Share

CHAPTER 6

Penulis: Loizmical
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-26 12:04:19

NATHALIE’S POV

Dumating na ang huling gabi ng lamay ng aking mga magulang, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni attorney.

Ang nag-iisang kapatid ni mommy na si Tito Brando ay narito na rin na galing pa sa Canada.

“Nathalie, kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdadalawang magsabi sa akin, okay,” mga salitang lumabas sa labi ni Tito Brando.

“Opo, Tito Brando.” Ngumiti ako nang bahagya at muling nagsalita. “Mabuti naman po at nakauwi kayo.”

“Oo naman. Hindi ko palalampasin na makita sa huling sandali ang mga labi nina Kuya Edmond, at lalong-lalo na ni Ate Madeline,” mga salitang lumabas sa labi ng aking tiyo.

Dalawang magkapatid lang sina mommy at Tito. Malaki ang age gap nilang dalawa at ang mommy na ang nagpaaral sa kanya simula nang maulila silang dalawang. Tumira si Tito Brando sa mansyon namin at naalagaan din niya kaming magkapatid kaya naging malapit kami sa kanya. Nang makatapos si Tito Brando ng engineering ay nagdesisyon siyang mag-apply sa ibang bansa dahil nahihiya na siyang umasa kay mommy.

Ilang oras bago magsimula eulogy para sa mga magulang ko nang may dumating na maedad na lalaki. May mga kasunod itong mga bodyguard, na ang isa ay may hawak na bulaklak.

Pinagmamasdan ko ang maedad na lalaki, masasabi ko na sobrang tikas nito at mababakas mo ang kagwapuhan nito.

Lumapit sa akin ang isang lalaki. “Condolence po, mula po sa Brown Corporation,” wika ng lalaki na nagpamulat sa aking mga mata.

Hindi ako makapaniwala na darating ang CEO ng Brown Corporation.

Tumango ako sa lalaki, bago pa lang ako magsasalita ay tinalikuran na ako nito at naglakad na ito pabalik sa kanyang amo.

Kasunod nang pagdating ng bisitang hindi ko inaasahan na darating, ang pagdating naman ng isa pang lalaki na may edad na rin. Katulad ng CEO ng Brown Corporation ay may kasama rin itong bodyguard at may dalang bulaklak.

Nang makalapit ang bagong dating na matandang lalaki ay aksidente silang nagkabanggaan ng CEO at pareho silang nagtitigan mula ulo hanggang paa. Kung titingnan mo silang dalawa ay parang may hidwaan sila sa isa’t-isa.

“Nathalie, nakakatuwa naman na narito ang CEO ng Brown Corporation para makiramay sa mga magulang mo,” wika ng aking kaibigan.

“Ang alam ko isa siya sa bagong board member ng company namin,” mabilis kong tugon sa aking kaibigan habang ang mga mata ko'y nakatingin pa rin sa dalawang matanda.

Nagdesisyon akong puntahan ang dalawang lalaki, ngunit bago pa lang akong tatayo upang lapitan ang dalawang matanda nang biglang maglakad na palabas ang CEO ng Brown Corporation. Hahabulin ko sana ang nasabing lalaki ngunit pinigilan ako ni Tita Victoria.

“Ano ba ‘yan? Ni hindi man lang siya lumapit para makipagkamay sa ‘yo,” wika ng aking kaibigan.

“At least, sa sobrang busy niya’y nagawa niyang silipin ang mga magulang ko,” tanging nasabi ko.

Nag-uusap kaming magkaibigan nang may lumapit sa amin.

“Hija, condolence.” Sabay kamay sa akin nang may edad na lalaki na hindi ko namalayan na lumapit pala sa amin ang isang panauhn na dumating kanina.

Tumango ako at nakipagkamay.

“Kaibigan po ba kayo ni daddy?” tanong ko sa aking kaharap.

“Higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sa daddy mo.” Ngumiti ito at pagkatapos ay muling nagsalita. “Your dad helped me a lot, when I was going through a hard time in life. He was the one who helped me, para magbago ang buhay namin na mag-ama, simula iwan ako ng asawa ko ang daddy mo na ang tumulong sa akin. He was the one who helped my child to go to school when I was really down. That's why I'm very grateful to have your dad as my boss before,” mahabang litanya ng may edad na lalaki.

Ngumiti ako. “My dad was really kind and had a good heart. He helped almost all of his employees, because he said he also started from nothing,” pagmamalaki ko sa aking ama.

Tumango ang matanda. “I know that. At isa ako sa maswerteng natulungan niya,” masayang wika ng matandang lalaki.

Ang sarap pakinggan mula sa mga taong dumarating na nabago ang buhay nila nang dahil sa ama ko. Isang tao na lang ang hinihintay ko na dumating kung 'di ang daddy ni Hunter at si Hunter s’yempre. Ngunit hanggang ngayo’y hindi ko pa rin sila nakikita na dumating dito sa lamay ng aking mga magulang. Si Hunter ang isa sa mga batang pinag-aral ng aking ama at lihim ko nang minahal noon. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil simula nang mag-aral ako sa Singapore hanggang sa makabalik dito sa Pilipinas ay hindi na nag-krus ang aming mga landas.

“I’ll go ahead, Hija, and condolence,” pagpapaalam ng may edad na lalaki na mabilis kong tinanguan.

Nang nakaalis na ang matandang lalaki ay napaupo na lang ako at napabuntong hininga, dahil hindi ko man lang naalala na itanong ang pangalan nito.

Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na ang eulogy para sa aking mga magulang.

Nagsimula na naman akong umiyak dahil sa mga magagandang papuri ng mga taong nagsasalita para sa aking mga magulang.

Nang ako na ang magsasalita sa unahan ay tila naman naupos ako. Dahil hindi ko kayang tanggapin na magpapasalamat ako sa mga magulang ko sa ganitong paraan. Sobrang sakit sa dibdib na sabay silang nawala sa akin.

Tumingin ako sa maraming tao at iginals ko ang aking mga mata dahil nagbabakasakali pa ring akong makita ang mga taong hinihintay ko. Ngunit hindi ko sila makita.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. “To everyone here who expressed their condolences on the death of my parents, thank you. Sadyang mabilis ang buhay ng tao at hindi natin hawak ito. Ngayo'y nakasama na ng Panginoon sina mommy at daddy.” Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata. “It's nice to hear your compliments for my parents. I never thought my parents would help so many people. It's not surprising, because they are really kind and have a good heart when they're still alive," wika ko at naging dahilan upang humagulhol na ako ng iyak dahil hindi ko matanggap na wala na sina mommy at daddy.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 129

    HUNTER’S POV Ilang araw ang lumipas simula nang malaman namin ang result ay wala naman nagbago sa pagtingin namin kay Leila kahit alam namin na hindi siya galing sa amin ni Nathalie. Naiuwi na rin namin sa mansion si Leila. At ngayon nga na nakalabas na sa hospital si Leila ay mabibigyan ko na ng oras si daddy na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin dahil sa radiotheraphy niya. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni daddy at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos. Katulad nang napag-usapan namin ni Nathalie ay sumama siya sa akin sa hospital upang bisitahin si daddy. Pagkapasok na pagkapasok namin sa private room ni daddy ay nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nathalie nang makita niya si daddy na ang laki nang ibinagsak ng katawan. “Daddy!” sambit ni Nathalie sa malungkot niyang boses habang papalapit kami kay daddy. Nakita ko sa mga mata ni Nathalie ang pagmamahal niya kay daddy dahil tinuring niya si daddy na parang tunay niyang ama. Kaya ganon na lang

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 128

    NATHALIE’S POV Hindi ako makapaniwala nang basahin ni Dra. Laredo ang results ng DNA test na ginawa sa amin. Kung hindi pa nangailangan ng dugo si Leila ay hindi ko malalaman na hindi ko siya anak. Sobrang sakit sa akin na tanggapin ang katotohanan lalo na’t hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang anak ko. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Tita Victoria na patay na siya, dahil ramdam ko na buhay ang anak ko. Lumapit sa akin si Kuya Gabriel at niyakap ako. “Nathalie, please don’t cry. Ako ang nahihirapan kapag nakikita kang umiiyak. Andito si Kuya sa tabi mo at hahanapin natin ang anak mo,” Sabay pahid niya sa mga luha ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Kuya Gabriel, kaya laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya tuluyan na kinuha sa akin si Kuya Gabriel. At ngayon naman ay wala akong ibang hiling sa Panginoon kung ‘di ang makita ang tunay kong anak. Nang mahimasmasan na ako ay nagpaalam na sa amin si Dra. Laredo ganon din si Tita Victoria na nagpaalam sa amin na uuwi

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 127

    HUNTER’S POVAFTER THREE WEEKS Mabilis lumipas ang araw at ang mga specimen na kinuha sa amin na dinala pa sa Singapore dahil doon ginawa ang DNA test. At ngayon nga ang araw na hinihintay ko upang malaman namin ang result ng DNA test at ngayon ko rin malalaman ‘yong DNA test na pinagawa kong bukod upang hindi kami maloko sa isang DNA test lang. “Mr. and Mrs. Buencamino, I got the results of your DNA test yesterday.” Sabay taas ni Dra. Laredo ng hawak niyang brown envelop. Napalunok si Nathalie habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga kamay. At pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Hunter, paano kung hindi natin anak si Leila?” tanong sa akin ni Nathalie na may kasamang lungkot. “Nathalie, ano man ang maging result, kailangan mong tanggapin ang totoo. At kung hindi natin anak si Leila, hahanapin natin ang anak natin,” sabi ko kay Nathalie na tinanguan na lang niya. Alam ko na masakit kay Nathalie na malaman ang totoo dahil naalagaan niya si Leila simula nang ipanganak ito. Kaya

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 126

    HUNTER’S POV Labis na natuwa si Nathalie nang dahil sa magandang balita sa amin ni Dra. Laredo pero kita sa kanyang mga mata ang lungkot, lalo pa’t sinabi ni Dra. Laredo na kukunan na kami ni Nathalie ng specimen upang masimulan na ang DNA test na gagawin kay Leila. Kumausap na rin ako ng nurse na siyang kukuha naman ng specimen mula kay Leila na ibibigay sa akin na hindi nalalaman ni Dra. Laredo para sa DNA test na ipapagawa ko sa ibang hospital na hindi nalalaman ni Tita Victoria. Hindi nagtagal ay dinala na sa recovery room si Leila kaya naman pinuntahan na rin namin siya. Ngayon na may pagdududa na kami na anak namin siya ay ngayon ko lang napansin na walang hawig sa amin ni Nathalie ang bata na naging dahilan upang mas lalo akong magduda na hindi ko siya anak. “Kung hindi ko anak si Leila, nasaan ang anak ko?” mga salitang lumabas sa labi ko upang magtinginan silang lahat sa akin. “Hunter, iniisip mo ba talaga na hindi mo anak si Leila?!” tanong sa akin ni Nathalie na may kas

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 125

    HUNTER’S POV “Why?” tanong sa akin ni Nathalie pagkatapos kong sanbihin sa kanya na kailangan namin na mag-usap. Alam kong nakabantay si Nathalie sa akin sa bawat kinikilos ko lalo pa’t malakas ang kutob ko na may koneksyon si Tita Victoria sa nag-donate ng dugo kay Leila. Alam kong mali na pagdudahan ko na hindi namin anak si Leila, pero mas magiging inutil ako kapag hindi ko inalam ang totoo. Lalo pa’t malakas ang kutob ko na posibleng kamag-anak ni Tita Victoria si Leila. “Marami tayong dapat pag-usapan, Nathalie, na tayo lang na dalawa,” tugon ko kay Nathalie habang tinitigan ko siya. Habang nakatingin ako kay Nathalie ay gustong-gusto ko siyang halikan, dahil ang mga labi niya ay tila nag-i-inbita na halikan ko siya. Lalo pa’t mahilig siyang magkagat-labi na nagiging dahilan upang mas pumula ang kanyang mga labi. “Hunter, p’wede naman natin pag-usapan na kaharap sina Kuya Gab ‘di ba?” sagot na patanong sa akin ni Nathalie na inilingan ko. Gusto ko ng privacy, kaya mas gusto

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 124

    NATHALIE’S POV Ayokong isipin na hindi ko anak si Leila dahil inalagaan ko siya simula nang una ko siyang mahawakan at masilayan. Kaya paano ko tatanggapin kung hindi siya ang anak ko. At nasaan naman ang anak ko. Mababaliw ata ako kaiisip dahil sa posibleng hindi kami magkadugo ni Leila. Desidido si Hunter na ipa-DNA si Leila at para makasigurado siya sa magiging result ay kukuha pa siya ng isang doctor na gagawa ng DNA test, dahil wala na siyang tiwala kung alam ni Tita Victoria kung saan gagawin ang DNA test namin. Nang papalapit na sina Tita Victoria sa amin ay nag-iba-ibahan sina Hunter upang hindi sila mahalata sa plano nila. Lumapit sa amin si Dra. Laredo, “Mr. and Mrs. Buencamino, ma-swerte kayo at may kakilala ang Tita ninyo na ka-match ng bata,” sabi ni Dra. Laredo na nginitian naming ni Hunter. “Thank you, Dra. Laredo at ginagawa n’yo ang lahat para lang madugtungan ang buhay ng anak naming,” pasasalamat ko kay Dra. Laredo. Ngumiti si Dra. Laredo, “Katulad nang sinabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status