"Ginagawa nilang baboy ang mga babae? Ginagawang breeder? Ang kapal ng mukha nila!" Hiningal ako sa hindi birong galit na nagpasikip sa aking dibdib. Sobra na talaga ang kasamaan ng mga tao. "Narinig ko na ang illegal industry ng internal organs. May iilan na sadyang ibinibenta ang laman-loob nila para magkapera. Pero ang pilitin ang isang babae na magkaanak para sa ganoong layunin, mas masahol pa sa hayop ang mga taong iyon."Hinawakan ni Irland ang kamay ko at minasahe ang bahagi na itinuro rito ni Yanixx dati para mapakalma ako. "Ano'ng plano ninyo ni Yanixx? Hindi pwedeng si Kizaya lang ang ililigtas ninyo mula sa sindikato. Humingi na kayo ng tulong sa national office." "Yanixx is working on it. But we can't do it openly. Oras na malaman ng grupo na kumikilos kami, baka tulad ni Kizaya ay ide-despose rin nila ang ibang mga babaeng hawak nila. Sa ngayon, nakiusap ako sa hospital na ipakalat na tumakas si Kizaya para mawalan sila ng lead. The hospital also took the initiative to
Alas-singko pa lang ng umaga'y maingay na ang buong kabahayan. May pasok ang mga bata at inaasikaso ni Yanixx sa loob ng banyo, habang ako ay naghahanda ng maisusuot nila. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan ang kulitan ng mag-aama at ang matinis na hiyaw ng mga bata. Iniwan ko na sa kama ang mga damit at binalingan ko naman ang school bags nila. Sinilip ko ang mga gamit sa loob at kung walang kulang. "Careful," paalala ni Yanixx habang palabas silang tatlo sa banyo. "Mama!" Yumapos sa akin si Vince at sinadyang isubsob ang mukha sa aking tiyan. "Doon muna kayo at magpatuyo ng buhok," itinuro ko ang gawi ng dresser. Tinangay sila roon ni Yanixx at binlow-dry ang buhok ng dalawa. Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay tinulungan ko silang magbihis. Lumabas kaming apat ng kuwarto at nagtungo sa dining area. Nakapaghain na ng breakfast si Mama. May naka-ready na ring lunch box para sa mga bata. "Sit down now and behave while taking your food, alright?" Yanixx pulled chairs for the
Matiwasay naming nailagak si Lolo sa kaniyang huling hantungan. Halos buong ka-baryo namin ang naghatid sa kaniya. Sobra akong na-touch sa pagmamahal ng mga tao. Inabot kami ng dilim sa sementeryo kasi hinintay pa namin na mai-puwesto ang lapida niya. Nakapaloob ang puntod ni Lolo sa museleo na pinagawa ni Yanixx para sa pamilya namin. Doon din nilipat ang mga buto at abo ni Bella pero nasa kabilang side siya. "Mama, where's Lolo going?" inosenteng tanong ni Vince."Pupunta siya sa kinaroroonan ni Mommy Bella. May kasama na si Mommy Bella ni Ate Sofhie.""Okay, and to do that you will sleep inside that long box?" Itinuro ni Vince ang puntod.Nagkatinginan na lang kami ni Yanixx. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag nang mas simple ang tungkol sa kamatayan ng tao para maintindihan ng mga anak namin. Ang alam lang kasi nila'y hindi na nila muling makikita ang mga mahal namin sa buhay pero 'yong konsepto ng kamatayan ay isang hiwaga pa rin para sa kanila na para bang mahabang pagtulog la
Gabi na nang makabalik si Yanixx. Kasama niya si Engr. Irland at halata sa mga mukha nila ang pagod kaya hindi na muna ako nagtanong at hinayaan silang makapagpahinga pagkatapos ng dinner. Bumalik ako sa burol ni Lolo at tinulungan doon si Mama. Katatapos lamang ng misa at kasalukuyan siyang nagliligpit kasama ang mga kapitbahay at ang dalawang katulong namin. Huling gabi na ngayon ng lamay at parami nang parami ang mga tao. Nagdagdag na kami ng mga upuan. Buti na lang may extra pa sa barangay. Naglibot ako at nagpasalamat sa mga tao. "Babe," si Yanixx na sumunod sa akin doon. Hinawakan niya ang kamay ko. Natanaw ko rin si Engr. Irland na pumasok ng kapilya."Do not overdo it, baka magka-cramps ka mamaya," remind ni Yanixx sa akin."Okay lang ako, kumusta ang lakad n'yo kanina? 'Yong babaeng natagpuan ninyo, kumusta siya?""Ligtas na siya. May bantay siya roon sa hospital. Hinihintay ko pa ang resulta ng investigation ng PNP. But initially, she is kidnapped, raped and thrown out aft
On-going ang padasal sa burol ni Lolo, isang linggo ang schedule ng kaniyang lamay bago siya ihahatid sa huling hantungan. Salitan ang mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya sa pagpupuyat. Kung dati ay may sugal, ngayon ay nagbaba ng ordinansa ang lungsod, sa utos na rin ni Yanixx. Pinagbabawal ang pagsusugal sa mga lamay dahil isa iyon sa nakitang medium ng bentahan ng illegal drugs. "Ace, hindi ka pa ba magpapahinga? Hatinggabi na." Lumapit sa akin si Mama."Mamayang kunti, Ma. Tatapusin ko lang po ito." Nag-crochet kasi ako, pinagkaabalahan ko para hindi antukin habang nakabantay sa burol ni Lolo. Gumawa ako ng peepad para sa baby ko. "Ang asawa mo?" "Kasama po niya ang barangay officials, may project yata siya rito sa barangay na gustong i-follow up. Hihintayin ko rin po siya, Ma, bago ako matulog."Tumango si Mama at lumabas ng kapilya. Itinuloy ko naman ang crochet. Maya-maya pa ay natanaw ko si Yanixx na parating. Kausap pa rin niya ang kapitan ng baryo. Napansin ko agad
Hindi ko pa rin ma-internalize na wala na sa amin si Lolo. Nahihirapang mag-adjust ang sistema ko. Naroon lang ako sa ibaba ng bed sa may emergency, yakap ni Yanixx. Ni hindi na umagos ang mga luha ko. Para bang biglang natuyo. Tulala ako. Nakatitig sa bulto ni Lolo na para bang natutulog lang. Hindi ko makita sa mukha niya na nasaktan siya bago binawian ng buhay. Payapa ang kaniyang anyo, kahit nawawala na ang kulay. Si Mama ay nakadakma sa bed, nagpapalahaw ng iyak. Inaalo siya ni Papa. Pero hindi pinapatahan dahil alam ni Papa na imposibleng gawin iyon. May mga hospital orderlies na pumasok para asikasuhin na ang bangkay ni Lolo at dalhin sa morgue sa ibaba. Napilitang bumitiw si Mama. "Let's wait outside,"maingat na sabi ni Yanixx sa akin. Nang subukan kong gumalaw, para bang may napatid sa loob ng puso ko. Kasunod doon ang pagsaklob sa akin ng lahat ng emosyong kanina ay tila nakakandado. Kailangan ko nang humagulgol dahil hindi ako makahinga. "Ang baby natin, hindi matutuwa