"Boys, start moving!" apura ni Mayor kina Nicolo at Keth. "Manong Paul, samahan n'yo kami rito!" Kinambatan niya si Lolo. Hindi ako nakakilos nang lapagan niya ako ng paper plate sa kandungan ko. "Ang Mama mo, Ace?" tanong niya. "Ah...eh...nasa loob po, Mayor. Naglalaga po ng mani." "Puntahan mo, Nico. Yayain mong kumain," utos niya kay Nicolo. Mabilis na tumalima si Nicolo at pumasok sa loob ng kubo. Si Keth naman ay sinalubong si Lolo at binigyan ng paper plate. Pinag-urong din ng silya. Lumapit na rin sa amin si Engineer Irlan at pumuwesto sa tabi ni Lolo. "Keth, tone down the music," utos ni Mayor kay Keth. Agad binalingan ni Keth ang sound system at binawasan ang volume ng tugtog. Nagsimula nang kumain sina Lolo at Engineer Irlan, habang ako ay hawak lang ang paper plate at hindi makapagpasya kung ano'ng dadamputin. May hanging rice, lechon, barbeque na alam kong hindi iyong nakagawian na binibili ko sa lungsod. Mas special iyon. Mayroon ding crabs. Hipon na inihaw, pusi
Terakhir Diperbarui : 2025-07-17 Baca selengkapnya