Share

Chapter 24

Author: MissMissy
last update Last Updated: 2025-08-02 17:15:04

Nang sila ay makarating sa lamesa, agad pinakawalan ni Erena ang pinipigil na paghinga.

Pinili ni Erena maupo na nakatalikod sa direksyon nila Joaquin upang hindi niya makita ang mga ito. Pero kahit hindi tanaw ang mga ito, nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang sa isipin na nasa malapit lang sila.

Nagaalala naman siyang tiningnan ni Cam. "Gusto mo ba lumipat na lang tayo ng restaurant? I can just tell Celeste, I want to try another place."

Mariin na umiling si Erena. "Okay lang ako. Okay lang dito."

Agad kinuha ni Erena ang menu para pumili ng makakain. Ngunit kahit mga pagkain sa menu ang nakikita, ang isip niya ay nasa ibang dako. Nasa eksena kanina. Pinilit niyang ifocus ang sarili sa pagpili ng pagkain. Muli siyang huminga ng malalim at muling tiningnan ang mga pagkain.

Unti unti ng nagrerehistro ang mga pagkain sa paningin niya. Napagdesisyunan niyang kumain lang ng konti para agad silang makauwe.

Maya maya pa ay dumating si Celeste galing sa pakikipag usap sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 41

    Matagal bago muling nagsalita si Julian. Nanatiling nakatanaw ito kung saan nagtungo si Mikhaela. Makalipas ang ilang minuto, nilingon nito si Joaquin sa ginagawa nito. "We've got some progress. After hours of questioning, we got something from him. And I also need to discuss something with you." seryosong saad nito kay Joaquin. Nagbalik ng tingin si Joaquin dito. Saglit niyang tinitigan ito bago tumango. "Sabay na tayong pumunta dun. We'll discuss it on the road." sagot ni Joaquin. Agad naglakad palabas si Julian upang ipahanda ang sasakyan. Sumunod naman si Joaquin sa kaibigan. Maya maya pa ay naulinagan na sa kalaliman ng gabi ang pag-alis ng sasakyang lulan ni Joaquin at Julian. ----Nagising si Erena na hinahabol ang kanyang paghinga. Ramdam ng katawan niya ang pagod at tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha. Paglibot ng kanyang paningin sa paligid, nasa isang madilim at masukal na kagubatan siya. 'Paano ako nakarating dito?' Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso. Nakar

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 40

    Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 39

    Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 38

    'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 37

    Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 36

    Seryoso ang mukha ng pinsan habang nakatingin kay Cam at Julian na patuloy sa pagkukwentuhan. Napatingin saglit si Erena sa dalawa bago binalik ang tingin kay Mikhaela. Nang makalapit ito, biglang ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Malayo sa seryosong awra nito bago pa lumapit sa kanila. "Namamasyal din kayo?" tanong nito habang nakangiti at pasimpleng tiningnan ang magkaangklang braso ni Cam at Julian. Si Cam ay hindi nagbalik ng ngiti rito. Pero tipid na sinagot si Mikhaela. "Yeah." Habang si Julian ay iwas ang tingin kay Mikhaela. Kung hindi lang kilala ni Erena ang pinsan ay aakalaing niyang sobrang masayahing tao nito dahil sa pagkakangiti nito. Kahit hindi nito sabihin nakikita niya ang simpleng irita sa mukha nito sa nasasaksihan. 'Pero anong ikinaiinis niya? May alitan ba si Julian at Mikhaela? Hindi naman ito maiinis kay Cam dahil wala naman itong gusto kay Wade? Unless nahulog na finally ang loob nito? Hmmm. Nanatili lamang si Erena na nagoobserba sa nangyayare. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status