HUNTER'S POV "What did you say, Hunter? Gising na si Kuya Gabriel?" tanong sa akin ni Nathalie na may kasamang pag-iyak. Tumango ako kay Nathalie at ngumiti. "Yes, he's awake. At ikaw ang una niyang hinanap nang magising siya," mabilis kong tugon kay Nathalie na labis niyang ikinatuwa. "Nagsasabi ka ba ng totoo Hunter? O, gusto mo lang ako paglaruan muli?" paniniguro sa akin ni Nathalie. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mali kong akala, pero kahit kailan ay hindi ko tinangka na paglaruan siya. "Nagsasabi ako ng totoo, Nathalie, hindi kita niloloko but for now may gusto pa akong sabihin sa 'yo tungkol sa aksidenteng nangyari sa mga magulang mo," seryosong sabi ko kay Nathalie habang tinitigan ko siya. "Anong meron sa aksidenteng nangyari kina mommy at daddy?" muling tanong sa akin ni Nathalie. Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa kawalan dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin ko agad sa kanya ang mga nalaman ko tungkol kay Tita Victoria. Wala akong ibang hinihiling ngay
HUNTER'S POV Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Nathalie, dahil nasa peligro ang buhay nilang lahat. Kaya kakausapin ko siya nang maayos para i-explain sa kanya na ang gusto ko ay para sa ikakabuti nila. Nang matapos namin na ibaba lahat ang gamit nila ay tinulungan ng gardener namin si Arturo na ipasok ang mga gamit sa loob at inutusan ko naman ang isa namin na kasambahay na ituro kay Arturo kung saan ang kwarto nila ni Aling Nancy. At sinamahan naman ng isang kasambahay namin si Aling Nancy sa magiging kwarto ng aking mga anak."Nathalie, dalhin ko muna si Edward sa kwarto niya," pagpapaalam ni Aling Nancy kay Nathalie."Samahan ko na po kayo," magalang na tugon ni Nathalie kay Aling Nancy. Ihahakbang na sana ni Nathalie ang kanyang mga paa nang bigla kong hawakan ang kanyang braso. "We need to talk," seryosong sabi ko na inilingan ni Nathalie. "I don't want to talk to you! Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" pagtutol ni Nathalie na nginitian ko na lang. "I don't care i
HUNTER’S POVNang matapos kaming mag-usap ni David ay nag-focus na ako sa aking pagmamaneho at pinili ko na lang ang tumahimik. Dahil alam kong galit lang ni Nathalie ang sasalubong sa akin kapag nagsalita ako. Habang tinatahak namin ang kahabaan ng hi-way palabas ng Quezon ay muling tumawag sa akin si David na naging dahilan upang muling sumimangot si Nathalie.“Yes, David, napatawag ka ulet?” muling tanong ko kay David ng sagutin ko ang tawag niya.“Sir Hunter, sorry po sa istorbo. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na narito na po sa SLEX ang ambulansya na sinasakyan ng anak ninyo at ni Miss del Prado. At nakikipagtalo po sa akin si Miss del Prado na hindi ako pwedeng sumakay sa ambulansya. Sinabi ko po sa kanya na kakausapin n’yo siya,” sabi sa akin ni David. “Okay, give the phone to her. I will talk to her,” utos ko kay David na hindi nakaligtas sa pandinig ni Nathalie at naging dahilan upang muling magdilim ang paningin ni Nathalie. “Okay, Sir Hunter, I will pass to her the pho
HUNTER’S POV Nang mailagay kon na sa aking kotse ang ibang gamit nina Nathalie ay siya naman paglapit sa amin nina Aling Nancy at Arturo. “Hunter, hindi ata kasya ang gamit namin sa kotse mo,” sabi ni Aling Nancy. Tumango ako at ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala. Magre-rent po tayo ng isang sasakyan na magdadala ng mga gamit n’yo at pati na rin po ng ibang gamit nina Nathalie,” tugon ko kay Aling Nancy na ikinatuwa niya. Pagkatapos kong kausapin si Aling Nancy ay nag-booked agad ako ng isang sasakyan papuntang Manila. Habang hinihintay namin ang sasakyan na ni-booked ko ay tinulungan ko naman si Arturo na ilabas ang iba pang gamit nina Nathalie at Aling Nancy. “Sir Hunter, p'wede po ba magtanong?” magalang na tanong sa akin ni Arturo na tinanguan ko. “Yes, tungkol saan?” mabilis kong tugon kay Arturo. “Bakit po kailangan na kasama kami ni Lola Nancy sa Manila? Hindi po ba’t kami ang katiwala rito ng mga del Prado?” muling tanong sa akin ni Arturo. Huminga
HUNTER'S POV Habang inaayos ni Nathalie ang kanilang mga gamit ay nilapitan ako ng isang matandang babae na may dalang isang basong juice. “Hijo, ikaw ba ang asawa ni Nathalie?” Sabay abot niya sa akin ng isang baso ng juice. Tumango ako at ngumiti. “Opo, ako nga po,” magalang kong tugon sa matandang babae. Ngumiti sa akin ang matanda at umupo siya sa aking harapan. “Anong pangalan mo, Hijo?” muling tanong sa akin ng matandang babae. “Ako po si Hunter Buencamino,” muling tugon ko sa matanda na tinanguan niya. “Hunter, ako si Manang Nancy n’yo. Matagal na akong katiwala rito sa bahay na ‘to.” Lumingon siya sa may hagdanan bago muling tumingin sa akin. “Hunter, parang apo ko na rin sina Gabriel at Nathalie. Kaya ingatan mo sila sa Tita Victoria nila,” wika ni Aling Nancy habang nanginginig ang mga kamay niya na naging dahilan upang ma-curios ako sa ibig niyang sabihin. “Aling Nancy, ano pong ibig n’yong sabihin? Kasi si Tita Victoria po ang tumawag sa akin at nagsab
HUNTER’S POV Nang mai-park ko ang aking sasakyan ay mabilis na binuksan ni Nathalie ang pintuan sa tabi niya. Bago pa man niya buksan ang pintuan ay hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siyang bumaba. “Hunter, please let me go,” galit na sambit ni Nathalie. “Nathalie, we need to talk. Please ayusin natin ang naging problema sa relasyon natin. Alam ko hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa ‘yo, para mapatawad mo ako. Ka_” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Nathalie. “Ganyan ba sa 'yo kadali kalimutan ang nakaraan? Alam mo, Hunter, sobrang sakit sa akin nang ginawa ninyo ng babae mo! At sa dinami-dami ng taong manghuhusga sa akin. Ikaw pa talaga! Paano ko papatawarin ang taong walang tiwala sa akin?!” mga salitang lumabas sa labi ni Nathalie. “Nathalie, I know I'm wrong to judge you, and I know you're angry with me. But please, give me another chance to prove that my love for you is pure. I want you to come back into my life, Nathalie