Share

HOT NIGHT 5 [PART ONE]

ISABELLA 

TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. 

Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. 

Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya. “S-Sino ka ba? Bitawan mo ako!” nasasayang lang ata laway ko dito. 

Hindi niya talaga ako nililingon hanggang sa dumating kami sa restaurant ay natigilan ako. Syempre ayaw kong gumaw ang gulo lalo na at mukang pang mayaman ang lugar na iyon. Mayroong nag assist saamin papunta sa isang table at iniupo niya ako. “A-Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya habang papaupo sa kaniyang silya. 

“Kakain syempre.” Napasimangot ako dahil sa sagot nito. Kung hindi ko lang alam na Mafia ‘to baka binatukan ko na. Kaso takot pa akong mamatay kaya wag nalang. Nag order siya para saamin, syempre siya ang nakakaalam nito kaya siya ang nag order. Ako naman ay napatingin sa paligid at nakita ko ang mga taong naka disensteng damit, samantalang ako naka simple dress at blazer lang. 

Feeling ko nanliit ako bigla. “Don’t look down to yourself. You are beautiful with class,” napatingin ako sa lalaking kaharap ko dahil doon at bumuntong hininga. Hindi ako makaka-alis sa kamay nito kung hindi ko siya sasakyan, kahit pa na takot na takot na ako. “S-Sino ka ba? Bakit mo ako dinala dito?” mahina kong tanong na hindi ko alam kung narinig niya ba. 

“Can you please stop it?” nagtataka akong napatingin dito dahil doon. “H-Huh?” mas lalo siyang sumeryoso dahil doon at inilapit ang muka niya saakin kaya naapatras ako. “See? Stop it. Tigilan mo ang pagiging takot saakin dahil wala akong gagawin sa’yo. I’ve waited this for four years so please stop it.” Napanga-nga ako dahil sa sinabi niya. “Nasasaktan ako,” mas lalo akong natameme dahil sa huli niyang sinabi. 

Nag-iwas ito ng tingin saakin at sumandal muli sa kaniyang lamesa sakto naman na dumating ang pagkain namin kaya kahit papaano ay nawala ang kakaibang atmosphere sa pagitan namin. “Okay, I’ll stop, basta sagutin mo kung sino ka, kung bakit ka naghintay ng apat na taon? Kung bakit mo ako dinala dito.” Napatingin siya saakin na ikinalunok ko. 

Ang dalawang pares ng kaniyang itim na itim na mata ay nagpapatayo ng aking balahibo, nagpapatigil sa aking Sistema. Hindi ko maipaliwanag pero kitang-kita ko ang kakaibang emosyon doon, emosyon na hindi ko alam kung bakit parang maging ako ay nadadala. “I’ll answer that later after we ate.” Napabagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niyang iyon kaya hindi na ako nagdalawnag isip na kunin ang kubyertos na nasa ibabaw. 

Ang kaso ay masyadong maraming kutsara na nasa harapan ko. “Bakit kasi kailangan ganito kadami ang kutsara sa high-class restaurant.” Naiinis ko na bulong, don’t get me wrong familiar ako sa ganitong set up dahil napag-aralan namin ito ang kaso hindi ako sanay, more on naiisip ko ang ibang tao na walang kinakain o ginagamit manlang na kutsara habang kami papalit-palit sa iisang upuan lang. 

“Why? Hindi ba masarap ang pag-kain? Gusto mo lumipat tayo?” agad akong napatingin sa lalaking kumuha saakin at umiling. “No, it’s okay. It’s just that—wala. Kumain nalang tayo.” Sa huli ay binawi ko ‘din ang iniisip. Alam ko na hindi niya maiintindihana ng sinasabi ko dahil mayaman siya. “Say, it. Naiinis ako kapag hindi tinatapos ang sasabihin.” Tinignan ko ng kakaiba ang lalaking kaharap ko at seryoso na ito ngayon kaya napatango ako ng alanganin. 

Baka barilin ako nito bigla kapag diko sinabi. “A-Ang dami kasing kubyertos. Wag mong masamaain pero alam ko naman sila gamitin ang kaso nakokonsensya lang ako na ‘yung iba walang makain tapos tayo dito—” tumingin ako sa paligid na ikinatingin niya ‘din sa paligid pagkatapos ay nagkibit balikat nalang ako at kumain na. “You have a kind heart,” narinig kong sabi nito. 

“Kung ‘yan ang pagkakaindi mo. Ayaw ko lang maranasan ng ibang tao ang naranasan ko.” hindi ko alam kung bakit ko biglang nasabi iyon. Siguro dahil na isa siyang Mafia, gusto ko siyang hampasin, gusto kong magalit sa kaniya at sumbatan siya kung bakit nila nagagawa ang ganong uri ng kasamaan saaming mga ordinaryong tao. “And now you are angry.” Hindi ko namalayang sobrang diin na pala ng pagkakahiwa sa laman na kinakain ko. 

Binitawan ko ang hawak na kubyertos at hinarap ito. “Sagutin mo na ang tanong ko.” nagtagpo ang aming mga mata. “Alam kong kilala mo ako, alam mong ako ang binili ni master Shin at oo tumakas ako. Tumakas ako dahil gusto ko pang mabuhay, ayokong mapunta sa kamay ng panget na matanda na ‘yon!” mahina ngunit may diing sabi ko sa kaniya. Binitawan niya din ang hawak na kubyertos at tumingin saakin na parang na-eexcite pa. “I love you.” Napakurap ako dahil sa sinabi niya at parang biglang nawala ang tapang na mayroon ako. 

“Minahal kita simula ng may mangyari satin. Call me weird to fall in love that easily but you are different. Alam ko iyon dahil hindi pa ako nagmahal ng ganito sa ibang babae. I used to ignore girls before you came at hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na hindi naman dapat. 

“Lahat ginawa ko para hanapin ka, hindi ko alam ang pangalan mo. Ang alam ko lang ay binili ka ni master Shin kaya simula noon ay binabantayan nan amin sila pero hindi pa ‘rin kami makakuha ng impormasyon dahil masyado silang mahigpit.” 

Speechless. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at maging ang aking bibig na tila nawala na ang aking boses. “Alam kong masyadong mabilis ang lahat pero it’s been four years. Apat na taon pero hindi pa ‘rin nagbabago ang nararamdaman ko. Nang makita kita kanina ay alam ko agad na ikaw ‘yan kahit pa nag-iba ang itsura mo. Nandoon pa ‘rin ‘yung kaba ko sa tuwing makikita kita kahit sa malayo.” Hindi ko na nakaya ang aking mga naririnig at pinigilan siya. 

“S-Stop please.” Tumigil naman siya dahil doon. “A-Ang tinatanong ko ay sino ka.” Hirap kong sabi na ikinangiti niya. Parang mas lalo akong natunaw dahil sa ngiti na iyon. Kung gwapo siya kapag hindi nakangiti ay mas gwapo siya habang nakangiti, ang mata niya ay mas naging makulay kahit pa na itim na itim iyon. 

“Silly me, I’m Ryc but they call me R. I’m the owner of Motorific Company,” lumapit siya saakin kaya napaatras ako. “I’m also the rank 1 Mafia boss.” Doon n atuluyang nahigit ang aking hininga. Tama nga ako, isa siyang Mafia. “Nagkita na tayo before kang bilhin ni master Shin. Ako ‘yung nakalaban niya sa bidding.” 

Doon ako gulat na napatingin sa kaniya. Kaya naman palak ilala niya ako, kaya niya alam na binili ako ni master Shin dahil siya yung sinukuan akong bilhin. Sabagay ano bang aasahan ko? They are a bunch of eveil people. Ang gusto lang nila ay makuha ang gusto nila at magawa kahit na ano saamin. 

“Why? Did I say something wrong?” napatingin ako sa mata niya dahil doon. “Yes, you say something wrong. This is all wrong dahil wala kang Karapatan na dalhin ako dito, pwede kitang kasuhan kung gugustuhin ko!” natigilan siya dahil sa sinabi ko at maging ako ay hindi alam kung bakit ko ‘yun nasabi. 

“G-Gusto ko ng umuwi.” 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Vanessa Cortuna
sana Po ma full story nyuna po
goodnovel comment avatar
Ziel Pabelona Herosano
full story plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status