I DIVORCED THE MAYOR

I DIVORCED THE MAYOR

last updateHuling Na-update : 2025-07-25
By:  AshQian19In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
11Mga Kabanata
93views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Dalawang milyong barya ang kailangan niyang ipunin para mabawi ang nakasanglang lupain ng kanyang mga ninuno. Magtatagumpay ba siya kung ang bawat taginting ng pera ang katumbas ay luha? Sa murang edad ay nalulong si Ace sa pagmamahal ng lalaking hindi niya malayang maipakilala sa publiko. Isinugal niya ang kinabukasan at ang kaniyang pangarap kapalit ang akala niya ay walang katapusang kaligayahan sa piling nito sa isang nakatagong relasyon. Saan sila hahantong kung may batas na nagbabawal sa kanilang pagsasama?

view more

Kabanata 1

Chapter 1 - crush

Katatapos lamang ng graduation rites namin. Nagkakasiyahan pa ang lahat sa malawak na ground ng eskwelahan. Abala ang iba sa picture taking. Samantalang ang iba ay excited sa ball mamayang gabi. Pero ako ay nagkukumahog nang umuwi. May lagnat kasi si Mama at hindi ko naman pwedeng i-asa kay lolo ang pag-aalaga sa kanya dahil pagod ito sa pagtatrabaho sa bukid.

"Saan ka pupunta, Ace? Uuwi ka na ba? Hindi ka a-attend sa ball?" tanong ng kaklase kong si Ana Rose na nagre-retouch ng make-up niya sa loob ng classroom namin.

"May sakit kasi si Mama," sagot kong isinalpak sa loob ng bag ang medals ko at ang black shoes na may takong na suot ko kanina.

Mag-isa kong tinanggap ang award. Ako ang nakakuha sa gantimpala bilang with highest honor sa aming batch. Inasahan ko sana si Papa na dadalo pero hindi siya nakauwi dahil hindi pa sumahod sa construction na pinasukan niya.

"Sayang naman, Ace. Once in a lifetime lang 'to," pangguguyo pa ng kaklase ko.

"Mayroon pa naman siguro sa college, doon na lang ako babawi."

"Iba naman iyon."

Ngumiti lang ako at kumaripas na palabas. Naiiwan ang tanaw ko sa maingay at masiglang ground sa ibaba ng stage. Napapangiti sa masayang tanawin ng tagumpay. Lakad-takbo ang ginawa ko pagdating ko ng kalsada. Mga isa't kalahating kilometro pa kasi ang lalakarin ko bago marating ang barangay namin.

"Ace!"

"Graciela!"

Dagli akong nahinto nang marinig ang tawag ng dalawa kong kaklaseng humahabol sa akin. Hinintay ko sila.

"Uuwi ka na? May ball pa tayo," humahangos na pahayag ni Nicolo.

"Hindi ka ba pupunta?" tanong ni Keth na naghahabol din ng hininga.

Mag-uncle silang dalawa at parehong pasok sa honor roll. Dati silang nag-aaral sa private school sa mainland pero nilipat dito dahil nasangkot sa rambol ng fraternity na muntikan na nilang ikapahamak.

Para silang kape at gatas. Mestizo at maputi si Nicolo. Moreno naman si Keth. Common denominator nila ang hakutin ang paghanga ng karamihan sa mga estudyanteng babae sa school namin.

"Hindi ako pupunta," walang ligoy kong sagot.

Saglit silang nagkatinginan.

"Dahil ba sa akin?" May guilt sa tono ni Keth. Kinukulit kasi ako nito para maging date sa ball.

"Hindi, ah!" agap kong tanggi. "May sakit kasi ang Mama ko at kailangan kong alagaan." Sinulyapan ko si Nicolo. Isa pa 'to. May pa-card pang nalalaman. Malamang hindi alam ni Keth na niyaya rin ako ni Nicolo sa ball.

Pumihit na ako paalis at wala silang nagawa kundi habulin na lang ako nang tanaw. Alam nilang pareho na hindi nila ako mapipilit. Nakatawid ako ng concrete bridge at sinapit ang bahagi ng kalsadang hindi natutuyo ang tubig kahit gaano pa kainit. May butas kasi ang tubo ng tubig na dumadaan doon.

Binagtas ko ang makipot na daan sa gilid para umiwas na mahulog sa naglalawang putik sa gitna ng kalsada. Bahagya akong nataranta nang matanaw ang sasakyang parating. Hindi man lang yata nagpepreno ang driver niyon. Sumabog ang tubig na tinamaan ng mga mabibigat na gulong at sinapol ako nang tilamsik.

Napasinghap ako. Sa sobrang inis ay hindi na ako nakapag-isip nang matino. Nadampot ko ang unang batong nakikita sa aking paanan at ibinalibag ng buong pwersa sa sasakyang humagibis palayo. Inabot ang back windshield at tinamaan. Natutop ko ang nakaawang na bibig.

Lagot!

Huminto ang sasakyan at bumaba ang driver. Nanlaki ang mga mata ko at daig ko pa ang asong bahag ang buntot na tumakbo. Pero hindi rin ako nakalayo. Ni hindi ako nakahanap ng pagtataguan. Hinabol ako ng sasakyan at humambalang iyon sa kalsada. Bumaba ang mga sakay. Napalunok ako. Si Mayor Yanixx Almendras at ang pamangkin niyang kasing-edad lang niya. Si Engineer Irlan Almendras. Lagot na talaga ako.

"You-"

"Kalma lang, Irl!" Inawat ni Mayor si Engineer Irlan. "Babae iyan at...ah...maganda siya." Hinagod ako ng naaaliw na tingin ni Mayor Yanixx habang sinisipat siya ng masamang sulyap ng pamangkin niyang engineer.

"Paano kung pumasok 'yong bato sa loob at tinamaan ka?" nabubuwesit na angil nito at muli akong binalingan.

Suminghap ako at nagsalita para depensahan ang sarili. "Nabasa po ako, Mayor, hindi po kasi kayo nagpreno. May tubig po sa part na iyon, hindi n'yo ba nakita?" Kay Mayor Yanixx lang ako nakatingin. Kilala siyang makamasa at nakikinig nang paliwanag kaya nga noong unang sabak pa lang niya sa election bilang mayor dito sa lungsod ay walang naglakas- loob na kumalaban sa kanya.

Tumango siya matapos akong hagurin muli ng titig niyang ngayon ko lang naranasan mula sa kanya. Naaalala ko ang kinang ng mamahaling vintage wine sa kulay ng kanyang mga mata. Mistula rin iyong lawa ng malamig na lava na dumadaloy. Napalunok ako. Ang guwapo talaga ni Mayor. Ang linis tingnan kahit plain white polo shirt lang ang suot niya at gravel pants. Tumingkad ang branded na relos sa kanyang pulso.

"Charge mo na sa akin ang pagpapaayos ng back wind shield," sabi niyang tinapik sa balikat si Engineer Irlan.

"Kaya kong bayaran iyon," utas ng lalaking nagtatagis ng mga bagang. "Ang concern ko ay ang kaligtasan mo."

Nalipat kay Engineer ang paningin ko. Magkasing-tangkad lang sila. Agressive ang gandang lalaki ni Engineer Irlan at talagang sinusulit nito iyon sa iba't ibang babaeng nauugnay rito hindi pa kasali 'yong patago nitong mga karelasyon.

"I'm fine, just let it go. But take this is as your lesson to drive smoothly next time. Baka hindi na lang windshield ang mabasag sa susunod kundi mga bungo na natin," pabirong pahayag ni Mayor at nag-iwan sa akin ng bahagyang ngiti bago pumasok muli sa loob ng sasakyan.

Napailing na ang engineer at may inis pa rin sa mga mata nang pukulin ako ng sulyap habang pasampa ito sa driver's seat. Sumiksik ako sa tabi at hinatid nang tanaw ang umusad na sasakyan. Papunta siguro sila sa school ko at hahabol sa ball. Dinig kong imbitado si Mayor pero hindi siya nakarating kanina sa program kaya malamang babawi sa ball mamaya.

Huminga ako nang malalim. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw kong maranasan ang dumalo sa ball. Pero hindi ko panghihinayangang palagpasin na muna iyon kung para naman sa Mama ko. Mas importante pa rin siya. Marami pa namang okasyon na pwede kong ma-experience at magiging mas masaya ako kung kasama ko si Mama.

Maliwanag pa nang marating ko ang aming kubo. Nadatnan ko sa bakuran si Lolo na naghihimay ng mga aning monggo at mani. Lumapit ako sa kanya at agad na nagmano.

"Oh, ang aga mo yata? Sabi ng Mama mo may sayawan pa kayo sa school," nagtatakang tanong ni Lolo.

"Hindi po ako dadalo." Pumasada ang mga mata ko sa nakalatag na mga mani. "Ang sarap naman niyan, Lo. Pwede nating ibalot iyan tapos ilalako ko, siguradong maraming bibili."

"Oo ba, magtira lang tayo para sa susunod na ipupunla. Itong monggo, may bumili na kanina."

Nakangiti akong tumango at nagpaalam na. "Tutuloy na po ako sa loob."

"Patingin mamaya sa mga medalya mo!" habol pa niya sa akin.

"Opo," natatawa kong sagot na pasigaw.

Pagpanhik ko sa loob ay ginulat ako ng cake at ice cream na nasa hapag namin. May fried chicken din at spaghetti.

"Wow!" napabulalas na lang ako.

Nagtatawanan sina Mama at Lolo. Ako naman ay hindi malaman kung maiiyak sa sorpresa nila. Kahit gipit kami nag-abala pa rin silang maghanda.

"Nasaan ang medals mo, 'Nak? Patingin kami ng Lolo mo," apura ni Mama sa akin.

Masigla kong kinapa sa loob ng bag ang mga medalya ko at masayang nilatag sa mesa. Walong gold medals ang natanggap ko. Isa-isang tiningnan iyon nina Mama at Lolo. Kitang-kita sa mukha at mga mata nila ang pagmamalaki. Sa kanila pa lang sobrang kontento na ako.

"Oh, kumain na tayo!" Masiglang naglagay ng mga pinggan si Mama. Hindi halatang may sakit siyang kinimkim dahil sa kasiyahang nakabadha sa malawak niyang ngiti.

Hindi matapos-tapos ang kuwentuhan namin habang kumakain. Kinagabihan, habang nagbabalot ako ng mga mani na ilalako ko bukas ay binulabog kami nang pagdating ng mga bisitang hindi ko naisip maski sa panaginip na mapadpad doon sa kubo namin.

Sina Mayor Yanixx, Engineer Irlan, Keth at Nicolo. Dalawang sasakyan ang dala nila. Karga ang portable tables at chairs, portable disco lights at portable music speakers. May mga pagkain din at inumin.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

default avatar
Christine Joy
ang ganda nito...
2025-07-25 11:24:16
1
user avatar
Janice Dagami
Ganda nitong kwento promise. Worth basahin paulit ulit
2025-07-24 22:23:38
1
user avatar
Redink
Highly recommended
2025-07-24 21:20:11
1
11 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status