LOGIN"Pasalamat ka, hindi ko nakuha ang pangalan mo, dahil kung hindi hinanting kita matagal na. Pero tingnan mo, destiny na ang gumawa ng paraan para magkita tayo ulit. Kaso nga lang hindi na bilang customer at waitress. Kung 'di bilang mag-stepfather at stepdaughter.” Dalawang buwan pa lang ang lumilipas nang pumanaw ang ama ni Luna at inanunsyo na agad ng ina n'yang si Regina ang kasal nito sa binatang si Joaquin. Isang bilyonaryong businessman. 20 years ang agwat ng kanilang edad, ngunit mas ikinagulat ni Luna nang malamang halos hindi nagkakalayo ang edad n’ya sa lalaking napiling pakasalan ng kanyang ina! Hindi rin basta-bastang estranghero si Joaquin kay Luna. Minsan nang nakadaupang palad ang dalawa, sa isang eksklusibong resto bar kung saan nagtatrabaho noon si Luna. Kilala si Joaquin bilang arogante at mayabang. At si Luna ang nag-iisang babaeng nagpahiya kay Joaquin noon. Akala nila, ‘yun na ang una’t huli nilang pagkikita. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Muling nagkrus ang kanilang mga landas. Hindi bilang customer at waitress, kungdi bilang mag-stepfather at stepdaughter. Paano humantong sa ganito ang lahat? Paano nila tatanggapin ang isa’t isa kung umpisa pa lang ay tila digmaan na ang namamagitan sa kanila? Sino sa kanila ang magpapakumbaba? At paano nila matatanggap ang isa’t isa bilang bagong miyembro ng pamilya o hindi kaya sila ang bubuo ng sarili nilang pamilya?
View MoreSuot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit.
“S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.
Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.
Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitngit na sabi n'ya sa kanyang isipan. Kumukulo ang dugo ni Luna sa narinig. Ngunit mas pinili n’yang manahimik.
Inalis n’ya ang tingin sa kanyang repleksyon at muling naglakad.
Kahit s’ya ay hindi n’ya alam kung anong ginagawa n’ya sa lugar na ‘yun. Kung hindi lang s’ya pinilit ng kanyang ina na si Rejina, o mas kilala bilang Ynah, ay wala s’yang interes na dumalo sa okasyong ito. Ni hindi n’ya alam kung anong mayroon at masaya ang lahat. Dahil s’ya, hindi n’ya maatim na ngumiti, dahil sa dalamhating nadarama.
“Ladies and gentlemen, can I have your attention please.”
Bumaling ang lahat sa entabladong may magandang gayak, maliban kay Luna. Tuloy pa rin ito sa paglalakad sa gitna ng mga bista.
“I’m so happy that you could all make it to this celebration. I know everyone is busy, but you still took the time to accept my invitation.”
Nang marinig ni Luna ang tinig ng lalaking nagsalita. Kumabog ang kanyang dibdib nang sobrang lakas. Alam n’yang narinig na n’ya ang boses na ‘yun kung saan.
“So, without further ado, may I call Ynah,” pagpapatuloy ng lalaki.
Nang tinawag ng lalaki si Ynah, ang ina ni Luna, bumaling nang dahan dahan ang dalaga. Hindi s’ya makapaniwala sa kanyang nakita.
Nakasuot ito ng eleganteng gown, kulang puti na akala mo’y ikakasal. Walang bahid ng pagluluksa ang mukha. May nakakasilaw na ngiti at masiglang awra. Kabaliktaran ng kay Luna, na para bang lugmok at nabubuhay sa impyerno ang buhay.
Umakyat si Ynah sa stage, bakas ang gulat sa kanyang mukha. Tila ba naguguluhan sa mga nangyayari. Sa kanyang pag-akayat inalalayan pa ito ng lalaki. Nagpalitan sila nang ngiti matapos magtama ang kanilang mga mata, isang matamis na ngiti sa isa’t isa na kinagigiliwan ng lahat. Nang nasa gitna na si Ynah kasama ang lalaki, bigla itong lumuhod sa harapan ni Ynah.
Nagulat ang lahat, may ibang nagsisigawan, ang iba naman ay nagtakip ng kanilang mga bibig sa sobrang gulat.
“Rejina Del Castillo, will you marry me?” tanong ng lalaki.
At naghiiyawan ang lahat dahil sa kilig at saya.
Ngunit kabaliktaran ang reaksyon ni Luna, bukod tangi sa lahat. Nanginginig ang buo n’yang katawan. Nangingilid din ang kanyang luha at ang maputla n’yang mukha kanina lang ay nagiging pula. “Ang kapal naman ng mukha n’ya, dalawang buwan pa lang nang namatay si Papa! Dalawang buwan pa lang!” gigil nitong sabi sa kanyang sarili. Halos bumaon na ang mga kuko n'ya sa kanyang mga palad sa tindi nang pagkakatikom nito.
Sa kaibituran ng kanyang puso, umaasa s’yang “No” ang isasagot ni Ynah sa lalaking nag-propose. Pero hindi ‘yun ang nangyari. Pagkasabing pagkasabi ni Ynah ng “Yes”, isinuot ng lalaki ang singsing sa daliri ni Ynah, tumayo ito at hinawakan ang pisngi ni Ynah. Naghiyawan pa lola ang lahat, at dala nang sobrang kaligayahan, hinalikan ng lalaki si Ynah sa mga labi nito sa harap ng maraming tao. Tanda ng kanyang pagmamahal kay Ynah.
Doon na tumulo ang luha ni Luna. Halos masuka s’ya sa nakikita. Gusto n’yang sumugod sa harap at sabunutan ang ina. Kaladkarin, sigawan. Itanong kung anong klaseng kahibangan ang nangyayari sa pagitan nito at ng lalaking 'yun. Ngunit naunahan s’ya nang pagkahilo at bumagsak na lang bigla sa gitna ng maraming tao.
“May babaeng nahimatay!” sigaw ng isa sa mga bisita.
*****
Makaraan nang ilang oras, marahang nagbukas ang mga mata ni Luna. Nilibot n’ya ang tingin sa paligid, hinala n’ya, nasa loob s’ya ng isa sa mga rooms ng events place. Marahan s’yang umupo at naaninag ang isang lalaking nakatalikod.
“Sino ka?” tanong ni Luna na may nanghihinang tinig.
Marahang humarap ang lalaki. May makisig itong mukha, makanto ngunit bumagay sa maangas nitong pustura. Kayumanggi ang balat, matangkad at may matikas na katawan. Habang tinititigan ni Luna ang pigura sa kanyang harapan, unti-unti n’yang nakilala ang lalaki at naalala kung saan sila unang nagkita.
“A…Anong ginagawa mo rito!” sigaw ni Luna.
Ngumisi ang lalaki at pormal na nagpakilala. “I’m Joaquin,” maikli nitong sagot.
“Hindi ba ikaw ‘yung---.”
Naputol ang sasabihin ni Luna nang biglang may pumasok sa silid. Ang kanyang inang humahangos papalapit sa kanya.
“Luna anak, kamusta ka na? May masakit ba sa’yo? Ano ba naman kasing ginawa mo sa sarili mo!” nag-aalala n'yang sabi habang yakap ang anak.
Pilit na kumalas si Luna sa yakap ng ina, dumistansya s'ya at hindi na napigilang magsalita, “Anong ibig sabihin nito Ma? Nagmumurang kamatis ka na---.”
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ni Luna bago pa man s’ya matapos magsalita. “Sige, ituloy mo ‘yang sasabihin mo! Kung hindi papaduguin ko ‘yang bibig mo!” Ang pag-aalala kanina lang ay nawala at napalitan nang yamot dahil sa bastos na bibig ni Luna.
Nagulat si Joaquin sa nagging eksena, inilihis na lang n'ya ang kanyang tingin sa mag-ina, waring walang nakikita.
Agad na hinawakan ni Luna ang kanyang pisngi, nanunuot ang hapdi. Ngunit mas nanaig ang kanyang galit sa ina.
“Sige, gawin mo. Kahit maubusan ako ng dugo ngayon, at lumobo ‘tong mukha ko kakasampal mo, wala akong paki alam. Wala na ba kayo sa tamang pag-iisip! Dalawang buwan pa lang nang namatay si Papa, tapos ikakasal ka na! Mama, hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo! Mahiya naman po kayo, wala pa ngang 40 days si Papa, hindi pa s'ya nakakaakyat sa langit tapos papalitan mo na s’ya sa buhay mo! Ganoon lang ba kabilis palitan si Papa! Minahal mo ba talaga si Pa---.”
Isa na namang malutong na sampal ang dumampi sa pisngi ni Luna galing kay Ynah.
“’Wag na ‘wag mong kukwestyonin ang pagmamahal ko kay Rolando! Wala kang alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa ama mo! Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang para sa aming dalawa ni Joaquin?” Nag-umpisa nang maipon ang luha sa mga mata ni Ynah. Lumapit s'ya kay Joaquin at hinawakan ang bisig nito. “Wala kang alam Luna, kung gaano ako nagdadalamhati sa pagkawala ni Rolando, dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Ni minsan ba tinanong mo ako kung ayos lang ba ako? Ni minsan hindi mo tinanong 'yun sa akin! Kaya wala kang karapatang sumbatan ako. Tandan mo, anak lang kita!”
Nagging mainit na ang eksena sa pagitan ng mag-ina. Kailangan nang mamagitan ni Joaquin upang hindi pa lumala ang hidwaan ng dalawa.
Tumikhim si Joaquin. “Ynah, intindihin din natin si Luna. Masakit mawalan ng ama, at naiintindihan ko ‘yun. She needs time. At isa pa kahit ano pang mangyari, nandito lang ako para sa’yo.” Bumaling nang tingin si Joaquin kay Luna. “At sa’yo na rin Luna, dahil ako na ang magiging stepfather mo, dahil ilang araw na lang, ikakasal na kami ng Mama mo.”
Kinilabutan nang todo si Luna. Hinding hindi n’ya makakalimutan ang lalaking nasa kanyang harapan. Dahil hindi ito ang unang beses na sila ay nagkita. Bukod doon, sigurado si Lunang hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Kung s’ya ay 25 years old, malamang ay nasa 30’s lang si Joaquin. At kung ikukumpara sa edad ng kanyang ina, na nasa 50 years old, para na silang mag-ina. Sadyang maalaga at health conscious lang si Ynah sa kanyang pigura kaya mukha itong mas bata sa kanyang edad. Ngunit kahit na ganoon, hindi tama ang mga nangyayari ngayon.
Kitang kita ang kilig sa mukha ni Ynah dahil sa sinabi ni Joaquin, nagawa pa n'yang yakapin ni Joaquin. Yumakap rin si Joaquin kay Ynah. Hinimas pa nito ang likod ng mapapangasawa. Subalit ang mga mata nito ay nakatingin kay Luna, na kasalukuyang nakalihis ang tingin sa kanila.
“Alam kong nakikilala mo ako Luna. Huh, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago,” sabi ni Joaquin sa sarili.
Mas pinili ni Lunang lumihis nang tingin, dahil baka hindi n’ya mapigilang masuka sa nakikita n’yang ginagawa ni Joaquin at ng kanyang ina. Nakuyumos din ang kumot sa kama. Mahigpit n’ya itong hinahawakan at doon binubuhos ang galit na nadarama.
“Hindi pwedeng matuloy ang kasal! Hindi pwede, gagawin ko ang lahat para bumalik sa katinuan si Mama!”
Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo
Marahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya
Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L
“Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.