MasukAlas-tres pa lang ng hapon ay naghahanda na si Chandrea para sa pupuntahang family dinner ng mga Villa Puerte. Dahil isa na siyang Mrs. Villa Puerte, kailangan niyang magpakitang-loob sa pamilya ng napangasawa. Uminom siya ng vitamins kasabay ng c*ntraceptive p*lls pagkalabas ng banyo. Masakit ang buong katawan niya ngayon at nararamdaman pa ang pumipintig-pintig niyang sentido.
Kakausapin niya si Devon bago sila umuwi mamaya. Isang maayos na usapan. Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto, hindi mapakali kung ano ba ang susuotin. Maraming magagandang damit na naka-stock sa kaniyang wardrobe pero nahihirapan siyang mamili. Sa huli, isang simpleng puting tube dress na may ruffles ang nahablot niya. Lalagyan na lamang niya ito ng semi-floral na scarf sa leeg para magmukha siyang presentable. Matagal siyang nag-ayos na inabot ng halos tatlumpung minuto. Sa paglalagay pa lang ng concealer sa bawat parte ng katawan niyang may marka ay natagalan na siya. Ngunit sa halip na mainis, magaan at masaya pa ang pakiramdam niya habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Ito na ba ang simula ng pagkakaayos nila? Sa isiping iyon ay umaliwalas ang maganda niyang mukha. Naglalagay na siya ng pulang lipstick nang makarinig ng katok sa pintuan. "Bukas 'yan!" sigaw niya. "We will go at 6:00 PM," ani ng baritonong boses mula sa likod ng nakasaradong pintuan. "Bukas iyan!" ulit niya baka hindi siya narinig nito dahil sa kapal ng harang. Ilang saglit pa ay siya na mismo ang nagbukas ng p***o. Pagkabukas niya, ang nakakunot na noo ng asawang nakasandal sa gilid ng pader ang agad niyang nabungaran. Mas lalo niyang nasilayan ang kisig nito. Naka-puting long sleeves si Devon na tinupi hanggang siko, nakasuksok sa kaniyang itim na slacks, at may suot na itim na sapatos. Wala itong necktie kaya nakabukas ang isang butones sa may leeg. May maliit na bulsa sa kanang dibdib nito. Sa kaniyang kaliwang kamay ay bitbit ang relong pambisig habang suot naman ang salamin sa mata. Ang gwapo ng asawa niya kahit gago. Ngumiti siya nang palihim sa isiping iyon. "What's wrong?" tanong nito. "Wala," tipid niyang tugon. "Saglit na lang at matatapos na ako." Agad siyang bumalik sa kwarto para kumuha ng maisusuot na jacket at sandals na iteterno. Flat shoes ang napili niya kahit hindi siya ganoon katangkad. Sa isip niya, baka mainip pa ang asawa kaya dali-dali na siyang lumabas. Mahirap na at baka magalit ito, minsan lang naman itong hindi bumuga ng apoy. Yelo muna ang lagay nila ngayon. Papasok pa lang ang sasakyang lulan sila ay mapapansin na ang labis na karangyaan ng pamilya ng asawa niya. Tatlong beses ang laki ng mansyon ng mga ito kumpara sa pag-aari ng sarili niyang pamilya. "Welcome home, anak," bungad ng ina ni Devon sa kanila matapos buksan ang malaking pintuan. May iilang kasambahay pa na nakatayo sa kaliwa at kanang gilid niyon bilang pagsalubong. Yumakap sa kanila ang ginang. "I told you, darling," mahinang bulong nito kay Chandrea sabay ngiti. Ngumiti lamang siya pabalik. Malamig pa rin naman ang pakikitungo ni Devon sa kaniya kahit pa nagsabay sila sa pagpunta rito. Tahimik lang itong nagmamaneho kanina habang si Chandrea naman ay pakiramdam nang pakiramdam kung ano ang susunod nitong kilos. Pagpasok sa loob ng kabahayan ay dumiretso sila sa labas kung saan makikita ang isang malawak na hardin. Mayroong maliit na kainang nakahanda roon. Isang mahabang lamesa na nag-uumapaw sa iba't ibang putahe ang sasalubong sa paningin. Habang papalapit, napansin niya ang isang babaeng naka-pink na dress at may makapal na make-up sa mukha. Napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam na may iba palang bisita ang pamilya Villa Puerte. "Hi, Devvy!" tawag ng babae rito. Lumapit ito at bigla na lang yumakap sabay halik sa pisngi ng kaniyang asawa. Walang pakialam kahit nasa harapan niya lang mismo ginagawa iyon. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Devon dito. Hayagang humapit ang babae sa braso ng lalaki. "Yesterday morning. Tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot," pagmamaktol nito. "I'm busy the whole week. Ngayon lang nagkaroon ng oras sa firm," sagot ni Devon. Tumingin kay Chandrea ang babae. Mula ulo hanggang paa ang naging pagsuri nito sa kaniya. "Sino siya, Devvy?" tanong nito na sa wakas ay napansin din ang presensya ng asawa. Halos magkasing-tangkad lang ang babaeng ito at si Devon kaya medyo naasiwa si Chandrea. Maliit lang kasi siya at halos hanggang kili-kili lang ng asawa ang kaniyang taas. Sinisi niya tuloy ang sarili kung bakit nag-flat shoes pa siya sa halip na mag-heels. "Wife," maikling tugon lamang ni Devon. Pilit na ngumiti sa kaniya ang babae. "Hi! I'm Connie." Inilahad nito ang kanang kamay kay Chandrea. Childhood sweetheart pala ito ni Devon. Dahil ayaw naman niyang magmukhang bastos sa harap ng mga magulang ng lalaki, tinanggap niya ang pakikipagkamay. "Chandrea," tipid niyang pakilala. "Oh! You are the sister of the runaway bride," patuya nitong saad sabay takip sa sariling bibig na tila ba gulat na gulat sa nalamang impormasyon. Ngumiti lamang siya nang tipid tsaka sumulyap kay Devon na tahimik lang na nagmamasid. Iba na ang timpla ng mukha ng asawa niya. Marahil ay dahil sa nabanggit na pangalan ni Samantha. "Halina kayo," aya ng Ginang Villa Puerte sa kanila para basagin ang tensyon. Lumakad si Devon papunta sa mahabang lamesa at umupo. Umirap muna kay Chandrea ang babae bago sumunod dito. Sa kapal ng mukha ng malanding hitad na iyon, talagang sa tabi pa ni Devon ito sumiksik. Umupo na lang siya sa katapat na upuan ng asawa, katabi ang mommy nito. Tahimik silang kumain sa mahabang lamesa. O mas tamang sabihing si Chandrea lang pala ang tahimik, dahil si Connie ay walang tigil sa pagkukuwento tungkol sa buhay nito sa ibang bansa. Ang sumasagot lang naman ay ang ina ni Devon habang ang ama naman nito ay nakaupo sa unahang bahagi ng lamesa, tahimik na kumakain at panaka-nakang nagtatanong sa kanilang dalawa ni Devon. "Tita, can I sleep over tonight here?" tanong ni Connie gamit ang nagpapaawa nitong mukha. "Of course, iha. May bakante pang kwarto rito, pwede kang matulog doon," sagot ng ginang kay Connie. Pasimple namang ngumiwi si Chandrea sa tinuran nito. 'Ano, walang sariling bahay?' sa isip niya. Matapos ang hapunan ay nauna nang magpahinga ang mag-asawa sa dating kwarto ni Devon. Habang nagbibihis ang lalaki, nag-ikot-ikot muna si Chandrea sa loob ng silid. Maaliwalas iyon at malinis, katulad na katulad ng kwarto nito sa condo nila. May mga nakasabit na litrato kung saan makikita ang mga pagkapanalo nito sa mga patimpalak noong nag-aaral pa. May iilan ding larawan noong bata pa ito kasama ang pamilya. Mayroon pa ngang nakasuot ito ng salbabida at goggles habang palutang-lutang sa gitna ng swimming pool. Ang cute lang tingnan ng asawa niya sa panahong iyon. Subalit biglang napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi nang mahagip ng mga mata ang isang frame. Kuha iyon ng dalawang taong nakangiti, parehong nakaupo sa sofa at masayang nakatingin sa isa't isa. Si Samantha at si Devon. May dumaan na matinding kirot sa kaniyang dibdib. Selos at inggit ang unti-unting lumalamon kay Chandrea sa mga oras na iyon. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi, pinipigil ang emosyong nagbabadya sa pamamagitan ng pagkuyom ng kaniyang mga palad. Sa litratong iyon, halatang masayang-masaya si Devon. Sobrang saya. Kailanman ay hindi niya nakita ang ganoong klase ng ngiti sa mga labi nito sa tuwing siya ang kaharap. 'Sinalo ko lang naman ang kasal na tinakbuhan mo, Samantha, pero bakit parang pati ang galit at parusa na para sa 'yo, ako rin ang pumapasan?' tanong ng kaniyang isip habang nakatitig sa mukha ng kapatid sa larawan. 'Kahit anong pilit kong maging mabuting asawa, kahit anong takip ko sa mga pasa ko, hinding-hindi ko yata mapapantayan ang puwang na iniwan mo sa puso niya.' Bumuga siya ng malalim na hininga, pilit nilulunok ang pait na namumuo sa kaniyang lalamunan bago kinuha ang mga gamit para maglinis ng katawan. Inilapag niya ang kaniyang maliit na pouch sa gilid ng mesa. Habang naghahalungkat ay aksidenteng nalaglag ang panali niya sa buhok. Yumuko siya para abutin iyon sa ilalim ng lamesa nang mapansin ang isang telang nakatakip sa kung anong bagay sa may gilid. Sinilip niya ito. Isang frame pala. Maliit lang iyon pero sapat na para makita ang detalye ng nakaguhit. Tinanggal niya ang tela para masuri ang buong larawan. Isa itong imahe ng isang mataas na gusali. Sa rooftop niyon ay may nag-iisang upuan, at may anino ng isang taong nakayuko. Biglang bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya ang larawang iyon, hindi niya lang maipaliwanag kung paano o saan niya ito unang nakita. "What are you looking at?" Napaigtad siya sa lamig ng boses na iyon na naggaling sa sa kaniyang likuran. Si Devon! Hindi niya napansin ang pagdating nito. "Wala. Kinuha ko lang 'yung pony ko, nahulog kasi," mabilis niyang sambit. Agad niyang ibinalik sa pagkakatakip ang tela at nagmamadaling dumiretso sa banyo. Bumalik ka na doon sa Connie mo! Hmp! Ngunit bago pa man niya maihawak ang kamay sa doorknob ay narinig niya ang seryosong boses ng asawa niyang nagsalita muli. "Let's talk, Chandrea."Hapon nang mag punta sa Villa Puerte Mansiyon si Devon at Chandrea. Pinatawad sila ni Mr Argon para pag usapan ang nangyayaring kaguluhan sa parehong kumpanya. Nasa library si Devon at si Mr Argon. May pinag uusapan ang mag-ama kaya't naghihintay lamang siya para tawagin siya. Alam niyang hindi pa sila ganoon kasundo ni Devon. Ang huling pag-uusap nila ay noong gabing kinompronta siya nito at hindi na nasundan pa. “Excuse me. Are you looking for someone?” Napalingon si Chandrea nang marinig ang pamilyar na boses. Nakatayo sa may pintuan si Connie, nakasuot ng fitted pink dress at may hawak na wine glass. Kailan pa ito dumating tanong niya sa sarili. Ngumiti si Connie. “Surprised to see me?” “Not really. I just didn't expect you to be comfortable entering someone else's house without an invitation.”sabi niya. Bahagyang natawa si Connie. “Still sharp-tongued, aren't you?” “Pili lang.” saad niya. Lumapit si Connie at inilapag ang baso sa mesa. Kalapit sa tinatayuan nito. “I h
Maagang pumasok si Chandrea sa opisina kinabukasan. Naka itim na sungglasses siya para lang matakpan ang mugtong mata, halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa naging pag-uusap nila ni Devon. kaysa magpakalunod sa lungkot at sa nasaktang damdamin ay mas pinili niyang ituon ang sarili sa trabaho.Hindi niya hahayaang sirain ng personal niyang problema ang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang ama.“Good morning, Ma’am Chandrea.”“Good morning, May kailangan ba akong pirmahan?”ani niya sa kanyang sekretarya.“Actually, Ma’am, may emergency meeting po tayo with the management team. Nandito na rin po ang legal department.”Napakunot ang noo ni Chandrea. Ang aga-aga ito ang bububgad sa kanya. Problema.“What's the problem?”tanong niya.“It's about the Villa Puerte project.”Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nito lamang ay nagkaroon ng panibagong proyekto ang OTC at Villa Puerte. Hindi pa tumatagal ang proyekto ay may problema ng kinakaharap. Napailing na lamang siya.
"Let's talk."Napahinto si Chandrea sa tapat ng pintuan ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok. Katatapos lang niyang mag shower. Nakatapis lamang siya ng tuwalya. "About what?" maang niyang tanong. Nakita niya ang pag kunot ng noo nito."Don't play dumb, Chandrea."Napataas ang isang kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tono ng asawa. Ilang segundo pa lamang silang magkasama sa iisang kuwarto ngunit tila ba naghahanda na naman itong makipag-away."Then be specific. Hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang gusto mong pag-usapan." pag mamaang-maangan pa din niya. Hindi niya ipadu duldulan na alam niya ang gusto nitong ipunto. Ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Babae siya hindi magandang pag-usapan ang bagay na iyon. Never on my gourgeous body. Anang isip niya.Napailing si Devon. Tinanggal nito ang salamin sa mata at inilapag sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay hinubad ang suot na relo at inilagay sa tabi niyon."About us."Napakurap si
Alas-tres pa lang ng hapon ay naghahanda na si Chandrea para sa pupuntahang family dinner ng mga Villa Puerte. Dahil isa na siyang Mrs. Villa Puerte, kailangan niyang magpakitang-loob sa pamilya ng napangasawa. Uminom siya ng vitamins kasabay ng c*ntraceptive p*lls pagkalabas ng banyo. Masakit ang buong katawan niya ngayon at nararamdaman pa ang pumipintig-pintig niyang sentido.Kakausapin niya si Devon bago sila umuwi mamaya. Isang maayos na usapan.Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto, hindi mapakali kung ano ba ang susuotin. Maraming magagandang damit na naka-stock sa kaniyang wardrobe pero nahihirapan siyang mamili. Sa huli, isang simpleng puting tube dress na may ruffles ang nahablot niya. Lalagyan na lamang niya ito ng semi-floral na scarf sa leeg para magmukha siyang presentable.Matagal siyang nag-ayos na inabot ng halos tatlumpung minuto. Sa paglalagay pa lang ng concealer sa bawat parte ng katawan niyang may marka ay natagalan na siya. Ngunit sa halip na mainis, magaan at mas
Present time.Ang walang tigil na pagri-ring ng telepono sa bedside table ang nagpagising kay Chnadrea. Pikit-mata niyang iniunat ang kamay para kapain iyo, ngunit bago pa man niya maabot ang aparador, isang mabigat na bagay ang naramdaman niyang nakadagan sa kaniyang hita. Bahagya niyang ginalaw ang kaniyang katawan para umisod, subalit parang nakiramdam niya'y nanghina siya. Bawat kalamnan niya ay sumasakit na tila ba nagbuhat siya ng semento at tumakbo sa isang marathon nang tatlong beses nang walang pahinga.Wala naman siyang masyadong ginawa sa Opisina para magkaganito.Nang sa wakas ay tumahimik ang telepono, nagpasya siyang bumalik sa pagtulog. Hihilahin na sana niya ang kumot nang maramdaman ang isang magaspang at mainit na palad na marahang pumisil sa kaniyang kaliwang dibdib.Literal na napadilat si Chandrea. Nanigas ang kaniyang buong katawan at dahan-dahan, habang kabado ang bawat paghinga'y nilingon niya ang pigurang natutulog sa kaniyang tabi.Lalaki!Sa sobrang gulat a
Flashback 2.0 "What?! How can Chandrea be my bride?!" Nayanig ang buong sala sa marahas na angil ni Devon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa mga taong nakaupo sa paligid. Gulat na gulat ito sa mga nangyayari na para bang hindi niya maproseso ang takbo ng mga pangyayari. "Ito lang ang solusyon para mabura ang iskandalong ginawa ng panganay mong anak, Eduardo," malamig ngunit mariing deklara ni Ginoong Argon, ang padre de pamilya ng mga Villa Fuerte. Naglalaro ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya na nagtipon-tipon sa tapat ng magarbong sofa. Nag-iwan ng malaking problema si Samantha nang bigla itong maglayas tatlong araw bago ang kasal nila ni Devon. Isang desisyong hindi kayang tanggapin ng parehas na partido... lalo na sa panig ng mga Oyagrab na siyang naiwang dehado at nagmamakaawa para sa kanilang reputasyon. "Sa ngayon... pag-uusapan muna namin ng bunso ko ang planong ito," mabigat ang boses na awat ng ama ni Chandrea, habang marahang







