Share

Kabanata 4

Penulis: Cmob Rotua
last update Tanggal publikasi: 2026-10-30 00:25:41

Present time.

Ang walang tigil na pagri-ring ng telepono sa bedside table ang nagpagising kay Chnadrea. Pikit-mata niyang iniunat ang kamay para kapain iyo, ngunit bago pa man niya maabot ang aparador, isang mabigat na bagay ang naramdaman niyang nakadagan sa kaniyang hita.

Bahagya niyang ginalaw ang kaniyang katawan para umisod, subalit parang nakiramdam niya'y nanghina siya. Bawat kalamnan niya ay sumasakit na tila ba nagbuhat siya ng semento at tumakbo sa isang marathon nang tatlong beses nang walang pahinga.

Wala naman siyang masyadong ginawa sa Opisina para magkaganito.

Nang sa wakas ay tumahimik ang telepono, nagpasya siyang bumalik sa pagtulog. Hihilahin na sana niya ang kumot nang maramdaman ang isang magaspang at mainit na palad na marahang pumisil sa kaniyang kaliwang dibdib.

Literal na napadilat si Chandrea. Nanigas ang kaniyang buong katawan at dahan-dahan, habang kabado ang bawat paghinga'y nilingon niya ang pigurang natutulog sa kaniyang tabi.

Lalaki!

Sa sobrang gulat at reflex, buong lakas niyang itinuwid ang kaniyang binti at natadyakan ang katabi.

"Ahhh?!" tili nito.

"Ah! Ah! Ah!" Isang pamilyar na ungol ang bumasag sa kwarto habang hawak-hawak ng lalaki ang nasaktang likod.

"Devon?!" napasinghap si Chandrea. Inilibot niya ang paningin sa paligid at doon lang niya napansin ang navy blue na pintura ng dingding. Mariin siyang napapikit. Maling kwarto ang napasukan niya kagabi.

Sinamaan niya ng tingin si Devon, ngunit ang lalaki ay nakatulala lang sa kaniyang sariling bukang palad na parang tanga, bago bumaling sa kaniya. "What a soft body," asik nito, may pilyong ngisi na sumilay sa labi sa kabila ng sakit ng likod.

Nanlaki ang mga mata ni Chandrea nang mag-sink in sa utak niya ang ginawa nitong pagpisil sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang tiningnan ang sariling katawan sa ilalim ng kumot.

"Ahhh!" Isang matinis na tili ang pinakawalan niya nang makitang wala siyang kahit isang manipis na saplot sa katawan.

"Stupid, stupid, Chandrea!" bulong niya sa sarili habang paikot-ikot na naglalakad sa loob ng kaniyang sariling opisina sa OTC. Hawak ang sumasakit na ulo, pilit niyang inaalala kung paano siya napadpad sa higaan ng kaniyang asawa kagabi.

Pagkatapos ng matinding away nila noong umaga tungkol sa mga litrato ng pambababae nito, nagkaroon ng dinner gathering kasama ang mga bagong stockholders ng kumpanya. Sa kalakaran ng business world, hindi maiiwasan ang makipag-toast at uminom para makuha ang tiwala ng mga kliyente. Pero higit doon, uminom si Chandrea dahil gustong lunurin ng alak ang kumikirot niyang puso.

Doon niya rin nakita muli ang kaniyang matalik na kaibigan mula sa East Asia University na si Carmen. Nag-aaral pa lang siya ng Business Administration noon nang maging malapit sila. Malaki ang naitulong ni Carmen at ng lola nito noong mga panahong pinipilit ni Chandrea na maging isang independent student sa ibang bansa.

"Are you okay, Iha?" Isang malamyos na tinig ang biglang humila kay Chandrea pabalik sa kasalukuyan.

"Mommy?" takang tanong niya nang makita ang ina ni Devon na nakatayo sa may p***o. Mabilis niyang inayos ang sarili at iginaya ang ginang patungo sa sofa ng kaniyang opisina. "What's wrong? Inaway ka ba ni Devon?"

"No, Mom. It's just... a hangover," pagtanggi niya habang pilit na ngumiti. "Ano pong gusto niyo? Water? Juice?"

"No need, Iha. Dumaan lang ako para sabihing may family dinner tayo bukas ng gabi," saad ng ginang. "I know Devon will bring you there... or maybe, it might be the other way around." Isang makahulugang kindat at ngiti ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang mother-in-law.

Napakunot ang noo ni Chandrea. Iniisip ba ng biyenan niya na siya ang may kakayahang magkaladkad kay Devon sa dinner na iyon? Napailing na lang siya sa isip. Sa tatlong buwan ng kanilang kasal, tuwing may okasyon ang pamilya, palagi silang magkahiwalay na dumarating o kaya naman ay magkasunod lang ang sasakyan na parang magkaaway.

Tumayo na ang ginang para magpaalam dahil may appointment pa ito sa kaniyang kumare. Hinatid ito ni Chandrea hasta sa p***o ng opisina nang bigla itong huminto at tumingin sa kaniya nang may mapanuring mga mata. May dinukot ito sa kaniyang mamahaling bag.

"Here. Wear this," pag-abot ng ginang sa isang manipis ngunit eleganteng scarf, bago ito marahang isinuot sa leeg ni Chandrea. "Don't wear revealing clothes for now, para iwas sa tsismis ng mga empleyado mo." Isang huling kindat pa ang ibinigay nito bago tuluyang lumabas ng silid.

Naiwang tulala si Chandrea sa gitna ng opisina. Nang mag-sink in sa kaniyang utak ang ibig sabihin ng biyenan, mabilis siyang tumakbo patungo sa kaniyang desk kung saan may maliit na salamin. Tinanggal niya ang scarf at halos mapasinghap siya sa nakita—kitang-kita ang nagpula at sariwang marka ng halik sa magkabilang gilid ng kaniyang leeg. Mariin siyang napapikit habang hawak ang nag-iinit na mukha.

May nangyari nga sa kanila kagabi? Wala siyang maalalang kahit ano!

Habang abala si Chandrea, buong hapon namang ibinuhos ni Devon ang kaniyang oras sa pag-aayos ng mga blueprints at pagpirma ng mga kontrata sa kaniyang architectural firm. Pagkababa ng huling folder sa lamesa ay saktong nag ingay ang kaniyang cellphone.

Mom Calling...

"Mom, wha—"

"Family dinner tomorrow. Don't forget it, and bring your wife," bungad agad ng kaniyang ina bago pa man siya makapagsalita.

Napahilot si Devon sa kaniyang sintido nang maramdaman ang biglang pagpintig nito sa stress. "Yes, Mom." Ibinaba niya ang telepono at sumandal sa sofa ng kaniyang opisina, ipinikit ang mga mata para magpahinga nang biglang tumunog muli ang kaniyang selpon. Sa akalang ang ina na naman niya ang nakalimot ng detalye, mabilis niya itong sinagot nang hindi tinitingnan ang screen. Katahimikan ang sumalubong sa kaniya mula sa kabilang linya.

"Devon..." Isang malamyos at pamilyar na boses ang narinig niya. Kahit hindi niya tingnan ang caller ID ay kilalang-kilala niya kung kanino iyon.

Si Chandrea.

"Ahm... Are you going to the family dinner tomorrow?" tanong ng asawa, may kaunting kaba sa boses nito

"Yes," matipid at malamig niyang sagot habang niluluwag ang kaniyang necktie. Naghintay pa siya ng ilang segundo kung may sasabihin pa ito, ngunit tanging mabibigat na paghinga lang ni Chandrea ang naririnig niya sa linya. Alam niyang hindi pa ito binababa ng asawa.

"Are you coming with me? I mean... magkasabay ba tayo?" habol na tanong ni Chandrea nang mapansing hindi siya kumikibo.

"Yes. We need to talk," seryosong sagot ni Devon.

"Mmh," maikling sang-ayon ng dalaga bago tuluyang pinatay ang tawag.

Muling sumandal si Devon at napatitig sa puting kisame ng kaniyang opisina. Inaalala niya kung paano nagsimula ang lahat—kung paanong naging ganito kalamig ang pakikitungo niya kay Chandrea. Nagsimula lang naman ang lahat ng galit niya noong nalaman niyang nagtataksil sa kaniya ang kapatid nito na si Samantha.

He knew. May matinding kutob na siya noon pa na niloloko siya ng ex-girlfriend, ng kapatid nito. Pakiramdam niya ay pinalad siya nang malaman ang totoo, pero kasabay noon ang matinding dumi at kahihiyan, dahil para sa kaniya, ang pagtataksil habang nasa isang relasyon ay isang malaking kasalanan na hindi mapapatawad.

Limang buwan bago ang kasal nila ni Chandrea, habang pauwi siya galing sa isang construction site ay makiusap si Reymond na siya muna ang makipagkita sa isa nilang VIP client sa isang mamahaling subdivision. Habang dahan-dahang pumasok ang kaniyang sasakyan sa gate ng subdivision, nahagip ng kaniyang peripheral vision ang isang pamilyar na hubog ng katawan na kalalabas lang ng isang mansyon. Napatigil si Devon at ipinarada ang kotse sa gilid para masigurado ang nakita. Hindi siya nagkamali.

Si Samantha nga.

Masayang-masaya ang mukha ng babae habang kumakaway at nagpapaalam sa isang matangkad at mayaman na lalaki. Ngunit ang tuluyang nagpaikot ng dugo ni Devon sa galit ay nang makita niyang humalik pa si Samantha sa mga labi ng lalaking iyon bago sumakay ng kotse. Doon napatunayan ni Devon na ang pamilya Oyagrab ay walang ibang alam kundi ang magsinungaling at manloko para sa pera.

Kaya naman noong makita niya ang mga litrato ng pambababae na inihagis sa kaniya ni Chandrea, lalo siyang nagngitngit sa galit. Hindi siya babaero at kailanman ay hindi siya nagtaksil, kaya alam niyang may nag-set up lang sa kaniya sa mga litratong iyon para sirain ang kaniyang pangalan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 8

    Hapon nang mag punta sa Villa Puerte Mansiyon si Devon at Chandrea. Pinatawad sila ni Mr Argon para pag usapan ang nangyayaring kaguluhan sa parehong kumpanya. Nasa library si Devon at si Mr Argon. May pinag uusapan ang mag-ama kaya't naghihintay lamang siya para tawagin siya. Alam niyang hindi pa sila ganoon kasundo ni Devon. Ang huling pag-uusap nila ay noong gabing kinompronta siya nito at hindi na nasundan pa. “Excuse me. Are you looking for someone?” Napalingon si Chandrea nang marinig ang pamilyar na boses. Nakatayo sa may pintuan si Connie, nakasuot ng fitted pink dress at may hawak na wine glass. Kailan pa ito dumating tanong niya sa sarili. Ngumiti si Connie. “Surprised to see me?” “Not really. I just didn't expect you to be comfortable entering someone else's house without an invitation.”sabi niya. Bahagyang natawa si Connie. “Still sharp-tongued, aren't you?” “Pili lang.” saad niya. Lumapit si Connie at inilapag ang baso sa mesa. Kalapit sa tinatayuan nito. “I h

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 7

    Maagang pumasok si Chandrea sa opisina kinabukasan. Naka itim na sungglasses siya para lang matakpan ang mugtong mata, halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa naging pag-uusap nila ni Devon. kaysa magpakalunod sa lungkot at sa nasaktang damdamin ay mas pinili niyang ituon ang sarili sa trabaho.Hindi niya hahayaang sirain ng personal niyang problema ang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang ama.“Good morning, Ma’am Chandrea.”“Good morning, May kailangan ba akong pirmahan?”ani niya sa kanyang sekretarya.“Actually, Ma’am, may emergency meeting po tayo with the management team. Nandito na rin po ang legal department.”Napakunot ang noo ni Chandrea. Ang aga-aga ito ang bububgad sa kanya. Problema.“What's the problem?”tanong niya.“It's about the Villa Puerte project.”Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nito lamang ay nagkaroon ng panibagong proyekto ang OTC at Villa Puerte. Hindi pa tumatagal ang proyekto ay may problema ng kinakaharap. Napailing na lamang siya.

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 6

    "Let's talk."Napahinto si Chandrea sa tapat ng pintuan ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok. Katatapos lang niyang mag shower. Nakatapis lamang siya ng tuwalya. "About what?" maang niyang tanong. Nakita niya ang pag kunot ng noo nito."Don't play dumb, Chandrea."Napataas ang isang kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tono ng asawa. Ilang segundo pa lamang silang magkasama sa iisang kuwarto ngunit tila ba naghahanda na naman itong makipag-away."Then be specific. Hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang gusto mong pag-usapan." pag mamaang-maangan pa din niya. Hindi niya ipadu duldulan na alam niya ang gusto nitong ipunto. Ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Babae siya hindi magandang pag-usapan ang bagay na iyon. Never on my gourgeous body. Anang isip niya.Napailing si Devon. Tinanggal nito ang salamin sa mata at inilapag sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay hinubad ang suot na relo at inilagay sa tabi niyon."About us."Napakurap si

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 5

    Alas-tres pa lang ng hapon ay naghahanda na si Chandrea para sa pupuntahang family dinner ng mga Villa Puerte. Dahil isa na siyang Mrs. Villa Puerte, kailangan niyang magpakitang-loob sa pamilya ng napangasawa. Uminom siya ng vitamins kasabay ng c*ntraceptive p*lls pagkalabas ng banyo. Masakit ang buong katawan niya ngayon at nararamdaman pa ang pumipintig-pintig niyang sentido.Kakausapin niya si Devon bago sila umuwi mamaya. Isang maayos na usapan.Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto, hindi mapakali kung ano ba ang susuotin. Maraming magagandang damit na naka-stock sa kaniyang wardrobe pero nahihirapan siyang mamili. Sa huli, isang simpleng puting tube dress na may ruffles ang nahablot niya. Lalagyan na lamang niya ito ng semi-floral na scarf sa leeg para magmukha siyang presentable.Matagal siyang nag-ayos na inabot ng halos tatlumpung minuto. Sa paglalagay pa lang ng concealer sa bawat parte ng katawan niyang may marka ay natagalan na siya. Ngunit sa halip na mainis, magaan at mas

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 4

    Present time.Ang walang tigil na pagri-ring ng telepono sa bedside table ang nagpagising kay Chnadrea. Pikit-mata niyang iniunat ang kamay para kapain iyo, ngunit bago pa man niya maabot ang aparador, isang mabigat na bagay ang naramdaman niyang nakadagan sa kaniyang hita. Bahagya niyang ginalaw ang kaniyang katawan para umisod, subalit parang nakiramdam niya'y nanghina siya. Bawat kalamnan niya ay sumasakit na tila ba nagbuhat siya ng semento at tumakbo sa isang marathon nang tatlong beses nang walang pahinga.Wala naman siyang masyadong ginawa sa Opisina para magkaganito.Nang sa wakas ay tumahimik ang telepono, nagpasya siyang bumalik sa pagtulog. Hihilahin na sana niya ang kumot nang maramdaman ang isang magaspang at mainit na palad na marahang pumisil sa kaniyang kaliwang dibdib.Literal na napadilat si Chandrea. Nanigas ang kaniyang buong katawan at dahan-dahan, habang kabado ang bawat paghinga'y nilingon niya ang pigurang natutulog sa kaniyang tabi.Lalaki!Sa sobrang gulat a

  • How to UNLove You Husband?   Kabanata 3

    Flashback 2.0 "What?! How can Chandrea be my bride?!" Nayanig ang buong sala sa marahas na angil ni Devon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa mga taong nakaupo sa paligid. Gulat na gulat ito sa mga nangyayari na para bang hindi niya maproseso ang takbo ng mga pangyayari. "Ito lang ang solusyon para mabura ang iskandalong ginawa ng panganay mong anak, Eduardo," malamig ngunit mariing deklara ni Ginoong Argon, ang padre de pamilya ng mga Villa Fuerte. Naglalaro ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya na nagtipon-tipon sa tapat ng magarbong sofa. Nag-iwan ng malaking problema si Samantha nang bigla itong maglayas tatlong araw bago ang kasal nila ni Devon. Isang desisyong hindi kayang tanggapin ng parehas na partido... lalo na sa panig ng mga Oyagrab na siyang naiwang dehado at nagmamakaawa para sa kanilang reputasyon. "Sa ngayon... pag-uusapan muna namin ng bunso ko ang planong ito," mabigat ang boses na awat ng ama ni Chandrea, habang marahang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status