NATHALIE’S POV
Ito ang unang lamay ng aking mga magulang. Naipagbigay alam ko na rin sa mga kapatid ni daddy at mommy ang nangyari sa kanila. At halos lahat ng mga kamag-anak namin ay hindi makapaniwala sa sinapit ng aking mga magulang at kapatid. “Nathalie, kumusta ka na?” tanong sa akin ni Tito Julio ang nakakatandang kapatid ng aking ama na kadarating lang mula sa America. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang pinakabunso. At si Tita Victoria naman ay isang madre. Ang sabi ni daddy nang masaktan si Tita Victoria sa una niyang pag-ibig ay pinili nitong pumasok sa kumbento at maglingkod sa Diyos. Siya ang kasalukuyang mother superior sa isang bayan ng Quezon Province, ang probinsyang pinagmulan ng aking ama. Si Tito Julio naman ay sa California, USA na tumira dahil nakapag-asawa ito ng isang American. “Tito Julio,” tanging nasabi ko at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha na naging dahilan upang yakapin niya ako. “Nathalie, be strong! Kailangan nating magpakatatag sa pagkawala ng daddy at mommy mo,” ani ni Tito Julio. Kahit malayo si Tito Julio ay malapit ako sa kanya, dahil sa tuwing umuuwi sila ng pamilya niya’y sa bahay sila nag-i-stay at parang anak na rin ang turing niya sa akin dahil wala siyang anak na babae. Kaya nga tuwang-tuwa si Tito Julio tuwing nagbabakasyon kami nina daddy sa America tuwing summer. Magkayakap kami ni Tito Julio nang may marinig kaming boses ng isang babae. “Kuya Julio, Nathalie,” tawag sa amin na naging dahilan upang maghiwalay kami sa pagkakayakap ni Tito Julio. “Victoria, kapatid ko,” wika ni Tito Julio. “Tita Victoria,” segunda ko at nagyakapan kaming tatlo. Sa pagkakayakap sa akin ng mga kapatid ni daddy pakiramdam ko’y nagkaroon ako ng lakas, lalo na ng makita ko si Tita Victoria na siyang kamukhang-kamukha ng aking namayapang ama. Ngunit hindi pa rin mawalan sa akin ang lungkot, dahil alam kong babalik din sila sa America at sa Quezon Province kapag naihatid na sa huling hantungan ang mga magulang ko. Makalipas ang ilang sandali ay naghiwa-hiwalay kami mula sa aming pagkakayakap. “Excuse me po, Tita and Tito, hiramin ko po muna sandali si Nathalie,” ani ni Trixie na mabilis naman na tinanguan ng dalawang matanda. Tumingin sa akin si Trixie at muli siyang nagsalita. “Nathalie, andiyan si Atty. Cabral, gusto ka raw niyang makausap. May importante raw siyang sasabihin sa ‘yo.” “Tungkol saan daw?” curious kong tanong. “I don't know. Ayaw niyang sabihin sa akin, eh,” mabilis na tugon ng aking kaibigan. “Nasaan siya?” “Andon siya sa likuran nakaupo.” Sabay turo niya sa akin sa kinauupuan ni Atty. Cabral. Tumingin ako sa mga kapatid ni daddy. “Tito Julio, Tita Victoria, kausapin ko lang po si Atty. Cabral,” pagpapaalam ko sa kanila na mabilis nilang tinanguan. Sinamahan ako ni Trixie na lapitan si Atty. Cabral, dahil pinakiusapan ko siya na makinig sa pag-uusapan namin ni attorney. Dahil hindi pa talaga ako maka-focus ngayon sa mga bagay-bagay. Tumayo si attorney nang makalapit kami sa kanya. “Nathalie, I'm sorry for your loss and condolence,” pakikipagkamay sa akin ng may edad na abogado. Tumango ako at ngumiti nang bahagya bago magsalita. “Atty. Cabral, gusto mo raw po akong makausap?” “Yes, Nathalie, I know this is not the right time to tell you this. Pero kailangan mo nang malaman na bankrupt na ang daddy mo, dahil saan mo kukunin ang ibabayad mo rito?” Tumingin siya sa buong paligid at muling nagsalita. “This place is one of the expensive funerals in the Philippines.” Umiling ako. “Attorney, this is not the right time for a joke!” wika ko na may halong inis. Huminga muna nang malalim si attorney. “I know, Nathalie, but you need to know and accept the truth. Pagkatapos nang libing ng mga magulang mo. I will read to you, your daddy's last will,” muling pahayag ni attorney. Ipinislig ko ang aking ulo. Dahil wala akong alam na dahilan para ma-bankrupt ang pamilya namin. Parang gusto ko nang bumitaw sa Diyos, dahil sa walang katapusan na pagsubok na binibigay niya sa akin. Hindi ko pa nga natatanggap ang nangyari sa mga magulang at kapatid ko'y may panibagong pagsubok na naman akong haharapin. Kinagat ko ang aking mga labi. “Attorney, please tell me na nagbibiro ka lang sa akin,” mga salitang lumabas sa labi ko na mabilis na inilingan ni attorney na naging dahilan upang bumagsak na naman ang aking mga luha. May kasalanan ba talaga ako sa Panginoon, para pahirapan ako nang ganito. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag bigla kong nilipat sa mumurahing funeral sina mommy at daddy. Parang gusto ko na lang bumitaw at sumama sa mga magulang ko para matapos na ang lahat. Kinakalma ako ni Trixie mula sa aking pag-iyak nang lapitan kami ng mga kapatid ni daddy. “Nathalie, what's wrong?” tanong sa akin ni Tita Victoria. Tumingin ako sa aking tiya at sa halip na magsalita ay yumakap ako sa kanya nang mahigpit at nagpatuloy ako sa pag-iyak. “Nathalie, tama na. Ano ba ang pinag-usapan n’yo ni Atty. Cabral,” at wala ka nang tigil sa pag-iyak,”pakiusap ni Tito Julio. Nang wala akong tigil sa pag-iyak at hindi nagsasalita ay tinanong ni Tito Julio sina attorney at Trixie. “Atty. Cabral, Trixie, ano bang nangyari rito?” “Eh, kasi po, Ti_” Hindi na naituloy ni Trixie ang sasabihin niya nang biglang magsalita si attorney. “Mr. Julio del Prado, mas maganda siguro na ang pamangkin mo ang magsabi sa ‘yo. At bilang nakakatanda kang kapatid ng aking client, mas mabuti pa na samahan mo si Nathalie kapag binasa ko na ang last will ng ‘yong kapatid.” Tumango ang aking tito. “Attorney, worried ako sa pamangkin ko. Dahil bigla na lang siyang nag-hysterical after n’yong mag-usap. Kaya nakikiusap ako sa ‘yo na ipaalam mo sa akin ngayon ang napag-usapan ninyo,” diretsong pahayag ng aking tiyo. “I’m sorry, Mr. del Prado, mas makakabuting ang pamangkin ninyo ang kausapin ninyo. And she really needs you at this moment,” muling pagtanggi ni Attorney Cabral.NATHALIE’S POV “Tiffany, kung ano man ang sasabihin mo huwag mo nang ituloy!” galit na wika ni Tristan habang hawak niya ang kanyang phone. Ngumiti si Tiffany. “Who are you, Tristan? Para pagbawalan ako sa sasabihin ko? Kaya lang naman ako narito dahil si Hunter mismo ang nag-utos sa akin para sabihin kay Nathalie na wala ng kasal ang magaganap ngayon!” Sabay tingin niya ulet sa mga tao. “Ladies and Gentlemen, p'wede na kayong umuwi lahat, dahil pinasasabi ni Hunter na umuurong na siya sa kanilang kasal ni Nathalie!” Sabay halakhak ni Tiffany na parang demonyo dahil ang lahat ng tao ay magbulungan habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Tiffany. Hindi ako Basta maniniwala sa kanya kung hindi si Hunter ang magsasabi sa akin. Nagdilim ang paningin ni Daddy Matteo habang naglalakad siya palapit kay Tiffany. “Who the hell are you?! Para sirain ang araw ng kasal ng anak ko?! What did you do to my son?!” sunod-sunod na tanong ni Daddy Matteo kay Tiff
NATHALIE'S POV KINABUKASAN Dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw ng kasal namin ni Hunter, kung saan masasaksihan ng mga pamilya namin. “Ang ganda mo talaga, Nathalie,” puri sa akin ni Trixie habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. “Trixie, kahit kailan bolera ka talaga. Eh, nagsisimula na ngang lumapad ang ilong ko, eh!” sabi ko sa aking kaibigan nang mapansin ko na medyo lumalapad ang ilong ko. Napailing si Trixie. “Anong lumalapad ang ilong ka diyan? Eh, mas lalo ka ngang nag-blooming ngayon,” seryosong wika ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Trixie sa akin. Dahil sinabi sa akin ng OB ko na may mga pagbabago talagang mangyayari sa akin habang nabubuntis ako, pero babalik din daw ulet sa dati ang lahat. Katulad na lang ng ilong ko na medyo lumalapad na. At napapansin ko rin na ang kili-kili ko ay may pagbabago na rin ang kulay. “Trixie, alam mo naman na buntis ako ‘di ba. Kaya hindi malabo na pumangit na a
NATHALIE'S POV Ilang araw din akong nag-stay sa hospital pero ni hindi ko man lang nakita si Hunter sa hospital. Sinabi naman sa kanya nina Trixie at Tristan na napa-admit ako sa hospital pero hindi man lang niya ako pinuntahan. At simula nang lumabas ako sa hospital ay palagi na lang gabi dumadating si Hunter galing sa opisina. Kasalukuyan na pinagtitimpla ko ng kape si Hunter nang lumabas siya ng aming silid at may dala siyang isang luggage na maliit. “Babe, breakfast ka muna,” sabi kay Hunter. Nilingon ako ni Hunter at ang mga mata niya'y matalim na tumingin sa akin. Binitiwan niya ang luggage na dala niya at pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin. “What breakfast did you make?” walang buhay na tanong sa akin ni Hunter. Ngumiti ako. “I make some sandwiches for you and your favorite coffee, Babe” mabilis kong tugon kay Hunter. Huminga muna nang malalim si Hunter bago siya umupo sa kanyang upuan. Naninibago ako sa ikinikilos ni Hunter ngayon. Parang ibang Hunte
NATHALIE'S POV “Nick, anong ginagawa mo rito? At paanong nakapasok ka sa pamamahay ko nang walang pahintulot mula sa akin na hindi ako timatanong ng mga security guard namin?” tanong ko sa dati kong driver-bodyguard nang basta na lang siyang pumasok sa kwarto namin ni Hunter. Tumingin muna sa paligid si Nick bago magsalita. “Siya ba ang naging asawa mo?” Sabay kuha niya sa picture namin ni Hunter. “Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo!” muling sabi ko na may kasamang galit at takot. “Pinapasok ako ng mga security guard mo dahil nagpakilala ako sa kanila na dati mo akong driver-bodyguard.” Lumapit sa akin si Nick at hinaplos niya ang aking pisngi. “Alam mo, Nathalie, matagal na kasi kitang gustong tikman. Pero sagabal ang mga magulang at kapatid mo. Kaya siguro naman p’wede mo na akong pagbigyan.” Sabay dikit niya ng labi niya sa aking tenga na naging dahilan upang mas lalo akong matakot sa kanya. Itinulak ko nang bahagya si Nick upang makalayo ako sa kanya. “Anong ib
HUNTER’S POV Hindi ko na nagugustuhan ang mga pagtanggi ni Nathalie na makipag-s*x sa akin. May feeling ako na may inililihim siya sa akin. Ibang-iba siya sa Nathalie na iniwan ko bago ako pumunta sa Singapore. “Why are you so silent, p’re? May problema ka ba?” tanong sa akin ni Tristan. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, when I was in Singapore. Umaalis ba si Nathalie na hindi kayo kasama?” tugon ko sa aking kaibigan na nagpamulat sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman naitanong ‘yan, p’re?” muling tanong sa akin ni Tristan. “I feel there's something wrong with Nathalie. She has changed a lot since I came back from Singapore. And imagine palagi siyang wala sa mood na makipag-sex sa akin,” pagtatapat ko sa aking kaibigan na ikinatahimik niya. “P’re, baka naman nag-o-overthink ka lang. Kasi hindi ka nakaka-score sa asawa mo. At minsan naman talaga dumadating sa isang tao ang nawawalan ng mood sa s*x. Lalo na kung ina-araw-araw mo siya,” mga salitang lumabas sa labi ni
NATHALIE'S POV AFTER TWO WEEKS Until now ay hindi pa rin alam ni Hunter na buntis ako, although naninibago siya sa eating habit ko na hindi ko naman maiitanggi na lumakas talaga akong kumain. Excited na rin ako sa nalalapit na church wedding namin ni Hunter. At narito kami ngayon sa shop ni Totoy Madriaga upang kunin ang aking wedding gown na ako mismo ang nag-design. “Wow, you're fabulous!” puri sa akin ni Hunter nang makita niyang isinukat ko ang aking wedding gown. “Hijo, hindi mo siya dapat tinitingnan habang sinusulat niya ang wedding gown!” sabi ng isang matandang babae na nagngangalang Gina. Napakunot ang noo ni Hunter nang dahil sa sinabi ng matandang babae. “Bakit naman po bawal ko siyang tingnan, Aling Gina?” curious na tanong ni Hunter sa matandang babae. “Hindi n’yo ba alam ang kasabihan na bawal isukat ang damit pangkasal at lalong bawal makita ng groom ang bride ilang araw bago ang kanilang kasal. Pagkatapos tiningnan mo pa ang bride mo habang suot niya