(A friendly disclaimer from the author: Mula sa kabanatang ito at sa mga susunod pa, ang mga eksenang mababasa ninyo ay magsisimula sa kung paano unang nagtagpo sina Scarlet at Renzo, at dito na magsisimula ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng kanilang kuwento.)
Simula: Inanggulo ko ng mabuti ang camera ng aking Iphone sa tapat mismo ng aking full length mirror. Kuhang kuha ang kabuoan ko, kaya minabuti kong ipatong ang isa ko pang kamay sa aking hita. Bahagya kong pinilig ang aking ulo, ganoon din ang bahagyang pag-awang ng bibig ko. Nang ma-satisfied ako sa aking pose, pinindot ko na agad ang capture button. Napangiti ako sa resulta. Hindi pa ako nakontento at kumuha pa ako ng sunod-sunod na shot. For the last, I turned over my shoulder, letting the camera catch my favorite look, mysterious, unapproachable. What an effortlessly seductive look. Binaba ko saglit ang cellphone upang tingnan ang sariling repleksyon sa salamin. I love how the black dress hugged my body in all the right places. Si Azi ang pumili nito para sa akin. Sya ang human ATM ko nitong nakaraan, mag-iisang buwan na. He knew exactly what kind of dresses I liked. Tight, short, and expensive. If I was going to let a guy fund my wardrobe, he better make it worth my time. Nakakainis sya minsan dahil sa sobrang pagiging seloso nya at territorial, pero sa parte na paganito nya, masasabi kong walang binatbat ang mga nauna sa kanyang ATM. Kuhang kuha nya ako. So far, sya ang pinakamayaman sa kanila. May mauunlad kasi silang hasyenda dito. Bukod pa roon, anak sya ng dating gobernador. Na-meet ko lang sya sa isang bar. I'm only sixteen, yet I can easily slip into a bar. I have my ways. And that's where I saw him. And speaking of the devil, he's calling. Ganito sya ka-obsessed sa akin. Wala pang ilang segundo nang ipasa ko sa kanya ang mga shot ko, tumatawag na. I rolled my eyes, smirking as I answered. "Hi, sexy." Mamaos-maos ang boses nya. Mag-aalas dose na ng hating-gabi. Nagising ko pa ata sya. "How was it?" Tukoy ko sa mga kuha kong picture. "Is that even a question? So gorgeous, of course. When are you going to let me taste you?" Napangiwi ako sa sinabi nya. Hindi naman halata na laway na laway na ang gago sa akin. So cheap, ha. "That's a bold question. You're not getting an answer." Mahina akong tumawa, na syang ikinaungol naman nya dahil sa inis. Natigil ako nang may biglang kumatok sa aking pintuan. "Scarlet, anak. Baba ka muna. May bisita tayo." Ako naman ngayon ang napaungol sa inis. Sobrang wrong timing naman ni Mama. Walang sabi sabi'y pinatay ko na ang tawag. Nangangaral pa nun si Azi tungkol sa kagustuhan nyang pag-angkin sa akin pero hindi ko na pinatapos. Tumayo ako sa kama at sinipat ang sarili sa salamin. Gusto kong magpanggap na tulog at hindi narinig si Mama, pero syempre, hindi pwede. Mama ko na 'yun, e. Isa sa mga bagay na tungkol sa'kin ay hindi ko kayang suwayin ang utos o bilin ni Mama, harapharapan. Patalikod, oo. Hindi ako ganoon kabastos na pati si Mama, na nag-iisa kong magulang, e, bibigyan ko pa ng sakit sa ulo. Bumuntong hininga ako at pinameywangan ang mga hindi ko pa nabubuksan na mga shopping bag. Kapag nakita nya 'to, tyak pagagalitan na naman nya ako. At hindi ako papayag na mangyari 'yun. Dinampot ko lahat at isang bagsakan kong tinago sa gilid ng aking cabinet. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan, bago tinapon kung saan ang aking cellphone. Hinubad ko na rin ang suot kong itim na dress. Nagpalit ako ng mas komportableng damit. No way was I wasting my best outfit on some random visitor. Ni hindi ko nga alam kung bakit kinakailangan ko pang bumaba para kitain ang kung sinumang bisita. I tugged on a cropped top and lounge shorts before storming out of my room. Mabibigat ang mga yabag ko habang pababa ako sa gawa sa kahoy naming hagdan. Whoever this guest is, they better be important, because I had way better things to do than entertain strangers. Nakakainis lang dahil excited pa naman akong buksan ang mga shopping bag na 'yun. Nasa huling palapag ako nang matigilan ako. Ang kaunting iritasyon sa katawan ko ay biglang nawala nang matanaw ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa luma naming sofa. Kaharap nila si Mama. Sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko. Ang presensya nila ay nagmistulang kasangkapan upang mas lalong madipina ang kaliitan ng aming sala. Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanila, pero dito pa lang, masasabi ko na na hindi sila basta bisita lang. Naaamoy ko ang salapi sa kanila. Anong ginagawa naman ng mga tipo kong ito sa pamamahay namin? At talagang nakapormal suit pa sila, ha. What an effortless confidence. Nginitian ko ang nakakunot noo kong nanay. Nasa akin ang tingin nya pero tinanggal din at tinuon sa kaharap na dalawang lalaki. Inayos ko ang aking crop top bago naglakad at naupo sa tabi nya. Tall, dangerously handsome, and undeniably rich. Ngayon na nasa harapan ko na sila, ganyan ang awra nila para sa akin. Halata na medyo may katandaan sila sa akin. Siguro mga apat hanggang limang taon ang tanda nila sa akin. My instincts had never failed me before. Mabuti na lang talaga hindi ako nag-pajama. Ang mali ko lang, hinubad ko ang suot ko kanina. Kung alam ko lang na may ganitong bisita na naghihintay sa akin dito, e, 'di sana binonggahan ko na 'yung suot ko. Pero okay din naman 'tong suot ko. "Ma, sino 'tong mga 'to?" Bahagya kong sinandal ang sarili kay Mama upang ibulong ang tanong kong 'yan. My mother, ever calm and composed, merely shook her head. "Hindi ko rin alam. Bigla na lang sila dumating. Namamanhikan 'yung isa para sa ate mo." Napakurap-kurap ako sa gulat. Wait. What? Si Ate Alina? Binalik ko ang tingin sa dalawang lalaki. Mariin kong tinitigan ang mga mukha nila. Sino kaya sa kanila? Now this is interesting. Bahagya akong gumalaw. Ang mahaba at makinis kong binti ay pinag-krus ko , saka ko pinaningkitan ang gawi nila. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad nila sa isa't isa. Walong taon ang agwat namin ni Ate. At kung titingnan, mas bata sa kanya ang nasa bandang kanan. Habang ang nasa kaliwa naman na lalaki, hmm.. feeling ko ito ang namamanhikan. Paano ko nasabi? Simple lang. Mas magaan ang loob ko sa lalaking nasa bandang kanan nakaupo. Siguro lukso ng damdamin kasi sa pagitan nila, sya ang natipuhan ko. Iyong nasa kaliwa, baby face din naman pero ramdam ko na malayo ang agwat ng edad namin. Bagay sa ate kong malapit ng maging lola. Napakagat ako sa labi nang saglit na magtama ang mata namin nung nasa kanan. Saglit lang iyon pero may naramdaman akong kiliti sa loob ko dahil sa paraan ng pagtingin nya sa akin. Oras na siguro para i-ghost si Azi. Sawa na rin naman ako sa kanya. He served his purpose, but I could do better.Lumapit sa akin si Renzo pagkatapos nyang i-distribute ang pagkain sa mga bata. Ganoon pa rin, iwas na iwas ang mata ko sa kanya kahit nung iginiya ako sa may upuang monoblock sa gilid. May inutos sya kay Yumi kanina, dahilan kaya lumabas na ang babae. Hindi ko alam kung anong klaseng utos iyon dahil hindi ko naman ugali makinig sa usapang mag-asawa. “What do you want for lunch? Are you hungry?” He asked, sitting beside me.Nginitian ko sya, sabay inilingan bilang sagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong nya ngayon ng ganito, kung pwede namang kay Yumi na lang. “Fruits? I can buy them. May malapit na palengke dito.”Muli ko syang inilingan, sunod na nagpanggap na busy sa panonood sa kumakain ng mga bata. They were sitting in a circle, cross-legged on the floor, laughing and eating like it was the best meal of their lives.Magkasalubong ang kilay kong napatingin kay Renzo nang basta na lang nya hinigit ang inuupuan kong monoblock palapit sa kanya. “I didn’t
Tahimik ko na lang pinagmasdan ang nakaluhod ng si Renzo, Napapalibutan ng mga bata habang may tuwa at galak sa kanya-kanyang mukha. Nagmistula syang parang bata kung makipaghalubilo sa kanila. I never thought I’d see someone like him, who always looked so strict, laugh like that. Like a kid himself.May iba sa ngiti nya, e. Hindi ko lang matukoy pero nakakatuwa syang panoorin. It made me glad I came here with him. "Time out muna tayo!" Anunsyo nya sa mga bata.Tumayo na sya mula sa pagkakaluhod, sa gitna nila. Medyo na-alarma pa ako dahil akala ko ay aalis na agad kami. Hindi pala. "May dala akong Jollibee buckets para sa inyong lahat. Luminya na kayo. Find your height dapat, ha?"Ang maingay na mga bata ay mas lalo pang naghiyawan sa tuwa. Wala sa sarili akong napangiti nang luminya na sila habang may ngiti sa labi at kislap sa kanya-kanyang mata. Ang saya nila tignan. Nakakahawa. The excitement was contagious. Bright eyes, wide grins, the pure kind of happiness you don’t get to
Papunta kami ngayon sa isang Bahay ampunan. Dito nya ako dadalhin dahil isa ito sa binibigyan nya ng suporta. Kung tutuusin, hindi ko talaga trip ang ganitong bagay. Ayaw ko sa maiingay na bata. Lalo na kung sobrang makukulit. Siguro, ang nagtulak sa akin para sumama sa kanya ay sa kadahilanang doon sya nanggaling. I wanted to see where he came from... before he became an Alcantara. Siguro gusto ko rin maintindihan ang pinanggagalingan nya, kung bakit pakiramdam nya ay responsibilidad nya ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya. I just wanted to understand the part of him that wasn’t polished and presented. The part that made him him.Sana nga, bago matapos ang araw na ito, may madiskubre ako tungkol sa kanya na hindi ko alam. “Good morning, Sir. Napasyal ho kayo?” a woman’s voice greeted us just as we stepped out of the car.Inalalayan ako ni Renzo palabas ng kotse, saka iginiya sa harap ng babae. Agad lumanding ang mata ko sa kabuuan ng babae nang hindi man lang nya ako tinapun
Umuulan pa rin makaraan ang dalawa pang araw. At sa loob ng dalawang araw na iyan, kating-kati na akong makita muli si Mama. Iyon bang halos hindi na ako makatulog simula nang sabihin sa akin ni Renzo na kakausapin nya si Mama para sumama sa aming dalawa sa Manila. I couldn’t even explain how much that meant to me. Miss na miss ko na talaga ang nanay kong ubod ng bait. Kailanma'y hindi sumagi sa isip ko na malalayo ako sa kanya nang ganito katagal. Nasasaktan pa rin ako kasi alam ko na ako ang rason kung bakit nangyari ito sa amin. Hinihiling ko lang na sana, kahit papaano, bumuti na ang pakiramdam nya sa akin. Na kaya na nya akong tanggapin ulit. Wala akong ideya kung paano bumawi sa kanya, o kung kailan darating ang panahon na makakabawi ako sa kanya, pero sana makabawi nga ako sa kanya kapag magkasama na ulit kami. Na-e-excite ako na kinakabahan. Sana bumuti na rin ang panahon. Hindi na ako makapaghintay. “Ano ba gusto mo maging? Like dream course sa college?” Mula sa tv ay b
I let out a half-laugh. “May nilabhan lang sa banyo,” medyo nahihiya kong tugon.“Nilabhan?” Sinimangutan nya ako. “You should’ve told me. I have people for that.”Agad kong iniling ang ulo, lihim na natatawa sa kanya. I knew this would be his reaction. Ito talaga ang rason kaya ko binilisan ang paglalaba. “Undies kasi 'yun. Ayaw kong pinapalaba iyon sa iba. Nakakahiya.”Napabuntong hininga na lang sya, tila nakuha ang gusto kong ipahiwatig. Sa huli ay napatango din."Wala bang masakit sayo?"Natigilan ako saglit. Ngayon na naitanong nga nya, napahawak ako sa aking balakang at napa-i-stretch nang maramdaman ang kaunting pananakit ng aking likod. Dulot ata ng matagal na pagkakayuko habang nagkukuskos.“Wala naman... masyado,” tanging sagot ko, kahit nakita naman nya ang pagngiwi ko sa sakit. “Next time, I’ll do your laundry.” Matagal nya akong pinagmasdan sa mata, bago dinampot ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Napatanga ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya nang mari
Hilaw ko syang nginisian. “Of course,” sabi ko. “You’re her boyfriend, right? Or should I say, ex?”Kasi 'di naman ata nya ako o-offeran ng kasal kung sila pa rin, 'di ba?Ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya. Nandoon na 'yung dahilan nya sa pag-ako sa pinagbubuntis ko. Kung anong nangyari sa kanila ni Sab sa US. Reaksyon ng sugar daddy nito. Basta, ang dami. At sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinabi nyang 'to ngayon. Kaso pakiramdam ko, may tamang oras para d'yan. Hindi ko lang alam kung kailan pero hindi pa ito ang tamang oras para itanong ang mga 'yan sa kanya. “Hmm... yeah,” sagot nya sa tanong ko. Tila wala pang kasiguraduhan ang paraan ng pagkakasabi nya, dahilan kung bakit mas hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya. Natapos ang usapan namin sa pinapanood naming romance movie. Wala akong napiga sa kanya dahil hanggang doon lang din naman ang sinabi nya. Hindi na rin nabuksan ulit ang usapang kasal sa mga sumunod pang araw. Mabuti naman dahil nakakaram