Share

5

Kabanata V

NATAPOS ang araw na hindi na ako kina-usap ng lalaki, naging abala na ito.

I tagged wherever he goes from the office to conference meeting and his day ended.

7:30 P.M in the evening.

Kasalukuyang binaybay namin ang lobby patungo sa sasakyan nitong naka-abang sa bukana ng gusali.

Nauna ako ng ilang pulgada dito habang nakamasid sa paligid.

Nahagip ng paningin ko ang babaeng nakasabayan ko sa elevator kaninang umaga na may dalang attachè case. Nakatingin ito sa amin mula sa di-kalayuan.

"I wonder who that woman is?"

I sensed something strange. Sa talas ng pakiramdam ko, I think she's up to something and it's up to me to figure that out.

Matiim na nakatingin ito sa amin, nakatayo ito sa gilid ng pillar malapit sa BMW ni Mr. Smith na nakaabang.

Wala sa oras at naging mabilis ang kilos ng babae. Sa isang iglap ay nakatayo na ito sa harapan namin.

Akmang susugurin nito si Mr. Smith subalit naging alerto at mabilis din ako't hinarang ang bisig nito.

Gamit ang open palm attack known as 'karate chop'. Ubod lakas kong tinaponan ng atake ang bisig nito dahilan upang mabitawan nito ang bitbit na syringe.

"Miss, Lilium!" bulalas ni George na napaatras at daling gumawi sa likuran ni Mr. Smith habang ang lalaki ay nanlaki ang matang nakatitig sa babaeng umatake.

"George, assists Mr. Smith to the car!" mariin kong utos na nanatili ang konsentrasiyon sa babaeng estranghero.

Agad naman na kumilos si George at giniya ang boss nito papasok sa loob ng BMW.

Kita ko ang pag-alinlangan ni Smith. Isang babalang titig ang pinukol ko dito saka tinanguan. Wala itong nagawa kundi pumasok sa loob.

The woman attacked me a turning kick however; I automatically dodged her kicks and stepped backward.

Nang lumapag ang babae mula sa pag-atake ay kukunin na sana nito ang syringe na nasa lupa, ngunit mabilis akong nag-back flip at mabilisang hinagip iyon.

Dali kong inatake ang babae nang makabawi pero naging mabilis ito at umatras papalayo.

Hindi ko nilubayan at hinabol ko't inatakeng muli.

Magaling din ang babae at denepensahan ang sarili mula sa mga atake ko. Pasimpleng dinikit ko sa likurang bahagi ng damit nito ang device tracker habang binato ko ito ng mga sunod sunod na suntok at tadyak.

I was on advantage since I am wearing flat shoes and pants.

The woman is in dress and heels nang makadama na itong dehado ay daling umatras ang babae at tumakbo.

Dali itong umangkas sa isang motorsiklong nakaabang sa di-kalayuan at pinaharurot ng kasama nito at sumibad papalayo.

"Fuck!" hiningal, sinundan ko ng tingin ang babae at ang kasama nito.

Ilang saglit ay in-on ko ang earpiece sa aking tainga. "Claw hack the cctv nearby where I am at!" utos ko sa kabilang linya.

Ang tinutukoy ko ay ang hacker namin sa Equilibrium.

Narinig ko ang mga bakas ng ingay ng mga keys na tinipa sa kabilang linya. "I got it, Lilium!"

"Check the woman earlier, track where she is, I did put a tracking device on her."

"Copy!" Iyon lang at in-off ko na ang linya.

Yumuko ako't sinuyod ang hawak na syringe.

If I am not mistaken this syringe contains a deadly drug, a combination of Pancuronium Bromide, Sodium Pentothal and Potassium Chloride that will instantly kill the person injected.

Nakakita na ako ng ganito when Equilibrium sent me on a mission in Russia. Hindi ako nagkakamali wala itong pinagka-iba sa nakita ko.

This weapon is an illegal and very deadly, this drug mostly used for assassination.

Why are these people after Mr. Smith?

Ano ang meron kay Mr. Smith is he doing some illegal behind?

Maybe may atraso ito?

Oh well, Mr. Smith is so popular in his business tactics and he owned a huge name.

Now, that I think about it. Palaging laman at nadadawit ang pangalan nito sa tabloid hindi nalalayong may kagalit ito.

Ang inaakala kong simpleng mission ay isa palang mapanganib maybe Thunder was right.

Isang buntong hininga ang pinakawala ko bago muling hinakbang ang mga paa pabalik sa sasakyan ng binata.

Gumawi ako sa passenger seat sa likuran at pumasok sa loob.

Bumulaga sa tabi ko si Mr. Smith at sa unahan ay si Mr. George at ang matandang driver.

"What happened, Ms. Lilium!?" si George na naka-upo sa front seat bumaling ito sa sa'kin na nagtatanong ang mga titig.

Bakas parin ang takot sa mukha nito. Napansin ko din na sumulyap si Smith sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Hindi ko matukoy kung sino ang babaeng iyon, sa aking palagay isa iyong assassin," nilahad ko sa harap ni Smith ang hawak kong syringe.

Nanlaki ang mga mata ni George na napasinghap. Pero si Smith ay hindi ko makitaan ng gulat pero nasa mukha nito ang malalim na pag-iisip na nakatutok sa palad ko na may hawak na droga.

"A deadly poisonous drug if I am not mistaken," kalmadong turan nito ng mapagtanto ang hawak ko.

Sunod-sunod akong tumango na tinitigan ang binata. "Do you happen to have an enemy, Mr. Smith?"

"In my line of work, I can't deny that there are —not just one but maybe hundreds of them are after me," nagkibit balikat ang binata.

"You life is in danger, they threatened you and they want your head, these happened twice, Mr. Smith, hindi ka ba natatakot?"

Hindi ko napigilang mag-alala para dito, hindi ko alam kung bakit pero iyon ang naramdaman ko sa sandaling ito.

"Natatakot? Nope, why should I? Lahat ng tao mamamatay, diyan tayo pupunta, bakit ako matatakot?" napatiim bagang ako sa sagut nito.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan.

"Miss Lilium—" sabat ni George, "—to be honest this is not the first time there has been a threat to Clay's life, we receive threats almost every month, but the worst was the one in the Peninsula and that earlier!" Bakas sa mukha nito ang pag-alala. "I told you Clay, we have to report this to the police!" bumaling ito kay Mr. Smith.

"There is no need!" kalmadong sagot nito na sinenyasan ang driver na buhayin ang makina ng sasakyan at simulang iusad papalabas ng parking space.

"What—" nanlaki ang aking mga mata sa tinuran ng lalaki. "—you just let it go?" tumaas ang boses ko bahagya sabay taas ng kilay na kompronta ko.

Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito? He doesn't take life seriously! This is a piece of shit!

"The police can't do anything, if it's my time to die, it's my time and even if they say they can prevent what might happen, they still don't hold the time, mamamatay at mamamatay pa din ako kung oras ko na!"

"That's bullshit! Anong klaseng utak mayroon ka! We're talking here your safety, your life!" Giit ko na halos sasabog na ang dibdib ko sa tinitimping inis sa lalaki.

Natigilan si George at napatingin sa akin.

"As I said there's no need to be that concern, Miss Lilium, this is my life alam ko ang ginagawa ko," binaling nito ang paningin sa labas ng bintana. "Your job is to keep me safe, h'wag mo nang idawit mga awtoridad, they're trash!" gumalaw ang mga panga nito pagkasabi niyon. Kung galit ba ito ay hindi ko alam.

"Palibhasa'y hindi mo alam ang pakiramdam ng iniiwan... hindi mo alam ang sakit na nakaukit na at mahirap kalimutan!" singhal ko sa lalaki na tila ba nangingilid ang likido sa aking mga mata. "I gave up... I don't want to work with you anymore!" Hindi napigilang napataas ko ang tono na boses ko. "Stop the car now!" ilang sandali ako huminto ang sasakyan walang dalawang isip na bumaba ako.

"Miss Lilium!" si George.

"Let her be, George."

Dinig kong saway ni Mr. Smith na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nakita kong nagulat si George sa tinuran ko. Pero wala akong pakialam. Naiinis ako sa amo nito na hindi man lang inintindi ang kahihinatnan kung mangyaring mawala ito.

Paano ang mga taong importante sa buhay nito?

Paano ang pamilyang maiwan nito?

Oo, hindi ko naman ka-ano ano ang lalaki, pero alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng importanteng tao sa buhay!

Kaya nga, I don't like to be attached dahil sa dapit huli'y iiwanan din ako.

I will be left alone.

Namilog ang butas ng ilong kong binalya ang pinto ng BMW nito. Makalipas ang sandali ay nakalayo na ito.

"Fuck you!" sigaw ko na nakasunod tanaw sa papalayong sasakyan.

Napalingon tuloy ang isang matandang babaeng dumadaan sa kinatatayuan ko dahil sa sigaw ko.

"Sorry," dali kong bawi natatarantang tinulungan ko ang lola sa bitbit nitong supot na puno ng gulay hanggang pumara ito ng traysikel sa gilid ng kalye.

"Salamat, ening," ang matanda na nginitian ako.

"Wala pong anuman nay, mag-ingat po kayo," tumalikod na ito at pumanhik sa loob at kumaway pagkatapos.

Nakalimutan ko tuloy ang inis kay Mr. Smith.

"YOU shouldn't say that to Miss Lilium Clay!" saway ni George nang makalayo sila sa kinaroroonan ng babae. "Nag-alala lang iyong tao," dagdag pa nito na umayos ng upo sa front seat.

"I know," tipid niyang sagot na nakatingin sa labas ng bintana.

"I am maybe rude to her, but the woman reminds me of an old friend I knew." humugot siya ng malalim na hininga.

Wala siyang tiwala sa mga police, siguro nga dahil sa nangyari sa kanila ng kaibigan niya labing walong taon na ang nakalipas.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang pabalik balik sa pulisya upang magsumbong na nagtatrabaho at ginawa silang alila ng mga sindikato pero ni isa walang umaksiyon.Hanggang nagkahiwalay sila sa kaibigan niya.

Galit siya sa mga awtoridad, kung hindi sa kapabayaan nila di sana kasama parin niya ang kaibigan niya na tinuring niyang kapamilya.

Nagpupuyos si Clay dahil sa mga alaala na sariwang sariwa parin sa kanyang diwa mapahanggang ngayon.

NAPANGIWI ako nang matagpuan ko ang sarili sa harap ng Equirilium Building. Sadyang dinala ako ng paa dito. Nagmamaktol na pumanhik ako sa elevator.

"Lilium!" Si Trina a.k.a Sky isa sa kasamahan ko sa organization.

Sky and I are pretty opposite, she is more on soft and feminine, yet she's also good wala akong maipintas dito.

"Kumusta ang bagong assignment mo?" tanong nito na hinintay naming magbukas ang elevator.

"Okay lang," tipid kong sagot.

"Mag-ingat ka, you know your client is very dangerous," nakangiting babala nito.

Parang ikinatuwa pa nito na delikado ang client ko? Meron ba akong hindi alam?

Baka sangkot ang Smith na iyon sa mga illegal na gawain.

"Anong ibig mong sabihin, Sky?" hindi ko napigilan magtanong.

Ilang saglit ay nagbukas na ang elevator, kapwa kami pumanhik sa parehong floor.

"Just don't mind, you'll not get it even if I'll tell you," nanunukso ang himig ni Sky sabay na pinihit ang isang pinto.

Pumasok kaming dalawa sa conference room.

Gumawi ako sa katapat na mesa, kinuha ko ang envelope na iniwan ko noong isang araw. Dali akong naupo sa isang silya at binuklat ang laman ng envelope.

So his name is Clay Smith, adopted son of Randolph and Emma Smith. Wala sa physical feature nitong isang American pero Clay is so damn perfect na tila sadyang hinulma na parang modelo.

Ibig kong pamulahan kung paano ko nilarawan ang lalaki.

"Silly! Why I keep thinking of that piece of shit."

As I read further more about the man's background. I felt this sudden urge to protect him!

This feeling is so bullshit!

But yes I want to protect him.

Akma na sana akong lalabas nang maalala ko ang sinabi ni Mr. Smith 'wear something sexy'.

Wala naman akong alam sa mga damit kaya magpapatulong ako kay Sky. Dali akong bumalik sa pagkaka-upo sa tapat ni Sky.

"Sky, do you happened to know where I can buy sexy clothes?" binaling ko ang sarili kay Sky na abala din sa kakabuklat ng mga detalye at ibang dokumento.

Kita ko ang pagkagulat ni Sky sa narinig.

"What? Are kidding me, you like to wear sexy clothes, now?" nakataas ang kilay na inangat nito ang paningin sa akin tila sinisigurado ang narinig.

"Yes, I need it for my assignment," buong kompyansang tiningnan ko ang babae.

Kita kong ngumisi si Sky at isang makahulugang titig ang pinukol sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko, may problema ba sa tanong ko?

"Why?"

"No—nothing," anito na nagbawi ng titig, "Sexy ba kamo? You want to buy some sexy outfit?" ulit nito.

Sunod-sunod na tango na ginawa ko. Isang saglit lumapit ito sa'kin.

Kinuha nito ang phone ko at may pinindot pindot makalipas ang sandali ay nilapag nito sa harapan ko' t iniscroll scroll.

"Oh, ayan I downloaded an online shop, you can search and find something you want here," pagkatapos ay binalik nito sa akin ang aparatu. "Everything you want to buy you'll find it through that app. Goodness! Lilium, you are still so naive."

"I know h'wag mo ng ipamukha sa'kin, you know that I'd rather spend my time training than doing this piece of shit, Sky!"

Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan ni Sky nang marinig ang sinabi ko.

Oh well, totoo naman I am so naive and a very old fashion woman.

It is not that I don't want to adopt the new era I'm just not really interested.

"Everything you want to know now a days Lilium, you'll find it on the internet, from tutorial... everything," nakangising sinulyapan nito ang app.

"I see, I think I have to investigate thatmore Sky," naiiling iling na tiningnan ko ang sariling cellphone.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status