Share

I Heart You Mr. C.E.O
I Heart You Mr. C.E.O
Author: Bratinela17

Prologue

Naranasan mo na bang mamuhay ng payapa? Yong malayo sa kaguluhan. Walang pino problemang problema, pagkain, damit at bahay. Isa lang 'yan sa pinangarap ng bawat tao, pero ako isa lang ang plano at gusto ko ang maging malaya.

Mula pagkabata kasi hindi ko naranasang mamuhay ng malaya, 'yong bang normal ng mga bata na naglalaro sa labas. Nakikipag kaibigan o 'di kaya naman ay masaya lang. Pinanganak nga akong may ginintuang kutsara sa bibig ngunit hindi naman ako masaya. Malaki at malawak ng ang Mansyong aking nakagisnan ngunit naka kulong naman ako sa apat na sulok ng aming Mansyon. At dahil na rin sa mga un-plan nang mga magulang ko naisipan ko silang takasan ng isang gabing nahihimbing ng natutulog ang lahat at mapapadpad ako sa Manila kong saan ko makikilala si Andrea VillaRuiz, siya ay classmates ko sa University at magiging bestfriend ko at kasama sa lahat nang saya at lungkot.

After kung maka graduate nang College naka pasok kaagad ako sa isang sikat na hotel sa Manila. All though okay naman ang sahod at work loads ko roon ayon nga lang hindi kami magkasama ni Andrea. In 4 years nasanay akong magkasama kami at parang hindi yata ako mabubuhay nang wala siya. Pero wala akong magagawa dahil hindi naman ako naka pasa sa ina applyan niya. Kaya napadpad ako rito sa HGC (Hermoza Group of Company). Dito ko rin nakilala si Dave ang ex-boyfriend ko na ngayon.

Three years akong naging executive assistant at may magandang record, pero sa isang iglap lahat nang 'yon nawala na parang bula.

February 10, 2001 araw nang Sabado. Imbes na break ko ng araw na 'yon, pinapasok lang naman ako ni sir Lance at hindi ko nga alam kong bakit, pero dahil boss ko siya wala akong magagawa.

Pagbaba ko pa lang nang taxi medyo hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko, something strange na hindi ko maintindihan talaga. Dahil color coding ang car ko nag commute muna ako. Papasok na ako nang building at mabibigat na yabag ang ginawa ko. Hindi ko alam bakit imbes na kay sir Lance ang diretso ko, napadpad ako sa opisina nang boyfriend ko kahit alam kong day off naman niya ngayon at kanina lang nagka usap kami at ang sabi niya ina antok pa siya kaya gusto niyang matulog at hinayaan ko na lang muna siya inisip ko na baka nga pagod talaga siya sa trabaho kahapon. Hindi na nga niya ako nahatid sa dami ng workloads na binigay ni sir Lance dito. Hindi ko din alam kong ano bang trip ng boss ko at mukhang pinag-iinitan nito ang boyfriend ko.

Habang palapit nang papalapit ako sa opisina nito gano'n na lamang kabilis ang tibok ng puso ko na 'di ko mawari. Hanggang sa tumapat ako sa harap nang pintuan nito, papasok sana ako nang maalala na may meeting pa pala ko with sir Lance. At ayokong masabon nito ng walang banlaw ngayon. Patalikod na sana ako nang bigla na lang akong makarinig na tila halinghing nang isang babae. Huh! Tama ba ang narinig ko, o sadyang nabingi lang ako. Nanatili pa ako nang ilang minuto hanggang sa narinig ko ang salitang ayaw ko sanang marinig ng oras na 'yon.

"Sh*t!! Dave, f-ck me harder!" tinig ng isang babae tila nasasarapan at parang bomba sa pandinig ko ang mga katagang narinig ko. Kaya para makumpirma talaga kong 'yong Dave ba na nabanggit ng babae at ang boyfriend ay iisa, mabilis akong pumasok sa loob nang opisina nang boyfriend ko at dahil hindi man lang nila ito na-i- lock at mukhang atat na atat lang ang mga walang hiya sa kabababuyan nila. Halos pag sakluban ako nang langit at lupa nang makita mismo nang mga mata ko ang ex-boyfriend ko na ngayon, dahil kahit hindi pa niya alam break na kami. Nakikipag make-out sa maharot na babaeng kasama nito. Halos bukas na ang lahat nang butones nito, habang naka subsob si Dave rito. Para akong nanlamig sa nakikita ko. At hindi ko kinakaya ang eksenang pinapanuod ko. Bull sh*t talagang bang hayok na hayok sila para hindi nila mapansin ang presensya ko.

"Dave?" kunwaring nagulat na wika ko.

"Babe? Akala ko day off mo?" tanong nito.

"Supposedly! Pero, kaya pala si Lord na ang gumawa nang way para makita ko ang lahat. Kailan pa Dave?" sigaw ko.

Dahil speechless ito pinag balingan ko ang babae. "At ikaw naman sobrang kati mo na ba? At nagawa mong ipakamot yan kay Dave, sumagot ka kung ayaw mong tamaan sa'akin." sigaw ko.

"Babe, tama na yan. Pag usapan na lang natin." awat nang talipandas kung ex-boyfriend.

"Dave, ano pang pag-uusapan natin? Kitang kita ko na ang lahat, maliwanag na linoloko mo ko g*** ka!" sigaw ko sabay sampal nang malakas rito at wala akong paki kung masakta siya, dahil mas masakit ang nararamdama ko nang sandaling 'yon.

"At ikaw naman babae ka." wika ko sabay hila nang buhok nito at kinaladkad palabas nang pintuan.

"Let me go! Ano ba," sigaw niya pero wala akong pakialam kahit pag tinginan kami nang ilang taong naroroon.

"Babe, tama na yan. Itigil muna tong kalokohan na 'to. Nakakahiya na masyado, pag usapan na lang natin 'to sa bahay." saway ni Dave.

"Bull s*** ka Dave, kalokohan ba ang tawag mo sa pagtatanggol ko sa sarili ko. At ang kapal mo huh! Nakakahiya ba, 'di sana inisip mo muna 'yan bago ka sumubsob sa dibdib nang hitad na 'to at sana inisip mo rin lahat nang pinag samahan natin at mararamdaman ko bago mo ginawa ang kataksilan mo. Pero sabagay wala palang mas mahalaga sayo kundi yang ba*** mo. G*** ka! Ha*** ka! Mag sama kayo nang babae mo. Hwag na hwag ka nang magpapakita sa'akin." sigaw ko.Saaaa walk-out.

Nakalimutan ko na ang meeting with sir Lance at humingi na lang ako nang pasensya, sinabi kung sumama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakarating.

After the incident happened pinatawag ako ni sir Lance at kinausap ako. Nakarating na pala rito ang eksenang nagawa ko, at ang masaklap pa ang kalandian ni Dave ay anak ni Mr. Dela Cuesta, ako pa ang binaliktad niya. Nakakabadtrip!

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Tanya, alam kung maganda ang record mo for five years, pero galit na galit si Mr. Dela Cuesta sayo at gusto ka niyang sampahan nang kaso. Kaya Tanya, sorry ayaw ko man itong gawin pero maapektuhan ang company ko. You know business is business. Kaya naman-- Hindi ko na siya pinatapos pa alam ko naman na ang gusto niyang sabihin kaya naman inunahan ko na siya.

"I quit sir Lance. Thank you for everything. Send ko na lang sa email mo ang resignation letter ko. Do you need something to tell me sir?" tanong ko.

"Ah! Tanya. Wala na, pero may ibibigay ako sayo." wika nito.

Sabay kuha nang cheque at pinirmahan ito at inabot sa'akin. Binasa ko ang nakasulat 'Three Hundred Thounsands Pesos' so, ano 'to. Binabayaran niyo ako para manahimik? suhol ba 'to?" pabalang na tanong ko. Nakakabastos kasi ako na nga ang agrabyado sa kalandian nang babaeng 'yon tapos pati dignidad ko gusto pa nilang kunin. Ibinalik ko ang pera kay sir Lance.

"No, need sir. Thanks but no thanks." wika ko. "Kung wala na po kayong sasabihin aalis na po ako. Salamat," wika ko. Sabay martsang palabas nang pintuan at taas noong lumabas nang HGC. Hanggang sa huli may ipagmamalaki ako sa'kanila ayon ang dangal ko na kahit kailanman hindi ako masusuhulan nang pera.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status