In the novel "I Am in Love to a Womanizer," 30-year-old emerging writer Liezel-Anne Narisma finds herself entangled in a complex web of past love and unforeseen connections. Liezel was given a break when a big entertainment company offered her to make her novel into a TV series. Liezel's professional journey collides with her personal history when her ex-boyfriend Benedict Sarmiento, part owner of the agency that caters to the production's props and set. Benedict, a dedicated man with a clandestine past, discovers that the show's TV series eerily mirrors his own life. As it slowly unfolds, old wounds resurface, and Liezel becomes an unexpected anchor for Benedict's ex, Kathy Jones, a married woman with whom he had a relationship and the reason for his and Liezel's falling out as lovers. Amidst the complexities, a surprising revelation forces Benedict and Liezel to confront their shared history, paving the way for an uncertain future.
Lihat lebih banyakQuezon City, WBC Compound
Shooting Prep
I am In-love to a Womanizer
March 01, 2025
4:00am
“Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento.
“Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben.
“May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss.
“Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben
“Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms at iba pa. Bayaw din ni Ben si Rick.
“Ang baduy! Womanizer? Mga babae talaga,oo. Teka. Pahingi nga ng kopya ng script.” Saglit na nabalisa si Ben.
“Eto po, Sir. “ Binigay niya ang kopya ng script kay Ben. Napansin nitong medyo nabalisa boss niya. Mabilis na binasa ang script.
“Pu***! Eric, lumabas ka muna. Tatawagin lang kita pag kailangan kita.” Napamura ito at tinawagan ang kanyang kuya habang dali dali namang lumabas ang kanyang assistant at isinara ang pintuan.
“Kuya, anong kalokohan ba ito? Kuya… buhay ko to, ah.” Nagugulumihan at naiinis si Ben.
“Ben, relax. Magkaparehas lang. Besides, iba ang family names nila at ang entirety ng kuwento. Wala tayo basis.” Natatawang sagot nito sa bayaw.
“Sino ba itong Anne N. na ito? Kukutusan ko ito, eh.” Alam nyang hindi siya puwedeng magreklamo sapagka’t wala nga naman siyan basehan. More than coincidence naman kasi ito.
“Darating siya now. Diyan siya mag i stay isang room yung malapit sa aircon na tapat ng unit natin. You can meet her and…confront her if you like.” Pabiro ng kuya sa kapatid.
“I will really talk to her…” Hindi pa sya tapos magsalita ng magka commotion sa labas.
“Eric, anong nangyayari?” Tanong niya sa kanyang assistant.
“Si Ms. Anne N. Dumating na”
Lulan ito ng motor. Nang tanggalin ang helmet ay hindi na nagtaka si Ben.
Of course, Liezel-Anne Narisma. Si LA, ang kanyang ex.
Si LA ay girlfriend ni Benedict Ivan Sarmiento for three and a half years. Dumating si LA sa panahong kinailangan niya ng totoong babaeng maipagmamalaki niya hindi lamang sa social media kungdi sa pati na rin sa kanyang pamilya. Ngunit kalaunan ay pilit na niya itong itago sapagka't may mga taong masasaktan at kinailangan niyang proteksyunan ang damdamin. Inaamin niya, minahal niya si LA at nuong panahon ng pandemya ay ipinakilala niya ito hindi lamang sa mga kapatid ngunit pati na rin sa kanyang mga kamag-anak sa Paco, Maynila.
"At last, may naipakilala ka na rin sa amin na girlfriend, pinsan! Hindi yung puro na lang sa social media" Biro ni Baron, isa nilang pinsan sa ina.
"Oo, nga kuya. Tapos nalilito kami pati sina mommy kasi sa isang taon iba iba, Ha ha!" Biro ni Bryan nakababatang kapatid ni Baron.
"Ano ba kayo. Huwag ninyo akong bubukuhin." Nahihiyang sambit nito sa mga nakababatang pinsan.
"Liezel pangalan mo?" Tanong ni Bong Velandria kay Liezel. Kapatid ng nanay ni Ben at ama nina Baron at Bryan. Nasa loob ng bahay si Ivy na asawa ni Bong at ang nanay nina Ben na si Mercedes.
"Opo." Nahihiyang tugon ni LA. Ganun ugali nito. Hindi masyadong umiimik pag hindi pa niya gaanong kilala ang isang tao. Lalo na't ipinakilala siya nito sa buong pamilya. Unang beses itong nangyari sa kanya at hindi niya alam kung ano dapat ang kanyang ikilos.
"Alam mo bang ikaw ang pinaka unang babaeng pinakilala ng pamangkin ko?" Nakangiti ito kay Liezel. Bakas sa mukha nito ang mangha.
"Tito naman. Nakakahiya." Nahihiyang sambit nito sa tiyo.
"Liezel, bakit si Ben?" Maamo pa rin ang mukha nito ngunit nangungusap ang kanyang mga mata.
"Siguro po kasi may pagka androgynous si Ben." Sagot ni Liezel.
Tahimik na nakatingin buong mag anak sa kanya.
"Mukhang mali ang sagot ko, ah." Sa loob loob ni Liezel.
"Nakita ko kasi ang sincerity ni Ben. Genuine kasi siya magmahal at totoong tao siya." Nakangiting tugon ni Liezel.
"Sana, Liezel, ikaw na. Harinaway mapabago mo ang pamangkin ko." Nakangiti pa rin tito ni Ben ngunit makahulugan ang mga sinabi nito. Napatindig si Ben at lumabas ng gate.
"Mahal, diyan ka muna. Bibili lang akong yosi." Nasa mukha nito ang asar.
Ngumiti lang si Liezel at binigyan siya ng pandan buko salad ni Pam. Taong 2021 iyun. New Year's day kasama ang buong pamilya Sarmiento at Velandria.
November 21, 2022, alas tres ng hapon. Nasa taas ng bahay ni Ben si LA. Nakahiga si Ben sa sahig at ginawang unan mga hita ni LA. Pinag uusapan nila ang biglaang pagkamatay ng pinsan ni Ben at ang kanyang trabaho ng biglang umalulong ang aso sa labas. May naamoy silang kandila at may naaninag silang anino sa kurtina sa kusina. Titindig sana si LA ngunit pinigilan siya ni Ben.“Huwag na mahal. Hayaan mo siya. Pinsan namin yan. Dinalaw tayo.” Nanindig bahagya ang balahibo ni LA. Kinuha ni Ben kamay niya at hinalikan ito. Inilapat sa kanyang puso at napapikit ito.“Gustong makita ni Jason marahil ang minamahal ng puso ko.” Nakangiting nakatitig siya sa maamong mukha ni LA. Mahal na mahal niya ang babaeng ito kahit topakin.“Okay lang kung si Jason man ang dumalaw sa atin. Siguro curious sya.” Hinahagod ni LA ang buhok ng kasintahan.“Nasa abroad kasi siya nagtatrabaho. Napakabait ng taong iyun. Nangako kasi ako na pag uwi nya dito ay ipapakilala kita sa kanya ng pormal. Hindi yung sa vc m
Natulog buong umaga si Ben nang maulinigan niyang may kumakaluskos sa labas ng pintuan ng kanilang quarters. Tago ang lugar nila kaya’t kung may dadaan man ay kalimitan ay kakilala nila o di kaya ay may sadya sa kanila. Sumilip siya sa salamin ng pintuan na may kurtina at nagulat siya ng bahagya. Nakatingin si LA sa kanilang pintuan na tila nag iisip kung kakatok o hindi. Kumatok nga ito.“ Tao po!”Nag aatubili man ay sinagot ito ni Ben. Pinilit niyang baguhin ang boses para hindi siya makilala ng dating kasintahan.“Bab..bakit po? Halos mapiyok si Ben sa pagsagot.Nagulat bahagya si LA sa boses ng sumagot sa kanya. Parang naipit na palaka ang boses nito.“Magandang hapon po. Mawalang galang na po. Eh may nakaparadang mga bisikleta dito. Puwede po bang mahiram ang isa? Maglilibut libot sana ako. Ako po pala si LA, yun writer.”Saglit na nabigla si Ben. Hindi ito marunong mag bisikleta at kahit ilang beses niya itong turuan ay hindi matuto tuto. Hirap itong bumalanse.“Paanong…? Eh, pr
Hindi ko namalayan nakatulog ako sa aking kina uupuan. Mabuti nalang at tagung tago ito na sulok at madilim kahit tag araw ngunit masisilayan ko pa rin ang bintana ni LA. Sarado na ang bintana nito. Marahil ay natutulog na siya. Sumakit ng bahagya ang aking likod at leeg sa ganoong posisiyon ng pagkakaupo. Saglit na nagnilay nilay ako. Lumabas ako ng studio para maglakad lakad. May ilan ilang nagsisihanda na ng segment para sa early morning show. Napaupo ako sa isang silya. Kinapa ko ang aking bulsa sa jeans at nakita ko ang aking kaha ng yosi. Saktong may tatlo pang laman iyun. Nagsindi ako napa isip habang naghihitit ako. Kada buga ko ng usok na galing sa aking baga ay may ilang ala ala ang biglang sumagi sa isip ko na nagpagabag ng aking kalooban.Nitong nakaraang taon lamang, ilang buwan bago kami mag hiwalay ni LA ay may gulong nangyari. Nahuli kami ni Kath sa akto ni Toni na nagniniig sa sala ng bahay ko. Nakalimutan ko I lock ang pintuan kaya’t hindi namin namalayang pumasok si
Madaling araw at hindi madalaw si Ben ng antok. Isang linggo na ang dumaan at hindi pa rin siya nagpapakita o dumalaw man lang sa quarters ni LA. So near yet so far. Yan lagi ang sambit ni LA sa kanya nuon. Magkalapit lamang kami ng tinitirhan – nasa Antipolo lamang siya at ako ay nasa boundary ng Taytay at Pasig. Wala pang 20 minutes ay nasa bahay na niya ako ngunit kahit kelan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya nuon. Nuong dito pa siya sa Pasig ay hanggang gate lamang ako. Bakit nga ba? Siguro mas sanay ako na tinatago ako. Fetish ko ata ang laging third wheel. Mas exciting sa akin ang babaeng taken na or may asawa. Siguro kasi nasanay ako kay Merlie. Sa biglang pagsagi ni Merlie sa isip ko ay bigla akong na tense. Kumuha ang yosi at nagsindi. Si Merlie. Ang kauna unahang babae sa buhay ko.Bata pa lamang ako nuon ng ipakilala niya sa akin ang mundo ng kahayukan. Naalala ko nuon, para akong naka hit ng homerun sa unang gabi na tinuruan niya ako ng sex. Kagagaling lang namin nu
Sa ilang taong pamamalagi nila sa Bicol ay hindi sila nabiyayaan ni Oliver Jules ng anak. Nagkaroon ng depresyon si Oliver ng malaman niya a doctor na mahina ang kanyang semilya at walang kakayanang magkaanak. Nanghina din si Katherine sapagka’t nais niya maging isang ina. 40 years old na sila pareho ni OJ at nag aalala siyang magiging delikado ang magbuntis siya. Napag usapan nila ang mag adopt ngunit nagdalawang isip sila ukol dito. Sumangguni sila sa isang espesyalista para magbuntis siya ngunit nangangailangan ng malaking pera. Nang nagka pandemya ay lumala ang depresyon ni OJ. Naging sumpungin ito at nawalan na ng ganang magtrabaho laya’t nag resign ito bilang pulis. Pinalad naman na si Kath ay nagpatuloy ang kaniyang pagtuturo online. Tumanggap din siya ng ibang sideline sa online para makatawid sa pang araw araw nilang mag asawa. Kahit hirap ay pumupunta sila mag asawa sa hospital para ipa check si OJ. Sa lahat ng unos na dumating sa kanilang mag asawa ay nalampasan nila hang
Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng matanggap ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath. Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya. “Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger. “Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla. “Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na bini
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen