ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
PANAY ang lingon ni Isabella sa kaniyang likuran habang tumatakbo ng mabilis papalayo sa kanilang bahay. Wala siyang pakialam kahit ilang beses pa siyang matumba dahil sa pagkakapatid mula sa mga naka angat na sangga mula sa kaniyang dinaraanan. Panay din ang tulo ng luha sa kaniyang mga mata kasabay ng pagtulo ng malalamig na pawis mula sa kaniyang noo. ‘N-No please! Tulungan niyo po ako!’ piping sigaw ni Isabella sa isip ng muli nanaman siyang matumba at sa pagkakataong iyon ay masaganang dugo ang umaagos sa kaniyang tuhod dahil sa hiwa mula sa matulis na kaniyang nabagsakan na mukang bubog. “Nandito lang siya! Hanapin niyo sa paligid!” naalerto siya sa narinig ang malakas na boses na iyon na nag-eco sa buong paligid. Naroroon sila sa likod bahay nila Isabella na kung saan ang likuran ay malawak na kagubatan. Nakatira sila sa isang liblib na lugar ngunit mayroon silang malaking bahay dahil sila ay nakaka-angat sa buhay. Dali-dali siyang tumayo kahit pa na masakit na ang kaniyang
ISABELLA NAGISING ako dahil sa sakit na pumipintig sa aking pagkababae at pagdilat ko ay sumalubong saakin ang kakaibang kisame. Napakapit ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang sakit niyon ngunit bigla ‘ring napadilat ng maalala kung ano ang nangyari kagabi. Agad akong tumingin sa aking tabi at pabalik na napahiga ako sa higaan ng makita ang lalaking hindi ko kilala. Kusang tumulo ang aking mga luha at napasabunot pa ako sa aking buhok dahil sa katangahan. Ano bang ginawa ko?! Hindi ko ‘din alam kung paano ko iyon nagawa basta ang alam ko sobrang init sa buong katawan ko na tila mayroong gustong lumabas. At ayun na nga, may lumabas na! Tsk. Nagpasiya ako na umalis ng hindi nagigising ang lalaki, pero natatakot pa ‘rin akong lumabas lalo na at baka hinahanap ako ng mga mafia na bumili saakin. Napapaisip din ako na mas okay na sa lalaking katabi ko ngayon naibigay ang aking pagkababae kaysa doon sa malaking tiyan na matandang master Shin. Pero kahit na ganon mali pa ‘rin ang ginawa
ISABELLA “SIGURADO ka bang magiging ayos ka lang dito Ella?” Nag-aalalang tanong ni Nicole saakin nang makarating kami sa di kalayuan sa aming bahay. Ilang oras ‘din ang byahe namin papunta dito sa Bulacan na sinabi ko ay gusto ko nalang umuwi. Ang sabi pa nga niya saakin ay i-bobook niya daw ako sa ibang hotel para mas safe daw ako pero hindi naman pwede na hindi ako umuwi dahil gusto ko ‘ding malaman kung ano na ang nangyari sa kapatid kong si Kim. Kahit naman na masama ang pakikitungo niyon saakin ay mahal ko ‘yun at nag-aalala ako para sa kaniya. “Ano ka ba Nic, bahay namin ito kaya siguradong magiging ayos lang ako.” Pampalubag loob na sabi sa kaniya ngunit inilingan niya ako. “Sabi mo diba dito ka pinuntahan ng mga nagbenta sa’yo. Ella, paano kung bumalik sila? Lalo na sa Manila pa ‘rin ako tutuloy hindi dito.” Napangiti ako dahil sa kabaitan ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinignan siya sa kaniyang mga mata. “Nic, wag kang mag-alala okay? Tatawag ak
ISABELLA NAPADILAT ako ng biglaan ng maalala ko kung ano ang nangyari saakin. Kitang-kita ko ang nakakasilaw na liwanag ng truck at ang malakas na busina nito na tatama saakin. Napapikit ako dahil doon at agad na naupo mula sa aking pagkakahiga habang hawak ang aking ulo. “Miss, anong nararamdaman mo? Hindi ka pa dapat bumabangon.” Narinig ko ang babaeng boses na mukang ako ang kinakausap kaya napatingin ako sa kaniya. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tinignan ko ang itsura ng babaeng ito at nakasoot siya ng pang nurse na uniform. Doon ko lang nailibot ang aking mata sa paligid at narealize ko na nasa isang kwarto ako ng ospital. “N-Nasaan ako?” baling kong tanong sa kaniya na ikinangiti nito. “Nandito ka sa St. Jude Hospital, isinugod ka dito three days ago dahil nabangga ka ng truck. Wag kang mag-alala dahil sinagot nila ang bayad mo sa ospital bills.” Totoo nga na nabunggo ako. Pero Ano ang sabi niya? “Three days ago?!” gulat na tanong ko na ikinatango niya. “Oo, tatlong araw ka n
ISANG linggo ang lumipas simula ng pumasok ako sa Motorific Company at masasabi kong naging maayos naman ang pagsisimula ko pwera nalang sa nararamdaman kong motion sickness. Lalo na s aumaga, tamad na tamad akong bumangon gayong kailangan kong pumasok ng maaga. Dalawang araw palang ako sa bahay nila Pauline ng mahalata agad ng mama nito na buntis ako. Nahiya pa ako sa kanila at nagtanong kung ayos lang ba na buntis ang umupa sa kanila. Tinaggap naman nila ako at mas natuwa pa nga dahil ngayon nalang daw ulit magkakaroon ng baby sa kanila. Nakakatuwa pa nga at bumili na agad ng mga damit pambata ang mama ni Pauline. Nahihiya ako pero sabi niya kapag may anak ka na hindi daw dapat mahiya kaya palagi kong itinatak sa isip ko ‘yan. Panibagong yugto ito ng buhay ko kaya hindi ko dapat ikahiya ang anak ko. “Alam mo Ella, tatlong araw ka palang nagsisimula dito sa kumpanya may napansin na ako agad na kakaiba e.” hindi ako makatingin sa katabi ko sa aking table dahil sa sinabi niyang iyon
ISABELLA TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya.
“DITO nalang ako sa tabi,” Turo ko nang makita ang bahay na medyo malayo pa sa bahay nila tita Eda. Ayaw ko na ihatid niya ako mismo sa bahay ni tita Eda dahil ayoko na muling mag krus ang landas namin. “Are you sure?” tanong nito na ikinatango ko naman. Itinabi niya ang kotse sa tapat ng isang bahay at dali-dali na siyang bumaba. “Sigurado ka ba na jan ang bahay mo?” tanong nito saakin ng makababa ito ng sasakyan. Mukang balak niya ata akong pagbuksan ng pinto. “Yes,” tango kong sabi, kita ko ang hindi paniniwala nito sa sinabi ko pero tumango nalang siya. “What I said to you is all true. Ayokong mag lihim sa’yo, sana kahit pangalan mo lang malaman ko.” napatitig ako sa kaniya. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang mata pero hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na takot ako sa kaniya. “A-Ako si Isabella.” Hindi ko alam kung bakit ang totoong pangalan ko ang sinabi ko sa kaniya ngunit ng sumilay ang ngiti sa labi niya ay mukang alam ko na. Gusto kong makita ang mga ngiti na ‘yo