Sino ba si Katherine Cabrera-Jones? Gaano ba sya ka espesyal sa akin? Tanda ko pa taong 1996 nuong si nanay ay pumunta sa Hongkong para maging domestic helper. Maaga kaming naulila sa ama, nasa dalawang taon lamang ako. Madami kaming pinagdaanan na hirap na mag anak at makailang beses na din kaming iniwan ni nanay para lamang mabuhay kami. Hindi na siya matanggap sa Japan sapagka’t overage na daw siya. Tanda ko pa iyak ng iyak ako nuon. Limang taon pa lamang ako. Walang magawa si ate Pam kundi ang amu in ako habang pinupunasan niya ng malamig na tubig na may alcohol si ate Ger. Nilalagnat na naman si ate Ger. Labing dalawang taon na si ate Ger at si ate Pam ay labing anim. Kami lang tatlo sa bahay. Dalawang taon na si nanay si Hongkong at umuuwi siya tuwing pasko lamang at isang linggo lamang mamalagi sa amin. Nakatira kaming magkakapatid sa Mahogany Street sa Pasig. Simula ng umalis si nanay ay naging ina at ama namin si ate Pam. Karamay namin ang mga kapitbahay namin na tumutulong
Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng ma receive ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath.Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya.“Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger.“Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla.“Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na biniro
Quezon City, WBC Compound Shooting Prep I am In-love to a Womanizer September 2024 4:00am “Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento. “Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben. “May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss. “Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben “Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms
“Oh, hi Miss Anne! My, you’re beautiful!” Very enthusiastic na bati ng director ng tv series kay Liezel sabay halik sa magkabilang pisngi. “Call me LA for Liezel-Anne. Anne is my second name. Director Jason Magnaye, right?” Humalik din si LA.“Oh, just like your main character, she’s also named Liezel. So, LA, it is. And this is Ms. Olga Figueroa, ang batikang writer ng pinilakang tabing.” Ipinakilala si LA sa isa pang writer. “Nice to meet you, Ms. Olga.” Ramdam ni LA ang kaplastikan ng writer habang yumakap at humalik din sa kanyang pisngi ngunit kailangan niyang magkunwaring nagagalak. After all, hindi lahat ng writers nabigyan ng ganitong break. “I read your work and I sincerely say, I loved it. Isa siyang ordinaryong love triangle pero may puso. May pinaghuhugutan ka ba nito?” Tanong ni Olga sa kanya. “Lahat naman tayong mga writers may certain inspiration tayong pinahuhugutan, di po ba?” Walang ganang sumagot si Liezel ngunit nakangiti ito. Kinailangan niyang mag stay sa set
“Ms. LA, sina Tiffany Moras at Edward Cruz ang magpo portray ng role ni…also Liezel? Liezel din po name ni main character?” Bahagyang nalito si Liz habang hawak nito ang script. “May problema tayo sa name na Liezel, Liz? Anne ang pen name ko, remember? And people call me LA.” Medyo naiirita si LA sa reaksyon ni Liz. “Of course, Ms. LA, sorry. So as I was saying sina Tiffany at Edward ang gaganap na Liezel and Benedict. And later si Magda Victorino naman ang magpo portray ng role ni Katherine. Mamayang gabi na ang start ng shoot.” Kinabahan saglit si LA. “A..anong scene ba mamaya?” “Yung nasa chapter 1 po. Yung mag iinuman sila Benedict, Rick at Jeck. Bale makikipag coordinate po tayo mamaya ke Eric, yun assistant ng me ari ng Exfinite Visual Company. Yung in charge sa props.” “Uhm, pwede bang tingnan ko yung mga gagamitin nilang props mamaya?” Tanong ni LA. “Sige po. Eto na pala si Eric.” Saktong naglalakad si Eric palapit sa kanila. “Eric, si Ms. LA. Yung writer. Sya din magsus
Excited na lumabas ng kuwarto niya si LA. Nakalimutan niya ang oras sapagka’t biglang naging abala na siya sa pagsusulat ng script. Pati hapunan ay nakaligtaan na niya. Naalala niya nuong sila pa ni Ben ang hilig niyang kumain nuon kaya’t ang taba niya. Iyun ata ang isa sa dahilan kung bakit siya iniwan. Sumagi na naman sa isip niya si Ben. “Kailan ba ako makaka move on?” Tanong nito sa sarili. Dali dali siyang lumabas ng kuwarto. “Saan ang shoot?” Tanong nito sa isa sa mga tao sa set. ‘Straight lang po tapos kaliwa.” Turo sa kanya ng isang lalakeng may dalang martilyo. “Salamat po.” Bitbit nita ang kanyang thermos at napatakbo na siya. Pagka liko niya pakanan ay nagsimula na ang shoot. Nagulat siya sa set up ng lugar at biglang may lungkot na sumalubong sa kanya. Ang lugar na pag iinuman ng kanyang karakter na sina Benedict, Kuya Rick at Jeck ay napakapamilyar sa kanya. Gabi ang setting. Kuhang kuha nila ang lugar pati, ang ambiance at pati ang bahay. Ang mesa na laging binababa
Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold. “Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero. “Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga
Isang content writer si LA sa Ortigas. 30 years old, tubong Pasig din at kasama niya sa bahay ang mommy niya, ang kapatid na babae at ang pinsan niyang babae. Simula ng nawala sa sakit na cancer ang ama nila sampung taon na ang nakaraan ay tulong tulong silang mag ina para ipagpatuloy ang buhay. Wala siyang panahon sa pag ibig pagka’t focus siya sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Nuong dumating si Ben sa buhay niya, lahat ay nabago. Nagkaroon siya ng inspirasyon at lalong bumuti ang takbo ng buhay niya. Sabi nga niya, lucky charm niya si Ben. Magka edad sila at si Ben ang unang nakarelasyon ni LA. Masasabing medyo may pagka boring ang buhay ng dalaga at ang binata lamang ang nagbigay ng kulay ng kaniyang mundo. Sa 3 and a half years nilang magkasintahan, hindi ito masasabing perpekto sapagka’t may mga panahong hindi siya binibigyan ng panahon ni Ben. Iniisip niyang siguro naniniguro lamang ang isa sapagka’t umiiwas siyang magkasakit ng covid kaya puro sila video call na lamang o di