta dun. We'll discuss it on the road." sagot ni Joaquin. Agad naglakad palabas si Julian upang ipahanda ang sasakyan. Sumunod naman si Joaquin sa kaibigan. Maya maya pa ay naulinagan na sa kalaliman ng gabi ang pag-alis ng sasakyang lulan ni Joaquin at Julian. ---- Nagising si Erena na hinahabol ang kanyang paghinga. Ramdam ng katawan niya ang pagod at tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha. Paglibot ng kanyang paningin sa paligid, nasa isang madilim at masukal na kagubatan siya. 'Paano ako nakarating dito?' Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso.
Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad
Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun
'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na
Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments