author-banner
Cmob Rotua
Cmob Rotua
Author

Romane von Cmob Rotua

How to UNLove You Husband?

How to UNLove You Husband?

DramaCEOHeir/HeirnessContract MarriageBetrayal
Si Chandrea ang sumalo sa posisyon ng kaniyang kapatid sa pagpapaksal sa mayamang tagapagmana ng mga Villa Puerte. Wala siyang nagawa ng pilitin siya ng kaniyang mga magulang sa set-up na 'yon. From being an Oyagrab, overnight ay naging isang Mrs. Villa Puerte na siya. Ngunit bangungot nga ba ito para sa kaniya o isang regalo mula sa maykapal? Hindi niya man maamin ngunit halos gabi-gabi'y nakangiti siya habang nakatitig sa maamo itong mukha na natutulog sa tabi niya. Sikreto niyang minamahal si Devon noon pa man. Ngunit ang problema'y hindi sila parehas ng nararamdaman. Because he said, he hated her so much! Na mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa ang makasama siya. Pero bakit? Kung ang tanging ginawa lang naman niya'y mahalin ito ng lubusan?
Lesen
Chapter: Kabanata 7
Maagang pumasok si Chandrea sa opisina kinabukasan. Naka itim na sungglasses siya para lang matakpan ang mugtong mata, halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa naging pag-uusap nila ni Devon. kaysa magpakalunod sa lungkot at sa nasaktang damdamin ay mas pinili niyang ituon ang sarili sa trabaho.Hindi niya hahayaang sirain ng personal niyang problema ang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang ama.“Good morning, Ma’am Chandrea.”“Good morning, May kailangan ba akong pirmahan?”ani niya sa kanyang sekretarya.“Actually, Ma’am, may emergency meeting po tayo with the management team. Nandito na rin po ang legal department.”Napakunot ang noo ni Chandrea. Ang aga-aga ito ang bububgad sa kanya. Problema.“What's the problem?”tanong niya.“It's about the Villa Puerte project.”Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nito lamang ay nagkaroon ng panibagong proyekto ang OTC at Villa Puerte. Hindi pa tumatagal ang proyekto ay may problema ng kinakaharap. Napailing na lamang siya.
Zuletzt aktualisiert: 2026-11-07
Chapter: Kabanata 6
"Let's talk."Napahinto si Chandrea sa tapat ng pintuan ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok. Katatapos lang niyang mag shower. Nakatapis lamang siya ng tuwalya. "About what?" maang niyang tanong. Nakita niya ang pag kunot ng noo nito."Don't play dumb, Chandrea."Napataas ang isang kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tono ng asawa. Ilang segundo pa lamang silang magkasama sa iisang kuwarto ngunit tila ba naghahanda na naman itong makipag-away."Then be specific. Hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang gusto mong pag-usapan." pag mamaang-maangan pa din niya. Hindi niya ipadu duldulan na alam niya ang gusto nitong ipunto. Ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Babae siya hindi magandang pag-usapan ang bagay na iyon. Never on my gourgeous body. Anang isip niya.Napailing si Devon. Tinanggal nito ang salamin sa mata at inilapag sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay hinubad ang suot na relo at inilagay sa tabi niyon."About us."Napakurap si
Zuletzt aktualisiert: 2026-11-07
Chapter: Kabanata 5
Alas-tres pa lang ng hapon ay naghahanda na si Chandrea para sa pupuntahang family dinner ng mga Villa Puerte. Dahil isa na siyang Mrs. Villa Puerte, kailangan niyang magpakitang-loob sa pamilya ng napangasawa. Uminom siya ng vitamins kasabay ng c*ntraceptive p*lls pagkalabas ng banyo. Masakit ang buong katawan niya ngayon at nararamdaman pa ang pumipintig-pintig niyang sentido.Kakausapin niya si Devon bago sila umuwi mamaya. Isang maayos na usapan.Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto, hindi mapakali kung ano ba ang susuotin. Maraming magagandang damit na naka-stock sa kaniyang wardrobe pero nahihirapan siyang mamili. Sa huli, isang simpleng puting tube dress na may ruffles ang nahablot niya. Lalagyan na lamang niya ito ng semi-floral na scarf sa leeg para magmukha siyang presentable.Matagal siyang nag-ayos na inabot ng halos tatlumpung minuto. Sa paglalagay pa lang ng concealer sa bawat parte ng katawan niyang may marka ay natagalan na siya. Ngunit sa halip na mainis, magaan at mas
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-30
Chapter: Kabanata 4
Present time.Ang walang tigil na pagri-ring ng telepono sa bedside table ang nagpagising kay Chnadrea. Pikit-mata niyang iniunat ang kamay para kapain iyo, ngunit bago pa man niya maabot ang aparador, isang mabigat na bagay ang naramdaman niyang nakadagan sa kaniyang hita. Bahagya niyang ginalaw ang kaniyang katawan para umisod, subalit parang nakiramdam niya'y nanghina siya. Bawat kalamnan niya ay sumasakit na tila ba nagbuhat siya ng semento at tumakbo sa isang marathon nang tatlong beses nang walang pahinga.Wala naman siyang masyadong ginawa sa Opisina para magkaganito.Nang sa wakas ay tumahimik ang telepono, nagpasya siyang bumalik sa pagtulog. Hihilahin na sana niya ang kumot nang maramdaman ang isang magaspang at mainit na palad na marahang pumisil sa kaniyang kaliwang dibdib.Literal na napadilat si Chandrea. Nanigas ang kaniyang buong katawan at dahan-dahan, habang kabado ang bawat paghinga'y nilingon niya ang pigurang natutulog sa kaniyang tabi.Lalaki!Sa sobrang gulat a
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-30
Chapter: Kabanata 3
Flashback 2.0 "What?! How can Chandrea be my bride?!" Nayanig ang buong sala sa marahas na angil ni Devon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa mga taong nakaupo sa paligid. Gulat na gulat ito sa mga nangyayari na para bang hindi niya maproseso ang takbo ng mga pangyayari. "Ito lang ang solusyon para mabura ang iskandalong ginawa ng panganay mong anak, Eduardo," malamig ngunit mariing deklara ni Ginoong Argon, ang padre de pamilya ng mga Villa Fuerte. Naglalaro ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya na nagtipon-tipon sa tapat ng magarbong sofa. Nag-iwan ng malaking problema si Samantha nang bigla itong maglayas tatlong araw bago ang kasal nila ni Devon. Isang desisyong hindi kayang tanggapin ng parehas na partido... lalo na sa panig ng mga Oyagrab na siyang naiwang dehado at nagmamakaawa para sa kanilang reputasyon. "Sa ngayon... pag-uusapan muna namin ng bunso ko ang planong ito," mabigat ang boses na awat ng ama ni Chandrea, habang marahang
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-30
Chapter: Kabanata 2
Flashback.Isang taon na ang nakakalipas nang mapilitan si Chandrea na umuwi galing sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang naiwang obligasyon ng kaniyang ama sa negosyo. At ito ay ang pamahalaan ang Oyagrab Tech Company (OTC). It wasn't her dream. She had spent years studying, eventually graduating as a secondary school teacher in Mandaluyong. Ngunit bilang panganay, tungkulin ang humila sa kaniya pabalik. Samantalang ang kaniyang kapatid na si Samantha ay malayang nagpapakasasa sa karera nito bilang isang sikat na modelo.Ilang araw bago ilabas ang resulta ng LET (Licensure Examination for Teachers) ay seryoso siyang kinausap ng kaniyang ama sa loob ng kaniyang silid."Chandrea... ikaw na lang ang makakatulong sa akin para hindi mawala sa atin ang OTC," pakiusap ng amang ilang dekara na ring namamahala sa negosyo nila, mababakas na ang labis na pagod sa mga mata nito habang pabalik-balik sa kwarto. "Nakakahiya sa mga Villa Fuerte kung malalaman nila na habang tumatagal ay hindi na nat
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-30
Das könnte dir auch gefallen
The Billionaire's Prostitute (Tagalog)
The Billionaire's Prostitute (Tagalog)
Romance · SenyoritaAnji
566.1K Aufrufe
ONE NIGHT STAND WITH THE CEO
ONE NIGHT STAND WITH THE CEO
Romance · Hanzel Lopez
546.8K Aufrufe
His Fake Wife
His Fake Wife
Romance · Purplexxen
538.6K Aufrufe
Wild feelings SPG
Wild feelings SPG
Romance · Aileen Bautista
520.9K Aufrufe
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO
Romance · Purple Moonlight
513.0K Aufrufe
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status