FREYA Para sa iba kalokohan ang desisyon ko na bigyan pagkakataon si Phoenix para bumalik sa buhay ko. At ang unang sasampal sa akin ay ang kakambal ko—siya na naghirap na itago ako sa ex-husband ko. Sinayang ko ang effort niya.I don't know anymore what to do. My stupid heart always follows my rush decision. Binanggit niya na mahal niya ko pero pinili kong bigyan ng boundaries ang isa't isa. Hindi madali humilom ang pusong sinugatan niya at lalong mahirap itaya ang tiwala sa taong minsan sunakit doon. I need to take care of myself."Where's my daughter?" Tanong ko ulit sa kanya nang bumababa kami.Hinihilot ko ang kamay na may bakas ng tali habang nililibot ng tingin ang kabuan ng moderno niyang sala."Parating na sila," anas niya."Kamusta ang lagay niya? Nahalata mo naman siguro na may ubo siya noong kinuha mo no?"Tinaas niya ang isang kilay. "Pina-check up ko siya noong isang araw. Sabi ng doktor ay may pneumonia siya kaya hayun niresatahan kami ng sandamakmak na syrup.""M-Ma
PHOENIX Tinali ko si Freya sa kama. Ang kwarto kung nasaan siya ay nilaan ko para sa kanya. Sa wakas ay magagamit din niya.I didn't expect she would come her unannounced and broke my latest model Ferrari sports car. It broke my heart, but I don't care. Umiibang tao ako ngayon dahil sa kanya. Matapos kong hampasin ang batok niya kanina ay binuhat ko siya papunta rito. Hindi ko ito pinakita kay Aiyanna, baka mag-alala lang.I put water beside her. Malamang mauuhaw siya kapag magising. Nandito lang ako sa tabi niya, kanina pa nakatayo habang taimtim siyang pinagmamasdan.Nilalaban ko ang kalituhan at sinisikap makahanap ng sagot mula sa magkahalong emosyon na nararamdaman ko. Ano ba talaga ang tingin ko sa kanya?Yumukod ako, hinay-hinay na nilapit ang mukha sa bibig niya. She smells like strawberry, and somehow, I kinda like that. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong mahilig siya sa matatamis at malalambot na bagay. Sekreto kong pinadadalhan siya ng gummy bars at marshmallow
FREYANgiti ni Grey ang bumungad sa akin nang bumaba ako sa taxi. "Why are you here?""Oh, don't be like that. Gaya ng sinabi ko noon. Tutulungan kita. Saka balak ko talaga mamalagi rito eh," tugon niya. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti."Kailan ka dumating?" untag ko."Hi, Alec? What's bud?" binati niya muna ang anak ko. "Nitong umaga lang.""Papa?" Niyakap siya ng anak ko. Mistulang butiki kung makakapit at halatang na-miss niya ng husto ang pekeng Papa niya."Hindi lang naman napagod sa biyahe. Saan mo balak tumira?" Naglalakad kami papasok ng condominium."Dito lang din sa BGC.""Oh, nice ah. Magkapit-bahay pala tayo." Ngumiti ako sa kabila ng pagiging malungkot ko kanina. Ayaw ko ng makita niya ang humahaba kong nguso at namamaga kong mga mata ulit. Masyado na akong pabigat sa taong sobrang bait sa akin maski na kakakilala lang namin.Mag-iisang buwan pa lamang kaming magkaibigan."Sinadya ko iyon para madalas ko pa rin kayo makikita. Sino ba kasama niyo rito?" Aniya.Kinuha ko
FREYA"What shall I do now? Naisahan ako ni Phoenix. Hindi ko siya mapapatawad sa pagkidnap ng anak namin," pagak kong usal sa kalagitnaan ng mga hikbi ko.Nasa sala kami ngayon. Ilang araw na rin akong ganito—lugmok, walang ganang kumain at nasisiraan na ng bait. Saka ako nagkabuhay nang makatanggap ng text message na nasa kay Phoenix si Aiyanna. Ang masaklap ay nasa Pilipinas na sila. Ang bansang ayaw ko ng balikan.Namungay ang mga mata ni Felix habang hinahagod ang likod ko. "Gagawin natin lahat para mabawi ang anak mo, Freya.""Paano? Alam mo naman na makapangyarihan ang pamilya niya at hindi tayo basta-basta makapasok," sikmat ko."Sugurin mo siya sa Strix Company. Pero syempre sasama ako pati ang mga pulis," suhestyon.Humugot ako ng malalim na hininga, kinamot ang noo at nanginginig na hinagod ang mga braso. "Kung ganoon lang sana kadali 'yon. Kailangan ko ng sandata bago siya sigurin baka humantong pa ako sa presinto.""Ano bang nasa isip? Di pwedeng palampa-lampa. Nagbago ka
Phoenix Hindi ko nagtagumpay ang masamang balak ko noon kaya hinayaan ko muna silang maging mapayapa. Nakuha ko ang kambal pero binalik ko naman. Bumalik ako sa London para tingnan sa huling pagkakataon ang mga anak ko. Pinili ko kasi magparaya, wala na akong magagawa kong ayaw niya sa akin. Pag-uwi ko sa Pilipinas ay magfa-file na ako ng anulment. Nasa harap ako ng cafè dito sa Nottingham, sandali nakaupo para obserbahan ang mga tao sa tapat na pastry shop—ang negosyo ni Freya. Nagkataon na nandoon ang kambal at naglalaro ulit sila bilang mga tindero. Lihim akong ngumingiti tuwing may makakausap silang costumer. Napansin kong nangingilid na pala ang aking mga luha dahil sa biglang lagkaroon ko ng hangarin na maging ama nila. Sinapo ko ang noo, gusto kong sumubsob sa lamesa subalit ginulat ako ng batang babae nang huminto ito sa harap ko at may inabot na isang malaking lollipop. "Smile?" pakli niya. "I hope you like this." Pinatung niya sa lamesa saka tumakbo. Nayayamot akong i
Phoenix"When are you going to get back, Phoenix?" Pumagting sa tainga ko ang umaalab na boses ni Kendrix matapos kong sagutin ang video call."I don't know," I replied half-heartedly. Nasa alapaap kasi ang atensyon ko—ginuguhit ko lang naman ang mga susunod na eksena na pinaplano ko para kunin ang loob ni Freya.Malakas siyang suminghap. "Nakakalimutan mong may responasabilidad ka pa rito sa Pilipinas. Hindi pwedeng si Mikhael na lang ang maghahawak ng Strix Holdings habang buhay. Huwag ka naman pabaya, bro!"Napukaw niya ang atensyon ko. Inalis ko ang mga mata mula sa tanawin sa labas para irapan s'ya. "Hindi ko pinababayaan ang kompanya ko. Wala kang karapatan pagsabihan ako.""I'm your twin, Phoenix. Did you forget that too? It's in my blood to worry about you—how could I not? Watching you fall apart kills me, and I won’t just stand here and let you drown in this pain forever. Where the hell are you?"Kumapit ako sa railings ng hotel na ch-in-eck in ko kanina. "Paris," tamad kong