Share

Johnny Bravo

Sino ba si Katherine Cabrera-Jones? Gaano ba sya ka espesyal sa akin? Tanda ko pa taong 1996 nuong si nanay ay pumunta sa Hongkong para maging domestic helper. Maaga kaming naulila sa ama, nasa dalawang taon lamang ako. Madami kaming pinagdaanan na hirap na mag anak at makailang beses na din kaming iniwan ni nanay para lamang mabuhay kami. Hindi na siya matanggap sa Japan sapagka’t overage na daw siya.

Tanda ko pa iyak ng iyak ako nuon. Limang taon pa lamang ako. Walang magawa si ate Pam kundi ang amu in ako habang pinupunasan niya ng malamig na tubig na may alcohol si ate Ger. Nilalagnat na naman si ate Ger. Labing dalawang taon na si ate Ger at si ate Pam ay labing anim. Kami lang tatlo sa bahay. Dalawang taon na si nanay si Hongkong at umuuwi siya tuwing pasko lamang at isang linggo lamang mamalagi sa amin. Nakatira kaming magkakapatid sa Mahogany Street sa Pasig. Simula ng umalis si nanay ay naging ina at ama namin si ate Pam. Karamay namin ang mga kapitbahay namin na tumutulong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status