Share

Kabanata 2:

Author: KYOCHIEE
last update Last Updated: 2025-08-23 03:22:20

Dumiretso ako sa may parking lot. Pagdating ko do'n, kaunti na lang ang nakaparadang kotse. Mukhang tapos na ang ganap.

Pumwesto ako sa madilim na bahagi, malapit sa isang malaking poste, sapat para itago ako mula sa nakakalat na CCTV sa paligid.

I could still feel the heat of his lips on mine, but even I had my limits. I needed a break. A cigarette. Something to shake off the dizzying thrill of it all.

Nang sindihan ko ang isang stick ng sigarilyo, napansin ko ang nakaparadang kotse sa harap ko, ilang hakbang ang layo sa akin. Yumuyogyog ito. Akala ko minumulto na ito ngunit awtomatik na tumaas ang kilay ko nang mapagtantong gawa ng kung sino sa loob ang pag-alog.

Bumuga ako ng usok, hindi na sana papansinin iyon, pero bumilis nang bumilis ang pagkakaalog ng kotse. Lumapit ako at pinaningkitan ang gawi nito. Pwersahan kong naibuga ang panibagong usok sa bibig ko nang makilala ko ang kotse.

“Kotse ‘to ng fiancée ni ate, ah,” usap ko sa sarili.

Lumapit pa lalo ako, pero sa bandang hindi ako makikita ng kung sinumang nasa loob. At tama nga ako. Ito ‘yong kotseng gamit nila nang pumunta sila dito.

I sucked in a sharp breath, my lips curling into a mixture of amusement and disbelief. Seriously?

Sa lahat ba naman ng lugar, dito pa talaga nila napiling magyugyugan? Hindi man lang nahintay ang kasal bukas? Tsk.

I shook my head and clicked my tongue.

Mas lalong lumala ang pagkakaalog ng kotse. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ma-gets kung ano ang ginagawa nila sa loob. Tinted, oo, pero kita ko ang anino nilang nagmimilagro dahil sa munting ilaw na nakatapat sa kotse.

Well... They're getting married tomorrow anyway. What am I even doing here? Ano ako, mambubuso?

Bumuga ulit ako ng usok at aalis na sana sa kinaroroonan kaso literal na natigilan ako dahil may kamay na pumatong at sumakop sa tuktok ng ulo ko, tila ginawang basketball ang pagkakasakop nito sa aking ulo.

“Bata, bawal manilip.”

A low, amused voice drawled from beside me Napalunok ako at hindi na nakagalaw. Mahina lang ang boses niya, pero sapat na iyon upang magdulot sa akin ng pananahimik.

I glanced up, cigarette hanging between my lips, and met the sharp gaze of Renzo.

Nginisian niya ako nang magtama ang mga mata namin. Sa paraan ng pagkakangisi niya, para bang may ginawa akong masama. Umawang ang bibig ko nang walang alin-langan niyang hinugot sa bibig ko ang stick ng sigarilyo.

His movements were so smooth and effortless that I didn’t even have time to resist. He flicked the stick of cigarette to the ground and crushed it with the sole of his polished shoe.

“Masama sa kalusugan ang paninigarilyo.”

Tuluyan na akong napanganga sa sinabi nya. Kalmado lang ang boses niya pero para sa akin, tunog naninermon na parang kay Mama.

Mabilis na nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Tinanggal niya sa tuktok ng ulo ko ang kamay niya. Tumayo siya ng tuwid sa harap ko, saka binulsa sa suot niyang slacks ang dalawa niyang kamay.

Sunod-sunod ang paglunok ko nang taasan niya ako ng kilay, waring nanghahamon ng kung ano.

Siya si Renzo Alcantara. Pinsan ng magiging asawa ni Ate. Kahapon ko lang siya nakilala. Sinamahan niya ang kaniyang pinsan sa pamamanhikan.

Unang dapo pa lang ng mata ko sa kaniya, nakuha na niya ang buong atensyon ko. Hindi lang ang atensyon ko, kahit ang nananahimik kong puso ay parang nagwala, lalo na nang daanan ako ng mapang-akit niyang mga mata.

Pasok na pasok siya sa standard ko. Mali. He exceeded my standard.

Tall, effortlessly good-looking, with sharp features that made him stand out even in a room full of rich, powerful men. But more than that, it was his presence. There was something about him, something that commanded attention without him even trying.

Bukod pa d’yan, siya lang ang bukod tanging lalaki na nagawang bumalewala sa presensya ko. Halos rumampa na ako sa harap niya kahapon para lang makuha ang atensyon niya, pero walang epekto. Saglit lang na napapatingin pero hanggang doon lang.

Bihasa na ako pagdating sa kung paano tumingin ang mga lalaki. Alam na alam ko ang mga ibig-sabihin ng iba't iba nilang pagtingin sa babae. Nakakainis lang dahil kahit ang hindi eksperto, kaya nitong masabi na wala akong epekto sa kaniya.

I flirted him yesterday, but he didn't flirt back.

Halata ang pagkadisgusto niya sa akin.

At oo, hindi ito ang unang beses na tinawag niya akong bata. Kahapon din ay iyon din ang tinawag niya sa akin nang mahuli niya akong naninigarilyo sa likod ng aming bahay.

Isa siyang malaking challenge. Naapakan niya ang ego ko. Hindi ako papayag na hindi siya masama sa mga lalaking kayang kaya kong markahan.

That night, a new game began.

Make Renzo Alcantara notice me.

Make him realize I’m not a bata.

Make him mine.

Ang dali lang, ‘di ba?

Ang dali lang kamo kung sa ibang lalaki ko gagawin.

Kaso siya nga ang nag-iisang Renzo.

I had played this game a hundred times before, and I never lost. But him? He was different.

Sinubukan ko na lahat ng pang-aakit.

Nandoon na ‘yong kunwaring hindi ko siya nakita tapos nabangga ako sa kaniya, sabay lapit ng mukha ko sa kaniya.

Ilang beses kong sinubukan na makipagtitigan sa kaniya, pero hindi pa umaabot ng isang minuto, nag-iwas na siya ng tingin.

May oras din na kapag nagkukwento siya kay Kuya Riel, asawa ni Ate, tapos nandoon ako at nagpapanggap na nakikinig, tumatawa ako kunwari sa baduy niyang joke.

Bumili pa ako ng sobrang mahal na pabango para lang kapag napapadaan ako sa kaniya, mapapatingin siya, pero walang effect pa rin. Inipon ko pa naman ang baon ko para lang mabili ang pesteng pabangong ‘yon.

At ang pinakamalala kong nagawa, naghubad ako sa harap niya sabay upo sa kaniyang kandong, pero wala pa rin. Pinulot lang niya ang mga damit ko at tahimik niya akong dinamitan.

Hindi siya bakla. Minsan ko na siya nahuling may kahalikan. Inggit na inggit pa ako no'n sa babae dahil parang sarap na sarap siya sa labi ng lalaki.

May mga araw na sobrang badtrip talaga ako sa kaniya, pero hindi kailanman sumagi sa utak ko na sukuan sya.

Renzo was still Renzo.

Cool. Unbothered. Untouchable.

Naging malapit kami sa isa’t isa. May mga kabulastugan ako na nagagawa niyang palagpasin. Kinakausap niya ako palagi tungkol sa mga gawain ko sa school. May mga binibili din siya sa akin na mamahaling bagay.

We had gotten closer, sure. But not close enough.

Not enough for him to stop calling me bata.

Not enough for him to look at me the way other men did.

And for the first time in my life, I was playing a game I wasn’t sure I could win.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 105:

    Tumahan na rin ako nang maingat nya akong ibinaba, pahiga sa aking kama. Nakaalinsunod lang ang paningin ko sa kanya nang kumutan nya ako hanggang dibdib. Ganoon din nang pagkatapos ay itinapat nya sa akin ang bentilador."I'll be back later to give you a massage. Walang tao sa tindahan nyo. Baka manakawan. Call me if you need anything," he smiled softly.Inabot nya sa akin ang cellphone ko. Tipid ko syang nginitian at tinanguhan nang tanggapin ko ito mula sa kamay nya. Inayos nya pa lalo ang pagkakakumot sa akin bago lumabas na ng pintuan.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maiwan akong mag-isa sa kwarto. Tumitig ako sa kisame at inisip ang mga sinabi kanina ni Mama.Alam kong tototohanin ni Mama ang kanyang sinabi. Kung nagawa nga nya kay Kuya Riel, ano pa kaya kay Renzo na ang alam nya ay sya nga ang nakabuntis sa'kin.And knowing Renzo... he wouldn't deny it. Baka ipangalandakan pa sa mga pulis na sya ang ama ng pinagbubuntis ko. That alone could land him in jail f

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 104:

    Mas lalo lang ako napahikbi nang sa pag-angat ko ng tingin kay Mama ay nakitang tumutulo na pala ang luha nya."M-Ma..." halos pabulong ko ng tawag sa kanya. "Ikaw ang mas nakakatanda sa kanya, Renzo," dugtong pa nya. Kalmado na ang boses ngunit nabasag naman ito. Napayuko ulit ako nang hindi ko na nakayanang tingnan ang halos paiyak na nyang ekspresyon. "Sana nagpigil ka. Nagkamali ako sa'yo. Nagkamali ako na ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. May pa-scholar scholar ka pang nalalaman d'yan. Iyon pala, mamanyakin mo lang sya. Ang layo mo sa pinsan mong si Riel—""'Ma!" I stood up abruptly.She fell silent, shocked at my sudden outburst. Kahit ako ay nagulat sa sariling ginawa. Pero hindi ko hahayaan na maging masama si Renzo sa paningin nya. I was panting, tears still falling, but I had to speak."Hindi po ganyan si Renzo, Mama... Sobrang bait nya po katulad ni Kuya Riel. H-Huwag nyo naman po sya pagsalitaan ng masama."I quickly wiped my tears, trying to continue, but my throat

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 103:

    "Bago lumubo ang tyan mo, kailangan kasal na kayo.""P-Po?" Gulat kong tingin kay Mama. Ini-expect ko nang tungkol sa pagkakabuntis ko ang pag-usapan namin ngayon, pero hindi ko lubos maisip na sa kasal mapupunta ang usapan.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya pala masama ang pakiramdam ko tungkol sa pag-uusap na ito. Ito na pala ang rason. Nalipat sa katabi kong si Renzo ang atensyon ko nang marahan nya akong hinawakan sa kamay. Na kay Mama ang tingin nya. Kumpara sa akin na gulat na gulat, sya ay kalmadong ekspresyon ang nakaguhit sa kanyang mukha. Ngunit nang bumaba ang tingin ko sa tensyonadong pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple, doon ko nakumpirma na pati sya ay hindi rin inaasahan ang narinig. "Kung hindi nyo po mamasamain, Tita," aniya, kay Mama pa rin ang tingin. "Na kay Scar po ang desisyon tungkol sa bagay na 'yan."Agad namang napatingin sa akin si Mama. Bahagyang nakakunot ang noo nya, tila naghihintay sa sasabihin ko."Hindi pwedeng magbahay-bahayan lang kayo. Lumal

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 102:

    Tumagal ng ilang minuto bago sya sa akin sumunod sa hapag. Hindi ko ginalaw ang hinanda nyang almusal para sa'kin hangga't hindi sya nakaupo sa tabi ko. Nakakahiya naman kung mauna ako. Sya pa naman ang nagprito. Isa pa, nakasanayan na namin sa bahay nya na magsabay sa pagkain. We started eating in silence. At sa totoo lang, medyo awkward na ang katahimikan sa pagitan namin. Kung tutuusin, kanina pa awkward. Mas lalo lang lumalala kada lipas ng segundong katahimikan. I wanted to say something, anything, to break it. Lalo na ngayon na hindi na talaga sya nagsalita pagkatapos ng eksena namin kanina. Hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Usually, kapag nasa hapag kami, ang dami nyang bilin tungkol sa pagkain ko. "Are we good?" I asked casually, or at least I tried to sound that way. Nagkunwari pa akong kumagat sa hotdog na para sa akin, para hindi ipahalata ang pagkailang na nararamdaman ko. Saglit akong napatingin sa kanya nang iangat nya sa akin ang mata. It took him a few sec

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 101:

    Nang gabing iyon, hindi ko hinayaan si Renzo na matulog sa sahig. Baka lamigin sya kung nagkataon. Mabuti na lang talaga at nandito pa ang matagal ko ng hindi nagagamit na comforter bed. Napakinabangan din. Iyon kasi ang dinadala ko tuwing nagka-camping kami nina Luna. Noong nasa Grade school pa kami no'n. Matagal-tagal na ring hindi nagamit kaya kinailangan pang alisin ni Renzo ang alikabok bago gamitin sa pagtulog. Medyo natagalan sya sa paglilinis nun. Nakatulog na ako bago sya matapos. Nagising lang ako, kinabukasan, nang makaamoy ako ng mabangong pagkain galing sa baba. Siguro ay naghahanda na si Mama para sa pang-almusal namin. Instinctively, I turned to the side, expecting to see Renzo still asleep on the foldable comforter. Pero wala na sya roon. Nakatupi na ang higaan nya at nakalatag na ito sa gilid ng aking cabinet. Ang aga talaga nya gumising. Mag-a-alas sais pa lang, e. Sinipat ko muna ang ayos ng aking mukha bago lumabas ng kwarto, pababa sa kusina. Nakaramdam ako n

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 100:

    "G-Ganun ba 'yun?" I laughed awkwardly, scratching the back of my head. "Uhm... akala ko kasi bilin din ni Mama na magtabi tayo. Alam mo na... um, well, sige... ihahanda ko na ang pangtulog ko. 'Yung gatas ko, 'wag mong kalimutan, ha?"Umalis na ako sa harap nya at nagkukumahog na lumapit sa cabinet. Sa sobrang kahihiyang natamo ko, napapikit na lang akong humarap sa cabinet, sabay kagat ng matindi sa labi. Nakakahiya talaga, oh my God!"Pero maliligo pa rin ako kahit hindi tayo tabi matulog. 'Yung pantalon lang ang kaya kong suutin ulit. Ayos lang ba sa'yo na wala akong suot na t-shirt?"Halos iumpog ko na ang ulo ko sa kaharap na cabinet dahil sa tanong nya. Bakit may pagano'n? Kailangan talaga itanong pa iyon?"A-Ayos lang naman, ano ka ba!" Nanginginig kong sagot, sa cabinet pa rin ang tingin. "P-Parang bahay mo na rin naman 'to."Pasimple akong napabuga ng hangin nang mairaos ko ng mabuti ang panginginig ng aking labi. Hindi agad sya nagsalita kaya nagpanggap na lang akong may hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status