Share

Chapter 21

Author: MissMissy
last update Last Updated: 2025-07-31 21:18:38

Seryosong inaayos ni Erena ang lahat ng kakailanganin niyang itransition kay Mikhaela. Kahit nakakaramdam siya ng galit sa pangyayare, personal siya na nagsagawa ng meeting para sa team na kasama niya sa pagbuo ng eco mall project.

Nagpasalamat siya sa mga ito at higit sa lahat sa kanyang sekretarya na walang sawa ang suporta sa kanya para magawa ng maayos ang lahat.

"Final na po ito, Ma'am Erena?" tanong ng kanyang sekretarya.

Tumango siya at agad na nagbaba ng tingin para hindi mapansin nito ang kung ano man sa nararamdaman niya ngayon. “Yes. Lahat ng reports, status updates, supplier coordination... sinama ko na rin pati mga feedback ng LGU at environmental compliance documents. Bahala na siya diyan.”

Dahil sa transition, hindi maiwasang ilang beses niyang makita ang pinsan. Pinanatili niya ang professional na pakikitungo rito. Hindi niya alam kung paano niya napanatiling hindi magpakita ng emosyon, pero nagawa niya. Ngayon ang huling araw ng pagtransition niya sa lahat.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 42

    "We need to find her as soon as possible. Hanggat hindi tayo nakakasigurong wala na siya, we can't proceed with our next plan." patuloy ng lalaki. Tinitigan ng mariin ni Erena ang dalawang tao na naguusap. Pilit inaaninag kung sino ang mga ito. Abala si Erena sa pagtanaw ng biglang may lalaking tumakbo papunta sa dalawang naguusap. Hingal at mabilis itong tumakbo sa kanila. "Nakita na raw po siya pero nakatakas. Nahirapan silang habulin dahil po sa sukal ng kagubatan at dilim ng gabi." paliwanag ng lalaki. "Huwag niyo akong bigyan ng ganyang dahilan! Hindi maaring mahinto ang paghahanap. Halughugin ang buong kagubatan!" galit na saad ng lalaki. Muling napaisip si Erena kung saan niya narinig ang boses na iyon ng mahinuha niyang pamilyar din ang tinig nito gaya ng kausap nitong babae. Kumikirot man ang sugat sa kanyang braso, maingat ang bawat paggalaw at paghinga ni Erena upang hindi siya mapansin ng mga taong naroroon. Nang akmang haharap siya sa kanyang likuran, is

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 41

    Matagal bago muling nagsalita si Julian. Nanatiling nakatanaw ito kung saan nagtungo si Mikhaela. Makalipas ang ilang minuto, nilingon nito si Joaquin sa ginagawa nito. "We've got some progress. After hours of questioning, we got something from him. And I also need to discuss something with you." seryosong saad nito kay Joaquin. Nagbalik ng tingin si Joaquin dito. Saglit niyang tinitigan ito bago tumango. "Sabay na tayong pumunta dun. We'll discuss it on the road." sagot ni Joaquin. Agad naglakad palabas si Julian upang ipahanda ang sasakyan. Sumunod naman si Joaquin sa kaibigan. Maya maya pa ay naulinagan na sa kalaliman ng gabi ang pag-alis ng sasakyang lulan ni Joaquin at Julian. ---- Nagising si Erena na hinahabol ang kanyang paghinga. Ramdam ng katawan niya ang pagod at tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha. Paglibot ng kanyang paningin sa paligid, nasa isang madilim at masukal na kagubatan siya. 'Paano ako nakarating dito?' Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso.

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 40

    Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 39

    Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 38

    'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na

  • Hostile Takeover (of My Heart)   Chapter 37

    Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status