Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad
Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun
'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na
Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo
Seryoso ang mukha ng pinsan habang nakatingin kay Cam at Julian na patuloy sa pagkukwentuhan. Napatingin saglit si Erena sa dalawa bago binalik ang tingin kay Mikhaela. Nang makalapit ito, biglang ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Malayo sa seryosong awra nito bago pa lumapit sa kanila. "Namamasyal din kayo?" tanong nito habang nakangiti at pasimpleng tiningnan ang magkaangklang braso ni Cam at Julian. Si Cam ay hindi nagbalik ng ngiti rito. Pero tipid na sinagot si Mikhaela. "Yeah." Habang si Julian ay iwas ang tingin kay Mikhaela. Kung hindi lang kilala ni Erena ang pinsan ay aakalaing niyang sobrang masayahing tao nito dahil sa pagkakangiti nito. Kahit hindi nito sabihin nakikita niya ang simpleng irita sa mukha nito sa nasasaksihan. 'Pero anong ikinaiinis niya? May alitan ba si Julian at Mikhaela? Hindi naman ito maiinis kay Cam dahil wala naman itong gusto kay Wade? Unless nahulog na finally ang loob nito? Hmmm. Nanatili lamang si Erena na nagoobserba sa nangyayare. Na
Ilang minutong inantay ni Erena kung sasagot pa si Cam. Akmang lalabas na siya ng unti unting nagdilat ito ng mata. Isang direksyon lang ang tingin. Dahan dahang naupo si Erena sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ng kaibigan. "You can tell me about it kapag ready ka na. I'll just be here. Okay?" mahinang saad ni Erena kay Cam. Mabilis na tumulo ang luha nito habang diretso pa din ang tingin sa kawalan. Umupo si Cam at sumandal sa headboard ng higaan. Pinunasan nito ang tuloy tuloy na agos ng luha sa mata. "I got to talk to him kanina." panimula nito sa basag na boses. Tahimik na nakinig si Erena dito. "I am so happy, I got to talk to him." patuloy nito. "Yung ngitian niya lang ako I'm so happy na, imagine me that I got to talk to him pa. Para na akong mayari ng mundo nito." malungkot na tawa nito. Tumabi si Erena kay Cam at sinandal niya ang ulo sa balikat nito. "Then sa kalaliman ng usap namin. You know how happy I am how it's going. We both are laughing.