Share

HOT NIGHT 2

ISABELLA 

“SIGURADO ka bang magiging ayos ka lang dito Ella?” 

Nag-aalalang tanong ni Nicole saakin nang makarating kami sa di kalayuan sa aming bahay. Ilang oras ‘din ang byahe namin papunta dito sa Bulacan na sinabi ko ay gusto ko nalang umuwi. Ang sabi pa nga niya saakin ay i-bobook niya daw ako sa ibang hotel para mas safe daw ako pero hindi naman pwede na hindi ako umuwi dahil gusto ko ‘ding malaman kung ano na ang nangyari sa kapatid kong si Kim. 

Kahit naman na masama ang pakikitungo niyon saakin ay mahal ko ‘yun at nag-aalala ako para sa kaniya. “Ano ka ba Nic, bahay namin ito kaya siguradong magiging ayos lang ako.” Pampalubag loob na sabi sa kaniya ngunit inilingan niya ako. “Sabi mo diba dito ka pinuntahan ng mga nagbenta sa’yo. Ella, paano kung bumalik sila? Lalo na sa Manila pa ‘rin ako tutuloy hindi dito.” 

Napangiti ako dahil sa kabaitan ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinignan siya sa kaniyang mga mata. “Nic, wag kang mag-alala okay? Tatawag ako sa’yo agad kapag may hindi nangyari na maganda. Tyaka inaalala ko ‘din kasi si Kim kaya hindi ko siya pwedeng iwan sa ere.” Biglang napasimangot ang muka ni Nicole dahil sa aking sinabi at biglang nag iwas ng tingin. 

“Sabi ko na nga ba’t ‘yang hilaw na kapatid mo nanaman ang inaalala mo. Ella naman, kailangan ka ba matatauhan na hindi kapatid ang turing sa’yo ng babaeng ‘yun?!” napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Nicole. Palagi niyang sinasabi saakin ‘yan at basta pagdating sa kapatid kong si Kim ay mainit ang dugo niya. Hindi ko siya masisisi, after all she’s my friend kaya katulad dati hindi ko nalang ito pinansin at nagpaalam na. 

“Mag-iingat kayo sa byahe okay?” tinignan niya ako ng hindi makapaniwala dahil doon. Mas nginitian ko nalang siya kaya napailing ito at niyakap ako. “Tandan mo na para na kitang nakababatang kapatid Ella, ayokong nasasaktan ka o di kaya nalalagay sa panganib ang buhay mo. Kung ako lang masusunod hindi kita ilalayo sa tabi ko dahil sa mga nangyari.” Napaganti ako ng mahigpit sa kaniyang yakap dahil doon. 

Ang swerte ko talaga at siya ang naging kaibigan ko. Nakilala ko si Nicole when we where in grade six. Lumipat siya dito sa Bulacan, sa pagkaka-alala ko ay spoiled brat pa siya ‘nun. Kapag naaalala ko ‘yun at pinagkukwentuhan namin ay tawa kami ng tawa. Ayun na nga, mahina kasi ako as in literal na mahina dahil meron akong asthma at tuwing PE namin ay nakaupo lang ako sa isang tabi. 

Ang mababait kong classmates ay nilapitan ako at binully, yes suki ako ng bully at ang nangunguna sa kanila? Ang kapatid kong si Kim. First year high school na siya that time pero kapag nakikita ako parang hindi niya ako tunay na kapatid. Ayun nan ga basically niligtas ako ni Nicole at ang nakakatawa ay sinampal niya yung isang babae na nambully saakin. 

Na-guidance kami pareho pero napatunayan na wala kaming kasalanan. “Thank you for everything Nic, I owe you a big one.” Humiwalay siya sa yakapan namin. “Dapat lang! Gusto ko makasama ka sa Manila, okay? Kaya kapag isang linggo na wala ang kapatid mo jan sumama ka na saakin.” Tumango ako sa kaniya. Ayoko na ‘rin naman na magtagal sa bahay, bukod sa muntik na akong mapahamak doon ay naaalala ko lang ang mga magulang ko. 

Lumabas na ako ng kotse niya at inintay ko na mawala ito sa aking paningin bago ako tuluyang maglakad papunta sa bahay namin. Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang malaking bahay namin, maayos ang bahay. Maganda, nakaka-angat kami sa buhay sa totoo lang pero one year ago nagbago iyon. Biglang nagbago si papa at mama, sa tuwing naalala ko ay naiiyak ako. 

Huminto ako sa tapat ng malaking gate at huminga ng malalim bago tuluyang binuksan iyon at pumasok sa loob. Parang walang nangyaring kakaiba kung titignan mo mula sa labas, pagpasok ko sa loob ay nagulat ako na gulo-gulo ang mga gamit doon. Ang mga vase ay basag na, ang mga frames ay ganoon ‘din ang iba nga ay wala na. 

Iilang paintings nalang ang natitira, naglakad ako papunta sa kusina at napasandal ako sa pader ng makitang maging doon ay gulo-gulo. Nagkalat ang mga kaldero, pangluto at mga basag na plato. Gusto ko ng umiyak, gustong gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko iyon at dali-daling umakyat sa itaas para puntahan ang aking kwarto. 

Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nakarinig ako ng boses mula sa kwarto ni Kim na agad kong ikinakaba. Paano kung nandito pala ‘yung masasamang tao at inaantay lang ako? Paano kung nandito ang mga Mafia?!Natakot ako sa isipin na iyon at tatakbo na sana ako paalis ng marinig ko ng mas malinaw ang boses nito dahil lumakas iyon. 

“Hanggang ngayon ay masaya ako na sa wakas ay wala na ‘yung Isabella na ‘yun!” ako ‘yun hindi ba? Bakit parang boses iyon ni Kim? Hindi kaya nandito siya? Dali-dali akong naglakad papunta sa kwarto nito at nakita ko na nakaangat iyon ng kaunti. Mula doon ay nakita ko sa loob si Kim na nag-iimpake. 

Natuwa ako ng makita siya at tatakbo na sana para yakapin siya pero ang sumunod niyang sinabi ay nagpahinto saakin. “Mabuti nalang talaga at nauto ko ang mga Mafia na ‘yun at si Isabella ang kinuha hindi ako—Sabi ko kasi kila mama ay hayaan nila ako, ‘yan ang napapala nila—Oo, umaga at gabi ko nilalagyan ng drugs ang inumin nila kaya naging ganon ‘yun. Mas okay na nga ‘yon kasi masyado nilang paburito ang uto-uto na si Isabella.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil saaking narinig. 

Biglang bumalik saakin ang ala-ala isang linggo na ang nakakalipas. 

*Flashback* 

“Isabella bumaba ka nga dito!” napabangon ako sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang malakas na boses ni mama. Hindi ko sinasara ang pinto ng aking kwarto simula ng hindi ako makababa at hindi narinig ang tawag ni mama ay binugbog niya ako. Dali-dali akong bumaba sa higaan at hindi na naisuot ang aking pambahay na tsinelas dahil sa takot na mabugbog ulit. 

“Mama! Ano pong kailangan niyo?” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit ng makaharap ko siya sa ibaba ay nagulat ako ng bigla akong sampalin nito na ikinakapit ko sa aking pisnge. “Ano ang sinumbong ni Kim na hindi ka pumasok kahapon?! Sayang ang ibinabayad namin sa eskwela Isabella! Kung ayaw mo ng mag-aral ay tumigil ka nalang!” napatingin ako kay mama dahil doon. 

“M-Mama, totoo na hindi ako pumasok pero m-may sakit po kasi ako—” hindi ko natapos ang aking sasabihin ng sumingit ito. “May sakit?! Edi sana hindi ka nakababa dito pero kung makatakbo ka ay pwede ka ng sumali sa marathon! Asaan ang sakit doon?!” nanghina ako lalo dahil sa aking narinig. Totoo na may sakit ako kaya nakahilata lang ako sa higaan, hindi kasi ako marunong uminom ng gamot at ayokong ayoko niyon kaya umaasa lang ako na mawala ito ng kusa. 

Naalala ko ba dati si mama ang nag-aalaga saakin at tinutunaw ang gamot para lang mainom ko ito. Pero lahat ng iyon ay wala na. Nagsimula nang magluha ang mata ko. “Ano iiyak ka?! Tandaan mo wag ka ng papasok sa paaralan dahil titigil ka na!” pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako at umalis. Hahabulin ko sana siya ngunit kalaunan ay hindi ko na ginawa. Masakit pa ‘rin ang pisnge ko dahil sa sampal nito pero hinayaan ko nalang. 

Paakyat na ako sa taas ng makita ko si Kim na nasa taas ng hagdan at nakangising nakatingin saakin. Umalis ‘din ito doon na ikinabuntong hininga ko. For almost a year now ay ganito na ako tratuhin ni mama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung anong mali ang nagawa ko pero sa tuwing andito sila sa bahay ay ako ang pinagdidiskitahan nila. 

Madalas na ‘din kasing wala sila dahil sa kanilang trabaho. Kaya minsan naiisip ko na dahil lang ‘yun sa stress nila kaso hindi ko pa ‘rin maiwasan na maiyak tuwing gabi. Hinayaan ko nalang ang nangyari at umakyat sa taas para magpagaling. 

DALAWANG araw ang lumipas at magaling na ako, kagagaling ko lang galing kila Nicole dahil ginabi na ako, wala naman kasi sila mama dahil nasa trabaho pa ito at wala namang pakielam saakin si Kim kaya okay lang kahit gabi na ako umuwi. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang aking madadatnan sa bahay. Para akong naging tuod sa aking kinatatayuan ng makita ko ang duguang katawan nila mama at papa sa sahig. 

Dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi ng mga ito at ginising sila. “M-Mama! P-Papa! Anong nangyari?! Bakit duguan kayo?! T-Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya. Lahat na ata ng boses na meron ako ay ginamit ko na. Hinawakan ko ang muka ni mama at tinapik ito “M-Mama gumising ka! Mama hindi magandang biro ‘yan!” lumipat ako kay papa at ito naman at tinapik ko. “P-Papa! Papa gumising ka po!” 

Sunod-sunod na tumutulo ang luha ko at muling sumigaw ng tulong. Hindi ko magawang tumayo dahil nanghihina ang mga tuhod ko. “M-Mama! Papa!” nasa ganong kalagayan ako ng dumating ang tanod na mukang nagroronda dahil gabi na. Nagulat sila sa nakita at dali-daling tumawag ng ambulansya. Naging mabilis ang lahat hanggang sa namalayan ko nalang na nasa ospital na kami. 

“Napakawalang hiya mong babae ka!” nakaramdam nalamang ako ng humila saaking buhok at sinampal ako na ikinatumba ko sa sahig. Alam ko na si Kim iyon ngunit wala akong lakas para lumaban. “Pinatay mo sina mama at papa! Napakawala mong puso!” hindi siya nakuntento at pinaghahampas niya ako habang nakahiga pa ako sa sahig. Makakaya ko ang sakit ngunit ang pagbintangan ako ay hindi ko magagawa. 

“H-Hindi ko sila pinatay Kim! Alam mong hindi ko ‘yan magagawa dahil mahal ko sila!” ngunit hindi siya nakinig saakin. Mabuti nalang at may humila sa kaniya palayo saakin. “Sinungaling ka! Sinungaling ka Isabella! Ikaw lang ang tao sa bahay!” may tumulong saakin tumayo at umiiyak kong hinarap si Kim. 

“S-Saktan mo na ako Kim, hampasin mo ako hangga’t gusto mo pero ang pagbintangan ako na may gawa kung bakit namatay sila mama at papa ay hindi ko matatanggap!” sigaw ko sa kaniya na ikinatahimik nito. Wala ‘ding umiimik sa mga taong tumulong saamin upang magkalayo. “B-Buong buhay ko Kim tinaggap ko lahat! Tinaggap ko lahat ng pangbubully mo saakin at dahil ate kita ay hindi ako gumaganti at hindi ako nagsusumbong!” 

“K-Kahit na nag-iba sila mama at papa ay hindi ko magagawang labanan sila dahil masyado ko kayong mahal para ibalik ang ginagawa niyo saakin!” hindi ko na sila makita dahil sa sobrang labo ng aking paningin. Bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahirap huminga. “N-Nahihirapan a-akong huminga…” putol-putol kong sabi. “M-May asthma siya! Kailangan niya ng nebulizer!” hindi ko na halos marinig ng malinaw ang nasa paligid dahil feeling ko ay mamamatay na ako. Kapag ganitong inaatake ako ng asthma ko ay talagang nanghihina ako at walang masagap na hangin. Palagi kong dala ang nebulizer ko ngunit sa ganitong sitwasyon ay alam kong wala. 

Pero sadyang hindi pa ako nararapat mamatay dahil maya-maya ay mayroong naglapat ng nebulizer sa bibig ko at doon ay nakahinga ako ng maayos. Nang mahulasan ako ay wala na doon si Kim at mayroong tatlong nurse ang umasikaso saakin pero nang sabihin ng doctor na wala na sila mama at papa ay lalong lumala ang asthma ko. 

Isang araw akong nakahiga sa hospital bed at ng maging ayos ay ako ang nag-asikaso ng burol nilang dalawa. Nalaman ko sa mga pulis na gumagamit ng drugs ang magulang ko na siyang pinagtataka ko. Paanong mag da-drugs sila mama at papa gayong busy sila sa trabaho? Pero dahil na ‘din doon ay narealize ko ang dahilan ng pagbabago nilang dalawa. 

Muli ay umiyak ako dahil napatunayan ko ‘din na kahit papaano ay mahal nila ako. Kung hindi lang dahil sa drugs na iyon ay hindi sila magbabago. Sabi ko na tama ako, tama ako na mahal nila akong dalawa. Hindi kami nag-usap ni Kim sa burol, kung meron ‘man ay saglit lang. Ayokong makipagtalo o away lalo na at hindi umaalis sa isip ko ang tagpo ng makita ko sila mama at papa na duguan. 

*End of flashback* 

“Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila mama at papa!” gulat na napalingon sa gawi ko si Kim at agad ko siya sinunggaban ng sabunot. “I-Isabella, a-ahh! Ano ba bitawan mo ako!” hindi ako nakinig sa kaniya dahil sa sobrang galit. Galit tungkol sa mga nalaman lalo na sa katunayan na siya ang dahilan ng pagkaka gamit nila mama at papa ng drugs. 

“Hindi kita bibitawan hanggat hindi ko nauubos ang buhok mo!” galit kong sabi ngunit kahit na anong galit ko ay mas malakas pa ‘rin saakin ni Kim. Nagawa niya akong itulak at napabagsak ako sa higaan. Dahil doon ay napahagulgol ako kakaiyak. “I-Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila mama at papa!” hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya tumingin ako sa kaniya. 

“Alam mong hindi ko magagawang patayin sila pero pinagbintangan mo ako sa harap ng maraming tao! Tapos ngayon malalaman ko na ikaw ang nagbigay ng drugs kila mama at papa!” bigla niya akong sinampal na siyang ikinatahimik ko. “Oo! Oo ako ang nagbigay ng drugs sa kanila pero ginawa ko ‘yun dahil sa galit! Galit dahil sa’yo!” natigilan ako sa sinabi niya at gulat na napatingin sa kaniya. Umiiyak na ‘din ito. “L-Lagi nalang ikaw Isabella! Puro nalang si Isabella, Isabella, Isabella! Lintik na Isabella ‘yan!” naglakad ito palayo habang nakasabunot sa kaniyang buhok. 

“Alam mo bang araw-araw akong umiiyak dahil mas inaalagaan ka nila keysa saakin?! Akala mob a ginusto kong maging suwail na anak?! Nagawa ko iyon dahil sa inyong lahat! Nagawa ko ‘yun dahil sa’yo!” hindi ako makasagot sa sinasabi niya at napatakip ng kamay sa bibig ko. “A-At ang masakit pa, kahit na lulong sila sa droga ay nagawa nilang ako ang ibenta sa mga Mafia na ‘yun!” a-ano daw? 

“K-Kahit na sinasaktan ka nila, kahit pa na hindi ka nila maalala, kahit pa na wala na sila sa sarili ay ikaw pa ‘rin ang pinili nilang wag isugal Isabella! Ikaw pa ‘rin! Ikaw!” napatingin ako kay Kim dahil doon. “I-Ikaw ang dapat na kinuha nila hindi ako tama ba?” nauutal ko na tanong sa kaniya. “Oo! Oo ako iyon at hindi ikaw pero inuto ko sila na ikaw ang kunin hindi ako!” 

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita dahil doon. Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman saakin ni Kim. Tandang-tanda ko pa noong mga bata pa kami na sobrang maalaga saakin ni Kim. I used to call her ‘ate’ pero nagbago ‘yun ng magkaroon siya ng mayayamang kaibigan. Nakalimutan na niya ako at palagi na niyang sinisigawan. 

“I w-wished that you we’re gone pero sila mama at papa ang nawala! Sobrang sakit para saakin niyon lalo na at dinukot ako ng mga Mafia at ni-rape!” hindi ko alam kung ilang beses ba akong magugulat dahil sa mga nalalaman ko. “Sa sobrang galit ko ay itinuro kita sa kanila at ang alam ko ay dapat naibenta ka na kaya paanong nandito ka pa?! I don’t want to see your face ever again!” umiiyak na kinuha ni Kim ang kaniyang bag at lumabas ng kwarto na pabalang niyang isinara. 

Hindi ako makapagsalita, hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko dahil kung titignan ay tama siya. Habang lumalaki kasi ako ay nagiging sakitin ako at palagi nila akong binibigyang pansin. Kasalanan ko kung bakit naging ganoon si Kim. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay iniyak ko ng iniyak ngunit napasobra ata ako dahil maya-maya’y hindi nanaman ako makahiga. 

Hangga’t may lakas pa ako ay lumabas ako ng kwarto na iyon at pupunta na sana sa kwarto ko upang hanapin ang nebulizer ko ngunit nakita ko ito sa labas ng pinto. Marahil sa sobrang panggugulo na ginawa nila sa bahay ay tumalsik iyon dito. Naging maginhawa ulit ang aking paghinga matapos magamit ang nebulizer. 

Kinalma ko ang aking sarili at nagpunta sa kwarto upang tignan ang mga gamit ko. Hindi ako pwede magpaka stress dahil sa nangyaring engkwentro saamin ni Kim hindi ko alam kung maaayos pa namin ang tungkol saaming dalawa. Pero siguradong oo dahil kami nalang ang natitira sa pamilya, kailangan niya lang ng oras. 

Nakita ko ang cellphone ko sa sahig at full charge pa ito kaya inilagay ko siya sa aking bag. Kumuha na din ako ng mga gamit at mga naitabi kong pera. Marami akong ipon dahil palagi akong binibigyan nila mama at papa. Binuksan ko ang lagayan ng mga alahas ko sa may tagong parte sa aking damitan. Mabuto nalang at hindi ito nakita ng mga Mafia na iyon dahil sobrang halaga nito saakin. 

Inilabas ko ang isang kulay violet na kwintas na heart. Kung titignan mo ay halata mo na mamahalin ito, ibinigay saakin ito ni mama noong pitong taong gulang ako. Ang sabi niya saakin ay ito daw ang magdadala saakin sa katotohanan na hindi ko maintindihan. Sobrang pinapahalagahan ko ito dahil ito nalang ang regaling mayroon ako galing sa kaniya gayong ang iba ay sinira na ng mga Mafia. 

Isinoot ko ito at nang maisaayos na ang mga gamit ay lumabas na ako ng bahay upang umalis. Tumingin pa ako sa huling pagkakataon sa bahay na iyon at napabuntong hininga bago tuluyang humakbang palayo. Siguraodong babalik ako, at gusto ko sa pagbabalik ko na iyon ay maayos na kami ni Kim. 

NANDITO ako ngayon sa bus dahil pupunta ako sa Legazpi. Gusto kong makita ang bulking Mayon, sa tapat ng bulking mayon ibinigay saakin ni mama ang kwintas na regalo niya at simula niyon ay naging paburito ko na ito. Sa hindi ‘rin malamang dahilan ay gustong-gusto ko na andoon ako. 

Sa gitna ng aking pag-iisip ay naalala ko ang cellphone ko. Binuhay ko ito, nalaman ko na full charge ito ng gamitin ko ang charger na nasa sahig sa kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng cellphone ay nagulat ako ng mag ring ito at tumatawag si Nicole. 

“Hello, Ella?! Mabuti naman at na kontak na kita! Akala ko hindi mo na nakita ang cellphone mo eh!” napangiti ako ng pilit dahil doon. “Ano ka ba Nic, patay kasi ang cellphone ko kaya dimo matawagan.” Narinig ko ang paghinga niya ng maluwag sa kabilang linya. “Oo na, sige na. Kamusta na? Anjan ba si Kim nakita mo?” 

Natigilan ako sa tanong niya at naalala naman ang nangyari kanina. Hindi ko napigilan ang aking luha at kusa itong tumulo. “Umiiyak ka ba Ella?! Nasaan ka? May ginawa ba sa’yo ang Kim na ‘yun?!” sunod-sunod na tanong nito. Kilala niya talaga ako kaya hindi ko kayang maglihim sa kaniya. “P-Papunta akong Legazpi Nic, alam mo na kung saan. Hihintayin kita.” 

Ibinaba ko ang tawag at sinilent ko ang aking cellphone. Alam ko na kukulitin niya ako at ayaw ko pang pag-usapan. Umiyak nalang ako ng tahimik sa kinalalagyan ko mabuti at tulog ang katabi kong pasahero. 

ILANG oras ang lumipas at pasado alaskwatro na ng hapon ako nakarating sa Legazpi. Nagpahatid ako sa tricycle papuntang sa may mayon at halos isang oras din ang inabot bago ako tuluyang nakarating doon. Napalanghap ako ng sariwang hangin ng makita ko ang bulking mayon kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. 

“Mama? Papa? Andito po ako ulit sa tapat ng mayon. Sana pinapanood niyo ako kung nasaan ‘man kayo.” 

“Siguradong napapanood ka nila, mapapanood ka nila kung paano ka namin papatayin tulad ng ginawa namin sa kanila.” Nagulat ako ng mayroong nagsalita mula sa aking likuran at napaatras ako ng makita ang tatlong lalaki na malalaki ang katawan. Pawang may hawak na baril at kutsilyo. 

“S-Sino kayo?!” nagsimula nang sumiklab ang takot sa puso ko. “Kami? Kami lang naman ang nagmamay-ari sa’yo! Akala mo ba hindi namin malalaman na tumakas ka kay master Shin?! Nang dahil sa’yo ay muntik na kaming mapahamak!” agad akong tumakbo ng marinig ang sinabi ng lalaking iyon. Tama ako, sila nga ang kumuha saakin noon. Kahit na hindi ko malinaw na nakita ang muka nila ay natatandaan ko yung nagsalita kanina dahil sa tattoo nito sa muka. 

“Habulin niyo siya!” mas lalo akong natakot dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Lahat na ata ng santo ay tinatawag ko na, tulungan niyo po ako! Walang lingon na akong tumatakbo hanggang sa magulat ako ng mayroong dumaan na mabilis sa gilid ko. Agad akong napalingon sa likod at nanlaki ang mata ko na nakatutok saakin ang baril ng isa. 

Naka silencer sila! Hindi ako pwedeng mamatay dito! “Habulin niyo!” nagsimula ng tumulo ang luha ko. Kahit na nanghihina ang tuhod ko ay pinipilit ko pa ‘ring tumakbo. Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko ang high way na sobrang ikinatuwa ko ngunit hindi pala magandang tumakbo ng biglaan sa kalsada dahil naramdaman ko nalang ang katawan ko na tumalsik. 

Tila wala akong marinig o maramdaman dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Namalayan ko nalang na mayroong yumuyugyog saakin hanggang sa mawalan ako ng malay. 

NICOLE 

NAKARATING ako sa Okada Manila Hotel dalawang oras lang matapos naming ihatid si Ella sa Bulacan. Kung hindi ko lang kailangan manatili dito dahil kay daddy ay hindi ko gagawin. Mayroon kasing business meeting si Daddy at nangako ako na sasamahan ko siya, pero dahil sa nangyari sa kaibigan ko ay parang gusto ko ng iwan si daddy. 

Habang papaakyat ako sa floor namin ay napahinto ako ng marinig ko ang usapan ng kumpon na kalalakihan sa isang tabi. “This can’t be! Halos ilang oras na pero hindi niyo pa ‘rin siya nakikita?! What happen to that fvcking CCTV?! Bakit hindi niyo makita ang pinapahanap ko?!” napakunot ang noo ko dahil doon at tinitigan ang lalaking matanggad na nakasoot ng puting polo. 

Kung titignan mo ito ay sobrang tikas ng katawan at nakakatakot ang aura lalo na ngayon dahil sa sobra nitong makatingin sa tauhan niya. Pero hindi ‘yun ang nakakuha ng atensyon ko. Iyong sinabi niya, hindi kaya si Ella ang hinahanap niya?! Based sa itsura nito ay ito ang nakasama ni Ella sa iisang kwarto! Hindi kaya kung anong gawin niya kay Ella lalo na at nagsama sila sa iisang kama! 

Nakaisip ako ng solution dahil doon. Naglakad ako papalapit sa mga ito. “Excuse me,” napatigil sila dahil sa sinabi ko at tumingin saakin. “Sorry to interrupt pero hinahanap niyo ba ‘yung babaeng nakasoot ng white tshirt na may soot na short na panlalaki at sumbrelo?” biglang nagkaroon ng liwanag sa mata nung lalaking gwapo na ikinataas sandali ng kilay ko. 

“Yes! Yes! Did you saw her?!” agad na tanong nito saakin na ikinatango ko. “Yes, I’ve seen her. Dumaan siya sa main door.” Muling sumama ang muka ng lalaki dahil doon. “Thanks for your help.” Tumango ako sa kaniya at naglakad na palayo pero narinig ko pa ang galit na sigaw nito. Sino ba siya at bakit gustong-gusto niya makita si Ella? 

Napailing nalang ako at pumunta sa kwarto ko. Ilang oras ang lumipas ng makontak ko si Ella at nalaman ko na papunta siya sa bulking mayon kaya hindi kao nagdalawang isip sumunod dito lalo na at umiiyak siya. Sigurado ako na may nangyari dahil hindi nito ugaling pumunta sa mayon ng walang dahilan. Nagpaalam ako kay daddy na agad naman niya akong pinayagan at sinabing isama ko na daw si Ella dito kaya pumayag na ako. 

‘Hintayin mo ako Ella’ 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku sana maabutan mo pa si ella dahil nandun na yong mga lalaking nagbenta kay ella sa auction
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
guglak sa paghahanap R....sana makita.mo n si ella
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
grabe parang naimagine ko talaga ang character emotional ng bawat Isa. ha..ha . nice talaga medyo kinilig ako tapos. grabi ang ganda ng story mo b. nicolay .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status