Aika’s POV
Isang araw, habang nagmamadali akong mag-ayos ng mga papeles sa opisina, natigilan ako nang marinig ko ang hagikhikan ng ilang kasamahan ko sa likod.
“Si Aika, ang tagal-tagal na sa trabaho, pero runner pa rin,” narinig kong sabi ni Monica isa sa mga co-workers ko na hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nginitian.
“Oo nga, hindi na yata aasenso ‘yan. Wala kasing dating,” sabi pa ni Gina na para bang ang sarap tumawa kapag ako ang pinagtatawanan.
Hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ako. Ganito na lang palagi. Kung hindi man ako ang target ng pang-aasar, siguradong bibigyan pa ako ng dagdag trabaho. Mahirap nang kumontra. Laging may kabuntot na paninira at intriga kapag sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.
Habang naglalakad ako sa hall papunta sa printer, si Dolores na naman ang bumungad sa akin.
“Aika, ano bang ginagawa mo? Bakit parang ang tagal-tagal mong maghatid ng report? Akala mo naman wala ka ng ibang trabaho!” Ang mga salitang iyon na may kasama pang mapang-asar na tingin, palaging bumubuntot sa akin. Napakabigat sa pakiramdam. Gusto ko nang magreklamo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
SA BAHAY naman, wala ring pahinga. Pag-uwi ko mula sa trabaho, si Tita Teofila na agad ang sumasalubong sa akin, hindi para kamustahin kundi para utusan.
“Aika, anong oras ka na naman nakauwi? Wala na tayong ulam, bilisan mo’t bumili ka na sa palengke!” Wala akong reklamo. Tulad ng dati, isinusuot ko na lang ulit ang tsinelas at nagmamadaling pumunta sa palengke kahit pakiramdam ko ay wala nang lakas ang katawan ko. Sila, sa bahay lang, walang ginagawa kundi maghintay sa akin. Ako, nagtatrabaho buong araw, pero parang wala lang sa kanila.
Habang naglalakad ako pauwi may nakasalubong akong pamilyar na mukha. Si Aling Nida, isa sa mga kapitbahay namin. “Aika, anak, pagod ka na yata? Para kang nanghihina,” sabi niya habang nilalapag niya ang basket na dala ko.
Napangiti ako ng pilit. “Okay lang po ako, Aling Nida,” sabi ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang magpahinga.
“Mag-ingat ka sa sarili mo, ha? Alam kong mabigat ang buhay, pero dapat hindi ka nagpapakain sa hirap,” sabi niya na may malasakit. Mabuti pa siya. Mabuti pa ang ibang tao may malasakit.
Hindi ko maiwasan ang bigat sa dibdib habang tinutulungan akong buhatin ni Aling Nida ang mga pinamili ko. Sa totoo lang, minsan naiisip kong sumuko na. Pero hindi pwede. Kailangang kayanin ko lahat ng ito. Napapaiyak na lang ako kasi sa ibang tao ko pa nararamdaman ang ganito kalinga. Sa ibang tao ko pa nararanasang sabihan na alagaan ang sarili ko, mag-ingat ako. Na sa totoo lang, napakasarap pakinggan sa tenga. Kung ganoon lang sana sina Tita Teofila at Liya, siguro kapag uuwi ako sa bahay ay mapapawi ang pagod ko. Kaya lang hindi, kabaliktaran. Sila pa ‘yung magdadagdag ng pagod sa akin.
Pagdating sa bahay, as usual, si Liya nakahiga na naman sa sofa, at si Tita Teofila ay nagbabasa ng dyaryo. “Nasaan na ang pinamili mo?” tanong ni Tita habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kusina. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpahinga.
Si Liya, agad namang lalapit sa akin. Kinuha niya agad ‘yung tinapay na binili ko para sana may merienda ako. Alam niya kasi na palagi akong bumibili ng tinapay para sana kainin ko pag-uuwi ako galing sa trabaho. Imbis na ako ang kumain, ayon, siya pang walang silbi ang kakain. Na akala mo ay pagod na pagod sa buhay.
Sabay na pagod na ang katawan at isip ko, lalo na kapag iniisip ko na bukas, paulit-ulit na naman ang lahat. Ang mga tao sa opisina, ang trabaho ko, ang tita at pinsan ko—lahat sila, parang bangungot na hindi ko matakasan.
Hindi ko alam kung kailan, pero naniniwala akong may mas maganda pang buhay na nakalaan para sa akin. Hindi pwedeng ganito lang. Hindi ko kayang manatiling ganito habang buhay.
Gusto ko, isang araw, ako na ang magdedesisyon sa buhay ko. Ako na ang mag-uutos at hindi na kailangang laging sumunod. Gusto kong maging malaya sa lahat ng mga inaapakang kagaya ko. Pero habang hindi pa dumarating ang araw na iyon, kailangan ko munang magtiis.
Isang gabi, habang nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame, napaisip ako. Ano kaya ang gagawin ko kung yumaman ako? Kung bigla akong magkaroon ng bilyon? Siguro, aalis ako dito, bibilhan ko ng bahay ang sarili ko, malayo sa lahat ng nang-aapi sa akin. Siguro, hindi na ako kailangang bumangon ng maaga para pumasok sa trabaho na hindi ko naman gusto.
Kaya nga, kahit parang imposible, pinipilit kong abutin ang pangarap ko. Hindi ako susuko. Balang araw, magiging malaya rin ako. Balang araw, hindi na ako magiging katulong ng iba.
Aika’s POVPagdating ko sa gate ng mansyon ni Don Jacinto Herrera, hindi ko mapigilang mapamangha. Napakalaki ng bahay! Kasing laki ito ng parang isang kastilyong na nakikita ko sa isang fairy tale. Ang malawak na hardin ay puno ng mga bulaklak na parang inayos ng pinakamagaling na landscape artist sa bansa. Sa gitna nito, may fountain na tila ba musika ang lagaslas ng tubig.“Wow,” bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pinto. “Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman.”Sa isip ko, naisip ko rin si Isaid. Ito pala ang bahay nila. Ganito pala kalaki ang bahay niya. Para siyang prinsipe dito kapag umuwi na siya rito.Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning at ang bango ng mga sariwang bulaklak. Ang sahig ay gawa sa marmol na puting-puti, at bawat sulok ng bahay ay puno ng mamahaling muwebles at artwork.“Good evening, Miss,” bati ng isang butler na nakangiti.“Good evening po,” sagot ko habang iniabot ang invitation card. Pinapasok niya a
Aika’s POVPagbukas ko ng pinto ng apartment, parang buong lakas ko na ang naubos sa araw na ito. Parang ang bigat ng katawan ko, bawat hakbang ay may dalang matinding pagod. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong sinigawan ni Miss Dolores ngayong araw. At bukod pa doon, ang dami pang trabahong iniwan sa akin na hindi naman dapat sa akin.Hinubad ko ang heels ko sa may pinto at dumiretso sa sofa. Sa wakas, tahimik na rin dito. Walang utos, walang trabaho at walang nang-aabuso. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng bentilador at ang tunog ng aking tiyan na nagsasabing oras na para kumain.Pinilit kong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa kusina. Pagbukas ko ng ref, halos tumulo ang luha ko sa kawalan ng laman nito. May natitirang isang pirasong itlog at kalahating bote ng toyo. Ang huling grocery ko ay noong nakaraang linggo pa. Sa sobrang busy, hindi na ako nakakapamili.“Hindi na talaga kaya,” bulong ko sa sarili habang sinasara ang ref.Bumalik ako sa sala at kinu
Aika’s POVNasa mesa ako, abala sa pagta-type ng isang memo na pinagawa ni Mr. Herrera kaninang umaga. Masaya akong naglalakad papunta sa office kanina dahil alam kong may respeto na sa akin ang mga dati kong kaopisina na sina Vanessa, Monica, at Gina, dahil na rin sa takot dahil palagi kong kasama si Jaira.Sa wakas, tapos na ang mga araw ng pang-aalipusta nila sa akin. Ngunit hindi ko alam na mayroon pa nga palang kalaban na naghihintay, isang mas matigas na pader na kailangang tibagin.Si Miss Dolores na isa sa dati na talagang buwisit sa buhay ko.Sa sandaling wala ang CEO sa opisina, nagiging tila siya ang hari’t reyna ng kumpanya. At, para sa kaniya, ako ang personal niyang alipin.“Aika!” sigaw niya mula sa kabilang bahagi ng office.Tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. May hawak siyang tasa ng kape na halatang wala nang laman. Napalunok ako. Mukhang may bagong utos na naman ang bruha.“Come here,” sabi niya sabay wagayway ng kamay.Lumapit ako sa kaniya, at bago
Isaid’s POVNasa harap ko si Aika, napakaganda niya ngayong gabi. Kahit simpleng floral dress lang ang suot niya, tila mas nagniningning siya sa ilalim ng dim light ng Italian restaurant na pinili niyang pag-celebrate namin ngayon. Tinitingnan ko siya habang abala siyang nagbabasa ng menu, at sa bawat galaw ng mga mata niya, parang lalo akong nahuhulog sa kaniya.“Ano kaya ang masarap dito?” tanong niya sa akin nang hindi tumitingin mula sa hawak niyang menu.“Whatever you pick, I’m sure it’s delicious,” sagot ko habang sinusubukang pigilan ang ngiti ko. Pero hindi ko rin mapigilan. Ang saya ko ngayong gabi.Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. Parang kahapon lang, ordinaryong araw na magkaibigan kami, nagtatawanan, nagkukulitan at walang iniisip kundi trabaho ng isa’t isa. Pero ngayon, boyfriend na ako ng babaeng nasa harap ko. Boyfriend na ako ni Aika.“Okay, I’ll have the spaghetti alla carbonara and bruschetta for starters,” sabi niya sabay abot sa m
Aika’s POVTahimik akong nakaupo sa bagong desk ko, malapit sa pinto ng opisina ni Don Jacinto. Ang table ko ay may modernong design, simple ngunit elegante, na nagpapakita ng bigat ng responsibilidad ng bagong posisyon ko bilang executive assistant. Katabi ko lang si Jaira, ang secretary ng CEO. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala, pero ramdam ko na ang professional na hangin sa paligid niya.Habang abala ako sa pag-aayos ng files, bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Gina mula sa likod. Hindi ko man sila kita, ramdam ko ang tingin nilang tatlo—sina Gina, Monica, at Vanessa na dumayo pa talaga dito para mang-asar, tila lumala na naman ang sipon sa utak nila.“Wow naman. Biglang bigatin na si Aika. Executive assistant na! Ano kaya ang ginawa niya?” malakas na sabi ni Gina na halatang nagpaparinig.“Baka naman nilandi niya si Sir Don,” dagdag pa ni Monica na halatang gustong magpatawa. Tumawa silang dalawa, pero may halong panunukso.“Malay mo, sipsip din,” sabi ni Vanessa n
Aika’s POVHindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang matanggap ko ang tawag mula sa secretary ng CEO. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa maliit kong cubicle.“Pinapatawag ka raw ni Don Jacinto sa office niya,” sabi ni Gina habang nakapamewang at may ngisi sa mukha. Sa tabi niya, naroon sina Monica at Vanessa, parehong nagkatinginan at napangiti rin na parang may alam na masama.“Tingnan mo, baka nasumbong ka na sa atraso mo!” dagdag pa ni Vanessa, sabay tawa na para bang sigurado silang mapapahiya ako. Anong atrasong pinagsasasabi nila e, napakabait ko dito, kung mayroon atraso, baka sila iyon kasi mga bully sila.Wala akong atraso, sure na sure ako doon. Alam ko naman iyon. Pero kahit gaano ako kasigurado, hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko. Parang bumigat bigla ang bawat hakbang ko habang papunta sa elevator. Naisip ko kasi na baka may ginawang kalokohan ang mga bruha at ako ang tinuro o pinagbintangan nila. Sana ay mali ako.Nang madaana