Share

CHAPTER 4

Author: Hare Ra
"What do you think?" tanong ni Heath nang manatiling tahimik si Jasper nang ilang saglit.

Pero ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Jasper ay nagpahayag na ng struggle nito sa pagpapasya.

Paano niya ito matatanggihan?

Ilang taon na siyang nagtatrabaho nang walang pahinga, sinusubukang pahangain ang kanyang boss, binibola ito sa tuwing may pagkakataon ngunit kailanman ay hindi siya nakatanggap ng promotion.

At ngayon...

Ang kailangan lang niyang gawin ay payagan si Olivia na magtrabaho.

"I... itatanong ko muna kay Olivia, sir," sa wakas ay wika ni Jasper.

"Kung papayag siya, pumunta kayo sa opisina ko bukas," sagot ni Heath na may tipid na ngiti.

"Sige po, sir."

Samantala, nakatayo si Olivia sa kusina, malalim ang iniisip.

Dapat ba niyang tanggapin ang alok? Ang maging personal assistant ni Heath?

Ito na ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay.

Pero... tila may mali sa pakiramdam niya.

Hindi nagtagal, nagpaalam na si Heath.

Inihatid nina Olivia at Jasper ang panauhin hanggang sa pinto.

“Give me your answer tomorrow,” ani Heath kay Jasper, bagaman ang kanyang tingin ay panandaliang sumulyap kay Olivia.

"Opo, sir."

Sa loob ng kwarto...

Nakahiga si Jasper, malagkit ang katawan sa pawis, at malalim ang paghinga.

Sa tabi niya, nanatiling tahimik at hindi gumagalaw si Olivia.

Katatapos lang niyang angkinin sa kama ang asawa para bigyang kasiyahan ang sarili. Hindi niya napansin, o marahil ay wala siyang pakialam, na hindi man lang nasiyahan si Olivia.

Para sa kanya, hindi iyon mahalaga.

Basta't satisfied siya, sapat na iyon.

"Inaalok ka ng trabaho ng boss ko," ani Jasper nang kumalma na ang kanyang paghinga.

Hinatak ni Olivia ang kumot para takpan ang kanyang hubad na katawan.

"Anong trabaho?" tanong niya, nagpapanggap na walang alam.

Narinig na niya ang usapan kanina.

"Ang maging personal assistant niya," sagot ni Jasper.

"Ibig mong sabihin... secretary niya?" paglilinaw ni Olivia.

"Oo. Nag-resign ang dati niyang secretary. Temporary lang yung pumalit, kaya gusto niya ng isang tao na tatayo ring assistant niya," paliwanag ni Jasper.

"Ganoon ba..." mahinang sagot ni Olivia.

Nag-aalinlangan pa rin siya.

Ang mga titig ni Heath... ang haplos nito kanina...

Napapatanong siya kung ang offer ba ay tungkol talaga sa trabaho, o may iba pang dahilan.

"Gusto mo ba?" tanong ni Jasper.

"Hindi mo naman ako papayagan. Kahit gusto ko pa," mahinang saad ni Olivia.

Natahimik si Jasper, nakatitig sa kisame.

Ang posisyon bilang Division Manager...

Masyado iyong nakakaakit.

Ang pagkakataong tulad nito ay hindi dumarating nang basta-basta.

"Sa tingin ko ay dapat mo yun tanggapin," sabi ni Jasper.

Napalingon si Olivia sa kanya sa gulat. "Ano?"

Pinapayagan siya ni Jasper na magtrabaho?

Iyon pa lang ay kakaiba na.

Hindi niya alam ang kondisyong itinakda ni Heath, para ang pagtatrabaho niya ay siyang pagkakaroon din ng promotion ni Jasper.

"Habang mabait pa ako, huwag mo nang baguhin ang isip ko," dagdag ni Jasper sa malamig na tono.

"Talaga bang ayos lang sa iyo?" tanong ni Olivia, sinusuri ang mukha ng asawa.

"Puntahan mo na lang si Mr. Madrigal bukas," utos ni Jasper, hindi pinansin ang kanyang tanong at tumalikod na kay Olivia.

Hindi nagtagal, napuno ang kwarto ng mahihinang hilik.

Nakatulog na ito.

Kinabukasan...

"Babe... papayagan mo ba talaga akong magtrabaho?" tanong ni Olivia habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Suot niya ang isang malinis na puting blouse na ipinares sa itim na culottes, ang kanyang buhok ay nakatali ng isang simpleng ribbon headband.

Mukha siyang fresh, elegante... at may tahimik na confidence.

"Huwag ka nang maraming tanong. Kung gusto mong magtrabaho, 'di magtrabaho ka! Pagod na akong marinig ang mga reklamo mo araw-araw," walang ganang sagot ni Jasper.

"Thank you, babe."

"Hmm."

Sumulyap nang bahagya si Jasper sa kanya.

Kahit walang makapal na makeup, natural na maganda ang asawa niya.

Sa isang saglit, nakaramdam siya ng kaunting pag-aalinlangan.

Pero muli...

Para rin ito sa ikabubuti niya.

Hindi magtatagal, magiging manager na siya.

Pagdating nila sa opisina, binigyan lang ni Jasper si Olivia ng maikling direksyon.

"Huwag mong ipapaalam sa mga tao na mag-asawa tayo," aniya.

Napakunot ang noo ni Olivia. "Bakit naman, babe?"

"Kailangan mo bang tanungin ang lahat? Ang dami mong tanong!" bulyaw ni Jasper bago ito naglakad palayo, iniwan siyang nakatayo roon.

Nilunok ni Olivia ang kanyang kalituhan at nagpatuloy nang mag-isa.

Sinundan niya ang direksyon hanggang sa wakas ay nakatayo na siya sa harap ng pinto na may nakasulat na: Heath Madrigal – CEO.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

*Knock. Knock. Knock.*

"Come in," tawag ng isang boses mula sa loob.

Pinihit ni Olivia ang doorknob at pumasok.

Isang malamlam na amoy ng mga rosas ang bumalot sa silid, na ikinagulat niya.

"Olivia?" sabi ni Heath, tila natutuwa sa pagdating niya.

"Opo, sir. Sinabi po ni Jasper na kailangan niyo ng assistant, kaya pinapunta niya po ako rito," sagot ni Olivia, bahagyang nakatungo bilang paggalang.

“Please, have a seat.”

Naupo si Olivia sa tapat nito.

Ngunit ang titig nito...

Para siyang hinuhubaran nito. Matalim ang mga mata, nanunuri, at imposibleng hindi mapansin.

“Do you know your responsibilities?” tanong ni Heath.

Umiling si Olivia. "Ang sabi lang po ni Jasper ay magiging assistant niyo po ako."

Tumayo si Heath at umikot sa kanyang desk, iniharap ang screen ng computer sa kanya.

Huminto ito sa mismong likuran niya.

Masyadong malapit.

Nanigas nang bahagya ang katawan ni Olivia.

Ramdam niya ang presensya nito... maging ang hininga nito malapit sa kanyang tainga.

“This will be part of your job. Ang pag-aayos ng schedule ko at paghawak sa aking mga daily tasks," paliwanag ni Heath.

Habang nagsasalita ito, ang kamay nito ay dahan-dahang pumatong sa balikat ni Olivia.

Napatigil si Olivia, nakaramdam ng pagkailang.

Hindi siya gumalaw.

Bahagyang dumiin ang mga daliri ni Heath, na para bang sinusubukan ang reaksyon ng babae.

"Magkanong sweldo ang inaasahan mo?" mahina niyang tanong, mababa ang boses at malapit sa tainga nito.

"Hindi ko po... hindi ko po alam, sir," sagot ni Olivia, na hindi sigurado sa kanyang boses.

"Huwag kang kabahan," bulong ni Heath. “Just tell me. Papayag ako."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 50

    [Olivia]: Okay, hihintayin ko. Bilisan mo ha!Pinindot ni Olivia ang send at nagdagdag ng sunod-sunod na smiley emojis. Ngunit sa likod ng katuwaang iyon, mabilis ang tibok ng kanyang puso. Desperado na siyang malaman ang katotohanan.[Febi]: On it. Maghahanap na ako ng masasagap! Napangiti si Olivia sa reply. Napaisip siya kung ano ang magiging reaksyon ni Febi kung malaman nito ang totoo, na siya ang asawa ng mismong lalaking iniimbestigahan nito ngayon. Sinubukan niyang sabihin sa sarili na wala siyang pakialam, pero sa mata ng batas, si Jasper pa rin ang kanyang asawa. Nag-alangan ang kanyang hinlalaki sa screen bago niya tuluyang pinindot ang 'unblock' sa contact nito. Sa kanyang pagkadismaya, wala siyang nakita. Walang text message, walang missed calls, walang notifications.“Ganoon lang pala ako kawalang-kwenta sa kanya,” bulong ni Olivia sa sarili. “Bnlock ko siya para magparamdam siya, pero hindi man lang niya napansing wala ako.” Isang bugso ng kawalan ng halaga ang buma

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 49

    “Nanghihinayang ako na ngayon lang kita nakilala, Ms. Venice,” sabi ni Olivia, sinalubong ang tingin ng matandang babae.Kumunot ang noo ni Venice, nabigla. “At bakit naman?”“Dahil napaka-attentive mo. Pati ang sarili kong katawan ay hindi nakakaligtas sa paningin mo. O baka naman may gusto kang makita na higit pa dito?” tanong ni Olivia, habang ang kanyang mga daliri ay lumapit sa unang butones ng kanyang blouse.Ang kanyang isipan ay tila bagyo ng frustration. Ang makorner nang ganito ay hindi nagparamdam sa kanya na magtago; lalo siyang naging mapusok na wasakin ang buong sitwasyon. Kung gusto ni Venice ng palabas, handa si Olivia na bigyan siya nito.“Gusto mo bang makita, Ms. Venice?” muling tanong ni Olivia, habang ang kanyang daliri ay nakatapat na sa pangalawang butones.Click.Bumukas ang pinto, at pumasok si Heath sa silid. Natigilan siya, ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa gulat na mukha ni Venice at sa blouse ni Olivia na bahagyang nakabukas.“What exactly is going o

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 48

    "Mapait pa rin?" tanong ni Heath, bahagyang pinuputol ang halik para lamang makapagsalita. Ang kanyang tingin ay napako sa babae, puno ng isang mabigat at tapat na pagmamahal."Mapait pa," sagot ni Olivia, ang boses ay maliit at puno ng pangangailangan.Kay Heath lang niya hinahayaan ang sarili na maging mahina. Kay Jasper? Hindi niya mapangahasan. Si Jasper ay lantad sa paghamak sa kanya, sinasabing spoiled siyang babae at kinamumuhian iyon sa kanya. Pero ang totoo, mas spoiled pa nga si Ava kaysa sa kanya. Siguro dahil ito ang kabit, ang drama ng sitwasyon ay nagbibigay kay Jasper ng adrenaline rush. Kay Olivia, wala nang kahit anong challenge; nagsawa na ang lalaki sa stability na mayroon sila.Muling pinagtagpo ni Heath ang kanilang mga labi. Alam niyang hindi lang lambing ang hinihingi ni Olivia; naghahanap ito ng patunay na mahalaga pa rin siya sa isang tao.Matapos ang mahabang sandali, humiwalay si Olivia sa halik at muling isinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki."Huwag mo na

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 47

    “That’s the same as selling her,” wika ni Heath, ang boses ay gipit habang pinipilit na pigilan ang kanyang emosyon.“Hindi. Ginagamit ko lang ang pera nang pansamantala. Babayaran ko din naman iyon. Siguro, Mr. Madrigal, hindi mo pa po alam na ang marriage ay teamwork, maging ang pagma-manage ng household. Pasensya na po, Sir, pero huwag po kayong masyadong makialam sa personal na buhay naming mag-asawa,” sagot ni Jasper.Halatang naiinis siya na nagkomento si Heath tungkol sa perang kinuha niya kay Olivia. Napahiya siya, dahil alam niyang si Heath ay laging may front-row seat sa kanilang mga problemang pinansyal.“I’m not interfering in your 'business.' It’s your household, yes, pero kapag nakaapekto na ito sa performance ni Olivia, nagiging negosyo ko na ito. Nawawalan siya ng sigla kung kailan naman tambak ang trabaho natin, at ako ang nalulugi,” ganti ni Heath.“Eh 'di sabihan niyo siya na mag-resign,” singhal ni Jasper.Ipinikit ni Heath ang kanyang mga mata, napagtantong ginagaw

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 46

    “Kinuha ni Jasper?” mahinang tanong ni Heath, ang boses ay naging malalim at mapanganib.Si Olivia, na patuloy sa paghikbi, ay tumango na lamang.“When? We’ve been here since Monday.”“Sa tingin ko bago pa tayo umalis. Hindi ako gumamit ng ATM kahit minsan simula nang dumating tayo; ikaw ang nagbayad sa lahat,” sagot ni Olivia sa gitna ng kanyang mga luha. Hinawakan niya ang kanyang sumasakit na ulo. Hindi niya maintindihan kung paano ito nagawa ng kanyang asawa, o baka naman siya ang naging masyadong bulag para hindi mapansin.Bago sila ikinasal, may malaking halaga ng savings si Olivia. Ngayon, lahat iyon ay wala na. Inunti-unti iyon ni Jasper… sinasabing temporary loan para tulungan ang ina nito… para pambili nito, pambayad niyan.Lagi niyang sinasabi sa sarili na kasama lang iyon ng buhay-mag-asawa; pinalalampas niya dahil naniniwala siyang si Jasper pa rin ang may pananagutan sa kanya. Pero ngayon, ang katotohanan ay hindi na maikakaila. Dalawang buwan nang ninanakaw ni Jasper an

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 45

    “Ano bang gusto mong subukan? Huwag kang weird, Heath…” pagmamaktol ni Olivia, bagaman walang bagsik ang kanyang boses.Tumawa si Heath, ang mga mata ay puno ng kapilyuhan. “Sigurado ka bang hindi mo alam? Lalo na’t halatang nagugustuhan mo?”“Nagugustuhan ang alin?”“Ito. You’re soaking wet,” biro ni Heath, habang ipinapakita ang kanyang kamay.Namula ang mukha ni Olivia na parang hinog na kamatis. Tumagilid siya, ang mga labi ay napanguso sa inis.“Don’t look at me like that,” ani Heath, habang kumukuha ng tissue para punasan ang kanyang mga daliri.“Bakit hindi?”“Because if you keep making that face, I won't be able to stop, and we actually have to finish this drive.” Tinapik ni Olivia ang balikat ni Heath, isang pabirong hampas na walang bigat.“Ouch,” biro ni Heath, hawak ang kanyang braso na para bang nasasaktan talaga siya.“Oh! Nasaktan ba talaga kita?” tanong ni Olivia, ang inis ay agad na napalitan ng taranta.Tumawa si Heath at inabot ang kanyang ilong para pabirong pisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status