Share

First Shooting

Excited na lumabas ng kuwarto niya si LA. Nakalimutan niya ang oras sapagka’t biglang naging abala na siya sa pagsusulat ng script. Pati hapunan ay nakaligtaan na niya. Naalala niya nuong sila pa ni Ben ang hilig niyang kumain nuon kaya’t ang taba niya. Iyun ata ang isa sa dahilan kung bakit siya iniwan. Sumagi na naman sa isip niya si Ben.

“Kailan ba ako makaka move on?” Tanong nito sa sarili. Dali dali  siyang lumabas ng kuwarto.

“Saan ang shoot?” Tanong nito sa isa sa mga tao sa set.

‘Straight lang po tapos kaliwa.” Turo sa kanya ng isang lalakeng may dalang martilyo.

“Salamat po.” Bitbit nita ang kanyang thermos at napatakbo na siya. Pagka liko niya pakanan ay nagsimula na ang shoot.

Nagulat siya sa set up ng lugar at biglang may lungkot na sumalubong sa kanya. Ang lugar na pag iinuman ng kanyang karakter na sina Benedict, Kuya Rick at Jeck ay napakapamilyar sa kanya. Gabi ang setting. Kuhang kuha nila ang lugar pati, ang ambiance at pati ang bahay. Ang mesa na laging binababa ni Ben pag trip nilang kumain sa labas at pati ang tindahan ni ate Pam. Napahawak si Liezel kanyang labi. Parang sasabog dibdib niya sa tumambad sa kanya. Parang ang buong Mahogany Street ay inilapag sa kanyang harap. Nagsimula na ang dialogue ng mga artista.

“Nakakapagod na maging kabit lagi. Pag bumababa ako sa babae, naaamoy ko ang asawa nila.” Natatawang biro niya sa kaibigan at kuya niya isang gabi habang nakikipag inuman. Kakahatid lamang niya kay Merli sa terminal nang araw na iyun. Lumuwas si Merli ng Maynila para dumalo sa house blessing ng isa nilang kaibigan na si Rachel. May nangyari sa kanila ni Ben at Merli ng gabing iyun at nangungulila na naman siya ng pauwi na iyun. Bakit kasi hindi na siya nasanay.

“Humanap ka na kasi ng babaeng amoy mo ang maaamoy mo at hindi pati lasa ng katas ng ibang lalake nalalasahan mo rin. Aba ey paano kung me ginamit na ibang babae ang asawa ng kabiyak mo. Tapos me nangyari sa inyo eh hindi ka pa naman nagpo proteksiyun.” Nag aalalang payo ng Kuya Rick niya.

“At mahilig ka pa naman bumaba, nakow!” Pabirong kantiyaw sa kanya ng isa pa niyang kaibigan sa kanilang lugar na si Jeck.

“Sinasabi ko sa iyo, tol. Humanap ka ng matinong babae, yung hindi ka na nakikisawsaw. Ang guwapo mong lalake tapos nagtitiyaga ka sa mga babaeng may asawa na.” Nakangiting nagbibigay ng payo ang kuya Rick niya habang nagbubuhos ng gin at naglalagy ng yelo.

“Eh, kuya. Sinabi mo ba ke ate Pam yung tungkol sa amin ni Merli?” Medyo nahihiyang tanong nito sa bayaw.

“Aba eh, hindi. Natural. Alam mo namang magagalit ate mo pag nalaman niya iyun. Lalo na pag malaman niya tungkol ke Stef.” Sagot nito sa nakababatang bayaw.

“Eh, hindi ko naman alam na nagbuntis siya kasi kuya. Eh, dalawang taong bulag ako sa mga nangyayari sa kanya. Wala akong alam at pati isa naming bestfriend na si Rachel, inilihim din sa akin.” Napapa iling na tugon nito.

“Ito ba yung MILF na sumama sa iyo sa bahay ni Ken sa Pasay? Walastik si mommy. Nagbunga pala yun?” May malisya sa mga mata ni Jeck habang nakangisi ito.

“Bakit ba? Teka, ibig mong sabihin… teka. Ibig mong sabihin nagtalik kayo… No way!” Gulat na tugon ni Rick.

“Oo, kuya. Sa harap namin mismo nagtalik sila. Kaya yang si Merli ba yan? Wala ng maitatago sa amin yan. Pati kasuloksulukan ng pagkababae niya kita na namin. Natatawa nga kami ke Ben kasi parang asong ulol hindi tinantanan si MILF. Inabot ng halos dalawang oras, haha! Binuksan na at lahat ang ilaw tuloy pa rin. Kung hindi tinapik hindi hihinto, eh. Parang kabayo! Hayan tuloy. Nabuo.” Tawa ng tawa si Jeck habang nire recall niya ang pangyayaring iyun. Naalala niyang inaantok pa siya nuon ngunit nakiusap si Ben na sa kanila Ken muna magpalipas ng gabi kasama si MILF. Duon sila lahat magbarkada sapagka’t birthday iyun ni Ken. Hindi sumama si Ben sa kanilang munting salu salo sapagka’t pumunta ito sa reunion ng kanilang department na dati nitong pinagtrabahuhan.

“Alam mo, Jeck kung hindi mismo galing sa bunganga mo hindi ako maniniwala eh. Aba’y naging supervisor namin iyan sa mall at ginagalang. Kaso ang akala ng pamilya ng misis ko me gusto sa kanya itong babaeng ito eh siyempre ayaw ng asawa ko at ni nanay. Kaya nga sabay kami nag resign mag asawa, eh. Pano ba naman eh pamilyado itong Merling ito. Nasa Cavite ata pero kalaunan eh iniwan niya at sumama sa isang marino daw. Eh, bakit nakabuo kayo? Bakit nangyari iyun?” Nagugulat si Kuya Rick niya sa pagiging promiscuous ng bayaw ngunit ayaw niya itong panghimasukan.

“Eh, siya naman po nag aya, kuya. May reunion kasi kami sa department namin at pagkatapos nagpa inum si Merli. Nung pauwi na ako tinext ako. Ayaw daw niya umuwi at gusto eh sumama sa akin. Eh wala naman kami pang motel kasi yung pera niya sakto nalang pauwi. Yung dating boarding house niya diyan sa De Castro Street hindi na din siya nag continue ng bayad kasi nagtatanong na si lolo Greg, yung kanyang hilaw na husband at bakit daw siya nagbabayad pa duon eh pwede naman daw siya sa kapatid niya diyan sa Manggahan Avenue tumuloy o di kaya kina Rachel. Hindi naman puwede sa bahay at mag aaway kami ni nanay kaya dinala ko siya sa Pasay kina Ken.” Natatawang kuwento ni Ben sa bayaw sa nangyari.

“Aba, eh hindi naman pala ikaw ang nag aya. Matanong ko, hanggang ngayon ba tuloy pa rin secret relationship ninyo? Kamusta na relasyon mo sa anak nyang si Steff?” Diretsang tanong ng bayaw.

“Magkaibigan nalang daw kami pero pag andito siya sa Maynila may nangyayari sa amin.” Natatawang tugon nito. “Si Stef naman ninong niya ako. Kahit nuong dalawang taon na di kami nagkita ni Merli, ginawa niya pa rin akong ninong ni Stef.” Seryosong tugon nito sa bayaw.

“So sa sarili mong dugo’t laman, naging ninong ka? At walang pahintulot or imbitasyon man lang sa binyag. Basta naging ninong ka . Ibang klase. Alam mo hindi yan tama ginagawa ninyo lalo na kay Greg. Si Merli ang mas nakakatanda at siya ang committed sa inyong dalawa…” Naputol ang mga sinasabi ng kuya ng magsalita si Ben.

“Hindi sila kasal. Kasal sa ibang babae si Greg.” May halong inis sa mga mata ni Ben. Indikasyon na may pagtingin pa rin ito kay Merli.

“Ngunit bitbit ng anak mo ang apelido ng kinakasama niya.” Sagot ng kuya niya.

“Sa papel lang iyun. Ako pa rin ang kanyang tunay na ama.” Nanginginig na ng kaunti sa Ben sa inis.

“Bakit, kapatid. Kaya mo bang ipakilala sarili mo kay Stef na ikaw ang dugo’t laman niya na tunay? Matatanggap ka ba niya ng ganun ganun na lang? Ano ang mararamdaman ng bata? At si Greg, alam ba niya ito? Sa tingin mo okay lang lahat? Kapatid, masalimuot yan. Ang papel na sinasabi mo ay batas. Para kang nag donate ng punla sa sperm bank at pagkatapos nuon ay wala ka ng ugnayan sa ina.” Sagot ni Rick.

“Iyun nga lang nag enjoy ka! Ha ha. At kami naman, nag enjoy sa pag create ninyo ke Stef. Mantakin mo ba namang para kaming nanood ng live na toro. Si Merli parang mauubusan at kung kainin si Ben, gutom na gutom ha ha! Ang dami nga hickey ni Ben nung umaga na.” Lasing na si Jeck pero naalala pa rin niya buol detalye.

“Buti nalang hindi kayo nadala. Bata pa kayo nuon, di ba?” Nangingiting tanong ni Rick.

“24 lang kami nuon, kuya. Yung isa naming kasamahan, gusto sumali. Eh itong si Ben nagalit. Gusto solohin si MILF! Pero para sakin, nakakasuka sila.” Pabirong tugon ni Jeck.

“Nandiri ka pero memoryado mo buong detalye.” Nakangiti pa rin na tugon ni Rick.

“Eh, ano ba gagawin ko, kuya? Pakiramdam ko niloloko ako ni Merli eh. Pupunta siya dito, may mangyayari sa amin tapos sasabihin sa akin na hindi puwedeng maging kami kasi hindi niya maiwanan ni Greg kasi nga daw siya ang kinilalang ama ni Stef at malaki daw utang na loob nila sa kanya.” Nagugulumihan na si Ben. Ilang taon na silang ganito. Magti 13 years na ngunit ang kanilang relasyon ay ganuon  lamang.

“In short ginagawa ka lamang parausan ni Merli. Hindi ka talaga tatantanan ni Merli hangga’t wala kang ipapakilalang babae na matatawag na iyo. At lagi lagi nalang ipamumukha niya sa iyo na may anak ka sa kanya para makakuha siya ng pera sa iyo. Naku, ginagawa ka lang gatasan at parausan ng babaeng iyan.” Napapailing na tugon ng kuya niya. Pati si Jeck ay naging seryoso na din at huminto na sa pagbibiro.

“Humanap ka ng babaeng kaya mong iharap sa mga ate mo at itapat mo ke Merli. Pag nagkaanak ka sa kanya hihinto na si Merli. Iba pa rin iyung legit na anak mo ang paglalaanan mo ng mga pinaghirapan mo. Sa kaso mo ngayon, aba eh baka pati karsunsilyo ni Greg ay ikaw na ang bumibili. Ikaw na mismo nagsabi, hindi na sila ganuon kayaman dahil nagkasakit si Greg.” Casual na sagot ng kuya habang kumakain ng isaw.

Napa isip si Ben sa mga katagang iyun ng kuya niya at iyun ang kanyang naging motivation para humanap ng “matinong” babae.

“…and cut! Pang second take na to. Mamaya naman take 3 tayo. Pahinga muna.” Sigaw ng director.

“Uhm Ms. LA. Yes, kindly coordinate kay Ms. Olga yung remaining scripts kasi iti turn over natin yun sa head ng props at sa mga lead characters.” Ngumiti sa kanya si direk Jason sabay talikod para magbigay ng orders

 “Uy! Yung lights ninyo i prepare na ninyo! Ang costumes okay na ba? Akin na yung isa pang script!”

Hinawakan ni LA upuan, ang mesa pati ang dingding ng bahay. Saglit na nagtaka siya kung bakit halos magkaparehas ng props sa totoong lugar ng kalye Mahogany.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status