Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold.
“Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero.
“Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga ako ng sideline na delivery. Isa pa kakapadala ko lang kay Merlie nuong kamakalawa, ah.” Nag aalala na siya sapagka’t kinailangan niyang tumulong din sa ate Pam niya. Ito lang ang pagkakataong makatulong siya sa mga ate niya. Isa pa, pag mga panahong nahihirapan siya, lagi silang nakaagapay sa kanya lalo na kuya niya. Matanda na nanay nila kaya’t doble kayod si Ben.
“Alam mo naman nag Amusement Park ang mag ina, hindi ba?” Sagot ni Rachel.
“Eh, bakit naman kasi inuna ang amusement park, sus. Imbes na unahin mga importanteng bagay.” Naiinins na si Ben minsan sa kakulitan nilang magkaibigan. Pakiramdam niya naiipit siya.
“Eh alam mo naman may sakit si Greg, hindi ba? Kaya hindi na siya gaanong nakaka provide kina Merlie. Isa pa, ano nirereklamo mo, eh anak mo naman yang namasyal.” Tumatangos nguso ni Rachel pag nagde demand siya dito.
“Ni hindi ko nga nadala mga pamangkin ko sa kahit dito sa Maynila na amusement park man lang.” Naaawa siya pag naiisip niya mga pamangkin niya.
“Bakit? Anak mo ba mga iyan? Ha? Eh, mga pamangkin mo lang naman mga iyan. Tandaan mo, ang tunay na magulang ay nagsasakripisyo alang alang sa anak. Parang si Merlie, kumakapit sa patalim sa ngalan ng anak!”
Kasalukuyang nagtatalumpati si Rachel ng mapansin niya si Liezel. Aligaga ito at nagtatanong tanong kung sino puwede maghatid sa kanya sa Garnet St. ora mismo.
“Benedict! Andiyan ka pa ba? Sustento mo ke Stef sabi ni Merlie!” Malakas boses ni Rachel.
“Sandali lang, Rachel. May sasakay.” In off niya cellphone niya.
“Ma’am, saan po kayo?” Tanong ni Ben kay Liezel.
“Kuya pahatid po sa Garnet St. Kaya po ba in 30 minutes?” Tanong nito kay Ben.
“Yes, ma’am. Less than 30 minutes, anduon na kayo.”
Naalala ni Ben ang pasahero niya. Dalawang linggo na ang nakaraan sinimangutan niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat ngunit umilag siya. Kung bakit kasi ang galit niya kay Merli ng mga panahong iyun ay nabunton niya sa babaeng ito. Wrong timing lang talaga. Marahil ay nakalimutan na ng pasahero niya ang tagpong iyun. Tahimik ito.
“Ma’am, okay lang kayo diyan?” tanong ni Ben sa pasahero.
“Okay naman po. Kayo po yung supladong rider two weeks ago po, no?” Ikinagulat ni Benedict ang deretsang tanong ng babae.
“O..opo. Pasensya na po nuon, ma’am. Nag away kasi kami ni ex.” Nahihiyang tugon ni Ben.
“Okay lang po.” Gustong sumbatan ni LA ang rider lalo na nuong nakipagtalo ito sa ibang rider at ng iwakli nya kamay nito ngunit nangangamba siya na baka gantihan siya nito. Isa pa, wala siya choice. Siya lamang ang available na rider ng oras na iyun at hindi siya puwedeng ma late.
Naalala pa pala siya ng pasahero. Nang bumaba ito sa may Caltex ay pasigaw na minura siya nito. Simula nuon ay lagi na niya itong tinitingnan.
"Ang lutong nga ng word na "bwisit!" nyo sa akin", Natatawang biro ni Ben sa pasahero nya.
Nahihiyang kinamot nito ang ilong at medyo namula."Pasensya na po, kuya. Nabigla din kasi ako."
Kumanan si Ben sa may Garnet St. para ibaba ang pasahero. Nang magtanggal ito ng helmet ay napabuntong hininga ito. Maganda pala ito lalo na ng hipan nito ang kanyang bangs. Para itong bulaklak ng gumamela sa buwan ng tag araw.
“Kuya eto po ang bayad.” Inabot ng pasahero ang pera pati ang kanyang helmet.
“Eh, ma’am. Puwede ko bang ma add kayo sa messenger? P..para po sa future pag mahirapan kayo makasakay ng motor, puwede kayo mag advance booking sakin.” Naglakas loob na si Ben sa babae. Pinagpawisan si Ben at kinabahan ng sobra.
“Ah…eh sige po. Ano po pangalan nila.” Kinuha ng babae ang kanyang tablet.
“Benedict po. Benedict Sarmiento.” Sagot ni Ben.
“Na add ko na po kayo. Salamat, ingat.” Ngumiti ang babae ng pagkatamis tamis. Tiningnan ni Ben ang kanyang messenger. May nakita siyang smiling face na emoticon. Liezel pala pangalan niya. Tiningnan niya ito papasok sa building na pinagtatrabahuhan. Umalis si Ben ng may galak sa puso.
November 21, 2022, alas tres ng hapon. Nasa taas ng bahay ni Ben si LA. Nakahiga si Ben sa sahig at ginawang unan mga hita ni LA. Pinag uusapan nila ang biglaang pagkamatay ng pinsan ni Ben at ang kanyang trabaho ng biglang umalulong ang aso sa labas. May naamoy silang kandila at may naaninag silang anino sa kurtina sa kusina. Titindig sana si LA ngunit pinigilan siya ni Ben.“Huwag na mahal. Hayaan mo siya. Pinsan namin yan. Dinalaw tayo.” Nanindig bahagya ang balahibo ni LA. Kinuha ni Ben kamay niya at hinalikan ito. Inilapat sa kanyang puso at napapikit ito.“Gustong makita ni Jason marahil ang minamahal ng puso ko.” Nakangiting nakatitig siya sa maamong mukha ni LA. Mahal na mahal niya ang babaeng ito kahit topakin.“Okay lang kung si Jason man ang dumalaw sa atin. Siguro curious sya.” Hinahagod ni LA ang buhok ng kasintahan.“Nasa abroad kasi siya nagtatrabaho. Napakabait ng taong iyun. Nangako kasi ako na pag uwi nya dito ay ipapakilala kita sa kanya ng pormal. Hindi yung sa vc m
Natulog buong umaga si Ben nang maulinigan niyang may kumakaluskos sa labas ng pintuan ng kanilang quarters. Tago ang lugar nila kaya’t kung may dadaan man ay kalimitan ay kakilala nila o di kaya ay may sadya sa kanila. Sumilip siya sa salamin ng pintuan na may kurtina at nagulat siya ng bahagya. Nakatingin si LA sa kanilang pintuan na tila nag iisip kung kakatok o hindi. Kumatok nga ito.“ Tao po!”Nag aatubili man ay sinagot ito ni Ben. Pinilit niyang baguhin ang boses para hindi siya makilala ng dating kasintahan.“Bab..bakit po? Halos mapiyok si Ben sa pagsagot.Nagulat bahagya si LA sa boses ng sumagot sa kanya. Parang naipit na palaka ang boses nito.“Magandang hapon po. Mawalang galang na po. Eh may nakaparadang mga bisikleta dito. Puwede po bang mahiram ang isa? Maglilibut libot sana ako. Ako po pala si LA, yun writer.”Saglit na nabigla si Ben. Hindi ito marunong mag bisikleta at kahit ilang beses niya itong turuan ay hindi matuto tuto. Hirap itong bumalanse.“Paanong…? Eh, pr
Hindi ko namalayan nakatulog ako sa aking kina uupuan. Mabuti nalang at tagung tago ito na sulok at madilim kahit tag araw ngunit masisilayan ko pa rin ang bintana ni LA. Sarado na ang bintana nito. Marahil ay natutulog na siya. Sumakit ng bahagya ang aking likod at leeg sa ganoong posisiyon ng pagkakaupo. Saglit na nagnilay nilay ako. Lumabas ako ng studio para maglakad lakad. May ilan ilang nagsisihanda na ng segment para sa early morning show. Napaupo ako sa isang silya. Kinapa ko ang aking bulsa sa jeans at nakita ko ang aking kaha ng yosi. Saktong may tatlo pang laman iyun. Nagsindi ako napa isip habang naghihitit ako. Kada buga ko ng usok na galing sa aking baga ay may ilang ala ala ang biglang sumagi sa isip ko na nagpagabag ng aking kalooban.Nitong nakaraang taon lamang, ilang buwan bago kami mag hiwalay ni LA ay may gulong nangyari. Nahuli kami ni Kath sa akto ni Toni na nagniniig sa sala ng bahay ko. Nakalimutan ko I lock ang pintuan kaya’t hindi namin namalayang pumasok si
Madaling araw at hindi madalaw si Ben ng antok. Isang linggo na ang dumaan at hindi pa rin siya nagpapakita o dumalaw man lang sa quarters ni LA. So near yet so far. Yan lagi ang sambit ni LA sa kanya nuon. Magkalapit lamang kami ng tinitirhan – nasa Antipolo lamang siya at ako ay nasa boundary ng Taytay at Pasig. Wala pang 20 minutes ay nasa bahay na niya ako ngunit kahit kelan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya nuon. Nuong dito pa siya sa Pasig ay hanggang gate lamang ako. Bakit nga ba? Siguro mas sanay ako na tinatago ako. Fetish ko ata ang laging third wheel. Mas exciting sa akin ang babaeng taken na or may asawa. Siguro kasi nasanay ako kay Merlie. Sa biglang pagsagi ni Merlie sa isip ko ay bigla akong na tense. Kumuha ang yosi at nagsindi. Si Merlie. Ang kauna unahang babae sa buhay ko.Bata pa lamang ako nuon ng ipakilala niya sa akin ang mundo ng kahayukan. Naalala ko nuon, para akong naka hit ng homerun sa unang gabi na tinuruan niya ako ng sex. Kagagaling lang namin nu
Sa ilang taong pamamalagi nila sa Bicol ay hindi sila nabiyayaan ni Oliver Jules ng anak. Nagkaroon ng depresyon si Oliver ng malaman niya a doctor na mahina ang kanyang semilya at walang kakayanang magkaanak. Nanghina din si Katherine sapagka’t nais niya maging isang ina. 40 years old na sila pareho ni OJ at nag aalala siyang magiging delikado ang magbuntis siya. Napag usapan nila ang mag adopt ngunit nagdalawang isip sila ukol dito. Sumangguni sila sa isang espesyalista para magbuntis siya ngunit nangangailangan ng malaking pera. Nang nagka pandemya ay lumala ang depresyon ni OJ. Naging sumpungin ito at nawalan na ng ganang magtrabaho laya’t nag resign ito bilang pulis. Pinalad naman na si Kath ay nagpatuloy ang kaniyang pagtuturo online. Tumanggap din siya ng ibang sideline sa online para makatawid sa pang araw araw nilang mag asawa. Kahit hirap ay pumupunta sila mag asawa sa hospital para ipa check si OJ. Sa lahat ng unos na dumating sa kanilang mag asawa ay nalampasan nila hang
Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng matanggap ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath. Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya. “Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger. “Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla. “Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na bini