After being left alone, Agent Hana Alijo became ruthless, aloof and unfriendly, she doesn't want to be attached... not until a charismatic and handsome multi-billionaire Clay Smith came and turned her life upside down. *** Hana Alijo A.K.A Lilium is a secret agent from Equilibrium Organization. She is known in her organization as hot and deadly. She's strong and persistent not until she became a personal bodyguard of Clay Smith. The man dared and made her knees weak, made her body numb with no exception. Lilium became coward and helpless when he's around. He tortured her mind and as well as her heart. What she thought was a simple duty turned out to be a complex and dangerous one. How can she fight it when her heart is at stake? The Hana who doesn't want to be with anyone seems to have become vague. She's doomed! Disclaimer: This story is written in combination of Tagalog and English Cover designed by Sheryl S.|SBS
view morePrologue
Sixteen years ago"Halika na Lily, bilisan mo ang takbo! Paparating na sila!" habol hiningang utos ng sampung taong gulang na si Mat habang abot kamay na hinintay si Lily na tumakbo kasunod dito. Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba."M-mat hindi ko na kaya pagod na pagod na ako!"Pawisan ang batang babae na pinilit na hinakbang ang mumuting paa."Halika na! Kailangan nati'ng magmadali at makalayo parating na sila!" pagpumilit ni Mat.Daling dinakma at inakay ni Mat ang braso ni Lily habang walang tigil ang malalaking hakbang nila papalayo sa malaking bodegang pinanggalinggan.Bodega ni Don Herman, isa sa pagawaan ng illegal na druga.Si Lily ay walong taong gulang at si Mat nama'y sampong taong gulang pawang ulilang lubos at dahil sa kahirapan ng buhay ay humantong sila sa kamay ni Don Herman.Sa batang kamalayan ay napilitan silang magtrabaho upang makatawid man lang ng gutom. Nagtatrabaho sila bilang tagahatid ng illegal na produkto sa iba't ibang bahagi ng ka- Maynilaan.Hindi lang silang dalawa ang nasa ilalim ng manipulasiyon ng matanda kundi mahigit na isang daang kabataan pa ang kasama nila na ganun din ang ginagawa.Ngayon nga'y nakahanap ng tsyansa ang dalawang bata na makatakas sa maduming kamay ni Herman."Lily, halika bilisan mo!" utos ni Mat habang hindi nag-abalang bitawan ang palad ng batang babae.Wala namutawing salita mula si bibig ni Lily, kundi tanging hingal at habol hininga ang pinakawala ng bata. Kusa at maagap itong sumunod sa kaibigan.Giniya ni Mat si Lily sa isang kumpol ng mga ligaw na halaman upang doon magkubli. Bakas sa mukha ng dalawa ang tindi ng takot at pangamba."Sshh!" si Mat na hinarang ang hintuturo sa mga labi.Isang tango lang ang sinukli ni Lily. Habol hiningang nakadapa ang dalawa sa damuhan, sa ilalim ng mga ligaw na halamanan.Isang suntok sa hangin ang binato ni Erning."Lintik! Lagut tayo kay boss Herman nito pagnalaman nitong kulang ng dalawa ang mga bata doon!""Huwag kang mag-alala— kung makakatawid pa silang buhay sa bangin na iyon!" sagot naman ng isa pang tauhan na si Athan, sabay nguso sa isang malalim na bangin sa di-kalayuan."M-mat a-anong gagawin natin?" kanda utal na tanong ni Lily.Tumingin si Mat sa mga mata ni Lily. "Ano't anuman ang mangyayari Lily h'wag na kang lumabas dito, naiintindihan mo?" ani ni Mat na may halong babala sa kaibigan. Namilog ang mga mata nitong nakatitig kay Lily.Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Lily habang dama niya ang pagpisil ni Mat sa kanyang palad.Ilang segundo ang lumipas ay akmang magbitiw si Mat sa pagkakahawak sa kamay ni Lily pero hinigpitan ni Lily ang pagkakahawak sa palad ng batang lalaki sabay iilin-iling. Puno ng pag-alinlangan ang mga tingin nitong pinukol kay Mat.Isang babalang tingin ang pinukol ni Mat kay Lily at pinilit bawiin ang sariling kamay."Huwag kang mag alala Lily, at maniwala ka lang na makakaligtas tayo," mahinang bulong ni Mat.Hindi nawala ang pag alinlangan na bumabadya sa mga mata ni Lily pero kusang binitiwan ang palad ni Mat."Putang ina! Saan natin hahagilapin ang lecheng mga batang iyon ngayon!" sigaw ni Erning.Kasunod ay marahas nitong tinutok ang kalibre kwarenta e singko sa ere. Kasunod niyon ay isang putok ng baril ang umaalingawngaw sa malawak na kagubatan."Relax! Erning, mapasaan man at matatagpuan din natin ang mga bulateng iyon!" mabalasik na sabi ni Athan kasabay na marahas na pinagtataga ang mga ligaw na halaman ng dala nitong itak.Nangimginig sina Mat at Lily dahil isang hakbang nalang ay sapol at matutunton na sila at kung malasin ay matatamaan sa itak na winasiwas ni Athan.Tumingin si Mat kay Lily na animo'y humihingi ng pahintulot. Isang tango lang ang binigay ni Lily, kasunod niyon ay mabilis ang kilos ni Mat patayo at matulni na tumakbo papalayo sa kinaroroonan ni Lily.Agad napuna ni Erning ang mga ingay mula sa kaluskos ng tuyong mga dahon na dinaanan ni Mat.Naging alerto ang dalawang lalaki't hinabol si Mat." Lintik na bata!" sigaw ni Erning hanggang sa lumayo ito.Nanginginig si Lily na sinundan nang tingin ang kaibigan. Nanatiling nakakubli ang batang babae sa mayabong na halamanan. Tanging ang bawat pakawala ng hininga ng bata ang maririning sa sandaling iyon.Makalipas ang kalahating minuto ay isang malakas na putok ang muling umaalingawngaw sa kagubatan.Kita ni Lily kong paano natamaan si Mat ng bala. Gustong sumigaw ni Lily pero hindi niya magawa."Mat!" lihim na d***g ng bata.Kagat labing pinigilan ni Lily ang sariling emosyon. Tahimik na iyak at hagulgol, nag-uunahang naglandas ang mga luha sa pisngi ng bata habang inaninag ang kaibigang unti-unting nabuway at nahulog sa malalim na bangin."Mat bakit mo ko' iniwan," sa isip ni Lily.EpilogueKANINA pa natapos ang seremonya ng kasal namin ni Clay at kasalukuyan na ginanap ang reception sa Hotel na pagmamay-ari ng mga Smith.Nakasuot ako ng eleganteng trahe de boda na gawa sa isang sikat na designer, ganun din ang asawa ko. Sobrang elegante nitong tingnan, lalo tuloy nakaagaw ng pansin ang kagwapohan nito."Congratulation, Lilium!" bati ni Thunder sa akin.Malapad ang pagkakangiti nito na akmang hahalik sa pisngi ko nang naging mabilis ang kamay ni Clay at sinalubong ang labi nitong naka-usli."Find your match, James!" bulong ni Clay sabay na tinapik ang balikat ng binata. Napaatras tuloy si James."Come on, if it's not because of me you can't have he—Isang malakas na siko sa tagiliran ni James ang tinapon ni Clay. Nagsalubong ang kilay kong nakamasid sa dalawa."Shut up! And go over there and stay away from my wife, moron!" nginuso ni Clay ang labi sa direksiyon sa kumpol ng mga bisita sa bulwagan.Wala din nagawa si Thunder at laglag balikat na tumalikod. Nagugul
Kabanata XXXIIINAGISING si Clay na wala na sa tabi niya si Hana. Biglang sumikdo ang kaba sa dibdib niya. Pabalikwas siyang bumangon mula sa pagkakadapa sa ibabaw ng kama.Agad niyang hinagilap ang boxer at track pants niya na nagkalat sa sahig.Habang ini-isa isa niyang sinuot ang saplot ay napatampal niya ang kanyang noo. Isang hugot ng hininga ang pinakawala niya na na-upo sa gilid ng kama."I should have trust her, silly me," bulong niya na nakatuon ang paningin sa mga damit ni Hana na nagkalat parin sa sahig.Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya't tumayo, hindi siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas saka lumabas ng silid.Wala sa sariling naipikit ni Clay ang mga matang sinamyo niya ang halimuyak ng pagkaing almusal na sumalubong sa kanya sa hagdanan. Hindi napigilan ng binata ang mapangiti ng napakalapad."She is in my possession!" bulalas niya sa isip.Maybe too early to celebrate but he will make sure she can't escape.Maingat siyang bumaba ng hagdanan at tinalunton ang k
Kabanata XXXII"H'WAG mo akong titigan ng ganyan, Mr. Smith!" napangusong babala ko nang mapansin kong kanina pa ako hindi nilubayan ng mga titig ni Clay.Ang paraan ng titig nito ay tila ba isa akong hamon sa grocery. Tuloy mas lalong napatagal ang pagkalag ko sa pagkakatali nito.Ilang minuto rin ang ginugol ko upang kalagin ang tali nito sa braso. Kasalukuyan kong kinalag ang tali sa mga binti nito. Sobrang higpit ng pagkakatali niyon at ang malas, hindi ako nakadala ng kutsilyo o anumang matalas na bagay."Why? Is it bad to look at my future?"Napatigil ako sa ginagawa sa narinig. Gusto ko nalang ma-upo sa harap nito't magtitigan nalang buong maghapon.Bullshit! Napayuko ako upang ikubli ang mga ngiti ko sa labi. Lintik na lalaki at pinasaya na naman ang puso ko.Humugot ako ng malalim na hininga upang makabawi sa kiliti na aking nadarama.Sinikap kong ignorahin ang sinabi ng lalaki. Muli kong pinagkakalag ang tali sa binti nito, hanggang sa iyon ay natanggal."Ayan tapos na, ihaha
Kabanata XXXI"YES, it is I, Clay!" pakilala ng lalaki na humakbang papalapit sa kina-uupoan ni Clay. Walang emosyon ang rumihestro sa mukha nito.Walang mapaglagyan ang gulat ng binata habang sinundan niya si George papalapit sa kinaroroonan niya, kasunod ay marahas nitong tinanggal ang tape na nakadikit sa labi niya."George, how dare you?!" litong sumbat niya sa lalaki, hindi niya matagpi tagpi ang mga nangyayari. "Paano mo nagawa to' George? I trusted you!" bulyaw niya, nanginginig sanhi ng tinitimping galit.Napakuyom ni Clay ang kanyang mga palad. Gusto niya makawala sa pagkakatali at pagsasapakin ang kanyang assistant na si George De Makitah. Ngunit malabo atang makawala siya dahil sa higpit ng tali.Isang malakas at nakakalukong tawa ang pinakawalan ni George na sumakop sa buong paligid."Trust? Of course, I have to earn your trust to avange my sister Theresa." saysay nito kasunod ay biglang pumait ang timpla ng mukha nito. "Ako lang naman si George Bentura kapatid ni Theresa n
Kabanata XXX"CLAY, we need you here at the office nasaan ka na ba?" tanong ni George kay Clay mula sa kabilang linya, pababa ang binata mula sa Condo ni Hana."I'll be right there George, give me thirty minutes," Clay answered na pinagpatuloy ang hakbang patungo sa kotse niyang nakaparada sa di-kalayuan."Alright."Iyon lang at in-off na niya ang linya, agad niyang isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa.Hindi niya malaman kung magsaya ba siya o malungkot sa rebelasyon na kanyang nalaman sa araw na ito.Ang matagal na niyang hinahanap ay sobrang lapit at abot kamay niya na ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at huli na niyang nalaman ang katotohanan.At ngayon tinakasan siya ni Hana. Si Hana na si Lily na kaibigan niya.Tila parang bombang gustong sumabog ng binata dahil sa kanyang inis bakit saka pa niya nalaman ito? Nang nilayasan na siya ni Hana."Fuck!" mahihinuhang isang kulog ang mura niya nang marating niya ang tapat ng kanyang kotse sabay na tinadyakan ang gulong ng sports c
Kabanata XXIXHABOL hiningang ibinaon ni Clay ang pawisang mukha sa leeg ko matapos na narating namin kapwa kasukdulan ng aming pagniniig.Taas baba ang dibdib ko habang dinama ang mainit at pawisan nitong katawan sa ibabaw ko. Damang dama ko parin ang matigas, malaki at naghuhumidig nitong kahandaan sa pagitan ng hita ko.Wala sa sariling napayakap ako dito ng mahigpit. I want to cuddle him one more time—nang madama nito ang paghigpit ng yakap ko'y bumangon ito at pina-ulanan ng halik ang aking buhok at pisngi."You're mine Hana... only mine," bulong nitong namumungay ang mga matang tinitigan ako. Pagkatapos ay muli ako nitong dinampian ng halik sa labi.Makalipas ang maikling katahimikan ay inilayo nito ang sarili sa akin at humiga ito sa tabi kong patagilid.Kitang kita ko ang kahandaan nito. I am not used to this kind of stuff kaya agad kong iniwas ang paningin doon tila ba nag-iinit ang buo kong katawan dahil sa tanawing iyon.Ngunit naging mabilis ang binata at hinagip ang batok
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments