Share

Kabanata 24

Kabanata 24

Housewife

NANG makauwi kami ng umagang iyon sa mansyon. Hindi matanggal tanggal ang malaking ngiti sa mukha ni Tyson. Hawak niya pa ang isang kamay ko habang nagd-drive. Kaya minsan, napapa-irap na lang ako sa ere at napapangisi rin dahil bakas na bakas talaga sa mukha ng damuho na masaya siya sa naging desisyon ko mag-retiro sa Zeus Club.

"So... what's your plan now?" pagbubukas ni Tyson ng usapan habang kumakain kami ng agahan ng araw na iyon. Binigyan ko siya ng tingin habang ngumunguya at kunwari pa'y nag-isip ng isasagot.

"Hmm... dito lang siguro ako pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng panibagong trabaho?" Pabalang kong sagot.

Nagsalubong agad ang dalawa niyang makapal na kilay at saka nagsalita. "You mean you will find another job again?" klaro niya at ang kaninang masaya niyang mukha ay nanumbalik na naman sa pagiging ma-asim.

Tipid ko siyang tinunguan bago ibaba ulit ang tingin sa pagkain ko.

Iyon ang nabuo kong plano kasama ng ideya kong pagreretiro
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status